You are on page 1of 15

CONTROL NO.

________

CRONASIA FOUNDATION COLLEGE, INC.


Andres- Dizon Bldg., Pioneer Avenue
General Santos City, 9500
magadangcronasia@gmail.com
(083) 554-6323

MODYUL SA
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
First Quarter
LEKSYON 1-4

PRELIM

Name: ______________________________________________
Grade & Section: ___________________________________
Contact Number: ___________________________________
Class Adviser _______________________________________

CATHRENA JANE A. MINA


Teacher

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | LALYN L. 1


QUINTANES
Pangkalahatang Ideya:
MGA PAKSA:  Ang wika ay Ang wika ay isang sistema ng mga
LEKSYON 1 sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan na
 Introduksyon sa Wika ginagamit sa komunikasyon.
 Konseptong Pangwika  Ang Antas ng Wika ay gaya ng: Kolokyal o
 Wikang Opisyal at Pambansa, Kolokyalismong karaniwan,
Wikang Panturo Kolokyalismong may talino, Lalawiganin o
Panlalawigan at iba pa.
 Ang Wikang Pilipino ay kilala natin sa Wikang
Tagalog. Ginagamit ang Tagalog at Ingles sa
pagtuturo, at “Mother Tongue” ayon sa antas o
angkop na gamit nito para sa mga mag-aaral.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | LALYN L. 2


QUINTANES
INTRODUKSYON SA WIKA AT KONSEPTO NITO

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng


mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig,
depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang
mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na
lingguwistika. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula
naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding
salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang
lengguwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit
ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa
malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o
ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon.

Mga Anyo ng Wika


Pinakapayak sa mga anyo ng wika ang paggamit ng mga salita o pagsasalita. Subalit
kabilang din rito ang pagsusulat, mga wikang pasenyas, larangan ng musika, sining ng
pagpipinta, pagsasayaw, at maging ang matematika. "Wika" ang lahat ng mga ito kung
gagamitin ang malawakan na kahulugan ng wika. Sa ilang pagkakataon, tinatawag ding dila
(piguratibo), salita, diyalekto, o lingo (sariling-wika ng isang grupo, bigkas: ling-gow, mula
sa Ingles) ang wika.

Mga Antas
 Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang
pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga
wikang Ingles at Filipino
 Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"
 Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan
 Lalawiganin/Panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | LALYN L. 3


QUINTANES
 Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao,
na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling
pagkakakilanlan. Ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang
Kolokyal/pambansa.
 Pampanitikan/panitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.

Kategorya ng Paggamit ng Wika


1. Pormal- ay ang mga salitang istandard, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala,
tinatanggap at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika.
Ginagamit ito sa mga usapang pormal.

 Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika


o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.
Halimbawa: Pulis, Ama, Pera
 Pampanitikan o panretorika - mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan,
karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.
Halimbawa: Haligi ng tahanan, salapi

2. Impormal o di-pormal- ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa


pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi pormal na usapan.

 Lalawiganin - mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ito sa mga partikular na pook


o lalawigan lamang.
Halimbawa: Papanaw ka na? (Aaalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
 Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga
salitang nabuklat sa lansangan.
Halimbawa: Purita – Mahirap – Poor People
Erpat – Ama – Father
 Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong inpormal. Ang pagpapaikli
ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.
Halimbawa:
Mayroon - meron
ayaw ko - ayoko
nasaan - nasa'n

Konseptong Pangwika
Ito ay binubuo ng mga simbolo at iba’t-ibang mga salita. Ito rin ay isang paraan upang
maipahayag natin ang ating mga damdamin, emosyon, opinyon, at iba pang mga bagay-
bagay.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | LALYN L. 4


QUINTANES
 Ayon kay Henry Gleason, ang wika ay masistemang balangkas sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
 Para kay George Lakoff, ang wika naman ay politika. Nagtatakda ng kapangyarihan
depende sa kung paano sila mauunawan ng ibang tao.
 Ayon naman kay Jose Villa Panganiban, ang wika ay paraan ng pagpapahayag ng
damdamin.
 Samantala sabi ni Nenita Papa, ang wika ay ating ginagamit para malayang
maipahayag ang ating iniisip at nadarama.

