You are on page 1of 5

KPWKF

https://docs.google.com/presentation/d/1Vk2VpAoydmIchIsts6nsjmRuAkpRfe7Y/
edit?usp=sharing&ouid=107109341930086773300&rtpof=true&sd=true

Kahulugan at Katangian ng Wika

*Ang wika ay napakamakapangyarihan kaya’t ginulo ng Panginoon ang wika ng mga tao.
Patunay nito ang pagtutulungan ng mga tao sa pagbuo ng tore ng babel upang maabot ang
langit.*

Wika
- Language sa Ingles
a. Hango ang language sa mga salitang lingua(Latin) o lengua(espanyol)
1. Nangangahulugan ang dalawa ng “dila”
Archibald V. Hill
“Ang wika ang pangunahin at pinakaeleboreyt na anyo ng simbolikong gawaing
pantao.”
1. Elaboreyt
- Komplikado o detalyado
2. Simboliko
- binubuo ng mga simbolo
a. Pasulat
- Titik
- Ortograpiya (sining sa tamang pagsulat ng mga salita alinsunod sa gamit
nito)
b. Pasalita
- tunog
c. di-berbal
- Kilos o galaw
3. Pantao
- Ang mga tao ang pinakamahusay sa paggamit ng wika
- Nagagamit ng mga tao ang wika sa:
a. Paglalarawan
b. Pagsasalaysay
c. Pangangatwiran
d. Paglalahad

Webster
“Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng
pasulat o pasalitang simbolo.”

- Ang komunikasyon ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa


pamamagitan ng mga simbolong berbal o di-berbal.
Emmert at Donaghy
“Ang wika ay sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra
na iniuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipahatid sa ibang tao.”

Halimbawa:
1. Aray ang sakit!
2. *nakakita ng aso* Ang cute naman nya.

Paz, Hernandez, at Peneyra


“Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o
pangangailangan natin.”

Halimbawa:
- Paglalahad ng pag-ibig sa panliligaw
- Paglalahad ng mga kahilingan sa mga political rally

Henry A. Gleason
“Masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.”

1. Ang wika ay masistemang balangkas


- Sistematikong nakaayos ang wika sa isang tiyak na balangkas
a. ponema>morperma>pangungusap>diskurso
● Ponema
- Pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog: Ponemang
segmental at ponemang suprasegmental
- Ponolohiya- pag-aaral ng tunog
● Morpema
- Pinakamaliit na yunit ng salita: salitang ugat, panlapi, at
morpemang ponema
- Mayaman ang wikang Filipino sa paggamit ng panlapi
sapagkat ito ay may tatlong uri: unlapi, gitlapi, hulapi
- Nagagamit rin ang mga panlapi sa wikang Filipino para
gawing pandiwa ang isang pangngalan
Halimbawa: ilaw-inilawan , walis - walisan
- Morpolohiya- pag-aaral ng morpema

● Parirala, Sugnay, o Pangungusap


- Nabubuo sa pag-uugnay ng mga salita
- Sintaksis - pag-aaral ng pangungusap
● Diskurso
- Makabuluhang palitan ng pangungusap ng dalawa o higit
pang tao

- Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog


2. Ang wika ay sinasalitang tunog
- Hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may may
kahulugan
- Ang mga salitang makahulugan ay nalilikha sa tulong ng mga aparato tulad ng
● Enerhiya - pinanggalingan ng lakas: baga
● Artikulador - pumapalag ng bagay: babagtingang tinig o larynx
● Resonador - tagabago ng tunog: bibig o guwang ng ilong
3. Ang wika ay pinipili at isinasaayos
- Wikang interaksyonal ang ginagamit upang mapanatili ang relasyong sosyal. Ito’y
para rin makapagpahayag ng anumang paksa sa paraang magalang at katanggap-
tanggap
● Estilong Politically Correct: para iwasan ang mga terminolohiyang
maaring makasakit sa isang partikular na grupo
- Halimbawa: itim - african
● Pagpapalambot ng salita: para mapalambot ang mga pahayag na diretso
na minsa’y nakakasakit. Kadalasang magagamit sa mga utos.
- Halimbawa: Pakikuha naman ng aklat na iyan
● Pahayag na diplomatiko: para maiiwasan ang pagbibigay-diin sa sarili lalo
kapag nagsasalita sa harap ng madla
- Halimbawa: Kaya ko ito. - Kaya natin to.
4. Ang wika ay arbitraryo
- Pangkat din ng mga tao ang lumilikha o humuhubog sa wika.
- Pangkat ng mga tao ang nagtatakda ng mga tuntunin sa paggamit ng wika.
- Pinagkasunduan nila ang kahulugan ng mga kataga, salita, pahayag, at iba pa sa
kanilang wika.
- Ang bawat bansa ay may kanya-kanyang pambansang wika

5. Ang wika ay ginagamit


- Kasangkapan sa komunikasyon
- Ang wikang hindi ginagamit ay namamatay
- May kakayahan ang tao na makapag-aral ng 2 o higit pang wika
6. Ang wika ay nakabatay sa kultura
- Nagkakaiba-iba ang wika dahil nagkakaiba-iba rin ang kultura ng bawat bansa o
ng mga pangkat
- May mga salita sa isang pangkat na may maraming terminolohiya para sa isang
bagay kahit ang isa pang pangkat ay may isa o kaunti lamang ang salin para dito:
ito ay dahil sa kakaibahan sa kultura.
Halimbawa: Ingles: rice
Filipino: bahaw, bigas, sinaing, palay, tutong, kanin

Ingles: snow, glacier, ice. Frost, iceberg


Filipino: nyebe o yelo
- May mga pahayag din ng isang wika ang hindi kayang direktang isaling sa isa
pang wika; ito ay dahil rin sa kakaibahan sa kultura.
Halimbawa: as white as snow - busilak sa kaputian

7. Ang wika ay nagbabago


- Ang wika ay palaging magbabago
- Ang wikang hindi nagbabago ay maaring mamatay
- May mga salitang nadadagdag dahil sa pagkamalikhain ng mga tao
Halimbawa: salitang balbal, wikang kabataan, gay lingo, Pinoy Dyokosyonaryo
ni Ferdinand Aguas

- May mga salitang nadadagdag dahil sa pagbabago ng agham at teknolohiya.


Halimbawa: CCTV, JPEG, GIF, PDF
- May mga salitang nagkakaroon ng bagong kahulugan sa pag-usad ng panahon.
Halimbawa: Tablet(batong may mga sulat na ginamit ng lumang sibilisasyon)
Tablet(isang uri ng gamot)
Tablet(isang uri ng gadyet)

You might also like