You are on page 1of 6

Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan

-Ingles ang higit na ginagamit sa mga boardroom ng malalaking kompanya at korporasyon lalo na sa mga
pag-aari o pinamuhunan ng mga dayuhan at tinatawag na multinational companies.
Ito rin ang wika sa mga Business Process Outsourcing (BPO) o mga call center lalo na iyong mga
kompanya na nakabase sa Pilipinas ngunit ang mga sineserbisyuhan ay mga dayuhang customer.
Ang mga dokumentong nakasulat tulad ng memo, kautusan, kontrata atbp. Ay gumagamit ng wikang
Ingles.Ang website ng mga malalaking mangangalakal ay sa Ingles din nakasulat gayundin ang kanilang
press release lalo na kung ito ay sa mga broadsheet o magazine nalalathala.Gayumpanin, nananatiling
Filipino at iba’t ibang barayti nito ang wika sa mga pagawaan o production line, mga mall, mga restoran,
mga pamilihan, mga palengke at maging sa direct selling.

Sitwasyong Pangwika sa Pamahalaan


- Sa bisa ng Batas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na “nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran,
kawanihan, opisina, ahensiya at instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na
kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na transaksiyon, komunikasyon at
korespondensiya.Ang dating Pangulong Benigno Aquino III ay nagbigay ng malaking suporta at
pagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit niya sa wikang ito sa mga mahahalagang
panayam at talumpating ibinibigay tulad ng SONA o State of the Nation Address na ipinarating niya sa
buong panahon ng kanyang panunungkulan.

Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon


Ang wikang ginagamit ay itinadhana ng K to 12 Basic Curriculum.
Sa mababang paaralan (K hanggang Grade 3) ay unang wika ang gamit bilang wikang panturo at bilang
hiwalay na asignatura, samantalang Filipino at Ingles naman ay itinuturo bilang magkahiwalay na
asignatura na pangwika. Sa mataas na antas nananatiling bilingguwal kung saan ginagamit ang wikang
Ingles at Filipino bilang wikang panturo. Ang pagkakaroon ng batas at pamantayang sinusunod ng mga
paaralan, pribado man o pampubliko ay nakatulong ng malaki upang higit na malinang at lumaganap ang
unang wika ng mga mag-aaral, gayundin ang wikang Filipino, kasabay ng pagkatuto ng wikang Ingles at
makatulong sa mga mag-aaral upang higit na maunawaan at mapahalagahan ang kanilang paksang
pinag-aaralan.

SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG POPULAR


FLIPTOP
Pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap.
Nahahawig sa balagtasan dahil ang bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat sa fliptop ay hindi
nakalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano ang paksang sisimulan ng unang
kalahok ay siyang sasagutin ng katunggali.
Gumagamit ng di pormal na wika at walang nasusulat na iskrip kaya karaniwang ang mga salitang
binabato ay balbal at impormal.
Pangkaraniwan ang paggamit ng mga salitang nanlalait para mas makapuntos sa kalaban.
Laganap sa mga kabataan na sumasali sa mga malalaking samahan na nagsasagawa ng kompetisyon na
tinatawag na “Battle League”.

PICK-UP LINES
Itinuturing na makabagong bugtong kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas
naiuugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay.
Sinasabing nagmula ito sa bulalas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig,
magpangiti at magpa-ibig sa babaeng nililigawan nito.

HUGOT LINES
 Tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakatutuwa, cute, cheesy o minsa’y nakakainis.
 Tinatawag ding love lines o love quotes na nagpapatunay na ang wika nga ay malikhain.
 Karaniwang nagmula sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyon na nagmarka sa puso’t
isipan ng mga manonood.
 May mga pagkakataon na nakakagawa rin ang isang tao ng hugot line depende sa damdamin o
karanasang pinagdadaanan nila sa kasalukuyan.
 Minsan ay nakasulat sa Filipino subalit madalas ay Taglish o pinaghalong Filipino at Ingles ang
gamit ng salita sa mga ito.

SITWASYONG PANGWIKA SA TEXT


 Ang pagpapadala at pagtanggap ng SMS (short messaging system) na kilalang text message o
text ay isang mahalagang bahagi ng komunikasyon sa ating bansa.
 Humigit kumulang sa apat na bilyong text ang ipinapadala at natatanggap sa ating bansa sa araw
araw na dahilan upang tayong ay kilalanin bilang “Text Capital of the World”
 Higit na popular sa pagtawag sa telepono o cellphone dahil bukod sa mura ang mag-text mas
komportable ang taong magparating ng maiikling mensaheng nakasulat kaysa sa sabihin ito ng
harapan o gamit ang telepono.
 Hindi makikita ang ekspresyon ng mukha o tono ng boses na tumatanggap ng mensahe.

