You are on page 1of 12

MGA SITWASYONG PANGWIKA

SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON


- Ang telebisyon ang itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa
kasalukuyan dahil sa dami ng mga mamamayang naabot nito. Ang mabuting
epekto ng paglaganap ng cable o satellite connection para marating ang
malalayong pulo at ibang bansa. Wikang Filipino ang nangungunang midyum sa
telebisyon sa bansa na ginagamit ng mga lokal na channel. Mga halimbawa ng
mga programang pantelebisyon na gumagamit ng wikang Filipino ay mga
teleserye, mga pantanghaliang palabas, mga magazine show, news and public
affairs, reality show at iba pang programang pantelebisyon. Ang pagdami ng mga
palabas sa telebisyon partikular ang mga teleserye o pantanghaling programa na
sinusubaybayan ng halos lahat ng milyon-milyong manununood ang dahilan
kung bakit halos lahat ng mamamayan sa bansa ay nakakaunawa at
nakakapagsalita ng wikang Filipino.
SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT PAHAYAGAN
● Wikang Filipino ang nangungunang wika sa radyo sa AM man o sa FM. Ang mga
estasyon sa probinsya ay gumagamit ng rehiyonal na wika ngunit kung may
kapanayam sila ay karaniwan sa wikang Filipino sila nakikipagusap. Sa dyaryo
ay wikang Ingles ang ginagamit sa broadsheet at wikang Filipino naman sa
tabloid. Tabloid ang mas binibili ng masa o karaniwang tao sapagkat mas
naiintindihan nila ang wikang ginagamit dito. Ito ang mga katangian ng isang
tabloid:
-Nagtataglay ng malalaki at nagsusumigaw na headline na naglalayong
maakit agad ang mambabasa.

- Ang nilalaman ay karaniwang senseysyonal na naglalabas ng


impormalidad

- Hindi pormal ang mga salita.


SITWASYONG PANGWIKA SA PELIKULA

- Ingles ang kadalasang pamagat ng mga pelikulang Pilipino. Filipino ang lingua
franca o pangunahing wika ang ginagamit. Ang pangunahing layunin ay makaakit
ng mas maraming manunuod na malilibang sa kanilang mga palabas at
programa upang kumita ng malaki. Malawak ang naging impluwensya dahil sa
tulong nito mas marami ng ng mamayan ng bansa ang nakauunawa at
nakapagsasalita ng wikang Filipino. Ang nananaig na tono ay impormal at waring
hindi gaanong strikto sa pamantayan ng propesyonalismo.
-

KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO

Kakayahang Linggwistiko

- Natural na kaalaman ng tao sa sistema ng kaniyang wika, dahilan


kaya nagagamit niya ito ng tama at mabisa. Ang kakayahang
Linggwistiko ay tumutukoy sa kakayahan o abilidad ng isa na makapagsalita ng
iba’t-ibang mga lenggwahe, wika, at dayalekto. Nakatutulong ito upang mas
mapadali ang pakikipagtalastasan gayundin ang komunikasyon sa iba. Ito ay
isang linggwistikong kaurian ng mga salita (o mas tumpak na sabihing bahagi ng
panleksiko) na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng
sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging panlesikong tinutukoy.
BAHAGI NG PANANALITA

1. Mga nominal:

a. Pangngalan (noun) – mga salitang nagsasaad ng pangngalan ng tao,


hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari, atbp.

PANTANGI:
Pangngalang ginagamit sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, o lunan. Lagi itong
nagsisimula sa malaking titik.

PAMBALANA:
Pangngalang ginagamit o sinumang tao o anumang bagay, lunan o pangyayari
nang walang pagtatangi. Ito at nagsisimula sa maliliit na titik.

b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghalili sa pangngalan

URI NG PANGHALIP
PANGHALIP NA PANAO (Personal Pronoun) – Mga salitang ipinapalit o
ipinanghalili sa ngalan ng tao. Ito ay may tatlong uri batay sa panuhan kung sino
ang tinutukoy ng tao.

PANGHALIP NA PANANONG (Interrogative Pronoun) – Mga salitang


ginagamit sa pagtatanong. Ito ay maaaring kumaatawan sa tao, hayop, bagay, o
gawaing itinatanong. May isahan at maramihan ang panghalip na pananong.

