You are on page 1of 17

Kabanata III: Kalikasan at Estruktura ng Wikang Filipino

Pamagat: Ponolohiya o Palatunugan


Buod:
-

Ito ay nag-aaral ng mga tunog o ponema ng isang wika, ang pagkukumpara ng


mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit ng mga
tunog na ito upang makabuo ng tunog na may kahulugan.

Pamagat: Ponemang Segmental


Buod:
-May kani-kaniyang tiyak na dami o bilang ng nakakabuluhang tunog ang bawat wika.
Makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan nito sa sandaling alisin o
palitan ito. Halimbaway mag-iiba ang kahulugan ng salitang Baso kapag inalis ang /s/
ng /l/ itoy nagiging Balo. Samakatwid ang /s/ay makabuluhang tunog sa Filipino at
tinatawag itong Ponemang Segmental o Ponema.

Pamagat: Ponemang Suprasegmental


Buod:

Diin- bilang ponemang suprasegmental, ito ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng


tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.

Halimbawa: sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/.


Ito rin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago
ng diin ay nakapagbabago sa kahulugan nito.
Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.

2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing


/laMANG/ siya.
Hinto o Antala saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap.

Halimbawa:
1.

Padre, Martin, ang tatay ko. (Ipinakikilala mo ang iyong ama sa isang pari at sa

kaibigan mo.)
2.

Hindi, si Cora ang may sala. (Ipinaalam na si Cora ang may kasalanan.

3.

Magalis (puno ng galis)


mag-alis (maghubad, magtanggal at iba pa)

Haba paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa


salita. Ginagamit ang ganitong notasyon/./ at /:/ na siyang nagsasaad ng kahulugan ng
salita

Halimbawa:
a.

/asoh/ - usok
/a:soh/ - isanguri ng hayop

b.

/pitoh/ - bilangna 7
/pi:toh/ - silbato

May apat na principal na uri ng bigkas o diin sa Filipino:

Malumay. Binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang


pantig buhat sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan.
Maaaring magtapos ang salitang malumay sa patinig o katinig.
Mga Halimbawa:

Buhay malumay
dahon

kubo

baka

kulay

babae

apat

Malumi- Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Itoy
binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ang
ipinagkaiba lamang ng dalawang pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng
mga salitang malumi. Palaging nagtatapos sa tunog patinig ang malumi. Ginagamit
natin ang tuldik na paiwa (\) sa pagpapakilala ng mga salitang binibigkas nang malumi.

Mga halimbawa:
baro

lahi

pagsapi

bata

luha

mayumi tama

lupa

panlapi

Mabilis- Ang mga salitang mabilis ay binibigkas nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa
huling pantig. Wala itong impit na tunog. Maaaring magtapos ang mga salitang
binibigkas nang mabilis sa katinig o patinig. Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis (/) na
inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.

MgaHalimbawa:
Dilaw pito

kahon bulaklak

huli

sapin buwan rebolusyon

Maragsa. Ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuluy-tuloy natulad ng mga
salitang binibigkas nang mabilis, subalit itoy may impit o pasarang tunog sa hulihan.
Tulad ng malumi, ito ay palagi ang nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit ditto ang
tuldik na pakupya (/\) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.

Mga Halimbawa:
Daga

wasto

Pamagat: Diptonggo
Buod:

pasa

tumula hindi

kumolo

humula

Diptonggo- Ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang patinig (a,e,i,o,u) at isang


malapatinig (w,y) sa loob ng isang pantig. Ngunit kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa
dalawang patinig, ito ay napapasama na sa sumusunod na patinig, kayat hindi na
maituturing na diptonggo. Ang iw, halimbawa, sa aliw ay diptonggo. Ngunit sa
aliwan ay hindi na ito maituturing na isang diptonggo sapagkat ang w ay napagitan
na sa dalawang patinig. Ang magiging pagpapantig sa aliwan ay a-li-wan at hindi aliw-an.
Salita

Halimbawa

Ay

Bahay

Ey

Beywang

Iy

Biyaya

Oy

Tuloy

Uy

Kasuy

Aw

Sigaw

Iw

Sisiw

Pamagat: Ponemang Malayang Nagpapalitan


Buod:
Pares ng mga salita na katatagpuan ng mga magkaibang ponema sa magkatulad na
magkatulad na kaligiran ngunit hindi nakakaapekto o nakapagpapabago ng kahulugang
taglay ng mga salita.

