You are on page 1of 13

FILDIS

Metamorphosis- Ito ay isang pagbabago o isang pagbabago sa ayos.

Ang salitang ito ay binubuo ng


meta- (lampas, pagkatapos)
morph- (form, istraktura)
osis- (inilapat sa mga pangalan upang ipahiwatig ang mga aksyon, kundisyon o
estado).

Ano ang wika?


Nagmula sa salitang Latin na "lingua" na ang kahulugan ay dila.

Lingua Franca - ito ay tumutukoy sa isang diyalekto na ginagamit ng dalawa o higit


pang mga tao na may magkaibang pangunahing wika.
Halimbawa:
TAGALOG sa Pilipinas
INGLES sa buong mundo
Arbitraryo – set ng tunog
KAHULUGAN

Henry Gleason 1961 – isang libo’t siyam na daan at anim na pu’t isa
ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinsalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang
kultura.

Bouman 1990 – isang libo’t siyam na daan at siyam na pu


ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao. sa isang tiyak
na lugar para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at
Biswal na signal para makapagpahayag.

Wika sa Bansa

Grimes (2000) – dalawang libo


- mayroong nakatalang 168 (isang daan at anim na pu’t walo) na buhay na
wika sa bansa.
NSO 2000
- mayroon itong 144 (isang daana at apat na pu’t apat) na buhay na wika.
Pangunahing Wika
- 9 (siyam) na wika gamitin sa bansa. Tagalog, Kapampangan, Cebuano,
Ilocano, Pangasinense, Maranao, Bicolano, Visayang Waray, Hiligaynon.
KATANGIAN NG WIKA
- Ang Wika ay TUNOG Sa pagsisimula ng pag-aaral ng wika ay unang
natutuhan ay ang mga tunog ng wikang pinag-aaralan kaysa ang pagsulat
na paglalahad. Ang mga ito ay niririprisinta ng mga titik.
Halimbawa:
/a:so/ , /ta:la/ , /u:po/ , /to:to/

Ang Wika ay SINASALITA


- Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo sa tulong ng iba’t ibang sangkap
ng pagsasalita tulad ng labi, dila, ngipin, ilong, lalamunan,at iba pa.
Bagaman, maraming tunog sa paligid na makahulugan na hindi maituturing
na wika sapagkat hindi ito nabubuo sa pamamagitan ng ng mga sangkap ng
salita. Kung gayon, may pagkakataon na may wika na hindi sinasalita.
Halimbawa:
Kulog, yabag ng paa, kalabog, paputok

Ang Wika ay ARBITRARYO


Pinili at isinaayos.Maraming tunog na binibigkas at ang mga ito’y maaaring
gamitin para sa isang tiyak na layunin. Isinasaayos din ang mga tunog sa paraang
pinagkasunduan ng grupo o ng mga taong gagamit ng wika.
HALIMBAWA:
Tagalog - baliktad
Pampanga - baligtad
Pangasinan - baliktar
Aklan - baliskar
Waray – balikad
Ang Wika ay MASISTEMANG BALANGKAS
- Walang kabuluhan ang mga tunog kung nag-iisa Magkakaroon lamang ito
ng kahulugan kung pinagsasama-sama sa pagbuo ng makahulugang yunit
ng salita , gayundin naman, kung pagsasama-samahin ang mga salita ay
mabubuo ang pangungusap o parirala.

Ang Wika ay NAGBABAGO/DYNAMIKO


- Dahil sa patuloy na pag-unlad ng panahon ay patuloy rin sa Pagbabago ang
ating wika.
Halimbawa:
ALIBATA (17) – labing pito
ABAKADA (20) – dalawang pu
ABICEDARIO (31) – tatlong pu’t isa
ALPABETO (20+8) – dalawang pu’t walo
ALFABETO (28)

Ang Wika ay KABUHOL NG KULTURA


- Ang kultura at wika ay dalawang bagay na di mapaghihiwalay. Ang wika ay
aspekto ng kultura.