SITWASYONG PANGWIKA SA SOCIAL MEDIA AT INTERNET


 Pagyabong ng paggamit ng social media sites kagaya ng Facebook, Twitter, Instagram, Pinterest,
Tumblr atbp.
 Lahat ng uri ng tao ay umaarangkada ang social life at kabilang na rin sa mga netizen.
Daan sa pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o mga mahal sa buhay.
 Madaling makabalita sa mga nangyayari sa buhay sa pamamagitan ng mga nakapost na
impormasyon, larawan at pagpapadala ng pribadong mensahe (pm) gamit ang mga ito.
 Karaniwang code switching ang wikang ginagamit sa social media o pagpapalit palit ng Ingles at
Filipino sa pagpapahayag.

DELL HATHAWAY HYMES – isang mahusay, kilala at maimpluwensiyang lingguwistika at anthropologist


na maituturing na “higante” sa dalawang nabanggit na larangan. Katunuyan, hindi maaaring tumbasan
ng iisang salita ang malawak na sakop ng kanyang kakayahang pang-akademiko.
Si Dr. Hymes ay isinilang sa Portland Oregon, United States noong Hunyo 7, 1927. Nagtapos siya ng
Bachelors Degree in Literature and Anthropology sa Reed College noong 1950 at ng Ph.D in Linguistics
noong 1955. Siya ay yumao noong Nobyembre 13, 2009 sa edad na 82 dahil sa mga komplikasyong dala
ng sakit na Alzheimer’s.

Mungkahing Komponent ng Kakayahang Lingguwistiko o Kakayahang Gramatikal

 SINTAKS ( pagsasama ng mga salita upang makabuo ng pangungusap na may kahulugan.


 Estruktura ng pangungusap
 Tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita
 Uri ng pangungusap ayon sa gamit ( pasalaysay, patanong, pautos, padamdam)
 Uri ng pangungusap ayon sa kayarian ( payak, tambalan, hugnayan, langkapan)
 Pagpapalawak ng pangungusap
 MORPOLOHIYA ( mahahalagang bahagi ng salita tulad ng iba’t ibang bahagi ng pananalita
 Iba’t ibang bahagi ng pananalita
 Prosesong derivational at inflectional
 Pagbubuo ng salita
 LEKSIKON ( mga salita o bokabularyo)
Pagkilala sa mga
Content words (pangngalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay)
Function words (panghalip, mga pang – ugnay, tulad ng pangatnig, pangukol, pang angkop)
Konotasyon at Denotasyon
KOlokasyon ( pagtatambal ng salita at isa pang subordinate na salita)

 PONOLOHIYA O PALATUNUGAN
 SEGMENTAL
Katinig, Patinig, Tunog
 SUPRASEGMENTAL
Diin, intonasyon at hinto
 ORTOGRAPIYA
 MGA GRAFEMA
 PANTIG AT PALAPANTIGAN
 TUNTUNIN SA PAGBABAYBAY
 TULDIK
 MGA BANTAS

KAKAYAHANG SOSYOLINGGUWISTIKO
Ang kakayahang sosyolingguwistiko ay ang pagsasaalang – alang ng isang tao sa ugnayan niya sa mga
kausap, ang impormasyong pinag – uusapan, at ang lugar ng kanilang pinag – uusapan. Isinasaalang –
alang dito ang kontekstong sosyal ng isang wika. Sa mga bagay na dapat isaalang alang para sa
epektibong komunikasyon na iniisa isa ni Dell Hymes.

