You are on page 1of 2

Emmanuel C.

Sindol
BTVTE-FSM
Mrs. Yay Pante
FIL. 1
AKTIBITI #1 PRE-FINALS

1. IPALIWANAG ANG KAHULUGAN NG ALPABETO NG FILIPINO SA ORTOGRAPIANG FILIPINO.


2. MAGLISTA NG MGA SALITA NA MAYROONG PARES AT ALAMIN KUNG ALIN ANG TAMANG BAYBAY.
(10)
3. BIGYAN KAHULUGAN: PONEMA, MORPEMA, SINTAKS, SEMANTIKA

Mga Sagot:

1. Ang Alpabeto ng Filipino sa ortograpiang filipino ay tinatawag ngayong makabagong alpabetong


Filipino. Sa paglipas ng mga panahon ito ay nabago, nang mga unang panahon mayroon nang
ginagamit na alpabeto ang ating mga ninuno na kanila itong tinawag na baybayin o alibata.
Sinusulat nila nang pabertikal mula itaas paibaba at pahorisontal n amula sa kaliwa hanggang
pakanan. Dahil nga tayo ay sinakop ng mga Kastila ang Alibata na kauna-unahang Abakadang
Filipino ay nahalinhan ng kanilang Alpabetong Romano na siya naming pinagbbabatayan ng
Abakadang Romano. At nabago nga sa mga taunang 1900’s at sa ngayon ngang kasalukuyan ay
ang modernong Filipino ay binubuo ng 28 titik kabílang ang 26 titik nkkg payak ng alpabetong
Latino ng ISO, ang Ññ ng wikang Kastila at ang NGng wikang Tagalog.

2. Ga/bi U/po
ga/BI u/PO
BU/hay PAso
Bu/HAY paSO
PU/no Sa/ya
Pu/NO sa/YA
3. Ponema- ponema o ponemang segmental ito ay yaong mga tunog o ponemang kinakatawan ng
mga titik na kinabubuuan ng mga katinig o (consonant), patinig (vowels), diptonggo, at klaster.
At sumunod nito ay ang gamit ng tinatawag na ponemang suprasegmental na dito mayroong
ponemang kinkatawan ng notasyon at iba pang simbulo na may kahulugan. Ito ay ang habao
(length), na dito tumutukoy yung haba ng bigkas sa patinig ng isang patinig. Ang tono o (pitch)
intonasyon ng salita sa pagbaba at sa lakas ng pagbigkas ng patinig. Ang antala o (juncture), na
hindi naman maganda sa isang salita o mga pangungusap ay tuloy-tuloy kaya kinakailangan natin
ng antala o pansamantalang pagtigil muna ng pagsasalita upang maunawaan ito. Ang ang huli ay
ang diin (stress o emphasis) na dito ay binibigayn ng lakas o bigat o punto nga sa pagbigkas ng
isang salita o ng pantig na siyang mahalaga at nakakatulong rin sa pagunawa ng mga salita.
Morpema- ang morpema ay ito ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng
kahulugan. Halimbawa para sa pagunawa nito, ang salitang “maganda” ay sa salitang ito ay
mayroon na itong binubuo na dalawang morpema. Sa salitang -ugat na “ganda” ay ito ang
malayang morpema at ang natirang “ma” sa unang salita ng ma/ganda ay ang di malayang
morpema o panlapi na tinatawag na “ma”. Ang malayang morpemang “ganda” at “ma” ay may
kahulugang taglay. Ang “ma” ay isang morpema dahil may taglay na kahulugang ng
pagkakamayroon. Sa Morpema ay mayroon itong 3 tatlong anyo:
1. Morpemang ponema o makabuluhang tunog- ito ay binubuo ng ponemang /o/ at /a/ na may
kahulugang taglay na nagpapakita ng kasarian. Halimbawa ang abogado at abogada. Dito sa
dalawang salita na nagtatapos sa mga ponemang o at a ay nagpapakita ng taglay na 2
kasarian na ang nagtatapos sa ponemang /o/ ay ito ay panglalaki na pangtukoy at sa
nagtatapos naman sa ponemang /a/ ay nagpapakita sa kasariang pangbabae.
2. Morpemang salitang ugat- maitutring ito na malayang morpema, ito ay binubuo ng mga
morpemang tinataglay na kahulugan na walang kasamang panlapi. Ang mga halimbawa na
mga ito ay mga salitang tanim, takbo, hiram, puti, sulat, galaw, kain
3. Morpemang Panlapi-dito ay ikinakabit sa salitang-ugat na may kahulugang taglay at
matatawag itong di malayang morpema.
Sintaks- ang sintaks na pag-aaral ay dito ang pag-aaral ng mga pangungusap o sentences sa
Ingles. Mayroon lamang na dalawang uri sa ang pangungusap sa Filipino ito ang 1)
Pagpapanaguri at 2) Di-pagpapanaguri. Tinatawag na pagpapanaguri ang pangungusap na may
simuno/sabjek tapik/paksa at panaguri/ koment/ predikeyt. Ang simuno ay ito ang
pinaguusapan o tapik at ang panaguri naman ay ang nagsasaad ng patungkol sa simuno.
Semantiks- semantics o semantika ay ito ang pag-aaral kung paano ang pagbibigay ng kahulugan
ng isang salita sa pamamagitan ng pagkakagamit nito sa pangungusap. Mayroong dalawang
dimension ng semantika, ito ay ang konotasyon at denotasyon. Ang konotasyon ay tumutukoy
ito sa sobrang kahulugang taglay ng isang salita depende sa intensyon o motibo ng taong
gumagamit nito. Ang halimbawa na lamang ng konotasyon na pangungusap ay “Tunay ngang si
Joshua ay isa ng sikat na bituin”. Sa pangungusap na ito ay si Joshua ay inilalarawan bilang isang
sikat na bituin na ibig sabihin mataas at malayo na ang narrating dahil ang mga bituin o tala sa
mga kalangitan na nakikita natin tuwing gabi ay napakaliwanag at napakataas. Ang denotasyon
naman ay tumutukoy ito sa literal na pagpapakahulugan sa mga salita. Halimbawa nito ay ang
pangungusap na “Kumikislap na maliwanag ang mga bituin sa mga kalangitan”.

You might also like