Professional Documents
Culture Documents
Umakyat siya sa puno. Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang
panghalip ng aktor sa pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang].
Samantalang sa ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat]
kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktor na datiy [niya] ngayoy [siya] na. Imbis
na pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang
kahulugan ng dalawang pangungusap.
2.
Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika,
kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng
mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)
3.
Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga
gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang
tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at
[bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi
naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika,
nangangahulugan na hindi siya bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit
kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika, nangangahulugang sumasangayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.
4.
Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng
palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika
na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat
wika.
Halimbawa
Wikang Swahili atanipena (magugustuhan niya ako)
Wikang Filipino Opo, po
Wikang Subanon gmangga (mangga)
Wikang Ingles girl/girls (batang babae/mga batang babae)
Wikang Tausug tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)
Wikang French Francois (pangngalan /fransh-wa/)
Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang
ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino
lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon
naman, mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol
na dalawang magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika.
Sa Ingles naman, isang fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng
makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay
nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-ugat. Sa French naman,
mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.
5.
Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang
wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa
leksikon ng wika.
Halimbawa: BOMBA
Kahulugan
a. Pampasabog
b. Igipan ng tubig mula sa lupa
c. Kagamitan sa palalagay ng hangin
d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula
e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao
6.
Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema
mula sa ibang wika kayat itoy patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano,
binibigkas na ang ka na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng tu at bo. Ang Filipino
ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at edukasyon]
na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaion].
7.
Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin.
Maraming salita na hindi maisalin sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika.
Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng salita mula sa isang wika
sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan. Halimbawa,
walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga
Tagalog ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin
matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng paghahanda ng buko ng mga Cebuano
sa iba pang komunidad sa bansa.
8.
Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa
komunikasyon ng mga pipi, hindi wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos.
Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi nito taglay ang katangian ng isang
ganap na wika.
9.
Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng
alfabeto. Ang tunog na bi ay sinasagisag ng titik na b. Ang simbolong m ay
sumasagisag sa tunog na em.
10.
Antas ng wika
A.
formal at di-formal di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa kaedad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o
nakatatanda
B.
C.
D.
lalawiganin mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng
Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang
paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng
implikasyon ng kultura ng isang lalawigan
E.
kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito.
Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito.
Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare'
F.
balbal o pangkalye wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at
may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla halimbawa
ang mga salitang eklavush, erpat at ermat at cheverloo.
G.
edukado/malalim wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at
pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal
Hindi bat nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kayat ang tawag nila sa
aso ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito, bakit iba-iba ang tawag sa
aso halimbawa sa ibat ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa Amerika
man o sa Tsina ay pareho lamang?
Ding-dong
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa teoryang ito,
sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang
teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay na
likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog na siyang
kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang siyang ginagad ng mga sinaunang
tao na kalaunay nagpabagu-bago at nilapatan ng ibat ibang kahulugan. Tinawag din ito
ni Max Muller na simbolismo ng tunog
Pooh-pooh
Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi sinasadya ay
napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong
napapabulalas sa sakit. Hindi bat siya y napapa-Aray! Samantalang ang mga
Amerikano ay napapa-ouch! Anong naibubulalas natin kung tayoy nakadarama ng
tuwa? Ng sarap? Ng takot?
Yo-he-ho
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay
natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga bat tayoy
nakalilikha rin ng tunog kapag tayoy nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, anong tunog
ang nililikha natin kapag tayoy nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayoy
sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?
Yum-yum
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng
pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay
isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng
teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika
Ta-ta
Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang
ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ng
Eureka!
Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw na ang ating mga ninuno
ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga
tiyak na bagay. Nang ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba
pang tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay (Boeree, 2003).
La-la
Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang
magsalita.
Ta-ra-ra-boom-de-ay
Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng
gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal,
pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto. Kaakibat ng
mga ritwal na iyon ay ang pagsasayaw, pagsigaw atincantation o mga bulong. Ayon sa
teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa
mga ritwal na ito na kalaunay nagpapabagu-bago at nilapatan ng ibat ibang kahulugan.
Mama
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga pinakamadadaling pantig ng
pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang mga bata. Sa una y hindi niya
masasabi ang salitang mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang panumbas sa
salitang mother.