Ayon sa talakay nina Santiago at Tiangco, ponema sa kategoryang ito ay maaaring


ipalit sa pusisyon ng ibang ponema nang hindi magbabago ang kahulugan ng salita.
Anila, ang malayang pagpapalitang ito ng mga ponema ay karaniwan nang nagaganap
sa mga ponemang patinig na /i/ at /e/, gayundin sa /o/ at /u/.
Mga Halimbawa:
Politika =

Pulitika

Tutoo = Totoo
Bibi

= Bibe

Lalaki

= Lalake

Batay sa ipinakitang halimbawa, mapapansin na malayang nagpapalitan ang /i/ at /e/,


gayundin naman ang /o/ at /u/. Kaakibat nito, hindi nakaapekto ang pagpapalitang ito sa
pagbabago ng kahulugan ng mga salita. Subalit hindi lahat ng pagkakataon ay
malayang nakapagpapalitan ang mga nabanggit na ponema. Maari rin naman maging
pares minimal ang mga ito tulad ng mga sumusunod:
Mesa =

misa

Tela

Tila

Uso

Oso

Mula sa mga halimbawang ito, masasabing hindi malayang nagpapalitan ang


mga ponema rito sapagkat nagkokontrast ang mga ito sa magkatulad na kaligiran.

Pamagat: Pares-Minimal
Buod:
Ang pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa
bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na pares
minimal. Ito ay ginagamit upang ipakita ang pagkokontrast ng dalawang ponema sa
magkatulad na kaligiran.
Pansinin na ang mga ponemang /p/ at /b/ ay nasa magkatulad na kaligiran pala:bala.
Nasa magkatulad na kaligiran ang /p/ at /b/ sapagkat magkatulad ang kanilang
kinalalagyan kapwa nasa pusisyong inisyal: na kung aalisin ang /p/ at /b/ sa mga
salitang /pala at bala/, ang matitira ay dalawang anyong magkatulad ala at ala. Sa
ganitong kalagayan ay masasabi natin na ang pagkakaiba sa kahulugan ng pala at bala
ay dahil sa mga ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa alin mang tunog sa dalawang
salita. Kung gayon ang /p/ at /b/ ay masasabing magkaibang ponema sa Filipino

sapagkat kapag inilagay sa magkatulad na kaligiran na tulad nga ng pala at bala,


nagiging magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita.
Matunghayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng pares-minimal upang ipakita ang
dalawang magkahiwalay na ponema.
Halimbawa:
tela - tila
butas - botas
diles - riles

belo - bilo
mesa - misa
ewan - iwan

Pamagat: Klaster
Buod:
Ang klaster ay ang dalawa o higit pang magkakatabing katinig sa loob ng isang salita.
Katulad ito sa kambal-katinig sa Tagalog (mula sa mga salitang KAMBAL o dalawa at
KATINIG). Subalit tanging yung dalawang magkatabing katinig sa isang pantig o silabol
lamang ang ikinokonsider na ganito (sa Tagalog). Walang kasing higit sa tatlong
magkakatabing konsonant sa isang silabol sa Tagalog hindi tulad sa Filipino na posible
ang pagkakaroon ng tatlo hanggang apat.
Halimbawa:
kard

istrayp

blo-awt

tsart

apartment

braso

Pamagat: MORPOLOHIYA
Buod:

Ang morpolohiya ay ang makaagham na pag-aaral ng mga morpema o makabuluhang


yunit ng mgasalita. Ito ay pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng ibatibang morpema.
Ayon naman kina Ronda, et al. (2009), ang morpema ay itinuturing na pinakamaliit na
yunit ng isang salita na may ang king kahululugan. Ito ay maaaring panlapi o salitangugat.

