Professional Documents
Culture Documents
Panahon ng Kastila
Sa larangan ng wikang Tagalog na naging saligan ng wikang pambansa, masasabing bahagi ng kasaysayan ang sumusunod na
mga isinagawang pag-aaral ng mga prayle at ilang nakapag-aral na Pilipino:
Upang mapadali ang pag-aaral nila sa mga wika sa bansa hinati nila ang kapuluan sa apat na orden.
Kabisayaan- hinati ng Agustinian at Heswita
Ilocos at Pampanga – Agustinian
Pangasinan at Cagayan- Dominikano
Kabikulan- Pransiskano
Tagalog – hinati sa apat na orden
Diccionario Hispano-Tagalog
-ni Pedro Serrano Laktaw (1889)
LET Majorship- FILIPINO (Prof. Jayson Billona) | St. Louis Review Center- Surigao | 0920-611-2711 Page 1
Sobre La Nueva Ortografia de la Lengua Tagala
- ni Dr. Jose Rizal (1889)
Panahon ng Amerikano
- linggwistang sundalong Amerikano
Grammar of Ilocano
-ni Henry Swift (1909)
Carlos Everett Connant- nakilala sa disiplinang historikal na pagsusuri sa wika. Nakilala sa kanyang pananaliksik ng RGH Law
in Philippine Language.
Frank Blake- nakatuon ang pag-aaral niya sa pagsusuri sa tatlong magkakaugnay na yunit sa gramatika`; verb, voice at case.
Ayon sa kanya, ang mga pangngalan sa Tagalog ay maaring gawing pandiwa.
Herman Costenoble- bumuo ng apag-aaral tungkol sa mga salitang-ugat na binbuo ng isang pantig o monosyllabic at sinuri
ang pagkakaiba at pagkakahawig ng mga tunog sa mga pangunahing wika sa bansa.
Cecilio Lopez- Siya ang itinuturing na unang linggwistang Pilipino na produkto ng mga Amerikano. Tinaguriang “Ama ng
Lingguwistikang Pilipino”
Ernesto Constantino- isa sa mga pag-aaral niya ay ang Sentence patterns of the ten major Philippine languuages, na
naghahambing sa estruktura ng mga pangungusap sa Tagalog, Waray, Bikol, Cebuano, Hilgaynon, Tausug, Ilokano, Ibanag,
Pangasinense at iba pa. (Tanawan, 2007)
---------------------------------------------------------------
Ponema- ang tawag sa mga tunog ng wika. Pinakamaliit na yunit ng tunog na nakapagpabago ng kahulugan ng salita.
Ponemang Segmental – binubuo ng patinig, katinig, diptonggo at klaster. Kinakatawan ang titik alpabeto maliban sa glottal na
pasara.
Palapantigan- ang sistema ng pagbuo ng mga kumbinasyon ng tunog upang makabuo ng pantig na humahantong sa pagbuo
ng mga salita.
Ponemang Patinig- ang patinig ang ubod ng mga tunog. Walang salitang maibubulalas sa bibig kung walang tunog ng patinig.
Ayon kay Alfonso O. Santiago ang salitang patinig ay mula sa pinaikling Tagapagbigay ng tinig.
Ponemang Katinig
- matandang balarila may 16 na tunog-katinig
Panlabing Pasara p, b
Panlabing Pailong m
Pangiping-Pasara t, d
Pangiping-Pailong n
Panggilagid na Pasutsot s
Pagilid l
Pakatal r
Ponemang Palalamunan k ,g
( malambot nangala-ngala)
na pasara
Palalamunang Pailong ng
Impit o glottal na pasara ?
Glottal na Pasutsot h
LET Majorship- FILIPINO (Prof. Jayson Billona) | St. Louis Review Center- Surigao | 0920-611-2711 Page 2
- kasalukuyan ay may 23 na tunog-katinig
- nadagdag (f,v, j, z, ch,ň sh)
Diptonggo
-ang kombinasyon ng ponemang patinig ( a, e,i,o,u) at malapatinig na (w,y) sa isang pantig. ( ay, aw, ew, iw , iy, oy, ow, uy at
ow)
-magkasunod na patinig sa isang pantig na impluwensiya ng Wikang Kastila hal. piano, tiempo, guapo, cuento, buitre at
suerte.
Ponemang Suprasegmental – mga tunog na binibigkas kaalinsabay ng mga kataga, salita o parirala at pangungusap na
nagbibigay ng mga dagdag na kahulugan o ideya sa mga ito.
