You are on page 1of 16

Wika - katuturan, kahalagahan, katangian at antas

Katuturan
Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang
arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang
simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na
gamit sa pagpapahayag.”
Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may
mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang
midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe
na susi sa pagkakaunawaan.
Kahalagahan ng Wika
Mahalaga ang wika sapagkat:

1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;


2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang
damdamin at kaisipan ng tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng
kaalaman.

Katangian ng wika

1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng


mga makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-sama sa
makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na
bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng
mga pangungusap. Ang pangungusap ay may istraktyur (sintaks)
na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
a. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang
fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng binibigkas na
tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/,
/u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa
makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].

b. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang


morfema ay tawag sa pinamakamaliit na makabuluhang yunit
ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng
morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing,


doktor, dentista
Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Fonema = a
*tauhan, maglaba, doktora
c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa
formasyon ng mga pangungusap sa isang wika. Sa Filipino,
maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang
pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang
paksa.
Hal. Mataas ang puno.
Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall
the tree.’)
d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa
iisang pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng
pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa
pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.
Hal. Inakyat niya ang puno.
Umakyat siya sa puno.
Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang
panghalip ng aktor sa pangungusap ay [niya] at ang pantukoy
sa paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang pangungusap
ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto ito
sa panghalip ng aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya] na.
Imbis na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na
[sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang pangungusap.

2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti


ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na
tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)

3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng


mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing
[balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa]
kapag nais tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug
samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi naintindihan
ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika,
nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang
pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang
wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol
sa naturang wika.

4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set


ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May
katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang
may katangian namang natatangi sa bawat wika.

Halimbawa
Wikang Swahili – atanipena (magugustuhan niya ako)
Wikang Filipino – Opo, po
Wikang Subanon – gmangga (mangga)
Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae)
Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)
Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)
Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika)
isang salita lamang ngunit katumbas na ng isang buong
pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino lamang
matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa
Subanon naman, mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga
fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang magkasunod na
katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles
naman, isang fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng
makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman ang pagkabit ng
fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng
salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging
sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.

5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at


yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang
salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.

Halimbawa: BOMBA
Kahulugan
a. Pampasabog
b. Igipan ng tubig mula sa lupa
c. Kagamitan sa palalagay ng hangin
d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan
at pelikula
e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao

6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at


morfema mula sa ibang wika kaya’t ito’y patuloy na umuunlad.
Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya
bilang kapalit ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas manghiram
gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon] na mula
sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].

7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring


paghiwalayin. Maraming salita na hindi maisalin sapagkat wala
silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon,
napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika sapagkat hindi
komon ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan. Halimbawa,
walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi
ng kultura ng mga Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman
ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng
paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa
bansa.

8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa


komunikasyon ng mga pipi, hindi wika ang kanilang ginagamit
kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi
nito taglay ang katangian ng isang ganap na wika.

9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o


letra ng alfabeto. Ang tunog na “bi” ay sinasagisag ng titik na ‘b’.
Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”.

10. May level o antas ang wika.

Antas ng wika

A. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng


tao sa ka-edad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng
tao sa nakatataas o nakatatanda
B. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa
Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao
C. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya
ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi
talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin
ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang
lalawigan
D. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit
nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan
ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para
sa 'pare'
E. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha
lamang at may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga
tambay at bakla – halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat
at ermat’ at ‘cheverloo’.
F. edukado/malalim – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga
paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung
profesyunal
KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
1.Ang komunikasyon ay nagbibigay-pagkakataon na ibahagi ng tao sa kanyang kapwa ang
kanyang nadarama.
2. Nagkakaroon ang tao ng ganap na kabatiran tungkol sa sariling pagkatao batay sa
perspektiba
3. Napaglalapit ng komunikasyon ang mga pusong magkakalayo kahit sa espasyo, dingding,
tubig o pulo man ang pagitan.
4. Napag-iisa kundi man ay napaglalapit ang dalawang taong may hidwaan.
5. Nakapagbabahaginan ang mga tao ng mga kaalamang mahalaga at kailangan sa kanilang
buhay.
6. Nauunawaan ng tao ang tamang paggamit ng kanyang WIKA.

KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG
KOMUNIKASYON
Ang komunikasyon ay pagsasalin, paghahatid ng balita, kuro-kuro, mensahe,
kaalaman o impormasyon, damdamin, iniisip o pangangailangan, at ideya
mula sa tao patungo sa isang tagatanggap o sa isang patutunguhan.

Ang sining ay isang kasanayang nagbibigay sa tao ng pagkakataong


maipahayag ang kanyang damdamin at maisakatuparan ang anumang naisin
sa paraang angkop at karapat-dapat.

Samakatwid, ang sining ng komunikasyon ay isang kasanayang nagbibigay


ng pagkakataon sa tao upang maipahatid sa kanyang kausap ang anumang
kaisipan o damdaming nais niyang ipahatid dito sa isang paraang mabisa,
karapat-dapat, at maganda.

IBA'T IBANG KAHULUGAN NG


KOMUNIKASYON
Ayon kay Josefina Mangahis et al. (2008), sa aklat na Komunikasyon sa
Akademikong Filipino, ang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na
communi atus na ang ibig sabihin ay “ibinabahagi.” Sa ganitong sitwasyon,
ang dalawang panig ay magbabahaginan ng kanilang ideya sa paraang
kasangkot ang pagsasalita, pakikinig, pag-unawa, pagbasa, at pagsulat.
lto ay isang proseso ng paghahatid ng isang mensahe o pagpapalitan ng ideya,
impormasyon, karanasan, at mga saloobin ng isang tao sa kanyang kapwa.

Masasabi ring ang komunikasyon ay isang likas na minanang gawaing


panlipunan na nagbabago-bago tulad ng mga tao at ng panahon, dahil ito ay
isang prosesong dinamiko, tuloy-tuloy, at nagbabago.

Samakatwid, ang komunikasyon ay isang paraan ng paghahatid at


pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng magkatambal
na proseso ng pagsasalita, pakikinig, at pag-unawa. May nagsasalita man,
kung walang nakikinig at umuunawa, ay walang nagaganap na
komunikasyon.

ANG KOMUNIKASYON BILANG ISANG


PROSESO

Bago maganap ang komunikasyon, ang mananalita o communicator ay


kailangang magkaroon ng sasabihin, samakatwid, dapat muna siyang dumaan
sa proseso ng pag-iisip o ideation. Ito ang pagbuo ng mensaheng nais na
ihatid. Pagkatapos, kailangan isipin ng mananalita kung ano ang gagamitin
niya sa paghahatid—senyas o wika. Sa kasalukuyan, wika ang pinakagamitin
sa paghahatid ng anumang uri ng mensahe. Ito ang pinakamabuti sapagkat
maaaring gamitin sa paraang pasulat at pasalita.
Ang komunikasyong pasalita ay nagiging mas mabis? kung ito ay
tinutulungan ng kilos o galaw. Layunin ng isang mananalita na maihatid nang
malinaw ang kanyang mensahe. Malaking bahagi ng maayos na
pakikipagtalastasan ay nakasalalay sa kahusayan sa paggamit ng wika ng
mananalita at sa lawak ng kanyang talasalitaan. Ang Iimitadong talasalitaan
ay nagbibigay rin ng limitadong pagkakataon na makagamit nang tama at
angkop na mga salita ang mananalita upang maipahatid ang tamang mensahe.

Kung paanong tatanggapin ang mensahe ay naaayon sa katinuan ng


kalagayan ng tumatanggap—naririnig ba nang malinaw ang mensahe,
nauunawaan ba, at nabibigyang-kahulugan ba ang naririnig? Ang reaksiyon
ng tumatanggap ng mensahe ay nakasalalay sa mga bagay na binanggit.

MGA LAYUNIN NG KOMUNIKASYON


Ang komunikasyon ay gumaganap ng kanyang tungkulin sa sangkatauhan
ayon sa sumusunod na mga layunin.

