You are on page 1of 24

QUIZ #1

Ang mga salitang ginagamit dito ay repinado subalit nagiging magaspang ayon sa kung
sino ang gumagamit nito.

a. kolokyal 

Ito ay ang tungkulin ng wika na ginagamit ng tao sa pagpapanatili at pagpapatatag


ng relasyong sosyal sa kapwa tao.
interaksyunal 
Salitang-kalye, salitang lansangan at salitang kanto ang iba pang termino sa salitang
ito.
balbal 
Tinatawag itong mga salitang estandard dahil ginagamit at kinikilala ng higit na
nakararaming tao lalo na ng mga may-pinag-aralan.
pormal 
Tumutukoy ito sa mga salitang nabibilang sa iba't ibang diyalekto.
 lalawigain 
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng halimbawa ng salitang balbal?
 Ako
Tungkulin naman ito ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng imahinasyon sa
malikhaing paraan.
Imahinatibo
Ito ang pinakamataas na uri o antas ng wika at umutukoy naman ito sa mga salitang
ginagamit ng mga dalubhasa, mga manunulat, mga mananaliksik at mga makata.
Pampanitikan

Tungkulin ng wika na ginagamit sa paghahanap o paghingi ng impormasyon.

hyuristik 

Ito ay tungkulin ng wika na ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailangan.


instrumental 

QUIZ #2

Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng materyal na kultura?


Paniniwala
Ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong
sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan.
Sosyolek
lto ang nagpapaiba sa isang indibiduwal sa iba pang indibiduwal. Bawat isa kasi ay
may kani-kaniyang pardan ng paggamit ng wika.
Idyolek
Masasabing ang _____ay mga bagay na makikita mo sa iyong paligid at ito ay mga
bagay na nilikha at iyong nahahawakan.
Materyal na Kultura
Ito ay ang mga pananaw, ideya o kaisipan na tinatanggap sa lipunan bilang totoo.
Paniniwala (Beliefs)
Ang _______ ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo
at sa kanilang kapaligiran.
kultura 
Bibihirang istilo ng wika dahil piling sitwasyon lamang ang ginagamitan.
static register
Ito ay ang paglabag sa mga mores, kung saan ang moralidad ng isang tao ay hindi
angkop sa dapat na kilos.
Taboos
Ito ay ang mga asal, gawi o kilos na nagiging pamantayan ng isang indibidwal kung
paano siya gagalaw sa lipunan.
Kaugalian (Norms) 
Ito ay ang pangkalahatang batayan ng normal na pagkilos ng mga tao sa isang
lipunan.
folkways 

QUIZ #3

Ayon sa Bagong Saligang Batas (1987), ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay


tatawaging _____
Filipino
Noong 1987, imunungkahi ng SWP sa kanilang resolusyon na ang Wikang Pambansa
ay ibatay sa _______.
Tagalog 
Ang mga opisyal na wika ng Pilipinas noong 1940 ay  _____________
Ingles, Kastila at Tagalog
PRELIM

Ito ay maaring mga materyal na bagay na nagbibigay ng kahulugan


Simbolo (Symbols)
Ayon sa Bagong Saligang Batas (1987), ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay
tatawaging
Filipino
Pinakagamitin itong  antas ng wika  sapagkat nauunawaan ito sa buong bansa at
madalas na ginagamit ito sa pakikipagtalastasan.
Pambansa
Sa kolokyal, ang pagpapaikli sa mga salita ay nauuwi sa ganitong antas ng wika.
True 
Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na salita ang hindi kabilang sa di- materyal na
kultura?
 Kasuotan
Kapag tayo ay nagbabasa ng maikling kuwento o nobela o di kaya'y kapag tayo'y
nanonood ng pelikula, parang nagiging totoo sa ating harapan ang mga tagpo
niyon.
Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip
Ito ay ang paniniwala at pananalig ng mga tao sa mga ispiritwal na bagay, tao, o
pangyayari, partikular na sa mga Diyos.
Relihiyon
Kung walang wika, maaaring matagal nang pumanaw ang sangkatauhan at ang
sibilisasyong ating tinatamasa sa ngayon.
True 
Tumutukoy ito na ano mang wika, kung gayon, ay maaaring maging wika ng pang-
aalipin, ngunit maaari rin itong gamitin upang pagbuklurin ang isang bansa sa
layuning pagpapalaya.
Nagbubuklod ng Bansa
Ang wika ay ang tagapagbigkis ng isang lipunan.
True 
Ang alpabeto ng ating mga ninuno noong panahong pre- kolonyal ay tinatawag na
 alibata 
Tungkulin ng wika na ginagamit sa pagbibigay ng impormasyon.
Impormatibo
Nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang pangkat ng mga tao dahil sa kultura.
True
Pagbabago ng wika sa kahingian ng propesyon o hanapbuhay. (Literatura, Korte,
Simbahan, Medisina).
Okupasyunal
Ang mga balbal na salita ay unang ginagamit bilang codes ng mga pangkat.
True 
Ang pag-uusap sa pagitan ng doktor at pasyente, guro at mag-aaral, abogado at
kliyente ay mga halimbawa ng_______.
consultative register
Ang teorya hinggil sa paraan ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino ay binuo
ni____________
Fr. Pedro Chirino 
Ang halimbawa nito ay ang pagbabago ng wika sa lugar (llokano sa La Union,
Pangasinan, llocos, sa ilang bahagi ng Baguio)
heograpikal 
Ito ay pinakamabisang paraan ng komunikasyon. Ang wika ay maaring nasa anyo ng
pagsulat o pagbigkas.
Wika (Language)
Ito ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct  na
bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa estraktura ng pangungusap.
Dayalek
Ang kahulugan ng SWP ay______.
Surian ng Wikang Pambansa
Ang alpabetong binalangkas noong 1940 ay nakilala sa tawag na
Abakada
Ang tungkulin ng wikang ginagamit sa pagkontrol o paggabay sa kilos o asal ng
ibang tao.
regulatori 
Mahalaga ang wika sa isang bayan, dahil ito ay ang anumang binibigkas o isinulat ng
tao upang maipahayag ang kanyang saloobin.
True
Noong 1987, imunungkahi ng SWP sa kanilang resolusyon na ang Wikang Pambansa
ay ibatay sa ____.
Tagalog 
Ito naman ang batayan ng kilos na ipinatupad ng kinauukulan para sundin ng mga
mamamayan.
Batas
Tungkulin ng wikang ginagamit sa pagpapahayag ng sariling damdamin o opinion.
Sa mga talakayang pormal o impormal ay gamit na gamit ang tungkuling ito.
Personal
Ang mga opisyal na wika ng Pilipinas noong 1940 ay_____.
Ingles, Kastila at Tagalog
Ang titik sa Bagong Alpabetong Filipino ay tinatawag nang pa Ingles maliban sa
 Ñ