Konseptong Pangwika sa nga napakinggang sitwasyong Pangkomunikasyon:


1. Sitwasyong Pangwika sa Radyo at Dyaryo
 Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM.
 Ang mga estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung
may kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap.
 Sa dyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman
sa tabloid.
 Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas naiintindihan nila
ang wikang ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng isang tabloid:
 Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong maakit
agad ang mambabasa.
 Ang nilalaman ay karaniwang senseysyonal na naglalabas ng impormalidad.
 Hindi pormal ang mga salita.

2. Sitwasyong Pangwika sa Pelikula


 Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.
 Filipino ang lingua franca o pangunahing wika ang ginagamit.
 Ang pangunahing layunin ay makaakit ng mas maraming manunuod na malilibang
sa kanilang mga palabas at programa upang kumita ng malaki.
 Malawak ang naging impluwensya dahil sa tulong nito mas marami ng ng mamayan
ng bansa ang nakauunawa at nakapagsasalita ng wikang Filipino.
 Ang nananaig na tono ay impormal at waring hindi gaanong strikto sa pamantayan
ng propesyonalismo.

3. Sitwasyong Pangwika sa Telebisyon


 Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan
dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito.
 Ang mabuting epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating
ang malalayong pulo at ibang bansa.
 Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa telebisyon sa bansa na ginagamit ng
mga lokal na channel.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | LALYN L. 5


QUINTANES
 Mga halimbawa ng mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang
Filipino ay mga teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga magazine show, news
and public affairs, reality show at iba pang programang pantelebisyon.
 Ang pagdami ng mga palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o
pantanghaling programa na sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong
manununood ang dahilan kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay
nakakaunawa at nakakapagsalita ng wikang Filipino.

 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga


karanasan. Nagagamit ang kaalaman sa modernongteknolohiya (facebook, google, at
iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika.

4. Sitwasyong pangwika sa iba pang anyo ng Kulturang Popular


 Fliptop- pagtatalong oral na isinasagawa ng pa-rap. Nahahawig sa balagtasan dahil
ang bersong nira-rap ay magkakatugma bagamat sa fliptop ay hindi nakalahad o
walang malinaw ang paksang tinatalakay.
 Pick-up Lines- makabagong bugtong kung saan may tanong na sinsagot ng isang
bagay na madalas naiuugnay sa pagibig at iba pang aspekto sa buhay.
 Hugot Lines- Tawag sa linya ng pag-ibig. Tinatawag ding lovelines o love quotes.

5. Sitwasyong pangwika sa Social Media at Internet


 Ang tawag sa mga taong gumagamit nito ay netizen.
 Karaniwang may code switching.
 Mas pinagiisipang mabuti ang mga gagamiting salita bago I post.
 Ingles ang pangunahing wika dito.

6. Sitwasyong pangwika sa Pamahalaan


 Gumamit ng wikang Filipino si dating Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang
SONA bilang pagpapakita ng pagpapahalaga rito.
 Hindi pa rin naiiwasan ang code switching lalo na sa mga teknikal na hindi agad
nahahanapan ng katumbas sa wikang Filipino

WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO


Ayon kay Virgilio Almario (2014) ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging
wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wikang maaring gamitin
sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at labas ng alinmang
sangay o ahensiya ng gobyerno. Ang wikang panturo naman ang opisyal sa wikang
ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa
mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid-
aralan.“Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | LALYN L. 6
QUINTANES
ay Filipino at hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang
panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong
ng mga wikang panturo roon” Saligang Batas ng 1987, Art.XIV, Sek.7.

 Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika at wikang


panturo sa mga paaralan.
 Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang MotherTongue o unang wika ng mga mag-
aaral ay naging opisyal na wika mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga
paaralang pampubliko at pribado man. Tinawag itong MotherTongue-Based Multi-
Lingual Education (MTB-MLE).
 Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo parin sa paaralan. Ang
magiging pokus ng Kindergarten at unang baitang ay katatasan sa pasalitang
pagpapahayag. Sa Grade 2 hanggang Grade 6 ay bibigyang diin ang iba’t iba pang
component ng wika tulad ng pagpapakinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat. Sa
mataas na baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang pangunahing wikang panturo o
medium instruction.

