Professional Documents
Culture Documents
Kahulugan ng Wika
Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mithiin. (Edward Sapir)
Ang mga tao’y nabubuhay sa mga simbolo na kinukontrol o gumagabay naman sa kanila. Ang
kakayahan ng mga tao na kontrolin ang mga simbolong ito ay napatangi sa kanya sa iba pang nilikha.
Ito rin ang ikinaiba ng tao sa hayop. (Lachica, 1993)
Ayon kay Todd (1987), ito’y isang set o kabuuan ng mga sagisag/simbolo na ginagamit sa
komunikasyon o pakikipagtalastasan. - hindi lamang binibigkas, sinasambit, o sinasalitang
tunog kundi ito’y isinusulat din.
Course Module
Ayon kay Henry Gleason, ito’y masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo o napagkasunduan upang magamit ng mga taong kabahagi at
kasama sa isang kultura sa kanilang pakikipagtalastasan.
Kahalagahan ng Wika
Ang wika ay mahalaga dahil ito ay:
1. instrumento sa pakikipagtalastasan o komunikasyon
2. paraan upang masabi ang damdamin at kaisipan ng tao
3. sumasalamin ito sa kultura/tradisyon at panahong kinabibilangan
4. epektibong kasangkapan sa paghahatid kaalaman
Katangian ng Wika
1. Ang wika ay isang masistemang balangkas, binubuo ito ng mga makabuluhang tunog
(ponema) na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang pagkakasunod-sunod ay makalilikha ng
mga salita (morpema) na aangkop sa iba pang mga salita (semantiks) upang maging
pangungusap. Ang pangungusap ay may balangkas (sintaks) na nagiging daan sa
pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Kailangang mapag-ugnay-ugnay ang mga binibigkas na
tunog upang makalikha ng mga salita, ito ay para sa mabuting paggamit ang wika.
3. Ang wika ay arbitraryo. Ito ay napagkakasunduan ng mga tagasalita. Alam ng mga taga-Ilocos
na kapag sinabing [balay], bahay ang kahulugan nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag
tinutukoy ang bahay at [bay] naman sa Tausug habang [house] sa Ingles. Kung hindi
nauunawaan ng isang tao ang isang pahayag o maging salita sa isang wika, ibig sabihin ay hindi
siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung kanya itong aaralin, ibig sabihin ay
sang-ayon siya sa kasunduang naganap para sa wikang ito.
4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may angking set ng palatunugan, leksikon at
balangkas na panggramatika. May katangian ang isang wika na katulad sa ibang wika at mayroon
rin namang kaiba o unique sa iba.
Tingnan sa wikang Swahili (isa sa mga wikang umiiral sa Kanlurang Africa) isang
salita ngunit ito ay katumbas na ng isang wika, na kaiba sa wikang ito. Samantala sa Filipino,
matatagpuan ang mga salitang opo at po na tanda ng paggalang. Sa Subanon, nagtataglay rin
ng kakaibang palatunugan, gaya ng di-bagay o compatible na dalawang magkasunod na
katinig sa iisang pantig na wala sa iba pang mga wika. Sa Ingles naman, isang ponema ang
idagdag ngunit malaki ang dulot na pagbabago sa kahulugan.
Sa Tausug naman ang pagkabit ng ponemang /a/ ay nagpapakilos, o nagiging kilos
ang isang salita. Sa French, mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog
pangwika na kakaiba sa iba pang umiiral na wika.
5. Ang wika ay dinamiko. Ito ay buhay. Patuloy na nagbabago, umuunlad at yumayaman ang wika.
Nababago bago ang kahulugan ng wika na dumaragdag sa leksikon nito.
Halimbawa sa salitang BOMBA
Mga Kahulugan:
a) Malakas na pampasabog
b) Igiban ng tubig, mula sa hukay ng lupa
c) Kagamitan sa palalagay ng hangin
d) Bansag sa malaswa o mahalay na larawan, panoorin at pelikula
e) Sikreto ng mga kilalang tao na nabunyag
6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Nahihiram ang tunog o ponema at morpema o salita sa ibang
wika kaya ito ay tanda ng pag-unlad ng isang wika. Halimbawa sa Chavacano, binibigkas na ang
‘ka’ na hiniram sa Bisaya bilang kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas ring manghiram,
gaya ng paghiram sa mga salitang Ingles na [juice], [jeep] at salitang Kastilang [educaćion].