Ang Bagong Alpabetong Filipino ay binubuo ng ____________

28. titik 
Tuwing Agosto, ipinagdiriwang ang _______________
Buwan ng Wikang Filipino
Sa pamamagitan ng kultura, naipapakita ng mga tao ang kanilang mga talent ngunit
limitado lamang sa kaalaman sa ating kasaysayan.
False 
Samantalang nililinang, ang wikang pambansa ng Pilipinas ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa ______
umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika 
Impormal na wika na kadalasang ginagamit sa malalapit na kakilala o kaibigan
casual register
Ang pagkawala o pagkamatay ng isang wika ay hindi  nangangahulugan ng
pagkamatay o pagkawala ng isang kultura.
False 
Ang pagtatalumpati, homilya at deklarasyon ay mga halimbawa ng______.
formal register
Tinuruan ng mga Kastila ang mga Pilipino ng pagsulat sa alpabetong
Romano 
Ang wikang pambansa ay napapansin dahil sa kakaiba nitong punto o intonasyon at
bigkas.
False 
Noong 1954, nakapaloob sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika ang ___________
Araw ni Quezon
Ang Ch, ll, ng, at rr  ay tinatawag na __________

digrapo 
Nakilala ang alpabeto noong panahon ng Kastila sa tawag na
Abecedario
Ang patakarang sinimulang ipatupad sa mga paaralan noong 1974 ay tinatawag na
edukasyong bilingguwal
Nagkakaroon nito kapag ang dalawang taal na tagapagsalita ng dalawang
magkaibang wika na walang komong wika ay nagtatangkang magkaroon ng
kumbersasyong makeshift.
pidgin 
Noong 1959, nilinaw ng Kagawaran ng Edukasyon na kalian ma’y tutukuyin ng
Wikng Pambansa, ito ay tatawaging _________
Filipino 
Noong 1971, iminungkahing dagdagan ang alpabeto ng
11 titik 
Ayon kay Rizal, ang Pilipinasyon ng ating ortograpiya ay utang natin kay_____________.
Trinidad H. Pardo de Tavera 
Nagkaroon ng unang hakbangin upang ang Pilipinas ay magkaroon ng wikang
Pambansa noong ______.
1987
Sa kasalukuyan, ang wikang opisyal ng Pilipinas ay_____________
Ingles at Filipino

Sinimulang ituro ang Wikang Pambansa sa mga paaralan noong


1940

QUIZ #4

Ang paghahalong kultural din ang isa sa dahilan ng pagkakaroon ng code mixing ng
mga wika.
True
Ang sintaks ng mga wika sa Pilipinas ay halos magpapareho lamang.
True
Bakit hindi napabilang Chavacano sa pamilyang Autronesyano?
Dahil ito ay anyo ng wika ng banyaga na inangkin at naging parte ng kulturang
Pilipino
May paghahalong code na ng mga wika sa mga dayalekto.
True 
‘Tara na sa balay at nang makakain tayo.’ Ang pangungusap ay hindi maaaring
tanggapin.
False
Paano isinasagawa ng mga antropologo at ilang dalubwika ang pagpapangkat ng
mga wika?
Dahil sa kultura, sinataks at impluwensya ng mga pinagmulang wika.
Kung nagkaroon ng kanya-kanyang kakanyahan ang mga wika sa PIlipinas, anong
katangian ng wika ang ipinahihiwatig ng sitwasyon?
Ang wika ay may sariling set at sistema ng tunog
Ang mga teknolohiya ang epekto ng pagbabago at paghahalo ng mga wika.
False 
Ano ang naging dahilan bakit nagkaroon nan g dibisyon ang ilang wikang may iisang
pinanggalingan?
Dahil sa kulturang nagbago gayundin ang panahon. 
Bakit tinatanggap na ang Ber-Fil (Bernakular at Filipino)?
Sapagkat iyon ay walang nilalabag na batas at layunin mismo ng batas.
Ano ang matibay na pag-uugnay sa wikang pambansa at sa iba pang wika sa
bansang Pilipinas?
Ang pag-aambag ng mga wika sa Pilipinas sa pag-unlad ng wikang pambansa. 
Paanong ang wikang Mandarin ay kasama sa wikang nagkaroon ng impluwnesya sa
mga wika sa Pilipinas?
Dahil ayon sa kasaysayan at cross-culture na nangyari 
Ano ang nagbibigay distansya sa wikang pambansa at iba pang wika sa Pilipinas?
Etnosentrismo
Siya ang naglahad ng pagkakaroon ng panibagong anyo ng wikang Filipino.
Jessie U. Rubrico 
May paghahalong code na ng mga wika sa mga dayalekto.
True
Sa pag-aaral at paggalugad sa kasaysayan ng mga wika sa Pilipinas at wikang
pambansa, anong pilosopiya ang maaaring mailalapat sa nagawang hakbang?
Lumalabas ang panibagong wika mula sa iba pang mga wika.