PANGHALIP NA PAMATLIG (Demonstrative Pronoun) – Mga uri ng panghalip


na ginagamit na panghalili sa pagtuturo ng tao, hayop, bagay, pook, gawa o
pangyayari. Isinasaaad ng tatlong panauhan ang layo o distansya ng
pangngalang kinakatawan sa taong nagsasalita at sa nakikinig sa anim na uri
nito.

PANGHALIP NA PANAKLAW (Indefinite Pronoun) – Tumutukoy sa mga


pangngalang walang katiyakan o hindi tiyak.

KAKAYAHANG GRAMATIKAL
- Tumutukoy ito sa kakayahang umunawa at makabuo ng mga istruktura ng wika
na sang-ayon sa tuntunin ng gramatika. Ayon kina CANALE at SWAIN, ito ay
ang pag-unawa at paggamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohoya, sintaks,
semantika gayundin sa mga tuntuning pang-ortograpiya. Ang komponent na ito
ay magbibigay kakayahan sa taong nagsasalita upang magamit af kaalaman at
kasanayan sa pag-uunawa at pagpapahayag sa literal na kahulugan ng mga
salita

PONOLOHIYA – Tawag sa maagham na pag-aaral ng tunog. Pinag-aaralan ang


wastong bigkas ng mga tunog na tinatawag na ponema.

PONEMA- Ang tawag sa yunit ng tunog ng isang wika


PONEMANG PATINIG – Makikita sa posisyon ng dila sa harap, sentral, at likod
PONEMANG SEGMENTAL –Tumutukoy sa wastong bigkas ng tunog
Katinig – Ipinapakita ang mga ponemang ito batay sa paraan at punto ng
artikulasyon
Patinig – a,e,i,o,u (allophone)
Diptongo – a,e,i,o,u + isang malapatinig bahay, baliw, tuloy
Kambal katinig/ Klaster – magkasunod na tunog katinig.

ALLOPHONE – Ponemang malayang nakakapagpalitan ang e at I, u at o.


Pares minimal - Magkatugmang salita na hindi magkaugnay na kahulugan
subalit tugmang-tugma sa bigkas maliban sa isang ponema.

MORPOHIYA – May kinalaman sa pagbuo ng salita. Makaagham na pag-aaral ng


pangkat sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t-ibang morpema.

Paggamit ng:
Salitang-ugat – sariwa
Paglalapi – napaka-sariwa
Pag-uulit – maganda-maganda
Pagtatambal – Silid-aklatan
MORPEMA – Pinakamaliit na yunit ng isang salita na may kahulugan
Asimilasyon - Pang+bansa = PAMBANSA
Polisemi - Mga salitang may dalawa o higit pang kahulugan na mag-ugnay

LEKSIKON - Mga salita na ginagamit sa isang wika ng mga mananalita nito.


Tinatawag din itong “BOKABULARYO” ng isang wika

MGA PARAAN SA PAGBUO NG SALITA


PAGTATAMBAL – Sa paraang ito, ang mga salita ay nabuo sa pamamagitan ng
pagtatambal ng mga morpema na naging bahagi ng wikang Filipino.
AKRONIM – Sa paraang ito, ang mga salita ay hango sa mga inisyal o mga unang
pantig ng salita.
PAGBABAWAS / CLIPPING – Pagpapa-ikli ng salita
PAGHAHALO / BLENDING -Paghahalo o pagtatambal ng mga salita.

DALAWANG URI NG PAGPAPAKAHULUGAN

Denotasyon – Kahulugang nakukuha sa mga diksyunaryo, biibliya at libro


Konotasyon – Ang pagpapakahulugan ay iba sa mismong kahulugan nito.

KAKAYAHANG PRAGMATIKAL
- Ang pragmatik ay hango sa salitang griyego na PRAGMA nangangahulugang
aplikasyong praktikal. Ang kakayahang pragmatik ay tumutukoy sa isang
kakayahang isagawa ang mga pagsasakonsepto o teorya sa isang tiyak na
layunin at gawain. Pagtukoy sa kahulugan ng sitwasyong sinasabi, di-sinasabi, at
ikinikilos ng taong kausap.