1. Magbigay ng daan tungo sa pag-uunawaan ng mga tao


2. Makapagkalat ng tamang impormasyon at kapaki-pakinabang na mga kaalaman
3. Magbigay-diin o halaga sa mga paksa o isyung dapat mabigyang-pansin, talakayin, at dapat
suriin ng mga mamamayan
4. Magbukas ng daan sa pagpapahayag ng ibalt ibang kaisipan, damdamin, at saloobin ng mga
tao

MGA URI NG KOMUNIKASYON


Sa pagnanais ng tao na makipag-unawaan sa kanyang kapwa na kasama niya
sa lipunang kinabibilangan ay apat na uri ng komunikasyon ang kanyang
ginagamit.

1. Komunikasyong Verbal—Uri ng komunikasyong gumagamit ng wika na maaaring pasulat o


pasalita. Pasulat ang uri ng komunikasyong nababasa at pasalita yaong mga binibigkas at
naririnig. Ito ang pinakagamiting uri ng komunikasyon.
2. Komunikasyong Extra-Verbal—Uri ng komunikasyong gumagamit ng tamang tono o timbre
ng boses sa pagsasalita o pagpapahayag ng kanyang saloobin o damdamin. Ang mababa at
malumanay na tinig ay tanda ng paggalang sa matatanda samantalang ang malakas na boses,
mataas na tono, at mabilis na ritmo ay ginagamit sa pagbibigay ng babala o paghingi ng
tulong.
3. Komunikasyong Di Verbal—lto naman ay uri ng komunikasyong hindi gumagamit ng wika, sa
halip, kilos at galaw ng katawan ang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Halimbawa nito ang
ekspresyon ng mukha, galaw ng mata, kamay, at paa.

Ang mukha ang pinakamahalaga sa pakikipagtalastasang hindi ginagamitan ng wika. Ang


mata at bibig ay mahalaga sa pagpapadama ng damdamin. Ang matang naniiiisik ay
nagpapadama ng galit, ang matang malamlam ay nagmamakaawa. Ang ngiti ay palatandaan
ng kasiyahan o pagsang-ayon, at iba pa.
4. Komunikasyong Simboliko—Ito ay komunikasyong binubuo ng mga mensaheng naibibigay
ng mga bagay na ginagamit na nakapaglalarawan ng mga nakatagong katangian at
personalidad ng isang tao. Ang mga ito ay maaaring naipakikita sa pamamagitan ng:
o Kasuotan o damit

o Alahas o palamuti sa katawan


o Make-up
o Kulay na napili

1. Laging kulay pula ang suot niyang damit.


2. Nakipagkindatan siya sa kanyang kaibigan nang sila ay magkasalubong.
3. lba’t ibang kulay ng kolorete ang ipinapahid niya sa labi gabi-gabi.
4. “Magandang umaga,” ang masaya Miyang bati sa guro.
5. Nagsisigaw ang ale nang agawin ng lalaki ang kanyang bag.
6. Napahiyaw ang bata nang malaglagan siya ng butiki sa batok.
7. Tumango lamang siya nang tanungin.
8. Itinaas niya ang kanang kamay matapos magsalita ng guro.
9. Itim ang isusuot niyang damit sa loob ng isang taon.
10. Araw-araw siyang nagsusuot ng iba’t ibang magagandang alahas.
11. Humingi ng paumanhin ang bath sa babaeng di niya sinasadyang natapakan.
12. Hindi magkamayaw ang mga tao nang biglang dumating ang paborito nilang artista.
13. Biglang sinuntok ng lalaki ang kaharap nang malamang ito ang nanakit sa kanyang anak.
14. Umawit siya sa harap ng mga panauhin.
15. Laging maong na pantalon ang suot niya tuwing papasok sa pabrika.
Ang ganda naman ng damit na suot mo!

Angkop na sagot:
________________________________________________________

Saan ba ang punta mo at bihis na bihis ka?

Angkop na sagot:
________________________________________________________

Paano ba ang pagpunta sa opisina ng inyong punong-guro?

Angkop na sagot:
________________________________________________________

You might also like