You are on page 1of 12

ARALIN 1

(Sitwasyong Pangwika Sa Pilipinas At Kakayahang Pangkomunikatibo)


Mga Layunin:
Naipaliliwanag nang pasalita ang iba’t ibang dahilan, anyo, at pamaraan ng
paggamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyon.
Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang
sitwasyon sa pamamagitan ng pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga
larangang ito.
1. Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon - Ang telebisyon ay itinuturing na
pinakamakapangyarihang midya sa kasalukuyan. Halos lahat ng palabas
sa mga lokal channel ay gumagamit ng wikang Filipino. Ito ang wika ng
mga teleserye, pangtahaling palabas, reality TV, mga programang pang-
showbiz, dokumentaryo at iba pa.

2. Sitwasyong Pangwika sa Radyo - Halos lahat ng estasyon ng radyo sa


Pilipinas, AM man o FM ay gumagamit ng wikang Filipino at iba’t ibang
barayti nito. May mga programa sa radyo tulad ng “Morning rush” ay
gumagamit ng wikang ingles sa pagbo-broadcast subalit nakararami pa
rin ang gumagamit ng Filipino May mga estasyon sa radyo na gumagamit
ng rehiyonal na wika ngunit kapag kinapanayam mo sila ay wikang Filipino
pa rin ang ginagamit sa pakikipag-usap.

3. Sitwasyong Pangwika sa Pahayagan - Wikang Ingles ang ginagamit sa


mga broadsheet. Malawak ang saklaw ng mga impormasyong
nakapaloob dito. Samantalang, Wikang Filipino ang ginagamit sa mga
tabloid. Maituturing na dyaryong pangmasa. Nagtataglay ito ng malalaki
at nagsusumigaw na headlines. Ang nilalaman ay karaniwang sensasyonal
at litaw kaysa sa pormal na Filipino.

4. Sitwasyong Pangwika sa Pelikula - Ang mga lokal na pelikula ay


gumagamit ng wikang Filipino. Ingles ang karaniwang titulo o pamagat ng
pelikulang Pilipino tulad ng One More Chance, Starting Over Again at Bride
For Rent atbp. Kadalasan sa mga palabas na ito ay gumagamit ng wikang
Filipino, Taglish at iba pang barayti ng wika.

5. Sitwasyong Pangwika sa Text - Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS


(Short Messaging System) o kilala bilang “text message” ay isang
mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa. Tinaguriang
“Texting Capital of the World” Tinatawag na “code switching” o
pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag. Madalas na
binabago ang baybay ng mga salita.

6. Sitwasyong Pangwika sa Social Media at Internet - Ang mga taong


gumagamit nito ay tinatwag na “netizen” na umaarangkada ang social
life sa social media. Tulad ng text, tinatawag na “code switching” o
pagpapalit-palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag sa social media.

7. Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan - Wikang Ingles ang ginagamit sa mga


“boardroom” ng malalaking kumpanya at korporasyon. Ang kanilang
memo, kautusan at kontrata ay nakasulat sa Ingles. Sa mga mall,
palengke, kainan at sa maliliit na sektor ng ekonomiya, wikang Filipino ang
ginagamit.

8. Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan - Sa bisa ng kautusang


Tagapagpaganap Blg. 335, s. 1988. “nag-atas na ang lahat ng mga
kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng
pamahalaan na magsasagawa ng mga hakbang na kailangan para sa
layuning magamit ang wikang Filipino.

9. Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon - Ang wikang ginagamit dito ay


itinadhana ng K to 12 Basic Education Curriculum sa mababang paaralan
(Kinder hanggang baitang 3). Unang wika ang ginagamit bilang wikang
panturo at bilang hiwalay sa asignatura.