Pangkalahatang Ideya:
MGA PAKSA:  Ang wikang Tagalog ay may pagkakatulad sa
LEKSYON 2 ibang mga wika sa Pilipinas katulad ng mga
wika sa Bikol, Ilokano, mga wika sa
 Wikang Pambansa
Kabisayaan, at Kapampangan.
 Bilinggwalismo
 Sa Wika naman ay mayroong tinatawag na
 Multilinggwaslismo
Bilinggwaslismo, Multilinggwaslismo at
 Lingua Franca
Lingua Franca kung ilan ang mga lenggwahe
o wikang ginagamit.

WIKANG PAMBANSA

Sinasabing wikang pinagtibay ng pambansang pamahalaan ang wikang pambansa na


ginagamit sa pamamahala at pakikipag ugnayan sa mamamayang kaniyang sakop. At kung
ang bansa ay multilingguwalismo na tulad ng Pilipinas, dapat lamang na asahan na ang
wikang pambansa ang magiging tulay na wika sa pakikipag ugnayan ng iba't ibang pangkat
sa kapuluan na may kani kanilang katutubong wikang ginagamit. Bukod pa rito, ito rin ang
pambansang daluyan ng komunikasyon tulad ng telebisyon, radyo at pahayagan.
Nakapaloob sa Konstitusyong 1987 ng Republika ng Pilipinas na FILIPINO ang wikang
pambansa. Ang wikang Tagalog o ang Tagalog, ay isa sa mga pinakaginagamit na wika ng

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | LALYN L. 7


QUINTANES
Pilipinas. Ito ang nangingibabaw na katutubong wika sa mga lalawigan ng ika-4 na rehiyon
ng Pilipinas (CALABARZON at MIMAROPA), sa Bulacan, Nueva Ecija at Kalakhang Maynila.
 Ang Calabarzon ay opisyal na tinatawag bilang Timog Katagalugan at itinalagang
Rehiyong IV-A, ay isang rehiyong pangangasiwaan ng Pilipinas. Binubuo ang rehiyon
ng limang lalawigan: Batangas, Kabite, Laguna, Quezon, and Rizal at isang lubos na
urbanisadong lungsod, ang Lucena.
 Ang MIMAROPA ay isang rehiyon sa Pilipinas na binubuo ng mga sumusunod na
mga lalawigan: Mindoro (Occidental Mindoro at Oriental Mindoro), Marinduque,
Romblon at Palawan.

Ginagamit din ang Tagalog sa Hilagang Kapuluang Mariana kung saan ang mga Pilipino ang
may pinakamaraming bilang ayon sa lahi at wika. Ito ang batayan na de facto ("ayon sa
totoong kagawian"), at hindi de jure, ("ayon sa batas"), ng pambansang wika ng Pilipinas na
Filipino (tinawag na "Pilipino" mula taóng 1961 hanggang 1987). Madalas na ginagamit
ang Tagalog bilang lingua franca o iisang pantalastasang wika sa buong bansa at sa mga
samahan ng mga Pilipino sa labas ng Pilipinas. Gayon pa man, kung magamit man nang
madalas ang Tagalog sa talastasan ng kaalaman, lalo na sa labas ng mga kinikilalang
paaralan, ay lalong ginagamit ang Inglés sa pagsulat ng batas, sa talastasan ng pamahalaan,
at sa kalakalan pang-ibang bansa man o sa loob ng Pilipinas. Minsan ay tinatawag na
mananagalog o mananalita ang mga mahusay managalog.

Ang wikang Tagalog ay may pagkakatulad sa ibang mga wika sa Pilipinas katulad ng mga
wika sa Bikol, Ilokano, mga wika sa Kabisayaan, at Kapampangan. May mga pagkakatulad
din ito sa ibang mga mga wikang Austronesyo katulad ng Wikang Indones, wika ng Hawaii
at Malgatse.

Bilinggwalismo
Ang bilinggwalismo ay ang paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika. Mula sa
partikular na rehiyon o probinsiya na ating kinabibilangan tayo ay may sariling
dayalektong ginagamit sa loob ng ating tahanan. Pagtungtong naman natin sa paaralan ay
may mga wikang tinturo ang ating mga guro tulad na lamang ng Ingles. Mga wikang
natutunan at nadedebelop nating gamitin sa pakikipag-usap natin sa ating mga kaeskwela
at mga guro.

