You are on page 1of 2

Pagsasanay #2

*Magsanay Tayo!
I. Sundin ang hakbang sa pagsasagawa ng isang pagsusuri tungkol sa baraysyon ng wika.

1. Magbasa at magsaliksik ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng “Mahal


Kita” sa iba’t ibang wikain.

- Arabic - Ana Ahibuk (‫)احبك انا‬ - Indones - Aku Mencintaimu


- Espanyol - Te Quiero - Aleman - Ich Liebe Dich
- Pranses - Je T’aime - Biyetnames - Tôi yêu em
- Koreano - Saranghaeyo (사랑 해요) - Mandarin - Wǒ ài nǐ (我愛你)

2. Magbigay ng 5 dayalekto sa Filipino salitang MAHAL KITA.

- Naila ako sa imo (Masbatenyo)


- Anlabyen ka ta (Sambali)
- Iddu ta ka (Ibanag)
- Angganma cu ica (Gaddang)
- Laylaydek sik-a (Kankan-ey)

3. Magsagawa ng pagsusuri sa pagkakatulad ng mga salitang ginamit.

- Base sa aking pagsusuri, ang bawat salita ay may kaugnayan sa salitang ugat
ng “mahal” ng kanilang sariling wika o dayalekto. Lahat ay nababase sa
kanilang kultura.

4. Magsagawa ng pagsusuri sa pagkakaiba ng mga salitang ginamit.

- Bukod sa magkakaibang salita ay nagmula ang mga ito sa sarili nilang lugar at
iba-ibang bigkas at tono yung paano ito sabihin.

5. Paano ginamit ang panlapi?

- Maaring ilagay panlapi sa una (unlapi), gitna (gitlapi) o huli (hulapi) ng isang
salita. Sa wikang Ingles, halos walang totoong gitlapi at matataguan lamang ito
sa iilang kolokyal na pananalita at terminolohiyang teknikal. Karaniwan
matatagpuan ang gitlapi sa ibang mga wika tulad ng mga wikang
Amerikanong Indiyano, Griyego at Tagalog.

6. Bumuo ng kongklusyon pagkatapos ng pagsusuri.

- Lahat tayo ay may iba-ibang paraan kung paano makipag-usap at ipahayg


ang saloobin, iba-ibang wika sa iba’t ibang lugar. Ngunit hindi ito hadlang
bagkus ay maaaring magbuklod sa atin, at makatulong sa pag-unlad ng isang
bansa.
7. Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsusuri.

- Mahalaga ang pagsusuri dahil ito ay ang pag-unawa sa konteksto ng


binabasa o sa mga salita ayon sa kahulugan nito. Ito rin ay para makapag-
bigay ng sariling saloobin, kung sang-ayon o di sang-ayon sa pahayag.
Pinapalawak nito ang ating isip at paniniwala at nakakapagpataas ng uri ng
panlasa sa mga babasahin.

8. Bakit kailangang alamin ang baryasyon ng wika sa Pilipinas?

- Upang tayo ay may kamalayan sa ibang kultura na mayroon sa ating bansa at


palawigin ang ating kaalaman, maging maalam at matutong makipag-ugnay
sa kanila.

9. Sa iyong palagay, nagkaroon ba ng pag-unlad at pagbabago sa wikang


Filipino, base sa mga nasaliksik ng mga salita?

- Opo, dahil ang wikang Filipino ay saling salita na nagmula sa iba’t ibang
lengguawe tulad ng Tagalog at Ingles. Ito bata pa at patuloy na umuunlad sa
paglipas ng panahon. Patuloy itong nadaragdagan ng mga bagong
salitang naiimbento.

10. Kuhanan
ang sarili na binabanggit ang mga salitang nasuri at ipahayag ang
naging dating sa ‘yo.

- Naninibago ako lalo’t bago sa akin ang iilan sa mga salitang ito ngunit mas
lalo akong naging interesado sa iba’t ibang wika at dayalekto. Tila maganda
ito sa pandinig lalo na’t may kaaya-aya rin itong kahulugan na siguradong
magugustuhan ng pagsasabihan nito.

You might also like