Mga Sitwasyong Pangwika sa iba pang Anyo ng Kulturang Popular


Fliptop - Pagtatalong oral na sinasagawa nang pa-rap. Ang bawat kompetisyon
ay kinatatampukan ng dalawang kalahok na may tig tatatlong rounds. Modern
Balagtasan, Walang nasusulat na skrip at hindi pormal ang paraan ng
pananalita. Tinatawag din itong “battle league”. May Fliptop din na isinasagawa
sa wikang Ingles na tinatawag nilang “Filipino Conference League”.
Pick-up Lines - Makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng
isang bagay na madalas inuugnay sa pag-ibig. Sinasabing nagmula sa boladas
ng mga binatang nanliligaw upang magpapansin, magpakilig, magpangiti at
magpa-ibig sa dalagang nililigawan. Ang wikang ginagamit sa pick-up lines ay
karaniwang Filipino subalit nagagamit din ang Ingles at Taglish.
Hugot Lines - Tinatawag itong love lines o love qoutes. Isang patunay na ang wika
ay malikhain. Karaniwang nagmula ito sa ilang mga tauhan sa pelikula o
telebisyong nagmarka sa puso’t isipan ng mga manonood. Minsan ito’y
nakasulat sa wikang Filipino subalit madalas Taglish.
Jargon - Natatanging bokabolaryo ng partikular na pangkat na
nakapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain.
Halimbawa: Guro - Lesson plan, class record, SF2, SF1. Abogado - Appeal,
complaint, hearing, objection
ARALIN 2
(Kakayahang Lingguwistiko at Gramatikal)
Layunin:
Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan.
Ortograpiya - pagsulat ng mga salita na may tumpak na titik, alinsunod sa
wastong gamit, at wastong baybay baybay/ispelling, mga simbolo pagbuo ng
tuntunin kung paano gagamitin sa pagsulat. Ortograpiyang Pambansa ni Virgilio
Almario.
• grafema (titik at di titik)
• tuldik
• bantas
• tuntunin sa pagbaybay
Grafema
• pasulat na simbolo
• titik at di titik (tuldik at bantas)
• set o pangkat ng mga bahagi ng isang sistema ng pagsulat
Tuntunin ng Pagbaybay
• wastong paraan ng pagsulat ng salita gamit ang angkop na ispelling o
baybay
Tuldik
• pagtukoy sa tamang tuldik na gagamitin sa bawat pantig ng salita
paiwa, pahilis, pakupya.
Bantas
• wastong gamit ng bantas gaya ng tuldok,kuwit, gitling, pananong at iba
pa.
Ponolohiya - Tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng makabuluhang tunog
ng wika o ponema. Tinatawag din itong palatunugan.
Morpolohiya - Ito ang tawag sa pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng
pagbubuo ng mga ito sa salita. Tinatawag din itong palabuuan.
Morpemang Ponema - Kung nagbabago ang kahulugan (kasarian) dahil sa
pagdagdag ng ponemang a o kontradiskyon ng /o/ sa /a/ , ang /a/ o /o/ ay
itinuturing na ponema
Halimbawa:
• gobernador gobernadora
• konsehal – konsehala
• kapitan kapitana
• abogado – abogada
Morpemang Salitang-ugat - uri ng morpemang walang panlapi. Ito ay payak na
anyo ng salita.
Halimbawa:
• indak
• sayaw
• ganda
• sipag
• buti
Morpemang Panlapi - Uri ng morpemang idinurugtong sa salitang ugat na
maaaring makapagpabago ng kahulugan ng salita, hindi nakatatayong mag-
isa ang mga panlapi at kailangang idugtong sa salitang ugat upang magkaroon
ng kahulugan ang morpemang panlapi ay nagtataglay ng kahulugan.
Halimbawa:
• Ma
• Um
• an
Morpemang Leksikal – Tiyak ang kahulugan
Halimbawa:
• pangngalan – aso, tao, paaralan
• pandiwa – sumayaw, nanalo, kumanta
• pang-abay - mabilis, mahigpit, kanina
• pang-uri – maganda, malakas
Morpemang Pangkayarian – Hindi tiyak ang kahulugan, walang kahulugang
taglay hangga’t hindi isinasama sa iba pang morpema.

Pagbabagong Morpoponemiko
Pagpapalit ng Ponema - Napapalitan ng /r/ ang /d/ kapag patinig ang tunog
na sinusundan ng /d/.
Halimbawa : ma+damot=maramot
Pagkakaltas ng Ponema - Kinakaltas ang huling patinig ng salitang-ugat at
nilalapian ng hulaping –in at -an.
Halimbawa: dala + hin = dalhin
Metatesis - kapag ang salitang ugat ay nagsisimula sa L o Y ay nilalagyan ng
panlaping –in, ang /i/ at /n/ ay nagpapalitan.
Halimbawa: in + lipad = nilipad
Paglilipat Diin -nagbabago ang diin kung ito ay nilalapian.
Halimbawa: laro + an = laruan