QUIZ #5

May iba’t-ibang anyo ang wika batay sa uri at paksa ng talakayan, sa mga
tagapakinig o sa kinakausap, sa okasyon.
Register
Siya ang nagpatunay na may pagkakaiba ang paggamit ng wika ng mga babae at
mga lalaki. Isa nito ay ang mas malimit na paggamit ng mga babae sa mga hiram na
salita at ng mga positibong adjective kay sa mga lalaki.
Camencita F. Montenegro
Ang salitang teknolohiya ay nagmula sa salitang technologia na wikang?
Griyego
Isa sa mga batayan sa baryasyon ng wika ay ang pagkakaiba ng katangian ng mga
grupo na napaloob sa istruktura ng isang lipunan.
Soccial dialect
Bakit malaki ang implikasyon ng distansya sa pagkakabuo ng baryasyon ng wika?
Sapagkat nagbibigay daan ito sa espasyong dapat abutin ng mga taong gumagamit ng wika
upang makabuo ng panibagong uri ng baryasyon ng wika. 
Ang mga ito ay may kasagwaan sa pandinig ng mga tao sa lipunan at hindi
ginagamit sa matinong usapan. Kung kaya hinahanapan ito ng mas tanggap na
kapalit.
Eupemismo
Paano nagkakaugnay ang wika sa loob ng lipunan?
Base sa piniling pakitunguhan
Ang nag-uugnay sa wika at sa aspetong sosyal ng isang lipunan.
Sociolinguistics 
Ang _________ ay ang baryasyon ng wika batay sa katayuan ng speaker sa lipunan o sa
lupon na kanyang kinabibilangan.
Sociolect

QUIZ #6

Sa kahit na anong panahon at henerasyon ay may kulturang popular.


True
Ang mga sumusunod ang dahilan ng pagbabago ng wika sa pamamagitan ng media
maliban sa isa.
Ang pangagagaya ng mga kabataan sa mga matatandang nahuhumaling sa kultura ng ibang
bansa. 
Ang kulturang popular ay tumutukoy sa afinidad ng inidibidwal na kaisipan sa iba
pang kolektibong kaisipan, kung paano ang inidbidwal ay maaaring magbigay-sipat
sa paraan ng pag-iisip, pagkilos at pagbubuo ng kolektibong popular na kamalayan.
True
Ano ang implikasyon sa pag-aaral ng sariling wika at kalagayan nito?
Susunod nang walang kamalayan sa kulturang popular at napauunlad ang wika nang
nakalilimutan ang esensya ng wikang pambansa pati na kulturang Pilipino. 
May limitasyon ang pagbuo ng kulturang popular.
True 
Wikang nagsisilbing identidad ng mga Pilipino.
Filipino
Hindi matatawag na kulturang popular ang mga wikang ginamit sa panahon ng mga
Kastila.
False
Wikang naging batayan upang magkaroon ng wikang pambansa.
Tagalog
Ayon sa kaniya ang kultural ay kulturang popular ay tumutukoy sa antas ng
kamalayan.
Tolentino
Ito ang prosesong paglalagay ng isang binuong konsepto sa kalagayang malaking
pagpapahalagang pag-aaral.
Intelektuwalisasyon 
Ang teknolohiya lamang ang tanging nakakaimpluwensya upang magkaroon ng
kulturang popular.
False
Unang tawag sa wikang pambansa na nagkaroon ng isyu dahil sa hindi
pagrerepresenta sa mga di-Tagalog.
Pilipino
Ayon sa kaniya ang media ay itinuturing na pangunahing institusyong panlipunan
dahil sa impak na hatid nito sa kultura.
Biagi 
Bakit kailangan ang kulturang popular pagdating sa wika?
Lahat ng nabanggit 