7. Ang wika at kultura ay magkadikit at di maaaring pagbaklasin. May mga salita na hindi maisalin
sa isang wika pagkat walang direkta o tiyak na katumbas. Dahil dito, nagagawang manghiram ng
salita upang magamit sa isang wika na hindi karaniwan sa wikang pag-gagamitan. Halimbawa
nito ay ang salitang /malong/, hiram ang salitang ito ng mga Tagalog dahil hindi bahagi ng
kanilang kultura ang paggamit nito. Ang /lamaw/ rin sa Cebuano ay halimbawa ng salitang
hiram dahil iba ang paraan nila ng paghahanda ng buko kaysa sa iba pang pamayanan.
8. Ang wika ay parte ng karamihang uri ng komunikasyon. Sa ugnayan ng mga pipi, hindi wika
ang kanilang ginagamit kundi mga kilos o tinatawag na sign language. Hindi wika ang kanilang
midyum sapagkat hindi nito taglay ang mga katangian ng isang ganap na wika gaya ng
sinasalitang tunog at naisasatitik.
9. Ang wika ay nasusulat. Ang bawat tunog o ponema ay sinasagisag ng titik o letra sa alpabeto.
Ang tunog na “di” ay sinasagisag ng letrang ‘d’. Ang simbolong ‘n’ ay sumasagisag sa tunog na
“en”.
10. May antas ang wika. Hindi pare-pareho ang antas ng salita, lalim ng kahulugan, pormalidad ng
wika sa lahat ng pagkakataon, ito ay naiiba iba batay sa mga taong kasangkot.
Pagbabago sa Wika
Course Module
Sa kasalukuyan, lumitaw at patuloy pa ring naglilitawan ang ang iba-ibang klase ng lenggwahe o
wika. Batay sa mga pagmamasid, ang mga sumusunod ang laganap na at patuloy na lumalaganap
pang pagbabago sa wika.
1. Wika sa Short Message Service (SMS) o Text Message. Nakikita rin sa mga digital na
usapan gamit ang iba’t ibang social messaging applications. Maaaring ito’y pinagsamang titik
at/o bilang, binagong baybay o ispeling, pinaikli, pinagsamang Ingles at Tagalog
Halimbawa: Wait - W8, Time- Tym, Dito - D2, Dito na me! Wer na u? Kamusta? –
Musta? Why?- Y? at marami pang iba.
2. Taglish/ Engalog o Code Switching. Ito ay pagsasama ng dalawang magkaibang wika. Ang
switching na nagaganap ay maaring nasa unahan, gitna, at hulihan.
Halimbawa: It’s cold there sobra! Join kayo sa group chat namin. What time tayo
aalis? Our assignement is so hirap. Mag-iinterview tayo next week. Do you think tama
ang mga answer natin?
3. Gay Language/Gaylinggo o wika ng mga gays.
Halimbawa: Malaysia- Malay ko Pakistan- Walang pakialam Charing-Hindi Totoo Pak-
Tama
4. Mga Pinagsama o Pinaghalong Salita.
Halimbawa: Apartment at Hotel- Apartelle Television at Serye- Teleserye Television
at Nobela- Telenobela Hotdog, Sinangag, Itlog- Hotsilog Tagalog-English- Taglish Low
battery- lowbat Unlitext- Unlimited Text, Unlimited Call- Unlicall
5. Mga Pinauso o Bagong Sibol na Salita.
Halimbawa: Selfie- Self Picture, Wacky- Kanya-kanyang pose sa larawan, Di Maayos-
Chaka Walang pera- Wapepoy
Kahulugan
Ang pananaliksik ay isang masusing pagsisiyasat at pagsusuri sa mga umiiral na
konsepto, ideya, pangalan, pangyayari at iba pang ibig bigyang linaw, bigyang
pagkilala o kaya naman ay patunayan o pasubalian.