BERBAL NA KOMUNIKASYON
- Gumagamit ng salita sa anyong pasalita o pasulat.Nagagawa ang pasalita sa
pamamagitan ng pakikipag-usap sa kaanak, kaibigan, pakikipagtalakayan sa
klase at seminar.

DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON
Kinesika (Kinesics) – tumutukoy sa kilos o galaw ng katawan. Bahagi nito ang
ekspresyon ng mukha galaw ng mata, kumpas ng mga kamay, at tindig ng
katawan. (Body Language)
Proksemika (Proxemics) - tumutukoy sa oras at distansya sa pakikipag-usap o
espasyo sa pakikipag-usap.
Pandama/Paghawak (Haptaliks)- itinuturing na isa sa pinakaunang anyo ng
komunikasyon. (Sense of touch)
Paralanguange – tumutukoy sa tono ng tinig at kalidad at bilis ng pagsasalita.
Paraan sa pagbigkas ng isang salita. Tuno/Punto.
Bagay (objektics) – Paggamit ng bagay o objects sa komunikasyon.
Simbolo (Iconics) – mga simbolo sa gusali, lansangan, botelya, reseta atbp.
Oras – ang paggamit o pagpapahalaga ng oras ay maaaring kaakibatan ng
mensahe.
Bagay (objektics) – Paggamit ng bagay o objects sa komunikasyon.
Katahimikan o kawalang kibo – lubhang makahulugan na karaniwang
ginagawa upang mag-isip at paghandaan ang sasabihin, o kaya ay maparating
ang tampo o sama ng loob
Kapaligiran – tumutukoy sa pinagdarausan ng pakikipag-usap at ng kaayusan
nito. Mahihinuha ang intensyon ng kausap batay sa kung saang lugar niya nais
makipag-usap.
Optalmik (mata) – Sa pamamagitan ng pagtitig sa kapwa
Piktiks (picture)- Mukha ang nakapokus
Koloriks (chromatics)- Sa pamamagitan ng mga kulay maaaring magpahiwatig
ng damdamin o oryentasyon.
Emotikons (faces) – Facial Expression
Kakayahang Diskorsal
- Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan ay nangangahulugan ng
pagsasamasama at pag-ugnay ng mga pangungusap upang makabuo ng
makabuluhang pahayag. Maaaring ang mga pahayag ay naipapamalas sa
ugnayan ng dalawa o higit pang taong nag-uusap. Ang kakayahang diskorsal ay
tumutukoy sa mismong kakayahan na matiyak o masigurado na tama ang isa o
higit pang kahulugan ng teksto at sitwasyon na nakapaloob o nakaayon sa
konteksto.

2 URI NG KAKAYAHANG DISKORSAL

Kakayahang Tekstuwal - ay tumutukoy sa kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa


at pag-unawa ng iba’t-ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay
instruksiyonal, transkripsiyon, at iba pang pasulat na komunikasyon.
Kakayahang Retorikal – ay tumutukoy naman sa kahusayan ng isang indibidwal na
makibahagi sa kumbersasyon. Kasama rito ang kakayahang unawain ang iba’t-ibang
tagapagsalita at makapagbigay ng mga pananaw o opinyon.

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

Instrumental

-tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga pakikipag-ugnayan sa


iba.Ang paggawa ng liham pangangalakal,liham sa patnugot, at pagpapakita
ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit at halaga
ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito.
Regulatoryo

-pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng


direksyon sa pagluluto ng ulam,direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit, at marami
pang iba.

Interaksiyonal -ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang


kapwa;pakikipagbiruan; pakukuwento ng malulungkot o masasayang pangyayari;
paggawa ng liham- pangkaibigan; at iba pa.

Personal

-ang pagpapahayag ng sariling pinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan.


Kasama rin dito ang pagsusulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag
ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.

Heuristiko

- ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa


paksang pinag-aaralan. Halimbawa rito ay ang pag-iinterbyu, pakikinig sa radyo,
panonood sa telebisyon, at pagbabasa ng pahayagan,blog at aklat.