Ang Wika ay MALIKHAIN


- Malikhain ang wika dahil walang limitasyon ang bilang ng mga salitang
maaring mabuo. Sa tuwing tayo ay magsasalita, ipinapahayag natin ang
ating mga sarili sa iba’t ibang paraan.
- HALIMBAWA:
A.Hindi ko siya naipagtanggol. B.Hindi ko siya ipinagtanggol.
Ang Wika ay MAKAPANGYARIHAN
- Ang wika ay maaring makapagdulot ng ibang kahulugan.
- Ang wika ay humuhubog ng saloobin
- Ang wika ay nagdudulot ng polarisasyon
- Ang kapangyarihan ng wika ay siya ring kapangyarihan ng kulturang
nakapaloob dito.

SIMULA AT PAG-UNLAD NG WIKA

Inyong nalimutan na habang pinananatili ang sariling wika,


napangangalagaan ang kaligtasan ng kanyang kalayaan..”
-RIZAL

TUNGKULIN AT GAMIT NG WIKA

ANO NGA BA ANG TUNGKULIN NG WIKA?

• Tungkuling gampanan ang mga obligasyong sosyal.


• Kakayahag makipagpalitan ng kabatiran.
• Tungkuling makaimpluwensya ng kapwa.
• Tungkuling tumugon sa pang-araw-araw na pangangailangan.
• Tungkuling pangkatauhan
GAMIT NG WIKA

Si Michael Alexander Kirkwood Halliday o mas kilala sa taguri na M.A.K Halliday


ay bantog na iskolar sa Inglatera.

TUNGKULIN NG WIKA

Regulatori- ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol ng ugali o


asal ng ibang tao.Kumokontrol at gumagabay sa kilos/asal ng iba.
HAL: pagbibigay direksyon, paalala o babala.

Personal- ang tungkuling ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng sariling


opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Nakapagpapahayag ng sariling
damdamin o opinyon.
HAL: Pormal/ Di-pormal na talakayan.

Heuristiko- tumutukoy ito sa pagkuha o paghanap ng impormasyon na may


kinalaman sa paksang pinagaralan. Naghahanap ng mga datos /impormasyon.
HAL:Pagtatanong/pakikipanayam.

Imahinatibo- malikhaing paraan ng pagpapahayag ng imahinasyon.


Nakapagpapahayagng imahinasyton sa malikhaing paraan.
HAL: Pagsasalaysay/paglalarawan
Instrumental- ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga
pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag ugnayan sa iba. Tumugon sa mga
pangangailangan.
HAL: Pakiusap, Pag-uutos

Impormatibo- kabaliktaran ng heuristiko. Ito ay may kinalaman sa pagbibigay


ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita. Nagpapahayag ng imahinasyon sa
malikhaing paraa.
HAL: Nagbibigay impormasyon o datos.

Interaksyonal- Pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa;


pakikipagkwenyuhan, pakikipagbiruan. Nakapagpapanatili/nakapagpapatatag ng
relasyong sosyal.
HAL: Pormularyong panlipunan, Pangangamusta, Pagpapalitan ng biro.

Si Roman Jakobson ay isa sa mgapinakamagaling na dalubwika ng ika-


dalawampung siglo.
TUNGKULIN NG WIKA

1. Pagpapahayag ng damdamin (emotive)


- Pagpapahayag ng isip at damdamin na ginagamit ang iba't ibang uri ng
pangungusap.

2. Panghihikayat (conative)
- Ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat, o magpakilos.

3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic)


- ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng
usapan.

4. Paggamit bilang sanggunian (referential)


- Ginagamit ang wika nagmula sa aklat/babasahin bilang sanggunian o
batayan ng pinagmulan ng kaalaman.

5. Paggamit ng kuro-kuro (metalingual)


- Magpaliwanag ng salita.

6. Patalinghaga (poetic)
- Masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa at sanaysay.
Halliday Jakobson
Interaksyunal Phatic
Regulatori Conative
Heuristik Referential
Personal Emotive
Imahinatibo Poetic
Impormatibo Metalingual
instrumental

W.P ROBINSON

Estetiko - Paggamit ng wika sa paglikha ng panitikan.