Ito ay masusi. Bawat nilalaman na impormasyon, mga datos,
pangangatwiran at detalye ay inoobserabahan, inuusisang mabuti at
nililinaw bago maghain ng rekomendasyon.
Ito ay sinisiyasat. Anumang detalye o haka-haka ay hinahanapan ng
pagpapatunay.
Ito ay pag-aaral. Ang mga resulta ng pag-iimbestiga ay sinusuri,
pinangangatwiranan at may pagtitimbang.
Ito ay nagbibigay-klaripikasyon. Ang mga kaisipang maaring alam
na ng marami ngunit nangangailangan pa rin ng dagdag paliwanag at
klaripikasyon.
Ito ay nagpapatunay. Ang mga nosyon, pala-palagay, haka at paniniwala ay
binibigyan ebidensya.
Ito ay nagpapasubali. Ang mga umiiral na paniwala ay maaring pasubalian, o
patunayan na di tunay.
Katangian
Pagiging Obhektibo. Ang mga nakalap na datos ay mula sa mga karunungang
batis. Ito ay walang pagkiling. Ang interpretasyon ay tapat mula sa suri, taya
at hanay ng mga datos.
Iba-iba ang datos na ginagamit. Ang lahat ng posibleng pagkunan ng datos,
lokal man o sa ibang bansa, sa wikang sarili o banyaga man ay magagamit
bilang datos. Ang anumang hadlang sa pagkuha ng datos gaya ng oras, layo,
wika, pagod at pinansya ay kinakailangang harapin ng mananaliksik.
May angkop na metodolohiya o pamamaran. Ang paggamit ng wastong
pamamaraan sa pangangalap ng datos at makatutulong sa ikagaganda ng
pananaliksik.
Kritikal. Sa paggamit ng mga detalye at sa pagtataya ng mga ebidensya,
kailangan ang pagiging masuri ng mananaliksik.
Dokumentado. Ang mga datos na ginamit sa pagbuo ng pananaliksik ay
kinikilala at hindi inaangkin.
Layunin
1. Layunin ng pananaliksik na tumuklas ng datos
Halimbawa: Laking tuwa ng mga Pilipino na ang nakaimbento ng fluorescent lamp ay
kapwa Pilipino.
Course Module
Etika ng Mananaliksik
1. Kilalanin mo ang ginamit mong ideya.
2. Huwag kumuha ng impormasyon o datos kung walang permiso.
3. Iwasang maglahad ng sariling opinyon lalo na kung ito’y makakasirang-puri.
4. Huwag mag-shortcut.
5. Huwag mandaraya o manloloko. Isang “krimen” ang pandaraya sa pananaliksik.
Sa bahaging ito, iniisa isa ang kahalagahan ng pag-aaral at ang mga sektor
na makikinabang sa resulta ng pananaliksik.
d. Saklaw at Limitasyon
Dito tinatalakay ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral, tiyak ang pagtukoy
ng panahon, respondent at lugar.
e. Depinisyon ng mga Terminolohiya
Nakatala sa bahaging ito ang mga salitang ginamit sa pananaliksik na
nangangailangan ng pagpapaliwanag o pagpapakahulugan.
Maaaring:
Operasyunal na Kahulugan – paraan ng pagkagamit sa pag-aaral
Konseptwal na Kahulugan– istandard na kahulugan at laman ng talatinigan.
Course Module
Course Module
“Dumating ang may-ari ng litsunan, sa ayos niya’y mukhang siya pa ang dapat
tuhugin ng kawayan at ihawin sa nagbabagang uling. Bilog na bilog ang kanyang
katawan. Wala na siyang leeg. Nakasaklay na ang kanyang balikat sa magkabilang
tainga. Makipot ang nagma-mantika niyang labi na ibinaon naman ng pumuputok
niyang pisngi. Biik lamang ang kanyang tangkad. Kung maglakad siya’y parang
nakawalang bulog. Sumenyas siya. Pinapupunta kami sa loob ng kanyang kural, este
opisina.”