MIDTERM

Ang distansya ang isa sa dahilan kung kaya may dibisyon sa wika.
True
Ang sikolohiyang cross-cultural na umuunlad na pagsasama ng etniko at kultura nito
sa iba pang kultura sa paraang ang orihinal na kultura ay nawawala na at napapalitan
ng dominanteng kultura.
Asimilasyon
Teoryang ukol sa kasarian na nakapokus ito sa kakayahan ng mga kasariang hindi
binigyan ng makatarungang papel sa lipunan, particular na sa kababaihan.
Feminist theory
Ang mga sumusunod ay ang dapat isaalang-alang na nauukol sa wikang pambansa
ayon kay Ernesto Constantino, maliban sa isa.
 Ang panahon na nagdadaan dahil sa pagbabagong nagaganap sa wika.
Dahil sa kulturang napagkasunduan kaya ang mga wikang hango sa Austronesian ay
may kategorya.
True
May mga salig upang mapigilan ang pag-unlad ng wika at makabuo ng isang
panibagong kultura.
True
Nakabubuo ng panibagong sistema o pagkakabuo ng wika kapag nagtagpo ang
magkaibang lahi.
True
Ito ay ay aktong pagkokontrol ng isang espasyo.
Kolonisasyon
Umuunlad din ang isang wika at kultura sa amabag din ng ibang kultura at wika.
True
Walang kinalaman ang ideolohiya upang mabahiran ang wika.
False 
Sa anong sitwasyon mahihinuha ang amalgamation?
Nang mag-asawa ang isang Pilipino ng isang dayuhan o ibang lahi. 
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Kanlurang Malayo-Polinesyo?
Bashic-Gitnang Luzon 
Ang mga wika sa Gitnang Pilipinas ay may limang (6) subdibisyon.
False 
Siya ang naglahad ng konsepto ng Nasyon patungo sa Inang-bayan hanggang
konseptong pambansa.
Zeus Salazar
Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan kung bakit malaki ang ambag ng media sa
pagbabago ng wika maliban sa isa.
Ang impluwensya ng politiko sa bawat mamamayang may malakas na pagkatig o pagbatikos
sa kanila. 
Alin sa mga sumusunod na sitwasyon na nagpapatunay na ito ay Sikolohiya sa
Pilipinas?
Ang pagiging demokratikong bansa ng Pilipinas
Kalian masasabing ang wika ay naging modernisado na?
Kapag ang lumang salita ay nag-iba ng baybay at pahayag ay nagbago na. 
Nailalapat pa sa lipunan ang teoryang Functionalist sa panahong 22 siglo.
False
Nawawala ng institusyong biyolohikal kapag ang isang indibidwal ay dumaan sa
prosesong asimilasyong kultura.
False
Ang sistemang sosyalismo ay nakabatay sa pantay , sama-sama , at makataong
pamamalakad.
Sosyalismo
Walang bakas ng sikolohiya sa wika lalo na sa pinagmulan ng wika ng iba’t ibang
wika sa Pilipinas.
False
Ito ang pinasikat na sistema ng pamumuhay at ginagamit ng nakararami sa sakop
lamang na espasyo at panahon.
Kulturang popular
‘Ay Filipino lang naman e, kayang kaya yan.’ Ang pahayag na nabasa ay tumutukoy
sa sularinang ano?
 Intelektuwalisasyon ng wika 
Sa pagtatagpo ng mga kultura at mga wika, ano sa mga sumusunod na sitwasyon
ang may implikasyon sa kasarian?
Ang pagkakabuo ng mgapangkat at wikang magbubuklod sa mga nasabing pangkat. 
Nagbibigay-diin sa kung paanong ang kasarian at ang pagpapalagay ukol sa
pagkakaiba-iba ng kasarian ay nagbibigay-daan sa pagbibigay ng kapangyarihan sa
mga lalaki, pagpapahirap sa mga babae at iba pang hindi pantay na pagtingin sa
pagitan ng babae at lalaki.
Conflict Theory
Pagpapakita ng mga meme . Sa anong kategorya nabibilang ang nasabing
sitwasyon?
Digital media
Kung ang mga wika sa Pilipinas ay halos magkakaugnay, ano ang isa sa posibleng
epekto nito sa wika ng mga Pilipino?
Madalas ang ayos ng pangungusap ay nasa karaniwang ayos
Kaisipan o sikolohiya ng mga Pilipino ukol sa wikang Tagalog bilang wikang Filipino
upang maging tuntungang nangingibabaw ang wikang Tagalog sa buong Pilipinas.
Etnosentrismo 
Anong sitwasyon ang mahirap baliin kung nasa kultura na ng mga mamamayan ang
mababang pagtingin sa sariling wika?
Aspektong sikolohikal
Kapag ang isang lahi ay tuluyang tinanggap ang wikang binahagi ng dayuhan ngunit
ang sintaks ay hawig pa rin sa bernakular. Ang prosesong ito ay tinatawag na
inculturation at ang karaniwang barayti ng wika na nabubuo ay ano?
Creole

QUIZ #7
Ayon sa kaniya, ang paglilinang ng edukasyong malay sa kasariaan ay tumutugon sa
pagpapaunlad ng kritikal na pag-iisip, paglinang ng mabuting asal, dangal at
pagkatao, at magtaguyod ng katarungang panlipunan.
Kimuell-Gabriel 
Ang _____ay isang malawak na kumpederasyon ng iba’t ibang pangkat ng kaunting
mga pili o piniling mga tao na may hawak ng pambihirang kapangyarihan sa
pagkilos, pag-iisip, at paghuhusga ng karamihan sa mga kasapi ng isang lipunan sa
malawak na iskala.
Elit 
Ang mga nagiging resulta ng tunggalian sa pagitan nilang mga elit ay (sa ngayon)
mas madalas tumungo sa direksiyon ng kaisipan at ideolohiya ng mga naitatag nang
elit
True 
Ang sining ng pamamahala ay binubuo ng agham ng paggamit ng wika, na
kinahaharapan naman ng suliranin.
True 
Ang konseptong ito ay para mas may control ang mga tao sa mga industriya at hindi
masyado mahigpit ang gobyerno sa mga gawain nila.
Deregulation
Bakit ang wika ay konektado sa kasarian?
Ang kultura ay konektado sa wika at ang kamalayan sa kasarian ay naiimpluwensiyahan ng
kultura. 
Bakit ang Pilipinas ay sinasabing sentro ng mundo?
Dahil sa lokasyong estratehikal
Isa sa mahahalagang hakbang sa pagtuturo o pagkatuto ng wika ay ang hindi dapat
alisin sa laylayan ang usapin ng kasarian lalo na sa mga kurso na may kaugnayan sa
wika, gamit ng wika at pagkatuto ng wika.
False
Ang konseptong ito ay para mas mabilis ang pag labas ng mga produkto sa bansa
dahil hindi na to kailangan ipadaan sa gobyerno.