Multilinggwalismo
Ang wikang Pilipino ay binubuo ng maraming wika. Mula sa ating wikang pambansang
gamit, may mga nabuo pang salita hango sa ating mga kasalong wika. Ang mga halimbawa
nito ay ang paggamit ng wikang Kapampangan ng mga taga Pampanga, Tarlac at Bataan,
Ilocano naman sa mga rehiyon ng Ilocos at ilang bayan ng Pangasinan at Nueva Ecija.
Nabibilang din sa multilinggwalismo ang mga banyagang salita na natutunan natin mula sa
mga dayuhang mananakop at mga kaibigan. Andiyan ang Niponggo ng mga Hapon at

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | LALYN L. 8


QUINTANES
Mandarin naman sa mga kapatid na Tsino. Sa katunayan ay kasalukuyang ipinatutupad ng
kagawaran ang pagdagdag sa paggamit ng “Mother Tongue”o Inang Wika sa sistema ng
asignatura ng mga elementarya sa mga pampublikong paaralan.
Lingua Franca
Ito ay internalismong pananalita at ginagamit sa buong mundo. Ito ang wika o dayalekto na
ginagamit ng dalawa o higit pang magkausap kapag magkaiba ang kanilang katutubong
wika o iba iba ang kanilang pinagmulang probinsiya. Sa Pilipinas, ang wikang Filipino
bilang pambansang lingua franca ang tutulong sa mga mula sa ibat ibang rehiyon na
magkaugnayan.

Pangkalahatang Ideya:
MGA PAKSA:  Ang unang wika ay tinatawag din
LEKSYON 3 namin itong unang wika na
 Unang Wika katutubong wika at wika ng ina.
 Pangalawang Wika at Iba pa  Ang pangalawang wika ay isang
wika na karaniwang natutunan sa
isang mas huling yugto. Ito ay isang
di-katutubong wika.

UNANG WIKA
Ang unang wika ay isang wika na ang mga sanggol ay makukuha mula sa kapanganakan
hanggang mga 7 o 8 taong gulang. Maaari nilang panatilihin ang pag-aaral ng wika kahit na
pagkatapos ng mga taon upang makabisado ang lahat ng idiomatic expression, istruktura
ng pangungusap, at marami pang mga lugar. Natutunan ng mga bata ang wika nang natural
at walang kahirap-hirap sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga magulang na
nakikipag-ugnayan sa kanila sa kanila, o kahit na makinig sa ibang mga bata na nakikipag-
usap dito.

Ang Unang Wika ay ang sarili nating wika, ang wikang Filipino. Samantalang ang
Pangalawang Wika naman ay ang mga wikang banyaga tulad na lamang ng wikang Ingles.
Ang Unang Wika o mas kilala sa tawag na Katutubong Wika (Inang Wika o Arteryal na
Wika) ay ang wika na natutunan natin mula ng tayo ay ipinanganak. Batayan para sa
pagkakilanlang sosyolinggwistika ang unang wika ng isang tao.

PANGALAWANG WIKA

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | LALYN L. 9


QUINTANES
Ang pangalawang wika na ayon sa dalubwika, ito ay tumutukoy sa alinmang wikang
natutunan ng isang tao matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang
sariling wika o a ng kanyang unang wika.
Kaalaman sa mga Simulain sa Pagtuturo ng Ikalawang Wika:
 Piliin ang kagamitan sa pagtuturo na ibinatay sa pagtupad ng una at pangalawang
wika ng mga batang tinuturuan. Ibigay ang diin ng pagtuturo sa mga bahaging
malkai ang pagkakaiba ng mga ito.
 Ayusin nang sunod-sunod ang mga bahagi ng wikang ituturo upang ang mga huling
bahagi ay bunga ng mga naunang itinuro ito ay pangalawang wika sa panahon ng
kanyang pagkatuto.
 Turuan ang mga mag-aaral na mag-isip sa bagong wika, na ang ibig-sabihin ay
tuwirang pagpapahayag ng karanasan sa bagong wika, sa halip na pagpapahayag ng
karanasan sa sariling wika at saka isasalin sa wikang pinag-aralan.
 Ituro nang isa-isa ang bahagi ng wika at magbigay ng sapat na pagsasanay.
 Ang wika ay binubuo ng mga hulwaran o patterns at di ng mga tutunin sa balarila o
mga katuturan.