Impormatibo

- ang kabaligtaran ng heuristiko. Kung ang heuristiko ay pagkuha o paghahanap


ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon
sa paraang pasulat at pasalita. Halimbawa nito ay pagbibigay-ulat,
tesis,panayam, at pagtuturo.
KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO SA PANAHON
NG AMERIKANO

Almirante Dewey - namuno sa mga Amerikanong dumating sa Pilipinas.

Wikang Ingles – ginamit na Wikang Panturo at Wikang Pantalastasan mula


sa antas primarya hanggang sa kolehiyo sa panahon ng mga Amerikano.

Jacob Schurman – ang namuno sa komisyong naniniwalang kailangan ng


Ingles sa edukasyong primary. Batas Blg. 74 – itinakda ng komisyon noog Marso
21, 1901 na nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang
gagawing wikang panturo.

Reading, Writing & Arithmetic (3R’s)) – ang binigyang-diin sa pagtuturo subalit


nahihirapan ang mga guro sa pagpapaunawa sa mga mag-aaral kaya ipinagamit
ang bernakular bilang wikang pantulong.

Ipinagbawal ang paggamit ng Wikang Bernakular at tanging Wikang Ingles


nalang ang ipinagamit na Wika ng Panturo nang mapalitan ang director ng
kawanihan ng edukasyon.

Service Manual ng Kawanihan ng Edukasyon – nagsasaad na tanging Ingles


lamang ang dapat gamitin sa pag-aaral, sa bakuran ng paaralan at sa gusali ng
paaralan.

Mga sundalo – ang unang nagturo ng Ingles at sumunod ang grupong


Thomasites.

Bise Gobernador Heneral George Butte – Kalihim ng Pambayang Pagtuturo


sa apat na taong pag-aaral noong 1931. Sinabi niyang hindi kailanman magiging
wikang pambansa ng mga Pilipino ang Ingles dahil hindi ito ang wika ng tahanan.
Jorge Bocobo at Maximo Kalaw – sumang-ayon sa sinabi ni Butte.

Mga Dahilang Nagtataguyod sa Paggamit ng Ingles

1. Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magre-resulta sa


suliraning administratibo. Mahihirapang lumipat ang mga mag-aaral sa iba-ibang
pook dahil iba-iba ang itinurong wika sa ibang rehiyon.

2. Ang paggamit ng bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng


rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo.

3. Hindi magandang pakinggan ang magkahalong Ingles at Bernakular.

4. Malaki na ang nagasta ng pamahalaan sa paglinang ng wikang Ingles


upang maging wikang Pambansa.

5. Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkakaroon ng pambansang


pagkakaisa.

6. Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal.

7. Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang-agham.

8. Yamang nandito na ang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito.

Mga Dahilang Nagtataguyod sa Paggamit ng Bernakular

1. Pagsasayang lamang ng panahon at pera ang pagtuturo ng Ingles dahil


wala itong kinalaman sa kanilang sosyal at praktikal na pamumuhay.
2. Magiging epektibo ang pagtuturo sa primary kung bernakular ang
gagamitin.

3. Tagalog ang nararapat na pipiliing Wikang komon sapagkat isang


porsyento lamang ng tahanang Pilipino ang gumagamit ng Ingles.

4. Hindi magiging maunlad kung Ingles ang gagamitin sa pagtuturo dahil


hindi naman natututo ang mga mag-aaral kung paano malulutas ang mga
problemang kakaharapin nila.

5. Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi


nagpapakita ng nasyonalismo.

6. Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng


lahat katulad ng paggamit ng bernakular.

7. Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa Wikang Ingles ang mga


Pilipino.

8. Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit


ang bernakular, kailangan lamang na ito ay pasiglahin.

Henry Jones Ford –nagsagawa ng unang pagsisiyasat sa pagtuturo gamit ang


Ingles. Kanyang natuklasan na ang Ingles ay kay hirap makilala na Ingles na
nga.

Saleeby – iginiit niya na makabubuti ang magkaroon ng isang wikang


pambansang hango sa katutubong wika nang sa gayon ay maging malaya at
mas epektibo ang paraan ng edukasyon sa buong bansa.

You might also like