Privatization 

Ang wika ay hindi maaaring gamiting kasangkapan sa negosyo.

False 

Ayon sa kaniya ang mga salita ay may katumbas na kasarian.

Dr. Vivian Velez-Lukey


Anong pangsitwasyon ng wikang pambansa at mga wikain sa Pilipinas ang posibleng
nagawa ng mga elit?

Istratipikasyon ng wika sa pamamagitan ng pagiging 'eksperto' halimbawa nito


ang pagkakaroon ng antas ng wika.

PREFINALS

Ang mga isyu at pagkabahala sa kalagayan ng wika ang nagbubunsod upang


magkaroon ng iba’t ibang batas ukol ditto.

True

Kalian masasabing ang wika ay naging modernisado na?

Kapag ang lumang salita ay nag-iba ng baybay at pahayag ay nagbago na. 

Ano ang naging dahilan bakit nagkaroon nan g dibisyon ang ilang wikang may iisang
pinanggalingan?

Dahil sa kulturang nagbago gayundin ang panahon. 

Pagpapalabas ng panibagong pabalat ng isang magasin. Sa anong kategorya


nabibilang ang nasabing sitwasyon?

Print media

Kahit ano pang paraan ang gamitin o mode sa pakikipagkomunikasyon ay may wika.

True 

Ang guro ay laging gumagamit ng mga wikang nakasusunod sa bokabolaryo ng


mga mag-aaral kaya madaling maintindihan, makasunod ang mga mag-aaral sa mga
instrukyon ng guro. Anong katangian ng wika ang inilalahad sa sitwasyon?

Maimpluwensya

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon na nagpapatunay na ito ay Sikolohiyang


Pilipino?

Ang kaisipang ‘padrino’


Nagbabago ang konteksto ng isang salita batay sa karanasan at impluwensya ng
ilang indibidwal.

True 

Bakit mahalagang mapag-aralan ang pagkakabuo ng mga barayti ng wika sa loob ng


lipunan?
Upang maunawaan ang pagkakaroon ng dibisyon at uri ng mga uri nang maintindihan ang
umiinog na kultura sa ilang lipunan. 

Ang tawag sa sistema o pagsandig ng mga tao sa paniniwalang may Diyos at


kinapapalooban ng sistema na umaayon sa kalooban ng sinasambang Diyos.

Relihiyon

Bakit hindi makasabay ang wikang Filipino sa ibang wikang ganap nang
intelektuwalisado?

Dahil may mga isip na nakakulong sa konseptong mababa ang tingin sa wikang
Filipino.

Rasyunal na nag-iisp upang mabigyang halaga ang mga nasa kapaligiran.

Tao 

Bakit bumuo ng isang ideolohiya si Zeus Salazar upang mailahad ang pagka-Pilipino
ng mga Pilipinong tinatawag na ‘Pantayong Pananaw’?
Dahil napuna niya ang wikang ginagamit ay hindi lubusang nauunawaan at ang pagiging paksa
ng mga Pilipino sa labas ay hindi mabibigyan ng kongkretong tawag sa pagka-Pilipino ng mga
Pilipino. 

Bakit bahagi sa pagpapasyang maging parte ang wikang Kastila at Ingles ay kasali sa
wikang Filipino?

Sapagkat ang mga wikang ito ay naging parte na o nakabuo ng isang dibisyon
pa ng wika sa lipunan.

Ang wika ay bunga ng natural at sosyal na penomena.

True

Bakit nilinaw ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang tungkulin at kapangyarihan


ng Surian ng Wikang Pambansa?
Dahil sa ilang isyung inilahad ng mga naninilbihan sa gobyerno na posibleng sinasaklaw ng
Surian ng Wikang Pambansa 
Aspektong kailangang bigyang pansin upang magkaroon ng tiyak na pagtingin sa
konteksto ng wika at kultura sapagkat ito ang inisyal na pagtanggap sa kabuuan ng
ginagalawang espasyo.

Aspektong sikolohikal

Ang wika ay hindi lamang sa konteksto o ideya ng pahayag kundi pati sa nilalaman
nitong kultura.

True

Sistemang binuo, pinapasyahan at ikinabit sa buong katauhan ng isang inbidwal


hanggang sa isang buong pangkat.

Kultura 

Hindi makatutulong ang wikang Filipino sa pag-unlad ng bansa

False 

Ang wika ay maaaring makabuo o makangwasak ng ano man.

True 

Kolektibong katawagan sa isang grupo ng tao gayundin ang lugar sa isang particular
na espasyo at kultura.

 Lipunan

Ang wika ay nagpapakita ng anumang imahen kaya naman nagpapakita ito ng


katangiang____?