ni Mes De Guzman
Proseso ng Pagsulat
Ayon kay I.R. Cruz, dahil sa hindi naman namamana ang pagsulat, kaya itinuturo na
lamang ito. Upang maging epektibo ang gawaing pang-komunikatibo at pang-iskolarling
gawain, pinag-aaralan sa tersyarya ang proseso ng pagsulat. Alamin ang anim na panahon o
yugto:
1. Pagtatanong at Pag-uusisa. Ang mga pananaliksik sa tersyaryua ay galing sa isa o
maraming katanungan. Minsan ay galing sa isang katanungan ng guro na gustong makuha
ang persepsyon ng mga mag-aaral ukol sa isang paksa. Kung ang kahingian naman sa klase
ay isang papel-pananaliksik o tisis, madalas ay maraming katanungan ang nagtutulak upang
sulatin ang mga kasagutan para rito. Nabubuo rito ang paksa ng isusulat. Hindi sapat na
magtanong lang kung kaya’t ang mausisang isipan ang nagiging dahilan upang makahanap
ng sagot sa tanong. Ang pag-uusisa ang simula ng isang masinop na pananaliksik.
2. Pala-palagay. Kung ang mayamang isipan ang simula para sa pananaliksik, sa kabilang dako,
unti-unting nabubuo ang pala-palagay ng manunulat sa paksang isusulat. Habang wala pang
tiyak na awtlayn at daloy ng diskusyon sa paksang susulatin, ang manunulat ay nagbibigay
muna ng haka. Maaaring sulatin niya sa kanyang kwaderno ang mga posibleng dahilan ng
kahirapan, korapsyon, o ang kultura ng kapabayaan at di pangingialam. Aalamin niya ang iba
pang sanhi at bunga ng pangyayari habang inaalam kung papaanong mabubuo ang awtlayn
ng napiling paksa. Di mapapalagay ang manunulat sa panahong ito dahil patuloy siyang
maghahanap ng sagot at may mga pangyayaring may mga karagdagang tanong pa ang
sumulpot. Lumalawak ang pala-palagay sa pamamagitan ng panimulang pananaliksik sa
silid-aklatan, pagkonsulta sa iba, pagbabasa, at pag-oobserba. Karaniwan, ito ang
pinakamatagal sa proseso ng pagsulat. Tinatawag ng ilan ang yugtong ito bilang incubation
period.
3. Inisyal na pagtatangka. Dito ay kailangan nang maipokus o maisentro ng manunulat ang
kanyang paksa. Ito ang yugto na tatangkain ng manunulat na ayusin ang mga nakalap na mga
impormasyon, pala-palagay at iba pang datos upang makabuo ng awtlayn. Ang pagsulat ng
balangkas ng ng anumang dokumento gaya ng pananaliksik ay tanda na may pupuntahan na
Course Module
ang pagsulat na gagawin. At kung may balangkas na, babalik muli ang manunulat sa kuhanan
ng mga detalye upang tiyak nang makuha ang ginamit na sanggunian, o di kaya’y pupunta na
sa mga taong may espesyalisasyon sa kaalaman hinggil sa paksa upang magsagawa ng
interbyu.
4. Pagsulat ng unang draft. Kung handa na ang mga sanggunian at maayos na ang agos ng
paksa at mga impormasyon ng paksa ayon sa awtlayn nito, maaring sulatin na ang unang
burador o draft. Dito na ilalaan ng manunulat ang kanyang husay, kakayahan, kasanayan at
kaalaman upang mabuo ang pag-aaral.
5. Pagpapakinis ng papel. Kung tapos na ang unang draft, muli’t muling babasahin ito upang
makita ang pagkakamali sa baybay, paggamit ng salita, istruktura at ang daloy ng
pangangatwiran, pagpapahayag, datos at detalye sa loob ng sulatin.
6. Pinal na papel. Kung nasuri nang mabuti ang teknikal na parte at nilalaman ng
komposisyon, maaari nang ibahagi at ipabasa ito sa iba na magsusuri at maaaring kumilatis dito.
Organisasyon ng Teksto
Ang lahat ng sulating pang-akademiko ay binubuo ng apat na bahagi.
1. Titulo o Pamagat. Nasusulat rito ang ginamit na pamagat sa komposisyon, kasama
ang pangalan ng nagsulat, panahon kung kailan ito isinulat o ipinasa, at iba pang
impormasyon ayon sa kahingian ng guro.