MALUMAY at MALUMI ay parehong binibigkas nang banayad at may diin na matatagpuan sa IKALAWA sa huling pantig ng
salita. Ang tanging pagkakaiba ng dalawa ay matatagpuan sa huling pantig ng salita. Ang mga salitang MALUMAY ang bigkas
ay nagwawakas sa katinig, malapatinig o kaya ay glottal na pabuga, samantalang ang MALUMI ay nagwawakas sa glottal
na pasutsot (h).
Malumay Malumi
busilak Binate
banayad sinipi
MABILIS at MARAGSA ay parehong binibigkas nang tuloy-tuloy . Parehong nasa hulihang pantig ang diin. MABILIS ay
nagtatapos sa impit na pabuga at katinig, samantalang ang MARAGSA ay nagtatapos sa impit o glottal na pasara.
Mabilis Maragsa
mata Dala
matapat mataba
Tono- sa tono ng mga salita higit na naipapahayag ng mananalita ang damdaming nais ipahiwatig. Ang tindi, lumanay o
pwersa ng pagbigkas.
1. Morpemang Ponema
- (a at o) bagamat tunog lamang ang mga ito ay nababago nito ang kahulugan ng salita. Hal. doktor- doktora
-
2. Morpemang Panlapi
-mga panlaping ikinakabit sa salitang-ugat na nagpabago sa kahulugan
Unlapi - Unahan
Gitlapi - Gitna
Hulapi - Hulihan
Laguhan - Unahan, Gitna, Hulihan
Kabilaan - Unahan at Kabilaan
LET Majorship- FILIPINO (Prof. Jayson Billona) | St. Louis Review Center- Surigao | 0920-611-2711 Page 3
Uri ng Morpema ayon sa Kayarian
Payak na Morpema
-ay ang mga salitang ugat
-ito ang pinakaubod ng mga salitang maylapi, tambalan at inuulit
Morpemang Maylapi
-tawag sa mga salitang nilalapian
-Hal. Liwanag-lumiwanag
Morpemag Inuulit
-ang pag-uulit ng mga salita, maaaring salitang ugat o kaya ay ang buong salitang ugat .
Morpemang Tambalan
-mga salitang pinagsama at maaaring nagkaroon ng panibagong kahulugan o kaya ay pananatili ng kahulugan ng mga salitang
pinagsama ang morpemang tambalan.
Tambalang Ganap Tambalang Di-Ganap
-nabago ang kahulugan (Malatambalan)
mula sa mga salitang -nanatili ang kahulugan sa
pinagtambal pinagtambal na mga salita
bungang-araw Punongkahoy
tumbang-preso punungguro
Ginigitlingan ang salita upang paghiwalayin ang patinig at katinig tulad ng salitang pag-ibig , pang-ulo (headdress) magsing-
ibig
Ginigitlingan din ang mga salitang tambalan kung may nakakaltas na kataga sa pagitan ng mga salita
pamatid-uhaw(pamatid ng uhaw)
bahay-kubo (bahay na kubo)
Sintaks- ang ugnayan ng mga salita sa loob ng parirala at pangungusap. Sa pamamagitan ng sintaks ay nabubuo ang kahulugan
o mensahe nito na tinatawag na semantika.
Istruktural / Pangkayarian- morpema/ salita na ang tungkulin ay padulasin ang daloy ng pagbigkas ng pangungusap at
iugnay ang salitang pangnilalaman sa kapwa salitang kasama nito sa pangungusap.
Leksikal/ Pangnilalaman- ang nagbibigay ng pinakadiwa o tiyak na mensahe ng diskurso at karaniwang panaguri ng isang
pangungusap.
LET Majorship- FILIPINO (Prof. Jayson Billona) | St. Louis Review Center- Surigao | 0920-611-2711 Page 4
abay
Retorika- paggamit ng mapapalabok na salita sa pangungusap , kaya’t ang mga pahayag ay maligoy at hindi direkta ang
kahulugan.
-paggamit ng mga talinghaga at pagkukumpara gaya ng paglalagay ng mga tayutay at idyoma sa mga pahayag.
Rhetorical Approaches
Kahulugang Tekstuwal- literal na kahulugan ng pahayag batay sa ugnayan ng mga salitang ginamit. Binibigyan-diin ang
kaayusan ng mga salita sa loob ng pangungusap , ang kaayusan ng mga talata sa loob ng pahayag, at ang kaayusan ng mga
pahayag sa kabuuan ng diskurso.
Kahulugang Kontekstwal- nakabatay sa pahiwatig ng mga pahayag na ginamit sa pakikipagtalastasan . Ayon ay Kenneth
Noland, ito ang kabuuan ng diskurso. Ito ay nahuhulma sa ugnayan ng pahayag at ng motibo ng nagpapahayag.
