You are on page 1of 4

KATANGIAN NG WIKA

1. Masistemang Balangkas
- Ano mang wika sa daigdig ay sistematikong nakasaayos sa isang tiyak na balangkas.

- Ponema ang tawag sa makahulugang tunog.


- Ponolohiya (palatunugan) ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga ponema.

- Morpema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng salita.


- Morpolohiya (palabuuan) ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga morpema.

- Sintaks (palaugnayan) ang tawag sa makaagham na pag-aaral ng mga pangungusap.


- Kapag nagkaroon na ng makahulugang palitan ng mga pangungusap ang dalawa o higit pang
tao ay nagkakaroon na ng tinatawag na diskors.

- Patunay:
- kataga
- gamit ng katinig at patinig sa pagbuo ng salita (PK, KP, KPK, KKP, KPKK, KKPK, KKPKK)
- gamit, ayos at anyo ng pangungusap (nauuna ang simuno sa panaguri o ang panaguri sa
simuno).

2. Sinasalitang Tunog
- Ang wika ay nabubuong tunog sa pamamagitan ng sangkap ng pagsasalita tulad ng labi, dila,
ngipin, ngalangala, babagtingang tinig at iba pang bahagi ng speech organ o mga bahagi ng
katawan sa pagsasalita ng tao.
- ito ang mga tunog na nalilikha ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging
nanggagaling sa baga o ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya, nagdaraan sa pumapalag
na bagay na lumilikha ng tunog o artikulador at minomodipika ng resonador.
- Masasabing ang wika ay wikang sinasalita, ang mga nakasulat na mga salita ay larawan o
simbolo lamang ng wikang ginagamit.
- Sa tao, ang pinakamakahulugang tunog na nalilikha natin at kung gayo’y kasangkapan ng
komunikasyon sa halos lahat kung hindi man sa lahat ng pagkakataon ay ang tunog na sinasalita.

3. Pinipili at Isinasaayos
- Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin upang tayo’y maunawaan ng
ating kausap.
- Kailangang isaayos natin ang paggamit ng wika upang maging epektibo naman ang ating
komunikasyon.

4. Arbitraryo
- Ang bawat komunidad ay nakabubuo ng mga sariling pagkakakilanlan sa paggamit ng wika na
ikinaiiba nila sa iba pang komunidad, bawat indibidwal ay Nakapagpapaunlad din ng sariling
pagkakakilanlan sa pagsasalita na ikinaiiba niya sa iba pa, sapagkat bawat indibidwal ay may
sariling katangian, kakayahan at kaalamang hindi maaaring katulad ng sa iba.
- Ang wika ay pinili at isinaayos ang mga tunog sa paraang pinagkasunduan sa isang pook o
lugar.
- Ang pagbabagong naganap ay dala marahil ng impluwensya ng ibang bansang naging kaugnay
ng isang bansa dahil sa pampulitika, panlipunan o pang- ekonomiyang karanasan.
- Halimbawa:
TAGALOG - baliktad
PAMPANGA - baligtad
PANGASINAN - baliktar
AKLAN - baliskad
WARAY - balkad

5. Ginagamit
- Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at kailangan na patuloy itong ginagamit.
- Kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay unti-unting mawawala at tuluyang mamamatay.
- Halimbawa: Latin Language (patay na wika / wikang stagnant)

6. Nakabatay sa Kultura
- Ang pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at mga pangkat ang nagpapaliwanag kung
bakit may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika sapagkat wala sa
kultura ng ibang wika ang kaisipang iyon ng isang wika.
- Nakikilala ang kultura ng isang tao ayon sa kanyang wikang ginagamit.
- Sa pamamagitan ng wika, nakakaalam at nagkakaugnayan sa pamumuhay, saloobin, tradisyon,
mithiin at paniniwala ang mga tao.
- Halimbawa: "ice formations"
Filipino: yelo at niyebe
Ingles: "glacier", "icebergs", "forz", "hailstorm" at iba pa.