Ang Balarila ay ang pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga sumusunod:
 morpolohiya- pakakabalangkas ng mga salita
 sintaks (syntax)- pagsasaayos upang ang mga salita ay maging makabuluhang mga
pangungusap;
 ponolohiya- wastong pagbigkas;
 semantika- kahulugan ng mga salita at parirala;
 etimolohiya- ugat o palaugatan ng mga salita.

Walong Pangunahing Simulain ng Linggwistika ayon kay Harold B. Allen

Ilang paraan ng paglalahad ng aralin na gumagamit ng iba’t ibang lunsaran:


1. Ang wika ay isang sistema o kaparaanan- may katangiang pangkayarian,may
kaanyuan, at may pagkakasunod-sunod.
2. Ang Wika ay pagbigkas- kaya huwag magsimula sa mga titik at pagbasa.
3. Ang Wika ay binubuo ng mga piling sagisag.
4. Walang wikang magkapareho.
5. Ang wika ay binubuo ngmga kaugalian kaya kailangan ang pagsasanay.
6. Ang wika ay para sa pagkakaunawaan- kaya kailangan ang pakikinig at ang
pagsusuri ng nakikinig.
7. Ang wika ay kaugnay ng kalinangan ng lugar na pinanggalingan.
8. Ang wika ay nagbabago o may pagpapalit.

 Paglalahad sa pamamagitan ng diyalogo, liham at balita

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | LALYN L. 10


QUINTANES
 Paglalahad sa pamamagitan ng isang talaarawan
 Paglalahad sa pamamagitan ng kuwento
 Paglalahad sa tuwirang paraan
 Paglalahad sa pamamagitan ng nakalarawang kuwento
 Paglalahad sa pamamagitang ng iskrip, tula at tugma
 Paglalahad sa pamamagitan ng anunsyo o advertisement

Pangkalahatang Ideya:
 Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito
MGA PAKSA:
ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan na
LEKSYON 4
ating ginagalawan, heograpiya, antas ng
 Register at Barayti ng
edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri
wika
ng pangkat etniko na ating kinabibilangan.
 Linggwistikong
 Sadyang napakarami na ng uri ng wika ang
Komunidad
umusbong at ginagamit ng bawat indibidwal
 Gamit ng Wika sa Lipunan
sabawat komunidad. May mga permanenteng
wika, may mga kusa namang nawawala sa
sirkulasyon sa pagdaan ng panahon.

REGISTER AT BARAYTI NG WIKA

Register ng Wika
Sa isang akademikong pagbasa, madalas tayong nakatatagpo ng mga salitang sa biglang
malas ay iba ang kahulugan o hindi akma ang pagkakagamit dahil sa kahulugang taglay
nito. Dapat nating tandaan na maraming salita ang nagkakaiba-iba ng kahulugan ayon sa
larangang pinaggamitan. Natutukoy lamang ang kahulugan nito kung malalaman ang
iarangang pinaggamitan nito. Ito ang bnatawag na register ng wika.

Pansinin ang pagbibigay-kahulugan sa salitang register:


 isang opisyal na listahan ng mga pangalan, kapanganakan, pagpapakasal, kamatayan
isang listahan ng mga bisita sa isang hotel (turismo)
 pagpapatala ng isang sulat sa post office (komunikasyon
 pagpapatala ng pangalan sa halalan (politika)
 pagpasok ng mga mensahe sa utak/pagtanda o pag-alala sa natutuhan (sikolohiya)

Barayti ng Wika
Batay sa isinagawang pag-aaral ng mga lingguwista, ang barayti ng wika ay ang
pagkakaroon ng natatanging katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | LALYN L. 11


QUINTANES
sosyo-sitwasyonal. lto rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na ginagamit ng mga tao sa
bansa. Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri. at anyo ng salita. Nagbigay si
John Cafford (1965), sa kanyang aklat na A Linguistic Theory of Transaction ng dalawang
uri ng barayti ng wika. Sa papel ni Nilo Ocampo (2012) na “Mga Varayti ng Wika,” naging
paksa ng kanyang pagtalakay ang salin atlo halaw sa aklat ni George Yule (2010) na The
Study of Language. Dito, binigyang-diin na ang pagkakaiba-iba ng wika ay napakahalaga at
kinikilalang bahagi ng pang-araw-arew na paggamit ng wika sa iba’t ibang komunidad na
rehiyonal at panlipunan.
A. Permanente para sa mga Tagapagsalita o Tagapagbasa