May tatlong uri ang morpema sa wikang Filipino. Ito ay (a) morpemang ponema, (b)
morpemang salitang-ugat at (c) morpemang panlapi.

1. Morpemang Ponema /a\ at /o\. Kung nagbabago ang kahulugan (kasarian) dahil
sa pagdagdag ng ponemang /a\ o kontradiksyon ng /o\ sa /a\, ang /a\ /o\ /o\ ay
itinuturing na ponema.
2. Morpemang salitang-ugat. Ito ay uri ng morpema ma walang panlapi.
3. Morpemang Panlapi. Ang mga panlapi ay mga morpemang may kahulugan
taglay sa kanyang sarili dahil sa nakaragdag ito sa kahulugan ng salitang-ugat.
Ito ang uri ng morpema na idinurugtong sa salitang-ugat na maaaring
makapagpabago ng kahulugan ng salitang unit hindi nakakatayong mag-isaang
mga panlapi: Kailangang idugtong sa salitang-ugat upang magkaroon ng
kahulugan.

Pamagat: Kayarian ng Salita


Buod:
Ang kayarian ng salita ay may apat na uri. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
payak, maylapi, inuulit, at tambalan. Ang salita ay payak kapag ito ay salitang-ugat
lamang, walang panlapi at walang katambal na salita. Ang salita naman ay maylapi
kapag ang salitang-ugat ay nakakabitan ng ibat-ibang panlapi na nakabubuo ng ibatibang salita na may kaniya-kaniyang kahulugan. Sunod naman ay inuulit, ito ay isang
paraan ng pagbuo ng salita mula sa morpemang salitang-ugat. Ang pag-uulit ay
maaaring ganap, parsyal, o magkahalong parsyal at ganap. Ang pag-uulit ay ganap
kapag buong salita ang inuulit. Ito naman parsyal o di-ganap kapag ang bahagi lamang
ng salitang-ugat ang inuulit. At iton aman ay magkahalong parsyal at ganap kapag
nilalapian at inuulit nang buo ang salitang-ugat. At ang salita naman ay tambalan kapag
ang salita ay pagsasamang dalawang morpemang salitang-ugat. Ang tambalang salita
naman ay mayroon ring dalawang uri, ang tambalang ganap at tambalang di-ganap. Ito

ay di-ganap kapag ang taglay na kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal ay


hindi nawawala at ito naman ay ganap kapag ang dalawang salitang pinagtambal ay
nakabubuo ng ikatlong kahulugang iba kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsasama.
Pamagat: BAHAGI NG PANANALITA
Buod:
Ang mga salita/morpema sa Filipino ay mapapangkat sa dalawang kategorya.

1. Mga Salitang Pangnilalaman

Mga Nominal

Pangngalan

Panghalip

B Pandiwa
C Mga Mapanuring

Mga Pang-uri

Pang abay

2. Mga Salitang Pangkayarian


Mga Pang-ugnay

Pangatnig

Pang-angkop

Pang-ukol

B Mga Pananda

Pantukoy

Pangawing na ay

Pamagat: MGA SALITANG PANGNILALAMAN


Buod:

1. PANGNGALAN
Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, lugar,
bagay, pook, pangyayari at kaisipan.

Halimbawa:
nars
Felisa
aso
Luneta
kompyuter
binyag
kasalan
kapayapaan

Dalawang Uri ng Pangngalan

1. Pambalana (Common) - Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop,


lugar, bagay, pook, pangyayari at kaisipan.

Halimbawa:
doctor
paaralan
bulaklak
pusa

2. Pantangi (Proper) - Ito ay tumutukoy sa tiyak o tanging ngalan ng tao, hayop, lugar,
bagay, pook, pangyayari at kaisipan. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.