SETTING - Tumutukoy sa lugar at panahon. Ito ay dapat isaalang-alang sapagkat ito ang daan sa
pakikipag komunikasyon upang malaman ang sitwasyon at kung kalian din ito nangyari.
PARTICIPANT- Ang taong nakikipagtalastasan. Isinasa – alang din natin ang taing kausap upang pumili ng
paraan kung paano siya kakausapin.
ENDS - Ito ay ang layunin o dahilan ng komunikasyon. Tumutukoy ito sa layunin ng pakikipagtalastasan
ng indibidwal.
ACT SEQUENCE - Nakapaloob dito ang istruktura at nilalaman ng mensahe.Ang takbo ng usapin.
KEYS - Ito ay ang pag-uusap o sa tono ng pag-uusap.maari itong pormal,di-pormal,literal,patalinghaga,
patula, patuluyan at iba pa.
INSTRUMENTALITIES - Ang paraang ginagamit dito ay ang pasalita o pasulat, verbal o di-berbal at iba
pang paraan ng instumento upang tayo’y makisalamuha.
NORMS - Ito ang kubensyon at paksang talakayan. May impluwensya ditto ang kultura; kung ano ang
mga pwede at di maaaring gawin, at mahalagang malaman ang kasangkot sa kulturang kinabibilangan
maintindihan ang nais nilang ipahiwatig sa mga pahayag na kanilang binibitawan.
GENRE - Tumutukoy ito sa ginagamit na uri o paraan ng pakikipagkomunikasyon, ekspositori, paglalahad,
nareyshon o pagsasalaysay, diskripsyon o paglalarawan.

URI NG KOMUNIKASYON
Napakaraming kahulugan ng salitang komunikasyon. Kung gagamitin mo ang mga talatinigan makukuha
mo ang ganitong depinisyon: ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya o kaisapan sa
pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan. Ito ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga
mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues na maaaring verbal o di verbal. Maliwanag na sa
isang sitwasyon ng pakikipagtalastasan ay may tagahatid ng mensahe at may tagatanggap. Verbal ang
tawag sa komunikasyon kapag ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa
kahulugan ng mga mensahe. Verbal na komunikasyon ang ginagamit ng traffic enforcer sa motorista
binanggit niya ang salitang HINTO. Di verbal kapag hindi ito gumagamit ng salita bagkus ginagamitan
ito ng mga kilos o galaw ng katawan upang maiparating ang mensahe sa kausap.
Iba’t Ibang Pag - aaral sa mga Anyo ng Di - Verbal na Komunikasyon

1. Kinesika (Kinesics) - Ito ang pag - aaral ng kilos at galaw ng katawan. Hindi naman tayo bumibigkas ng
salita, sa pamamagitan ng pagkilos at maipaparating natin ang mensaheng nais nating ipahatid.
Halimbawa, kapag ang isang tao ay idinikit nang patayo ang kanyang hintuturong daliri sa kanyang labi,
alam nating ang ibig sabihin nito ay kailangang tumahimik. Kadalasan ginagamit din natin ang mga
kumpas.
2. Ekspresyon ng mukha (Pictics)- Ito ang pag - aaral sa ekspresyon ng mukha upang maunawaan ang
mensahe ng tagapaghatid. Sa paghahatid ng mensaheng di - verbal, hindi maipagwawalang - bahala ang
ekspresyon ng mukha. Ang ekspresyon ng mukha, kadalasan, ay nagpapakita ng emosyon kahit hindi
man ito sinasabi. Sa ekspresyon ng mukha at mahihinuha natin ang nararamdaman ng isang tao, kung
ito ay masaya, malungkot, galit o natatakot.
3. Galaw ng mata (Oculesics)- Ito ay pag - aaral ng galaw ng mata. Nakikita sa galaw ng mata ang
nararamdaman natin. Sinasabing ang mata ang durungawan ng ating kaluluwa, nangungusap ito.
Ipinababatid ng ating mga mata ang mga damdaming nararamdaman natin kahit hindi natin ito
sinasalita.
4. Vocalics - Ito ay ang pag - aaral ng mga di lingguwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita.
Kasama rito ang pagsutsot, buntonghininga, at iba pang di lingguwistikong paraan upang maipahatid ang
mensahe. Tinutukoy rin nito ang tono, lakas, bilis, o bagal ng pananalitang nagbibigay linaw sa verbalk
na komunikasyon.
5. Pandama o Paghawak (Haptics)- Ito ay pag - aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng
mensahe. Isang anyo rin nito ang di - verbal na komunikasyon. Ang pagtapik sa balikat, paghablot,
pagkamay o pagpisil, ito ay mga paraan upang mapabatid ang isang mensahe.
6. Proksemika (Proxemics)- Ito ay pag - aaral ng komunikasyon gamit ng espasyo,isang katawagang
binuo ng antropologong si Edward T. Hall (1963). Ito ay tumutukoy sa layo ng kausap sa kinakausap.ang
magka -usap ay may iba’t ibang uri ng proxemics distance na ginagamit sa iba’t ibang pagkakataon. Ang
distansyang ito ay maaaring magpahiwatig kung anong uri ng komunikasyon ang namamagitan sa
magka-usap. Una, ang pag - uusap na intimate ay makikita sa magkausap na may distansiyang 0
hanggang 1.5 feet. Ikalawa, sinasabing personal ang pag - uusap kapag 1.5 hanggang 4 feet ang pagitan.
Ikatlo, kapag 4 hanggang 12 feet ang pagitan, ito ay sinasabing social distance. Ang ikaapat ay tinatawag
na public kung saan ang pagitan ay 12 feet, karaniwang makikita it sa mga nagtatalumpati.
7. Chronemics - ito ay pag - aaral sa tumutukoy kung paano ang oras ay nakakaapekto sa komunikasyon.
Ang paggamit ng oras sy maaaring kaakibat ng mensaheng nais iparating. Ang pagdating ng maaga sa
isang Job Interview ay nagangangahulugang may disiplina ang nag- aaply at interesado siya sa inaaply

Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino - Kakayahang Pragmatik Sa mga nakalipas na dalawang


aralin ay nabatid natin ang ilang kakayahang pangkomunikatibo tulad ng lingguwistiko o gramatikal at
sosyolingguwistikong tutulong sa atin upang maging epektibo sa pakikipagtalastasan. Ang mga
kakayahang pangkomunikatibo sa mga modelong binuo ng mga lingguwistika. Sadyang may pagkakaiba
ang mga modelo ngunit makikita natin ang pagkakatulad ng mga ito at ang layunin nitong magdebelop
ng mga epektibong komyunikeytor. Kung ang isang tao ay may kakayahang pragmatik natutukoy nito
ang kahulugan ng mensaheng sinasabi at di sinasabi, batay sa ikinikilos ng taong kausap. Natutukoy rin
nito ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan batay sa paggamit at sa konteksto. Sa
pakikipagtalastasan, mahalagang maunawaan ang intensiyon ng nagsasalita dahil mahuhuluan ang
mensahe nito ng tagapakinig. Mahalaga ang kakayahang pragmatiko bilang daan sa pagiging epektibo ng
pakikipagtalastasan, sapagkat nililinaw nito ang relasyon sa pagitan ng intensiyon ng nagsasalita o
nagpapahatid ng mensahe at ang kahulugan nito. Nararapat ding malamang may iba’t ibang salik pang
dapat isaalang - alang sa pag - unawa, kasama na rito ang intelektuwal na kalagayan ng decoder,
kalinawan ng encoder, at ang pagtatagpo ng kani - kanilang interpretasyon.
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino - Kakayahang Istratedyik Isa pang kakayahang
pangkomunikatibo na dapat taglay ng isang mahusay na komyunikeytor ay ang kakayahang istratedyik.
Ito ay kakayahang magamit ang verbal at di verbal na mga hudyat upang maipabatid nang mas malinaw
ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga puwang (gaps) sa
komunikasyon. Sa isang bagong nag - aaral ng salitang hindi pa bihasasa paggamit ng wikang binibigkas
ay makakatuloong ang paggamit ng mga di verbal na hudyat tulad ng kumpas ng kamay, tindig,
ekpresyon ng mukha, at marami pang upang maipaabot ang tamang mensahe. Maging ang mga
katututbong nagsasalita ng isang wika ay gumagamit din ng kakayahang istratedyik kapag minsang
nakalimutan ang tawag sa isang bagay o nasa “dulo na ito ng kanilang dila”at hindi agad maalala ang
tamang salita.

TATLONG ANTAS NG KOMUNIKASYON

Komunikasyong Intrapersonal – kung saan nagaganap ang komunikasyon sa isipan ng isang tao
Komunikasyong interpersonal – tumutukoy ito sa pakikipagtalastasan sa ibang tao, maaring sa pagitan
ng dalawang tao sa maliit na grupo.
Komunikasyong Pampubliko – kung dati rati ito ay patungkol sa pagtatalumpati o pagsasalita sa harap
ng maraming tao, ngayon ay saklaw na rin ng antas na ito ang komunikasyong pampulitika, panlipunang
pamimili at pagtitindi.