1. Diyalekto. Nakikita ito kaugnay ng pinanggagalingang lugar ng tagapagsalita o grupo


ng tagapagsalita sa isa sa tatlong dimensiyon: lugar, panahon, at katayuang sosyal.
Halimbawa: Tagalog-Bulacan, Tagalog-Batangas, Tagalog-Laguna
Panahon: Lumang Filipino; Makabagong Filipino Katayuang Sosyal: Kinabibilangang
antas sa lipunan

2. Idyolek. Ang idyolek ay isang barayti kaugnay ng personal na kakanyahan ng


tagapagsalita o wikang ginagamit ng partikular na indibidwal. Tanda ng idyolek ang
madalas na paggamit ng partikular na bokabularyo. Maaaring magbago ang idyolek
sa paglipas ng panahon. Sanhi nito ang adapsiyon ng bagong pagbaybay at
natututuhang mga bokabularyo. Gayunman, ayon pa rin kay Cafford, maituturing
namang permanente nang matatawag ang idyolek ng isang taong may sapat na
gulang.

B. Pansamantala dahil Nagbabago kung may Pagbabago sa Sitwasyon ng Pahayag

 Ang Register (kaugnay ng natalakay na sa unahang bahagi ng aralin) ay barayting


kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng
pagpapahayag.
Halimbawa: siyentipikong register, panrelihiyong register, pang-akademikong
register, at iba pang larangan

 Ang Estilo ay ang barayti na kaugnay ng relasyon ng nagsasalita sa kausap. Ang


estilo ay maaaring pormal, kolokyal, o personal. Maibibilang dito ang antas o lebel
ng wika.

 Ang Mode ay ang barayting kaugnay sa gagamiting midyum sa pagpapahayag kung


ito’y pasalita o pasulat.

Iba’t ibang Barayti ng Wika:

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | LALYN L. 12


QUINTANES
1. Idyolek- istilo ng indibidwal o grupo
2. Ekolek- wika sa loob ng tahanan
3. Dayalek- heograpikal/rehiyon/lalawigan
4. Etnolek- pangkat-etniko (katutubo/ita)
5. Sosyolek- personalidad, edad, socio-ekonomiko, kasarian
6. Register- isang partikular na disiplina
7. Heyograpikal- makalikha ng sariling kultura o paraan ng pamumuhay sa pulo o lugar
8. Morpolohikal- pagbuo ng salita ng mga taong kabilang sa iba’t ibang kultura (anyo o
ispeling)
9. Ponolohikal- magkakaibang tunog at bigkas ng mga salita
10. Pidgin- dalawang magkaibang wika na walang komong wika (kumbersasyong
makeshift)
11. Creole- isang wika na unang naging pidgin (naging likas na wika nativized)

Dayalekto
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga halimbawa ng dayalekto na sinasalita sa
bansang Pilipinas:
 Tagalog - ang tagalog ay mayroong iba't ibang dayalekto. Iba ang tagalog ng taga
Laguna sa tagalog ng taga Batangas kumpara sa tagalog ng taga Manila.
 Cebuano - ito ay isinasalita sa rehiyon ng Visayas kasama ang Mindanao
 Ilokano - ito ay ang dayalektong isinasalita sa rehiyon ng hilagang Luzon
 Ilongo - gaya ng Cebuano, ito ay isinasalita sa rehiyon ng Visayas at Mindanao
 Maguindanaon - dayalektong sinasalita sa rehiyon ng Maguindanao

LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD
Ang Linggwistikong Komunidad ay ang iba't-ibang uri ng mga wikang ginagamit sa
komunidad sa paglipas ng panahon. Nagkakaintindihan sila sa tuntunin nito, at naibabahagi
ng bawat isa ang parehong pagpapahalaga at damdamin sa sa paggamit nila ng wika sa
pakikitungo sa isa't-isa.ggwistikong komunidad ay umiiral lamang sa sa sektor, grupo, o
yunit na nagkakaunawaan sa iisang gamit nila ng wika (homogenous) na may kaisahan sa
uri o anyo at nagkakaintindihan at naibabahagi nila ang tuntunin nito.