Sintaks - Pag-aaral o pag-uugnay-ugnay ng mga salita para makabuo ng mga


parirala, sugnay at mga pangungusap.
Semantika - Ang agham ng linggwistiko na nag-aaral ng kahulugan ng mga salita
at ekspresiyon, ibig sabihin, kung ano ang ibig sabihin ng mga salita kapag
nagsasalita o sumulat tayo, ay tinatawag na semantika.
Ponemang Suprasegmental ay tumutukoy sa mga makahulugang yunit ng tunog
na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat. Sa halip, sinisimbolo
ito ng mga notasyonng ponemiko upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.
Antala – Nababago ang kahuluigan sa paggamit ng mga bantas.
• Hindi siya si Peter.
Ang tao ay hindi si Peter.
• Hindi, siya si Peter.
Tinatama ng tagasalita na ito si Peter.
• Hindi siya, si Peter.
Si peter ang tinutukoy, hindi ang isang tao.
Tono - Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng
isang salita, parirala o pangungusap. Ang pagbigkas ng salita ay may tono o
intonasyon- may bahaging mababa, katamtaman, at mataas.
Diin - Tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita. Halimbawa: BU-hay (life)
bu-HAY (alive)
ARALIN 3
(Kakayahang Sosyolingguwistiko)
Layunin:
Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan
o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at
grupong kinabibilangan.
Sosyolingguwistiko - Ang sosyolingguwistiko ay maaring maiugnay sa mga
salitang competence o performance. Ayon kay Savignon (1972) isang propesor
sa University of Illonois, ito ang pagkakaiba nito.
• Competence batayang kakayahan o kaalaman ng isang tao sa wika .
• Performance ang paggamit ng tao sa wika.
Kakayahang Sosyolingguwistiko - ay pagsasaalang-alang ng isang tao sa
ugnayan niya sa mga kausap, mga impormasyong pinag-uusapan at ang lugar
ng kanilang pinag-uusapan.
Modelong SPEAKING ni Dell Hymes
Ayon kay Dell Hymes, magiging mabisa lamang komunikasyon kung ito ay
isasaayos, at sa pagsasaayos ng komunikasyon may bagay na dapat isaalang-
alang upang maging maayos ang pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng
acroynm na SPEAKING. Binuo niya ang modelo na makatutulong sa pagsusuri sa
diskurso.
SETTING - Saan nag-uusap?
PARTICIPANTS - Sino ang nag-uusap?
ENDS - Ano ang layunin ng nag-uusap?
ACT SEQUENCE - Paano ang takbo ng pag-uusap.
KEYS - Pormal o impormal?
INSTRUMENTALITIES - Pasalita o pasulat?
NORMS - Ano ang paksa ng usapan?
GENRE - Anong paraan ang ginamit sa usapan?
ARALIN 4
(Kakayahang Pagmatik at Istratedyik)
Layunin:
Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at
paraan ng pagsasalita.
Komunikasyon – ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa
pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.
Kakayahang Pragmatik – natutukoy nito ang kahulugan ng mensaheng sinasabi
at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap.Nililinaw nito ang relasyon sa
pagitan ng intensiyon ng nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang
kahuluhan nito. Isaalang-alang ang kalagayan ng decoder, kalinawan ng
encoder at ang pagtatagpo ng kani-kanilang interpretasyon.
Kakayahang Istratedyik – ay ang paggamit ng berbal at di berbal na mga
hudyat upang mas malinaw na maipabaid ang mensahe at maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan.

Uri ng Komunikasyon
Berbal – ay ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa kahulugan
ng mga mensahe.
Di Berbal – ay ginagamitan ng mga kilos at galaw upang maiparating ang
mensahe sa kausap.

Iba’t Ibang Paraan Sa Mga Anyo Ng Di Berbal Na Komunikasyon


1. Kinesika (Kinesics) – ay ang pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan.
2. Pictics – ay ang pag-aaral sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang
mensahe ng tagapaghatid.
3. Oculesics – ay ang pag-aaral ng galaw ng mata.
4. Vocalics – ay ang pag-aaral ng mga di lingguwistikong tunog na may
kaugnayan sa pagsasalita.
5. Haptics – ay ang pag-aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng
mensahe.
6. Proksemika (Proxemics) – ay ang pag-aaral ng komunijatibong gamit ng
espasyo.
7. Chronemics – ay ang pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay
nakaaapekto sa komunikasyon.
ARALIN 5
(Kakayahang Diskolsal)
Layunin:
Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at
paraan ng pagsasalita.
Kakayahang Diskorsal – ay ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o
pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang teksto.