Rene Descartes
Hindi pangkaraniwang hayop ang tao kung kaya't likas sa kaniya ang gumamit ng wika
na aangkop sa kaniyang kalikasan bilang tao. May aparato ang tao lalo na sa kaniyang
utak gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong antas ang
wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan ang iba't
ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay.
Plato
Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all invention.
Sa paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain, pangunahing pangangailangan
din ng tao ang wika kung kaya;t naimbento ito ng tao.
Jose Rizal
Kung lahat ng likas na bagay ay galing sa Poong Maykapal, bakit hindi ang wika?
Naniniwala ang pambansang bayani na kaloob at regalo ng Diyos ang wika sa tao
Charles Darwin
Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya't nabuo ang wika. Survival of the fittest,
elimination of the weakest. Ito ang simpleng batas ni Darwin. Upang mabuhay ang tao,
kailangan niya ng wika. Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat
na On the Origin of Language, sinasaad dito na ang pakikipagsapalaran ng tao para
mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang makalikha ng ibat ibang wika.
Wikang Aramean
Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria.
May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe
ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at
Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.
Haring Psammatichos
Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto, gumawa ng isang eksperimento
si Psammatichos kung paano nga ba nakapagsasalita ang tao. May dalawang sanggol
siyang pinalaki sa loob ng kuweba at mhigpit na ipinag-tos na hindi ito dapat makarinig
ng anumang salita. Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng "Bekos" ang dalawang
bata na ang ibig sabihin ay tinapay. Sa maikling sabi, likas na natututuhan ng tao ang
wika kahit hindi ituro ang pinanghahawakan ng teoryang ito.
Alin sa mga teoryang ito ang wasto? Hindi natin matutukoy. Kaya nga teorya ang tawag
sa mga ito, mga haka-haka lamang na mahirap patunayan at husgahan. Ang pagpipilit
na ang isa ang tama ay tiyak na hahantong lamang sa walang hanggang pagtatalo.
Bawat teorya ay may sari-sariling kalakasan at kahinaan na maaaring maging batayan
upang ating paniwalaan o di kayay tanggihan. Magkagayon man, mahalaga ang bawat
isa sa pagtalakay sa pinagmulan ng wika.
KAHALAGAHAN NG WIKA
ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;
ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.
Sa Explorations in the Functions of Language ni M.A.K. Halliday (1973), binigyang-diin niya ang
pagkakategorya sa wika batay sa mga tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay.
1.
Interaksyonal ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagtatatag, pagpapanatili at
pagpapatatag ng relasyong sosyal sa kapwa tao. Di nga kasi, ang tao ay nilikhang panlipunan
(social beings, not only human beings). Sa pasalitang paraan, pinakamahusay na halimbawa nito
ang mga pormularyong panlipunan (Magandang umaga, Maligayang kaarawan, Hi/Hello at iba pa),
pangungumusta at pagpapalitan ng biro. Sa pasulat na paraan, pinakamahusay na halimbawa nito
ang liham-pangkaibigan. Ang pakikipag-chat sa mga kaibigang nasa malalayong lugar o sa isang
bagong kakilala ay maihahanay rin sa ilalim ng tungkuling ito.
2. Instrumental ang tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan.
Nagagamit ang tungkuling ito sa pakikiusap o pag-uutos. Ang paggawa ng mga lihampangangalakal (business letters) ay isang mahusay na halimbawa ng pamamaraan upang
matugunan ang ating ibat ibang pangangailangan. Halimbawa, kung kailangan mo ng trabaho,
kailangan mong gumawa ng application letter, bukod sa iba pang requirements.
3.
Regulatori ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng
ibang tao. Sa madaling sabi, ito ang pagsasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin.
Pinakamahuhusay na halimbawa nito ang pagbibigay ng direksyon, paalala o babala. Ang mga
panuto sa pagsusulit at mga nakapaskil na dos and dont's kung saan-saan ay nasa ilalim ng
tungkuling ito.
4. Personal naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o
opinyon. Sa mga talakayang pormal o impormal ay gamit na gamit ang tungkuling ito. Samantala,
ang pagsulat ng liham sa patnugot at ng mga kolum o komentaryo ay mga halimbawa nito sa
pasulat na anyo.
5.