7. Dinamiko / Nagbabago
- Hindi ito maaaring tumangging magbago.

- Ang isang wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo (Hal.: salitang balbal
o pangkabataan)
- May mga salitang nagkakaroon ng bagong kahulugan. (Hal.: orihinal at bagong pakahulugan ng
salitang bata)

- Ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang pamumuhay ng tao ay nagbabago din dulot
ng agham at teknolohiya.
- patuloy na lumalawak ang talasalitaan ng wika kaya kailangang mabago rin ang ortograpiya at
alfabeto maging ang sistema ng palabaybayan.
*ALIBATA (17) ABAKADA (20) ABICEDARIO (31) ALPABETO (20+8) ALFABETO (28)

8. May Antas
- Ang wika ay nahahati rin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kaantasan nito.
- Kung tutuusin, ang antas ng wikang madalas ng ginagamit ng isang tao ay isang mabisang
palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-panlipunan siya nabibilang.

A. PABALBAL (Slang) - pinakamababang antas ng wika - mga salitang ginagamit umano ng


walang pinag-aralan - mga salitang lansangan
Halimbawa: ermat, erpat, waswit, tsibog, lispu, tsekot
B. LALAWIGANIN (Provincialism) - ginagamit lamang sa isang partikular na lugar o lalawigan
Halimbawa: mangan (kain)
C. PAMBANSA O KARANIWAN
- Kolokyalismong Pangkaraniwan - ginagamit sa impormal na pag-uusap
Halimbawa: You’re so baduy ha.
- Kolokyalismo ng mga talino - ginagamit sa silid-aralan -maingat ang tagalog at Ingles
Halimbawa: Pupunta ako sa bahay ninyo.
D. PAMPANITIKAN (Literary) - pinakamataas na antas ng wika - ginagamit ng mga pantas at
dalubhasa
Halimbawa: pagputi ng uwak (di matutupad)

9. Makapangyarihan
- Maaari itong kasangkapan ng pang-aalipin o maging wika ng pagpapalaya.
- Ang mga salita, sinulat man o sinabi, ay isang lakas na humihigop sa mundo. Ito ay
nagpapabaliw, bumubuo o nagwawasak, nagpapakilos o nagpapahinto.

10. Kagila-gilalas
- Maraming mga salitang kayhirap ipaliwanag tulad ng:
a. may ham daw sa hamburger
b. eggplant daw gayong wala namang itlog at gulay ito
c. hotdog daw gayong hindi naman ito karne ng aso
d. walang pine o apple sa pineapple
e. ang boxing ring ay hindi naman bilog at sa halip ay kwadrado
- Sa wika natin, nakagawian natin ang pahayag na “Nandyan na ako… gayong ang nagsasalita
ay nasa ibang lugar pa.

11. May Pulitika


- Wika ang gamit sa pagpapalaganap ng mga konsepto
*sa dominasyon ng malalakas na bansa sa kanyang mga kolonya
*sa pag-iral at pagnanasang matuto ng Ingles bilang pangalawang lenggwahe
*sa pagkuha ng boto, sa pamamagitan ng paggamit ng wika sa masa
*sa paghubog ng mga kamalayang panlipunan at pampulitika.

12. Ginagamit sa Lahat ng uri at ng Propesyon


- Bawat disiplina o propesyon ay may partikular na wikang ginagamit, kung kaya amay mga
partikular na register na lumalabas o nabubuo.
- Maaaring may mga salitang pareho ang anyo na ginagamit sa iba’t ibang larangan ngunit may
iba’t ibang kahulugan.

13. Kasama sa pagsulong ng teknolohiya at Komunikasyon


- Ang lahat ng bagong imbensyon na nalikha ng tao ay inililipat sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
- Marami sa mga ito ay isinasaaklat, inilalagay sa mga iskolarling journal at report upang mabasa.

KALIKASAN NG WIKA
1. Pinagsama-samang tunog
2. May dalang kahulugan
3. May ispleing/pagbabaybay
4. May gramatikal istraktyur / istrukturang gramatikal
5. Sistemang Oral-Awral
6. Pagkawala ng Wika
7. Iba-iba

WALONG PANGUNAHING WIKA NG PILIPINAS


*Tagalog
*Cebuano
*Ilokano
*Hiligaynon
*Bikol
*Waray
*Kapampangan
*Pangasinense

KAHALAGAHAN NG WIKA
1. Instrumento ng Komunikasyon KAHALAGAHANG
2. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman Pansarili
3. Nagbubuklod ng Bansa Panlipunan
4. Lumil inang ng Malikhaing Pag-iisip Global Interaksiyunal

You might also like