You are on page 1of 2

AFGBMTS FILIPINO DEPARTMENT | 2022

IKATLONG KWARTER- FILIPINO 10


MODYUL 1
Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika.
(F10WG-lIla-71)

Ang modyul na ito ay inihanda upang matulungan kang unawain ang unang aralin sa
Filipino Baitang 10 at upang malinang ang iyong kasanayan hinggil sa mga pamantayan sa
araling ito.

Performance Task
Sa tulong ng iyong mga kasama sa pangkat, pumili ng isang awitin mula sa Source
Language na INGLES na nais ninyong isalin patungo sa Target Language na FILIPINO gamit
ang Matapat o Sense for Sense na paraan ng pagsasalin.

Tandaan, sa Matapat o Sense for Sense na paraan ng pagsasalin, ang inililipat lamang
mula sa Soucre Language patungo sa Target Language ay ang mensahe o diwa ng isinasalin at
hindi isang salita sa bawat isang salitang pagtutumbas o ang tinatawag na Literal na pagsasalin.

SOURCE LANGUANGE TARGET LANGUAGE

Pagsasaling-Wika

Matapat na Pagsasalin
MGA HAKBANG SA PAGSASAGAWA NG GAWAIN:
1. Pumili ng isang QUOTATION, isang saknong ng TULA at isang CHORUS ng kanta na
nasa wikang INGLES.
2. Isalin ang mga ito mula sa INGLES patungong FILIPINO.
3. Maging maingat sa pagsasalin batay sa mga teknik na aking itinuro sa google meet
maaring maging LITERAL , SANSALITA SA SANSALITA o MATAPAT -batay sa
kahulugan ang salin. Gayon pa man ang kaangkupan nito ang mamarkahan.
4. Siguraduhing hindi kinopya lamang ang salin.

5. Mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas ng bahay at pagsasama-sama ng


magkakagrupo sa pagbuo ng Kolaboratibong Gawain.

RUBRIKS SA PAGMAMARKA
KRAYTERYA PUNTOS

1. Orihinalidad ng salin. 20

2. Matapat ang paraan ng pagsasalin. 20

3. Kaangkupan/ Kawastuhan ng salin. 40

4. Malikhain, naglaan ng panahon sa maayos na paggawa. 20

KABUUAN 100

Inihanda ng mga Guro sa FILIPINO 10

Binigyang-pansin ni: Pinagtibay ni:


SUSANA G. DELACRUZ ROSAURO A. VILLANUEVA, Ph. D.
Ulong Guro VI, Kagawaran ng FILIPINO Punongguro IV

You might also like