Masining 

Sa pagdaan ng isang henerasyon ay tuluyang nagbabago ang wika at hindi na


nababakas ang ilang wikang sumikat sa ibang henerasyon.

False 

‘Ikaw naman bayad, kelangan ngayon na negosyo lugi, ako lugi’. Anong barayti ng
wika ang ginamit sa nasabing pahayag?

Pidgin

Ano sa mga sumusunod na proyekto ang pinakamabilis na paglaganap ng wikang


Filipino?

 Panonood ng mga pelikulang Pilipino na nagpapakita ng sikolohiya at kulturang Pilipino 


Sa pag-usbong ng mga lipon ng mga kasarian, ano ang implikasyon nito sa wikang
Filipino?

Panibagong aangkining mga salita bilang ambag sa wikang Filipino. 

Ang pagyakap sa paniniwala ng ibang pangkat etniko o dayuhan ay nagbubunsod


ng panibagong wikang aangkin sa panibagong wika.

True 

Bakit kailangan pang suriin ang wika natin gayong madalas naman natin itong
ginagamit?
Dahil hindi sapat ang ginagamit lamang nang walang sapat na kaalaman at mahinuha ang
mabuting dulot upang buhayin ang damdaming makabansa gamit ang mga wika sa ating
bansa. 

Ang pagsasaayos ng burador upang maging malinaw ang mga sinabi at


pagkakasunod-sunod na ideya ay dapat lamang ginagawa ng isang manunulat.
Anong katangian ng wika ang inilalahad sa sitwasyon?

Makaagham 

Iba ang ayos ng mga pangungusap ng mga wika sa Pilipinas at Filipino.

False

Ayon kay Chomsky ang wika ay isang prosesong mental. May unibersal na gramatika
at mataas na abstrak na antas; may magkatulad na katangiang linggwistik. Alin sa
mga sumusunod na sitwasyon ang tumutukoy sa pagbibigay ng kahulugan ni
Chomsky sa wika?

Ang pagbuo ng isang batas na susundin ng lahat ng tao sa isang lipunan.

Sa anong sitwasyon mahihinuha ang enculturation?


Nang magpaampon ang isang batang Pilipino sa may lahing Amerikano, lagi siyang kinakausap
nang pa-Ingles kaya naman nasanay na rin ang paggamit ng wikang Ingles ang nasabing bata. 

Wikang ginagamit sa anumang pang-akademiko upang mas maging mabisa ang


pagkatuto ng mga mag-aaral.

Wikang Panturo

Hindi maaaring magbago ang kahulugan ng lahat ng mga salita sa pagdaan ng


panahon.
False

Alin sa mga sumusumod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa batas ayon


sa wikang pambansa?
Ang paggamit ng pinaghalong bernakular at Filipino ni Anna sa klase halimbawa ‘Uuwi na siya
sa balay nila?’ 

Bakit mahalaga ang paglalarawan sa paglalahad ng anumang impormasyon


particular sa ugnayan ng mga wika, kultura at lipunan?

Upang makapagbigay ng kongkretong imahen. 

Ano ang pangunahing salik kung bakit hindi naging madali ang pagkakaroon ng
wikang pambansa sa Pilipinas?

Dahil ang bansa ay multicultural lalo na sa usapin sa wika.

Ang paraan ng pagsasalita ni Rufa Mae Quinto sa pang-aaliw ng mga tao. Anong
barayti ng wika ang inihahayag sa nasabing sitwasyon?

Idyolek

Batayang wika ng Wikang Filipino bago pa man itong tawaging Wikang Filipino.

Tagalog 

Ang halimbawa ng sosyolek ay ang panghihiram o pang-aangkin ng wikang Filipino


sa ilang salita sa wikang banyaga.

False

Alin sa mga sumusunod ang hindi dahilan kung bakit napili ang Tagalog bilang
wikang pambansa ng Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Manuel L.
Quezon?

Pinakamalaking prosyento sa bansang Pilipinas ang gumagamit ng wikang


Tagalog.

Ano ang pinakalayunin ng pag-aaral ng wika at kultura?

Ang pag-aaral ng wika ay pagtuklas ng mas malalim pa sa loob mismo ng wika. 

Mayroong pekulyar na kultura at hindi nahahaluan ng ibang kultura.

False 
Hindi makatutulong ang wikang Filipino sa pag-unlad ng bansa.

False 

Ano mang lagay ng indibidwal sa lipunan ay nagsasanhi ng pagkapunggok o pag-


unlad ng wika

True

Ano ang nagbubuklod sa wikang pambansa at iba pang wika sa Pilipinas?

Kasaysayan at sintaks

Maituturing bang pinakamababang antas ng wika ang balbal sa lipunang bahagi na


ng kanilang kultura ang naturang uri ng wika?
Hindi, dahil kung ito ang nangunguna sa lipunang iyon ay nangangahulugan na ito ang
pinakamataas at pinakagamitin sa naturang lugar. 

Kapag ang indibidwal ay dumaan sa prosesong asimilasyon ay nawawala ang orihinal na lahi
nito.

False

Ang symbolic interactionalist na teorya ay daan upang maging solido ang kultura ng
nasabing particular na grupo.

False

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi dahilan ng malaking ambag ng


media sa pagbabago ng wika.
Ang impluwensya ng politiko sa bawat mamamayang may malakas na pagkatig o pagbatikos
sa kanila. 

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit hindi umaabot sa intelektuwalisasyon ang
wikang Filipino?