Kahulugang Subtekstuwal- ito ay nauukol sa ideya at motibo ng nagpapahayag na minsang tinatakpan ng paggamit ng
tayutay higit ng metepora upang makaiwas sasigalot sa mga kilalang personalidad na maaarong tamaan ng pahayag.
Karaniwang ginagamit nag pagpapakahulugan sa mga pahayag na nauukol sa mga usaping sosyal o politikal na hindi
maihahayag nang tuwiran.
Kahulugang Intertekstuwal- kahulugang makukuha sa ugnayan ng mga pahayag sa loob ng isang diskurso na niuugnay sa
diskuro ng iba.
Teoryang Ding-dong- ito’y haka na ang bawat bagay sa mundo ay may kasama o kaugnayan sa tunog gaya ng kampanang
ding-dong. Matagal na panahong iginalanag ang teoryang ito ,ngunit itoy nabalighong paniniwala sapagkat maraming bagay na
walang tunog o maraming tunog na walang katumbas na bagay.
Teoryang Bow-wow- ito’y ginagad ng tao sa mga tunog na likha ng kalikasan. Hal. nito ay ang tahol ng aso bow-wow. Ngunit
ang dahilan ng pag-aalinlangan sa ito’y ang pagkakaiba-iba ng dinig ng iba’t ibnag tao sa isang likas na tunog. Hal. ang tilaok ng
manok sa Filipino at cock-a doodle sa Ingles.
Teoryang Pooh-pooh- Nagsasaad ito na ang tao’y lumilikha ng mga likas na tuog at pakahulugan tayo sa mga tunog na ito
sapagkat tayo ang lumikha. Sinasabing ito’y magsisimula sa silakbo ng damdamin o pagbubulalas ng pagtataka, takot, galak,
sakit at iba pa. Kalimitang katambal ng teoryang ito ay ang sing-song na nagpapalagay na ang wika’y buhat sa di-mawatasang
pag-awit ng mga kaun-unahang tao.
Teoryang Yum-yum- nagsasaad ito na ang tao ay tumutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na
nangangailangan ng aksyon. Ang bahagi ng pagtugong ito ay ginagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa pagkaposisyon ng dila
sa guwang ng bibig. Ang mga ito’y pagbabawas ng mga orihinal na pagkumpas ng tao na ginagamitan ng iba’t ibang bahagi ng
katawan.
Teoryang Yo-he-ho- ang teoryang ito ay pinaniniwalaan na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang
pwersang pisikal. Nakalilikha tayo ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa.
LET Majorship- FILIPINO (Prof. Jayson Billona) | St. Louis Review Center- Surigao | 0920-611-2711 Page 5
Barayti ng Wika
Dayalek- ang baryasyon ng wika na nalilikha dulot ng dimensyong heograpikal. Tinatawag din itong wikain.
Sosyolek- baryasyon ng wika na dulot ng dimensyong sosyal
- hal. wika ng mga bakla, mga tambay, mga estudyante, call center agents, mga politiko
Rejister o Jargon- ang tawag sa mga salita/wikang nabubuo ng mga grupong profesyonal o sosyal bunga ng okupason o
trahabo o kaya’y ng gawain sa grupo.
- Iba ang salita ng mangingisda sa manggagamot
Idyolek- tumutukoy sa nakasanayang pamamaraan sa pagsasalita ng tao o maaari ring grupo ng tao.
- bigyang pansin ang pagkakaiba sa paraan ng pagsasalita ng mga reporter at newscaster sa telebisyon tulad nina
Gus Abelgas, Kara David, Mike Enriquez, Noli de Castro, Ted Failon at iba pa.
Gamit ng Wika
Apat na komponent o
Sangkap ng Kasanayang Komunikatibo (Canale at Swain).
Kasanayang Gramatikal
-ay ang kakayahang umunawa at makabuo ng mga estraktura sa wika ayon sa mga tuntunin sa gramatika.
Kasanayang Diskorsal
-naman ay tumutukoy sa kakayahang
mabigyang ng wastong interpretasyon ang napakinggang pangungusap/pahayag upang
makabuo ng isang makabuluhang kahulugan.
Kasanayang Istratijik
-ay ang kakayahang kung paano niya gagamitin ang wika sa iba’t ibang sitwasyon.
Mga Metodo o Dulog sa Pagtuturo Wika
-Marami nang paraan o estratehiyang nabuo ang ilang mananaliksik at dalubwika mabisang sa pagtuturo ng wika, ilan dito ang
pamamaraang
Audiolingual
-ay batay sa mga teoryang sikolohikal at linggwistik.