LINGGWISTIKO OR LINGUISTIC- ang Linggwistiko ay ang siyentipikong pag-aaral sa wika


ng tao at tinatawag na LINGGWISTAang mga dalubhasa dito.

KOMUNIDAD- ang pamayanan o komunidad ay pangkaraniwang tumutukoy sa isang yunit


na panlipunan opakikipagkapwa na mas malaki kaysa sa isang tahanan, mag-anak, o
pamamahay (kabahayan) na may pinagsasaluhang karaniwang mga pagpapahalaga at may
matibay sa pagsasamang panlipunan.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | LALYN L. 13


QUINTANES
LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD- ay iba’t-ibang uri ng mga wikang ginagamit sa
komunidad sa paglipas ng panahon. Nagkakaintindihan sila sa tuntuning ito, at naibabahagi
ng bawat isa ang parehong pagpapahalaga at damdaming sa paggamit nila ng wika sa
pkikitungo sa isa’t-isa.-Sa isang komunidad ay may sari-saring uri ng indibidwal na
nakatira. Bawat tao o grupo ng tao ay may kanya-kanyang dayalekto na ginagamit. May
mga gumagamit ng mga katutubong salita, depende sa lugar na kanilang pinanggalingan.

Mga halimbawa ng linggwistikong komunidad:


 Grupong pormal - isang halimbawa nito ay isang Bible study group na nangangaral
ng Salita ng Diyos.
 Grupong impormal - isang karaniwang halimbawa nito ay barkada.
 Sektor - kung saan ang mga manggagawa na malay sa kanilang karapatan at
tungkulin sa bayan na nagbubuklod sa pagsapi sa kilusang paggawa.
 Yunit - team ng basketbol; organisasyon ng mga mag-aaral sa paaralan.

Mga salik ng linggwistikong komunidad:


1. May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba.(Homogenous)
2. Nakapagbabahagi ng malay ang kasapi satuntunin ng wika at interpretasyon nito.
3. May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika.

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN


1. Interaksyunal- nagbubukas ng interaksyon o humuhubog ng panlipunang ugnayan.
May panlipunang gampanin na pag-ugnayin ang isang tao at ang kaniyang kapwa sa
paligid. Ito ay ang pagpapalitan ng impormasyon ng dalawa o higit pang tao.
Halimbawa; “Kamusta ka?”
Klasipikasyon:
 Pasalitang Paraan- pormularyong panlipunan
 Pasulat na Paraan- liham-pangkaibigan
 Sa makabagong Teknolohiya- pakikipag-chat gamit ang internet

2. Personal- nabubuo ang personalidad ng isang tao habang siya’y nagkakaisip at


nagiging bahagi ng isang lipunan.
Dimensyon:
 Panlabas laban sa Panloob (Extraversion vs. Introversion)- kung paano
nagkakaroon ng enerhiya.

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | LALYN L. 14


QUINTANES
 Pandama laban sa Sapantaha (Sensing vs. Intuition)- kung paano kumukuha
ng impormasyon ang tao.
 Pag-iisip laban sa Damdamin (Thinking vs. Feeling)- paraan na ginagamit ng
isang tao sa pagdedesisyon.
 Paghuhusga laban sa Pag-unawa (Judging vs. Perceiving)- bilis ng pagbuo ng
desisyon ng isang tao.

3. Heuristiko- paghahanap o paghingi ng impormasyon; nakapagtatamo ng kaalaman


ukol sa kapaligiran. Sumusulpot sa mga pagkakataong nagtatanong, sumasagot o
dumadaloy ang isang pamumuna bilang pagkilos ng isang bata o indibidwal;
imbestigasyon at pananaliksik.
4. Representasyonal o Impormatibo- pagpapaalam o pagbibigay ng iba’t ibang
impormasyon o datos sa iba. Pagpapalitan ng kaisipan tulad ng pag-uulat, pagtuturo,
pagpapaliwanag, paglalahad at paghahatid ng mensahe.

“Our greatest weakness lies in giving up. The most certain way to
succeed is always to try just one more time.” – Thomas A. Edison

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO | LALYN L. 15


QUINTANES

You might also like