Dahil sa mga taong kulang na kulang ang kaalaman at pagpapahalaga sa


wikang Filipino.

Sa anong bahagi ng Saligang Batas ang naglalahad na ang Filipino ay wikang


nililinang batay sa wikain sa bansa at nagsasabing ito ay ang identidad ng mga
Pilipino?

Konstitusyong 1987, Artikulo XIV, Seksyon 16 


Anong pangkat etniko ang kinabibilangan ng nanguna sa pagkakabuo ng Surian ng
Wikang Pambansa?

 Bisaya 

Ano ang pangunahing dahilan sa pagkakaroon dapat ng sariling sikolohiya ng mga


Pilipino?

 Sapagkat ang karanasan, kultura, kaugalian at kamalayan ng mga Pilipino ay


natatangi at iba sa dayuhan.

Walang sikolohiyang mababakas sa wika ng mga sinaunang Pilipino bago pa mauso


ang sikolohiyang Pilipino ni Enriquez.

False

Sa anong sitwasyon mahihinuha ang assimilasyon?


Nang sakupin ng mga Espanyol ang mga Pilipino at naitatak sa mga Pilipino ang ilang kultura
ng mga Espanyol na ngayon ay parte na ng kultura ng mga Pilipino. 

Ano ang nais ipahiwatig ng Saligang batas 1987 ukol sa wikang pambansa ng
Pilipinas?

Ang wikang Filipino ay pinauunlad ng lahat ng umiiral na wika sa bansa 

Ang isang dayuhan sa Pilipinas ay madaling nalaman ng isang Pilipinong siya ay


isang Amerikano lalo na nang magsalita dahil sa tono at punto. Anong kahulugan ng
wika ang mailalapat sa nabasang sitwasyon?

Ang wika ay kultura

Ang pagpili ng oryentasyon pagdating sa kasarian ay nagkakaroon ng malaking


epekto sa wika kaya nakabubuo ng isang particular na kategorya ng wika.

True

Naging epektibo ba ang pagpapalaganap sa wikang Tagalog bilang wikang


pambansa?

 Oo, dahil may utos na ituro ito sa lahat lalo na sa paaralan.

Nilagdaan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 upang


ipagdiwang ang Linggo ng Pambansang Wika mula Marso 29- Abril 4. Sa anong
dahilan?

Bilang pagpapahalaga sa makatang si Balagtas. 


Ano ang mahihinuhang ideya sa pahayag na, ‘’Sa lipunan ngayon hindi na
nagkakaroon ng tuwirang tuon sa wika kundi sa ekonomiya, negosyo at gahum’’?
Ang kamalayan sa wika ukol epekto ng paggamit ng kapangyarihan sa iba’t ibang mukha ay
hindi direktang namamalayan. 

Laging binibigyang diin nito ang kakayahan ng mga kasariang hindi nabigyan ng
pantay na pagkatig sa kakayahan sa lipunan.

Feminist theory

Sa makabagong panahon, sa anong paraan mas madaling nakakapanakop ang ilang


bansa?

Sa pamamagitan ng pangangapital at masining na paggamit ng wika. 

‘Bawal magtapon ng basuro dito,.’ Anong tungkulin ng wika ang mailalapat sa


pahayag?

Regulatori

Bakit baybayin ang tawag sa paraan ng pagsulat kung ang ilang paraan ng pagsulat
sa ibang panig ng bansa ay may iba ring katawagan?

Sapagkat ang baybayin ang nagrerepresenta sa lahat ng paraan ng pagsulat.

Sa anong proseso mailalahad ang pag-unlad ng kaalaman, karunungan at


pagpapalawig ng rason sa ginagalawang espasyon?

 Tao, Wika, Kultura, Lipunan 

Paanong nagkakaroon ng malaking implikasyon sa wikang Filipino ang diaspora?

Ang pagtanggap ng wikang dapat pakibagayan at nagbubunga ng panibagong sikolohiya. 

Batay sa teoryang ito ang anumang bulong sa anumang aktibidad ng isang tao o
grupo ay nagbunga ng isang wika.

Teoryang Tara-ra-boom-de-ay 

Bakit binalot ng isyu sa pagtawag sa wikang pambansa na ‘’Pilipino’’?

 Sapagkat ang katawagang Pilipino ay hindi umano kumakatawan sa ibang wika at etniko
sa bansang Pilipinas. 
Ang bata ay nakapagbulalas ng isang salitang hindi maunawaan dahil sa matinding tuwa sa
kaniyang ginagawa. Anong teorya ang mailalapat sa sitwasyon?

Teoryang Yo-he-ho 
‘Dapat lamang na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo.’ Ang pahayag na nabasa
ay tumutukoy sa suliraning ano?

Intelektuwalisasyon ng wika 

Ang paggamit ng mga ekspresyong ‘E di wow’, ‘1K likes at 10k shares idDP ko si crush’ at
iba pa ay nauso mula sa ginawa ng isang indibidwal. Sa anong prinsipyo pumapasok o
pagpapakahulugan ng kulturang popular maihahanay ang sitwasyon base sa sinabi ng mga
iskolar?

Ang kultural ay kulturang popular ay tumutukoy sa antas ng kamalayan

Ang wika ay may kaayusang sistema ng mga tunog na gamit sa interpersonal na


komunikasyon at nakagagawa nang puspusang pagkakatatag ng mga bagay, pangyayari at
mga proseso ng mga karanasan.