Imahinatibo naman ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa
malikhaing paraan. Makikilala ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga idyoma, tayutay, sagisag at
simbolismo. Gamitin ang tungkuling ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng tula, nobela,
maanyong sanaysay at maikling katha.
6 at 7.
Heuristik ang tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng
impormasyon. Kabaligtaran nito ang tungkuling Impormatibo na ginagamit sa pagbibigay ng
impormasyon. Samakatuwid, ang pagtatanong ay heuristik at ang pagsagot sa tanong ay
impormatibo (maliban kung ang tanong ay sinagot sa pamamagitan din ng tanong na kinagawian na
yata ng marami). Ang pagsasarbey ay heuristik at ang pagsagot sa survey sheets ay impormatibo.
Ang pakikipanayam at pananaliksik ay iba pang halimbawa ng tungkuling heuristik. Ang pag-uulat,
pagtuturo at pagpapasa ng ulat o pamanahong-papel naman ay mga halimbawa ng tungkuling
impormatibo.
Antas ng Wika
1. formal at di-formal di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang
formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda
2. lingua franca wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang
lingua franca ng mga tao
3. lalawiganin mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug,
Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang
lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan
4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga
salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para
sa 'pare'
5. balbal o pangkalye wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang
kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla halimbawa ang mga salitang eklavush, erpat at
ermat at cheverloo.
6. edukado/malalim wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno,
sa korte at iba pang venyung profesyunal
Ang wika ay nahahati sa ibat ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang
pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong
dinadaluhan.
Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.
Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila
para sa paaralan at pamahalaan
Halimbawa:
Asawa, Anak, Tahanan
Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay
karaniwang malalim, makulay at masining.
Halimbawa:
Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan
Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang
tono o punto.
Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,
maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang titik sa salita.
Halimbawa:
Nasan, pa`no,sakin,kelan
Ponetiko at ponolohiya
Ang batayang yunit ng tunog na pinag-aaralan sa ponolohiya at ponetiko ay ang ponema
(o phoneme). Ito ay ang pinakamaliit na yunit ng tunog sa wika. Ang ponetiko ay ang pag-aaral ng
mga tunog na posibleng likhain ng tao na matatagpuan sa lahat ng wika. Samakatwid, ito ay ang
siyentipikong pag-aaral ng paglikha ng tao ng tunog na kanyang ginagamit sa wika, at kung paano
ito tinutukoy ng tao mula sa iba pang mga tunog na hindi bahagi ng wika. Samantala,
ang Phonologynaman ay ang pag-aaral ng sistema ng paggamit ng tunog ng isang wika upang
makalikha ito ng kahulugan. Sa madaling salita, ang Phonetics ay nakatuon sa pag-aaral ng
imbentaryo ng mga tunog ng wika ng tao na nagmula sa mga pinagsama-samang set ng tunog ng
lahat ng wika, at ang Phonology naman ay ang pag-aaral ng set ng tunog ng isang wika o ang
pagkukumpara ng mga set ng tunog ng ibat ibang-wika.
Morpoponemiko
Ang pagbabagong morpoponemiko ay ang anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang
morpema dahil sa impluwensiya ng kapaligiran nito.
Mga uri ng pagbabagong morpoponemiko sa wikang Filipino:
Pagpapalit ng ponema = kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito'y
pinapalitan ng ponemang "r".
Tindig
Dapat tumindig nang maginhawa at maluwag ang nagsasalita. Maging anyong kagalang-galang at
maginoo. Tuwid ang katawan at ulo sa paglakad sa entablado.
Kumpas
Nakatutulong ito upang maihatid nang maayos ang mensahe. Maaaring gamitin ang buong katawan
kung gumagalaw sa entablado at maaari rin namang bahagi ng katawan lamang.
Ekspresyon ng Mukha
Ito ang nagsisilbing hudyat sa mga tagapakinig upang malaman ang emosyon ng nagsasalita.
Siguraduhing ang salitang binibigkas ay angkop mga ekspresyon ng mukha.
Dapat iwasan ang:
pagtungo
pagbabasa ng palagian sa mga tala
pagsasalita na kausap ang dingding
Tinig o Boses
Ito ang pinakaimportanteng kasangkapan ng pakikipagtalastasan. Nakapaloob dito ang wastong
paggamit ng mga sangkap sa pagsasalita at wastong paghinga upang makatulong sa pagkakaroon
ng angkop at natural na tinig.