-ilan sa mga pangunahing katangian ng ALM (halaw kina Prator at Celce Murcia , 1979)
1. Inilalahad sa pamamagitan ng dayalog ang mga bagong aralin
2. Pangunahing estratehiya sa pagkatuto ay panggagaya, pagsasaulo ng mga parirala at paulit-ulit na pagsasanay
3. Ang kayariang balangkas ay itinuturo sa paggamit ng mga paulit-ulit na pagsasanay.
Direct Method
-ang pangunahing saligan ng metodong ito ay ang Series Method ni Gouin
-ang pagkatuto sa pangalawang wika ay kailangang katulad din ng pag-angkin ng unang wika.
-ilan sa mga simulain sa Direct Method ( Richards at Rogers, 1986:9-10)
a. ang pagkaklase ay nagaganap na target ng wika lamang ginagamit
b. mga pang-araw-araw na bokabularyo at pangungusap ang itinuturo
c. itinuturo ang ilang tuntuning pambalarila sa paraang pabuod
LET Majorship- FILIPINO (Prof. Jayson Billona) | St. Louis Review Center- Surigao | 0920-611-2711 Page 6
Content-Based Teaching
-ang pangunahing layunin sa ng programa ay ang paglinang na kasanayan sa wika sa pamamagitan ng pagkatutong
eksperensyal sa mga aralin sa iba’t-ibang disiplina.
- paraan ng pagtuturo na ginagamit ang mga layunin at mga gawain mula sa aralin sa kurikulum bilang behikulo sa pagkatuto
ng wika (Met, 1991)
Estudyanteng “concrete”
- mga laro, mga larawan, pair work
,pagsasanay ng wika sa labas ng klasrum
Estudyanteng “analitikal”
- pag-aaral ng gramatika, pag-aaral ng maraming aklat sa wika, pagbabasa ng mga pahayagan, pag-aaral nang mag-isa, pag-
alam sa pagsusuri ng mga kamalian sa wika, pagtuklas ng mga solusyon sa mga suliraning inilahad ng guro
Estudyanteng “communicative”
-pagmamasid at pakikinig sa mga katutubong nagsasalita ng wika,pakikipag-usap sa kaibigan na gamit ang wikang pinag-
aaralan
,panonood ng programa sa TV sa wikang pinag-aaralan, pag-aaral ng mga bagong salita sa pamamagitan ng pakikinig dito at
paggamit ng akwal na pakikipag-usap.
LET Majorship- FILIPINO (Prof. Jayson Billona) | St. Louis Review Center- Surigao | 0920-611-2711 Page 7
Ang Pagkatutong Integratibo ( Integrative Learning)
-Binibigyang-diin dito ang integrasyon ng paksang-aralin sa pag-aaral ng wika. Ang paglalahad ng wika ay hinahango sa
nilalaman o ng paksa.
-Taliwas ito sa nakagawiang pagtuturo na ang mga kasanayan sa wika ay itinuturo nang hiwalay at malayo sa konteksto ng
paggagamitan nito.
-Nakapaloob din dito ang pagkatutong nakapokus sa estudyante at ang integrasyon ng apat na kasanayan. Ang mga
estratehiyang participative, facilitative at consultative ay mga katangian ng pag-aaral na integratibo.
-Dito, ang guro ay tagapagdaloy lamang ng pagkatuto, ang mga estudyante ang nagsasagawa ng mga gawain. Ang guro ay
tagagawa lamang ng iskrip ng pagkatuto; konsultant, tagagabay, tagakumpas, subalit sa kabuuan ng pag-aaral ng isang
aralin, ang estudyante ang sentro o ang bida.
Series Method
-isang pamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika ay tinuturo ng tuwiran (walang pagsasalin) at isang serye ng
mga magkakaugnay na pangungusap ay inilahad sa sa isang konsepto na madaling maunawaan ng mga mag-aaral.
Graphic Organizers- mga kagamitang pedagohikal. Ang mga ito ay may dalawang dimensiyong naghahatid ng katotohanan at
kaisipan sa paraang maayos, malinaw, at maikli ngunit malaman at buo.
LET Majorship- FILIPINO (Prof. Jayson Billona) | St. Louis Review Center- Surigao | 0920-611-2711 Page 8
Main Idea and Details Chart-ginagamit ito tuwing may pinag-aaralang pangnahing kaisipan at pag-iisa-isa sa mga detalye.
Positive-Negative Chart- nakatutulong sa pagkilatis ng mga mmag-aarl ng mga postibo at negatibong epekto ng isng isyu.
Word Map- ginagamit sa pagpapalawak ng isang salita upang mabigyang kahulugan ang isang termino.