2. Introduksyon o Panimula. Dito matatagpuan ang pagpapakilala sa
paksa. Tumatalakay ng maikling kaligiran ng paksa gayundin ang kahalagahan
at buod ng komposisyon.
3. Katawan. Dito gumagamit ng lohikal na paglalahad sa pagpapahayag.
Tinatalakay nang maayos ang paksa sa bahaging ito.
4. Kongklusyon. Dito nagbibigay ng benepisyong makukuha mula sa inilahad sa
katawan. Iniisa isa ang mga napatunayan at nalaman sa pagtalakay. Muling bubuodin
ang nilalaman.
Pagsasalita
Ito ay pagbibigay, pagbabahagi ng kaisipan sa pamamagitan ng verbal na paraan na
ginagamit ang wika.
Ayon sa mga nag-aaral ng wika, upang makapagsalita ang tao, tatlong salik ang kailangan
niya. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Una ang enerhiya o ang pinanggagalingan ng lakas
2. Pangalawa ang pumapalag na bagay o artikulador
3. Pangatlo ay ang patunugan o resonador
Tinig o Boses → Ito ay binubuo ng tunog na gawa ng isang tao na ginagamit ang mga
tuping pantinig o luping pamboses para sa pagsasalita o pakikipag-usap, pag-awit o
pagkanta, pagtawa o paghalakhak, pagiyak, pagsigaw o paghiyaw, at iba pa.
Bigkas → Ito ay paraan ng pagbigkas ng mananalita ng isang wika. Ang paraan niya kung
paano sasalitain ang kanyang wika, gaya ng diin, tono, at antala. Kapag sinabing ang isang
tao ay may "tamang pagbigkas", tumutukoy ito kapwa sa loob ng isang ispisipikong
diyalekto.
Tindig → Kinakailangang may tikas mula ulo hanggang paa.
Kumpas → Ito naman ay paghampas, indayog ng mga kamay na parallel sa mensahe o
konteksto ng kanyang sinasabi.
Kilos → Hindi sapat ang salita lamang upang maunawan ang sinasabi kundi lalo higit ng
kilos at ekspresyon ng mukha.
Uri ng Pagdedebate
• Impormal na Debate o Pagtatalo -Karaniwang isinagawa sa loob ng klase
kapag may napapanahong isyung pinag-uusapan. Wala itong mga tuntuning
sinusunod at malayang makapagsasalita ang lahat tungkol sa panig na gusto
nilang pangatwiraan.
• Formal na Debate -Kontrolado ng mga mahigpit na tuntunin at alintuntunin
ang debateng ito. May dalawa itong pangkat ng mga magtatalo para sa panig
Sanggunian:
Books and Journals:
Bernales, Rolando A., et al. (2015). Akademikong Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik.
Malabon City : Mutya Publishing House, Inc.
Yapan, Alvin B. (2017). Bagay Gabay Sa Pagsulat Sa Wikang Filipino. Blue Books
Matilla, Marilou S., et al. (2015). Pagbasa at pagsulat tungo sa epektibong pananaliksik sa
Filipino. Malabon City : Mutya Publishing House, Inc.
San Juan, Corazon P. (2015). Pagbasa at Pagsulat tungo sa pananaliksik : Filipino 2. binagong
ed. Pasig City : Grandstream Publishing Center.
Pagbasa at pagsulat sa iba't ibang disiplina. Goodwill Trading Co., Inc.
Filipino sa Piling Larang – Akademik Kagamitan ng Mag-aaral Unang Limbag 2016
Pamela Constantino at Galileo Zafra
Lachica, Veneranda S. Komunikasyon at Linggwistika, Binagong Edisyon MK Print, Sta. Cruz,
Manila, 1998
Panimulang Linggwistika, Quezon City: Rex Printing Co., Inc., 1979.
Sapir, Edward, Language: An introduction To the Study of Speech. New York Harcour
Katangian ng Pananaliksik;
https://www.powtoon.com/online-presentation/epmHZlDg8Sf/katangian-ng-
pananaliksik/?mode=Movie&locale=en
Layunin ng Pananaliksik;
https://www.youtube.com/watch?v=O46r61ty3-s