You are on page 1of 2

West Visayas State University

Lambunao Campus
College of Education
Lambunao, Iloilo

FIL-ED 210 – Introduksiyon sa Pagsasalin


Aralin: Ilang Simulain sa Pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles

GINTORO, ANNA MARY A. CHERRIE MAE R. ALADA


Taga-Ulat Guro

Ilang Simulain sa Pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles

1. Ang bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga taong likas na gumagamit nito. Nakaugat ang
lahat ng wika sa kultura kung kaya’t karaniwan ay hindi natin maisalin nang maayos ang ilan sa mga nasusulat
sa Ingles sa ating sariling wika buhat na ito ay nakaugat sa kulturang dayuhan.

2. Ang bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging kakanyahan. Higit na mayaman ang wikang
Filipino sa paglalapi samantalang ang Ingles naman ay sa mga idyomatikong ekspresyon na nagbibigay sa kanila
ng kanilang mga kakayahan.

 Filipino = (simuno + panaguri)

(panaguri + simuno)

 Ingles = (simuno = panaguri)

3. Ang isang salin upang maituring na mabuting salin ay kailangang tanggapin ng pinag-
uukulang pangkat na gagamitin. Ito ay maituturing na mabuting salin kung ito ay tinanggap ng mga target
na mambabasa sapagkat nailahad nito ang diwa ng isinaling akda gayundin ang pagiging angkop nito sa
antas ng pangkat ng tao.

4. Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino na kasalukuyang sinasalita ng bayan. Kailangan


ang pagkakaroon ng pagbabago sa ating wika at ang paghihiram ng mga salita sa wikang Ingles.

5. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga pormula na masasabing establisado o unibersal
na ang gamit ay hindi na kailangang baguhin pa upang umayon sa baybay ng katumbas sa Filipino.
Sinusunod ng nakakarami ang unibersal at establisadong akronim o daglat upang hindi magdulot ng
kalituhan at kaguluhan sa mga mambabasa.

Halimbawa:

 UNO (United Nations Organizations) – sa halip na Samahan ng mga Bansang Nagkakaisa.


 cm. (sentimetro) sa halip na sm (sentimetro)

6. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang matatanggap na panumbas sa isang salita ng
isinasaling teksto, gamitin ang alinman sa mga ito at pagkatapos ay ilagay sa talababa
(footnote) ang iba bilang mga kahulugan. May mga pagkakataon na kung saan ay mayroong mga
panumbas na magkasingkahulugan at kung sakaling ito ay mangyari, ilagay ito sa talababa.

Halimbawa: Rooster – tandang/ tatyaw (Rooster – tandang1)

7. Laging isaisip ang pagtitipid ng mga salita. Dapat na maging malimit ang tagapagsalin sa paggamit
ng salita sa pagsasalin ng wika.
1
Tatyaw
West Visayas State University
Lambunao Campus
College of Education
Lambunao, Iloilo

FIL-ED 210 – Introduksiyon sa Pagsasalin


Aralin: Ilang Simulain sa Pagsasalin sa Filipino mula sa Ingles

GINTORO, ANNA MARY A. CHERRIE MAE R. ALADA


Taga-Ulat Guro

Halimbawa:

1. Ingles: The guest arrived when the program was already over.
 Di-Tipid: Ang panauhin ay dumating kung kalian tapos na ang programa.
 Tipid: Tapos na ang programa nang dumating ang panauhin.

2. Ingles: Carry on the shoulders


 Di-tipid: Dadalhin sa balikat
 Tipid: Pasanin

8. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang salita kapag ito ay nagiging bahagi ng
pangungusap. Kinakailangan na tukuyin ang diwa ng salita sa loob ng isang pangungusap upang higit
na maunawaan at maging tiyak ang ibig sabihin nito.

Halimbawa:

 Umiyak ang bata – child


 Bata pa siya – young

9. May mga pagkakataon na ang mga tahasang pahayag sa Ingles ay kailangang gamitan ng
eupemismo sa Filipino upang maging maganda sa pandinig. Umuusbong ang problema sa pagsasalin
tuwing ginagawang tahasan ang pagsasalin na nagdudulot ng kalaswaan sa pandinig at tuwing tahasang
sasabihin sa Filipino.

 Infidelity – sumakabilang-bahay (pagtataksil sa asawa)


 Thief - malikot ang kamay

10. Mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasaling-wika ngunit hindi dapat magpaalipin dito.
Kalimitan ay hindi natin matagpuan ang kahulugan sa diksyunaryo kung kaya’t kailangan nating gumamit ng
kahulugang nakabatay sa konteksto at hindi literal na kahulugan mula sa diksyunaryo. Laging tandaan na sa
pagsasaling-wika, nasa mga kamay at isip ng tagapagsalin ang ikagaganda ng kanyang isinalin.

You might also like