Storyboard- ginagamit upaNg ipakita ang mahalagang pangyayari sa kuwento.
Balita- napapanahon at makatotohanang ulat ng pangyayaring naganap na, nagaganap o magaganap pa.
Editoryal- isang akdang nagbibigay ng kuro-kuro o opinyon ng patnugutan ukol sa napapanahong isyu.
Layunin nito ang ipabatid ang patakaran at prinsipyo ng pahayagan.
Kolum- Editoryal – isang pitak na naglalaman ng kuro-kuro , ideya, opinyon at paninindigan ng manunudling o kolumnista
tingkol sa isa o higit pang paksa. Ito ay sariling opinyon lamang ng may-akda at hindi ng buong patnugutan.
Kartung Editoryal- ay isang palagiang bahagi ng pahinang editoryal. Ito ay editoryal na nakaguhit. Layunin nitong ilarawan
sa pamamagitan ng impormal na guhit ang panig ng patnugutan tungkol sa isang isyu. Nagsisilbi rin itong pang-aliw o
pampagaan ng loob sa gitna ng mga seryosong paglalahad ng mga opinyon tungkol sa iba’t ibang isyu.
Lathalain- isang akdang naglalahad ng mga makatotohanang pangyayari na maaaring batay sa karanasan, pagmamasid, pag-
aaral, pananaliksik, pakikipanayam, at sinusulat sa isang kawili-wiling pamamaraan.
Akdang Pampalakasan- akdang punung-puno ng aksyon at emosyon ng mga manlalarong karaniwang hinahangaan at inidoo
ng mga mahiligin sa isports.
Pagwawasto ng Sipi at Pag-uulo ng Balita- ay gawain ng isang espesyalistang editor upang lalong mapabuti at mapaganda
ang istorya at magiging karapat-dapat na magkaroon ng espasyo sa pahayagan.
Pagdulog Pormalistiko
-nakatuon sa pagtuklas at pagpapaliwanag ng isang particular na akda batay sa mga elementong bumubuo nito.
-kabilang sa pagsusuri nito ang simbolong ginamit ng may-akda
-hal. bapor tabo- K1 (Sa Kubyerta)
Pagdulog Realismo
-isinaalang-alang dito ang katotohanan higit kaysa sa kagandahan.
-makatotohanang nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.
-hal. agwat ng mayaman at mahirap
Pagdulog Historikal
-binigyang-diin dito ang kasaysayan na nakakaimpluwensiya sa may akda
-hal. pagkahilig ng mga Pilipino sa alamat at pagiging mapamahiin
Pagdulog Sosyolohikal
-ito ay batay sa mga isyung panlipunan
-hal. suliranin sa bansa simula pa noong panahon ng kastila , ang usapin lupa
Pagdulog Markismo
-sinusuri nito ag pagkalathala ng akda
-binibigyang pansin ang anyo, istilo at kahulugan
-hal. madalas na binibigyang atensyon ang pang-aapi ng mga makapangyarihan sa mga mahihina gaya ng naggyari sa
K5 ng El Filibusterismo ( Ang Noche Buena ng Isang Kutsero)
Pagdulog Humanismo
-binibigyang –pansin ang mga tauhan
-nakapokus ito sa tao bilang sentro ng daigdig at siyang sukatan ng lahat ng bagay
-Hal. Buhay ni Basilio
Pagdulog Sikolohikal
-sinusuri dito ang mga elementong pangkaisipan na nakaimpluwensiya sa mga tauhan
-hal. Simoun- ang ambisyong niyang makapaghigante
Pagdulog Eksistensyalismo
-nakatuon sa pakikipaglaban ng mga tauhan upang mabuhay sa mundo.
-Hal. pananamantala sa kahinaan at katangahan ng maisakatuparan lamang ang kanyang binabalak.
Pagdulog Bayograpikal
-binigyang diin ang mga datos at pangyayari sa teksto na may kaugnayan sa buhay ng awtor.
-repleksyon sa buhay at panahon ng manunulat maging sa panahon at buhay ng mga tauuhan sa akda
Pagdulog Romanstisismo
-ito ay tumutukoy sa pagpapahalaga ng damdamingnakapaloob sa akda
-ang pagtakas sa katotohanan, paglikha ng di kapani-paniwalang pangyayari, heroism at pantasya.
LET Majorship- FILIPINO (Prof. Jayson Billona) | St. Louis Review Center- Surigao | 0920-611-2711 Page 9
GRAB YOUR LICENSE!!!
LET Majorship- FILIPINO (Prof. Jayson Billona) | St. Louis Review Center- Surigao | 0920-611-2711 Page 10