➢ Ang dalawang bagay na dapat isaalang-alang upang malinang ang


kakayahang diskorsal – Ang cohesion – pagkakaisa at coherence –
pagkakaugnay-ugnay.

ANIM na PAMANTAYAN sa PAGTATAYA ng KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO


- Canary at Cody (2000)
1. Pakikibagay (Adaptability) – may kakayahang mabago ang pag-uugali at
layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.
2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement) – may kakayahang
gamitin ang kaalaman tungkol sa anomang paksa sa pakikisalamuha sa iba.
3.Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management) – may kakayahang
kontrolin ang daloy ng pag-uusao at kung paano ang mga paksa ay
nagpapatuloy at naiiba.
4.Pagkapukaw-damdamin (Empathy) – may kakayahang mailagay ang
damdamin sa katauhan ng ibang tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o
maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang tao o samahan.
5. Bisa (Effectiveness) – may kakayahang mag-isip kung ang pakikipag-usap ay
epektibo at nauunawaan.
6. Kaangkupan (Appropriateness) – may kakayahang iangkop ang paggamit ng
wika sa sitwasyon, sa lugar, o sa taong kausap.
ARALIN 6
(Introduksiyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino)
Mag Layunin:
Nasusuri ang ilang pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Pilipino
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik
Nagagamit ang angkop na mga salita at pangungusap upang mapag-ugnay-
ugnay ang mga ideya sa isang sulatin.
Pananaliksik - Ayon kay Good, (1963), ito ay isang maingat, kritikal at
disiplinadong inkwiri sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa
kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at
reoslusyon nito. Ayon kay Parel, (1996), ito ay sistematikong pag-aaral o
imbestigasyon ng isang bagay na layuning masagot ang mga katanungan.

Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Sulating Pananaliksik


1.Pagpili ng mabuting paksa - ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating
pananaliksik ay ang masusing pag-unawa sa paksa. Mahalaga na piliing mabuti
ang paksa upang matagumpay ang isang sulating pananaliksik.
2.Pagbuo ng pahayag ng tesis - ito ang pahayag na magsasaad ng posisyong
sasagutin o patutunayan ng iyong bubuoing pananaliksik.
3.Paghahanda sa pansamantalang Bibliyograpiya - Mangalap ng iyong
sanggunian tulad ng pagbisita sa aklatan at paghahanap ng impormasyon sa
internet. Ang bibliyograpiya ay talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng
mga aklat, artikulo, report, peryodiko, magasin, wed site at iba pangnalathalang
materyal na ginamit.
4.Paghahanda ng tentatibong balangkas - Mahalaga ang paghahanda ng
tentatibong balangkas upang magbigay direksiyon sa pagsasaayos ng iyong
ideya at patungkol kung ano-anong materyal pa ang kailangang hanapin.
Maaaring gamitin ang card ng bibliyograpiya.
5.Pangangalap ng tala o note taking - Balikan ang tentatibong balangkas at card
ng bibliyograpiya at tukuyin kung alin-alin sa mga ito ang kakailanganin sa iyong
sulatin.
• Tuwirang sipi kung saan ang tala ay direktang sinipi mula sa isang
sanggunian. Gumamit ng panipi sa umpisa at dulo.
• Buod kung ito’y pinaikling bersiyon ng isang mahabang teksto.
• Hawig kung binago lamang ang mga pananalita subalit nananatili pa rin
ang pagkahawig sa orihinal.
6. Paghahanda sa iniwastong balangkas o final outline - maari nang ayusin ang
dapat ayusin upang ang pangwakas na balangkas ay maging mabuting gabay
sa pagsulat ng iyong burador.
7.Pagsulat ng Borador o rough draft - dapat magkaroon ng introduksiyon na
kalalabasan ng mga ideya sa kabuoan ng sulatin, katawan na kababasahan ng
pinalawig o nalaman na bahagi sa balangkas at konklusyon na siyang
nagsasaad ng buod ng iyong natuklasan.
8. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Borador - i-proofread o bsahing mabuti o iwasto
ang mga bagay na kailangang iwasto sa iyong burador. Halimbawa:
Sanggunian, paksa, bibliyograpiya.
9. Pagsulat ng pinal na sulating pananaliksik - Matapos na pagdaanan at
isagawa nang mabuti ang naunang walong hakbang, maaari mo nang i-type
ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong guro.

You might also like