Caroll

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng teoryang tara-ra-boom-de-ay?


Sa pagsasaliksik ni Dakilang Emperador Carlos V na naglalahad o naglalarawan sa paraan o ‘manner’
ng pagbigkas ng mga wika sa Ingles ay tunong ibon, habang ang tunog umano ng bigkas ng mga
Pranses ay tao at sa mga Espanyol ay diyos. 

‘Ang bait niya lagi siyang bukas palad sa mga mahihirap.’ Anong tungkulin ng wika ang
inihahayag ng pangungusap?

Imahinatibo

QUIZ #8

Anong ideolohiya ang inilalapat sa pagkilala sa sarili para sa malalim na paghubog ng


wikang Filipino?

Pilipinolohiya 

Sa paanong paraan inihahabi ang mga wika ng iba’t ibang etnolingguwistikong pangkat
para sa kalinangan ng wikang Filipino?

Sa pamamagitan ng malalim na pananaliksik 

Sa usapin ng pagsasalin, mahalaga na isa-kontexto ang mga ideya sa karansan ng mga


Pilipino.

True
Sa patuloy na pagsulong ng paraan ng pamumuhay gayundin ang wikang Filipino, alin sa
mga sumusunod ang hindi na nabibigyang pansin na dapat ay nagbibigay ambag nang
malaki sa wikang Filipino para sa kaunlaran ng kultura ng mga Pilipino?

Ang mga katutubong may malalim na pagpapahalaga sa kultura mula sa liblib na lugar o tribo. 

Sa paanong paraaan madidimistipika ang lahid ng globalisasyon sa wikang Filipino?

Sa pamamagitan ng pananaliksik at edukasyon 

Hinubaran din ng lehitimasya ang malaon nang tradisyon at kalinangan ng pangangayaw


ng mga Tausug na Muslim sa pag-iimahen dito bilang isang uri lamang ng krimen at sila
bilang mga kriminal. Ito ang nilikha at ininstitusyonalisang pagpapakahulugan sa kolonyal
na katawagang ______

 Moro

Ang may akda ng ‘Wikang Filipino sa Agham.

Luis Tolentino 

Ang mga ganitong pagsasalin, tulad ng nakikita natin sa ibang post sa social media, ay
nagpapakita ng pagkamalikhain ng mga tao ngunit dahil ang ibang salita ay hindi rin
naman nagagamit, wala itong naitutulong.

True 

Bakit naging problematiko ang paggamit ng wikang Filipino sa mga asignaturang


Matematika at Agham?

Dahil ito ay parte na rin ng layunin para sa internasyonalisasyon

Ang polisiyang ‘’English Zone’’ sa paaralan ay hindi nangangahulugan na pagsantabi sa


wikang Filipino.

False 

Ano ang pangunahing layon sa pananaliksik sa mga pangkat etniko bilang gabay sa pag-
unlad ng wikang Filipino?
Maunawaang lubos at maiambag sa wikang Filipino ang kamalayang pagka-Pilipino sa pammagitan ng
wika. 

May politikang namumuo sa paggamit ng wikang Ingles sa mga asignatura.

True
Nagbubunga ng kalituhan sa pagkatuto ng mga bata ang paggamit ng wikang Filipino sa
mga asignaturang agham, Ingles at matematika.

False 

Bakit isa sa pinakatinuon na paksa sa Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino ay ukol sa


pagsasalin ng wikang Filipino?
Dahil ang disiplina ng matematika at agham at inteklektuwalisado na at dapat isabay ang wikang
Filipino. 

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit hindi kailangang maging purist umano ang
paggamit at pagtuturo ng asignaturang agham at matematika gamit ang wikang Filipino?

May kalituhan pa sa mga terminong dapat gamitin dahil magmumula sa iba’t ibang
wikain sa Pilipnas

FINALS

Ang paggamit ng bidyo ng ilang mga netizens sa pagbabahagi sa kanilang ginagawa sa


social media. Anong barayti ng wika ang nasabing sitwasyon?

Mode

Seksyong kinalalagyan ng probisyon ukol sa wikang pambansa sa Saligang Batas 1935.

Seksyon 3

Ayon sa isang propesor, ‘Ang wika ay mapangwasak at mapangbuo ng anumang bagay’.


Anong katangian ng wika ang mailalapat sa nabasang pangungusap?

Maimpluwensya

Batay sa karanasan, natutuhan sa iba’t ibang sitwasyon ang wikang natutuhan ng isang tao.

Pangalawang Wika 

Anong isyu ng mga di-Tagalog kung bakit Tgalog ang naging batayan upang maging
pambansang wika?

Ang pamantayang itinalaga ay pumapabor lamang sa Tagalog. 

Ano ang pinakamabuting solusyon na panlaban ng wikang Filipino sa globalisasyon?


Pagtuunan ng pansin ang kultura ng kapitalismong global. 

Mula sa kultura at wika ang naging basehan ni Enriquez upang magkaroon ng pasimula sa
pagsusuri ng sikolohiyang Pilipino at ito ay iniukol niya sa

kamalayan, ulirat, isip, diwa, kaluluwa

Anong panlabas na epekto ng cross-culture pagdating sa wika?


Ang kalituhan sa tagapakinig na maaaring maging mataas o mabab ang tingin sa sintaks o leksikal ng
nabuong wikang sa naghalong mga wika ng magkaibang kultura. 

GOODLUCK! (Y)^_^(Y)

You might also like