Ludic - pagtutugma, paggawa ng mga salitang walang katuturan o pagbibiro.
Pag-alalay sa iba - Paggamit ng wika upang impluwensyahin ang kilos o
damdamin ng iba- pag-uutos, pakiusap, pagbababa, pagpuna, pagpapalakas ng
loob at iba pa.

Pag-alalay sa sarili - Kaugnay ang ugali at damdamin “Pagkausap sa sarili” nang


tahimik o mag-isa, pagpaparating sa iba ng ating naiisip, pagbibigay ng opinyon.

Pagtatakda ng tungkulin sa lipunan - Paggamit ng wika upang itakda o


ipahayag ang kaugnayang pansosyal ng mga tao- mga ginagamit kapag nagsasalita
tungkol sa iba (G. Gng. Bb.)

Pagtuturo - paggamit ng wika sa pagpaparating ng bagong impormasyon at


kasanayan.
Pagtatanong at panghuhula - Pagtataka, paghahanap, paghingi ng
impormasyon.

Metalangguage - Paggamit ng wika sa pagtatalakay.

WIKANG FILIPINO MULA ALIBATA HANGGANG


TEXT MESSAGING
- Ang sinaunang balarilan na nakabatay sa baybayin ay may pamantayan ding
sinusunod. Iyon nga lamang hindi ito luamaganap dahil sa kolonisayon ng
Kastila sa ating bansa.

..RIZAL - Anong lahi kayo sa kinabukasa? Isang bayang walang kaluluwa, isang
bayang walang kalayaan na lahat nang bagay ay hiram ultimong kasalanan at
kabiguan…

Aurelio Alvero at Jose Sevilla (1940)


- Bumuo ng SALITIKAN NG WIKANG FILIPINO (spelling of the national
language).
Guillermo Tolentino (1972) – Isang
- iskultor na naglimbag ng kanyang SYLLABARY (pantig).
Ricardo Mendoza(1978) – Nagpaliwanag na dapat isama sa kurikulum ng
edukasyon ng Pilipinas sa pag-aaral ng alibata upang ang kasalukuyang pilipino ay
malinawaan hinggil sa kanyang pagkatao.

ALIBATA/BAYBAYIN- Ang tawag sa


katutubong paraan o sistema ng pagsulat.-
- Ito ay binubuo ng 17 titik
- 3 ang patinig, 14 na katinig
Ang kanilang panitikan ay nakasulat sa mga balat ng puno, kawayan, o dahon.
Gumamit sila ng anumang matulis na bagay bilang pang-ukit o pagsulat ng mga
simbolo.
Alibata – Text messaging
- May malaking pagkakatulad ang proseso ng paggamit ng salita sa cellphone
at ang pagbabaybay gamit ang alibata.
- Sa cellphone ang pagpapantig at pagpapaikli ng salita ay tulad rin sa
prinsipyo ng pagpapantig gamit sa baybayin.

Halimbawa:
Pupunta ako sa bahay.
Ppunta ako sa bhy. (text)

1937 - (Dis. 30 ) Bilang pag-alinsunod sa tadhanan ng batas Komonwelt Blg. 184,


sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ng
Pangulong Quezon ang wikang pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog.

1987 (Peb. 2 ) Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas. SA Art. XIV , Sek. 6
- 9, nasasaad ang mga sumusunod:

Sek. 6 - Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO. Samantalang nililinang, ito


ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa
iba pang mga wika.
Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya
ng Kongreso, dapat magsasagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Karagdagan kaalaman:

• Lingwistika ay ang tawag sa pag-aaral ng wika ng isang indibidwal.


• Lingwista ay ang tawag sa mga dalubhasa dito.
• Polyglot ang tawag sa taong marunong sa maraming wikà.

• Filipino ang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas.


• Pilipino ang tawag sa taong naninirahan sa Pilipinas.
• Tagalog isang wika na ginagamit sa Pilipinas, lalo na sa Kalakhang Maynila
at mga lalawigan sa paligid nito, tulad ng Bulacan, Laguna, Cavite, Batangas,
Bataan, Rizal, at iba pa.

You might also like