Anim na pamantayan sa pagtataya ng kakayahang pangkomunikatibo

1. Pakikibagay (Adaptability)
2. Paglalahok sa Pag – uusap (Conversational Involvement)
3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management)
4. Pagpukaw-damdamin (Empathy)
5. Bisa (Effectiveness)
6. Kaangkupan (Appropriateness)
7.

Kabanata I
Ang Suliranin at Kaligirang Pangkasaysayan

Panimula/ Introduksyon – mababasa sa panimula ang presentasyon o paglalahad ng suliranin.


Nililinaw rin ang sanhi ng pagpili ng paksa at ang kahalagahan nito. Sa bahaging ito rin
tinatalakay ang mahahalagamng detalye na may kinalaman sa paksa na sasagot sa tanong na:
ano sino at bakit
Sanligang Pangkasaysayan –isinasaalang – alang sa bahaging ito ang pinagmulan ng paksang
pananaliksik.
Layunin ng pag - aaral – tatalakayin sa bahaging ito ang layunin ng mga mananaliksik na naging
dahilan para pag – aaralan ang napiling paksa.
Paglalahad ng Suliranin – makikita sa bahaging ito ang pangkalahatang suliranin ng paksang pag
– aaralan na nagsasaad ngmga tiyak na katanungan na kailanagang masagot sa sulating
pananaliksik na nasa anyong patanong.
Batayang Teoretikal – sa teoryang ito iaangkla ng mananaliksik ang sariling pagtingin sa paksang
pinag – aralan gayundin angmga ideyang dapat palitawin sa ginawang pananaliksik sa tulong ng
mga teoryang may kinalaman sa paksa.
Balangkas konseptwal – ito ay tumatalakay sa mga ideya o konsepto ng mananaliksik ayon sa
isinasagawang pag – aaral. Ditto ay bumubuo ng paradima na naaayon sa kabuuang konsepto ng
mananaliksik patungkol sap ag – aaral.
Saklaw at Limitasyon ng Pag- aaral – ilalahad sa bahaging ito ang lawak na sangkop ng
ginagawang pag – aaral. Ipinaaalam din ditto ang mismong paksa ng pag – aaral gayundin ang
katatagapuan ng mga datos na kakailanganin sampu ng populasyon o bilang ng mga respondent
na sasagot sa inihandang mga tanong.
Kahulugan ng mga Terminolohiya – ditto bibigyang kahulugan ang mga salitang teknikal,
mahahalaga o pili na ginamit sa pananaliksik. Bibigyang – linaw ang mga salitang ito sa paraan
kung paano ito ginamit sa loob ng pangungusap, upang mas lubusang maunawaan ng mga
mambabasa.

Kabanata II
Mga Kaugnayan na Pag – aaral at Literatura

Dayuhang Pag – aaral – makikita sa bahaging ito ang mga ideya na nakaalap mula sa mga tesis o
disertasyong isinagawa ng isang dayuhan.
Lokal na Pag – aaral – makikita sa bahaging ito ang mga ideya na nakalap mula sa mga tesis o
disertasyong isinagawa ng taong mula sa bansa.
Dayuhang Literatura – makikita sa bahaging ito ang mga ideya na nakalap mula sa mga aklat,
dokumento, artikulo at iba pang sanggunian gawa ng taong ,ula sa ibang bansa.
Lokol na Literatura – makikita sa bahaging ito ang mga ideya na nanakalap mula sa mga aklat,
dokumento, artikulo at iba pang sangguniang gawa ng taong mula sa bansa.

Kabanata III
Metodo ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik – nililinaw sa bahaging ito ang ginamit na disenyo ng pananaliksik.


Respondent – dito inilalahad ang eksaktong bilang ng mga sumagot sa inihandang talatanungan.
Inihahayag dito ang maikling profile ngmga respondent gayundin kung bakit sila pinili na
sumagot sa mga katanungang makakatulong sa pananaliksik.
Instrumento ng Pananaliksik – dito makikita ang ginamit na mga talatanungan sa pagkalap ng
mga informasyon o datos na gagamitin ang diskriptiv – analitik. Ang instrumentop sa
pananaliksik ay maaaring sarvey – kwestyuner, intervyu o panayam.
Tritment ng mga Datos – inilalahad dito ang simpleng istatistik na magagamit matapos maitala
angmga naging sagot sa sarvey – kwestyuneyr sa bawat respondente.

Goodlock mga nakong ko!!!!!!!!

Nawa”y tayo parin sa 2nd semester!

Hanggang sa MULI! PAALAM

You might also like