Halimbawa:
Dr. Santos
Don Alejandro Roces High School
Bantay
Araw ng Kalayaan

2. PANGHALIP
-Ang panghalip ay salitang pamalit sa pangngalan.

Mga Uri ng Panghalip

1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)

Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, siya,
kanya

2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)

Malapit sa nagsasalita: ito, ire, niri, nito, ganito, ganire

Malapit sa kinakausap: iyanniyaayanhayandiyan

Malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon

3. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun)

Halimbawa: ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin

4. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)

Halimbawa: lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang

5. Panghalip na Pamanggit

Halimbawa: na, -ng

3.PANDIWA
-Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos o galaw
Mga halimbawa:

Pumunta ako sa tindahan

Binili ko ang tinapay

"Kumain" ako ng tinapay kaninang umaga

Pokus o tuon ng pandiwa


- ay ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng
pangungusap. Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay napanlapi ng pandiwa.
Tagaganap o Aktor
Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay
sumasagot sa tanong na "sino?"
(mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)

Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.

Si Anne ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang suliranin.

Layon
Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na
"ano?". Tinatawag ito direct object sa wikang Ingles.

(-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an)

Binili ni Jomelia ang bulaklak.

Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.

Ganapan o Lokatibo
Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot
sa tanong na "saan?"
(pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)

Dinaraan ng tao angkalsada.

Ang tindahan ang pinagbilhan ni Jomelia ng bulaklak.

Tagatanggap o Benepaktibo
Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa
tanong na "para kanino?"
(i- , -in , ipang- , ipag-)

Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.

Pinakilala sa madla ang kampeon.

Gamit o Instrumental
Ang paksa ang bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa
pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?"
(ipang- ,maipang-)

Ipinangsulat niya ang pentel pen para mabasa nila ang nakasulat.

Si Luciano Pavarotti ay pinagkalooban ng talino sa pag-awit.

Sanhi o Kosatibo
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay
sumasagot sa tanong na "bakit?"
(i- ,ika- , ikina-)

Ikinalungkot ng mga bata ang hindi nila pagkikita ng mag-anak.

Ang pagkain ng mayaman sa kolesterol ang ipinagkasakit sa puso ni Tong.

Direksyunal o Direksiyon

Ang paksa ang nagsasaad ng direksiyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay


sumasagot sa tanong na "tungo saan/kanino?"
(-an , -han , -in , -hin)

Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.

Pinuntahan ni Maryse ang tindahan para mamili ng kagamitan.

Pamagat: Mga Salitang Pangkayarian


Buod:
Mga pang-ugnay ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang
salita, o ng dalawang parirala, o ng dalawang sugnay.
Pang-angkop ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
Napagaganda at napadudulas nito ang pangungusap na pinaggagamitan.

na inaangkop sa mga salitang nagtatapos sa katinig tulad ng b, k , p, at iba pa.

Halimbawa:
Malinis na barangay

tapat na pinuno

ng ginagamit ang ng kung ang inaangkupan ay nagtatapos sa patinig.

Halimbawa:
pinunong tapat

taong masunurin

g ay ikinakabit sa salitang nagtatapos sa katinig na n.

Halimbawa:
bayang malaki

mamamayang responsible

Pang-ukol tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba


pang salita sa pangungusap.
Halimbawa:

Ng, ni/nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay, para sa/kay, ukol sa/kay, tungkol
sa/kay, hinggil sa/kay, alinsunod sa/kay.

Ang problema sa trabaho ay suliranin pa rin hanggang ngayon.


Alinsunod sa batas ang pamumuhay nang tahimik ng lahat.

Pangatnig tawag sa kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o


sugnay na pinagsunud-sunod sa pangungusap.

Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na yunit


Ang mga ito ay nag-uugnay ng mga salita, parirala, at sugnay na
magkatimbang o mga sugnay na kapwa makapag-iisa.

Halimbawa:
at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit

Pangatnig na nag-uugnay ng di-magkatimbang na yunit


Ang mga ito ay nag-uugnay ng dalwang salita o sugnay na hindi timbang.

Halimbawa:
kung, nang, bago, upang, kapag, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, kung
gayon

C. Pamagat: Mga Pagbabagong Morpoponemiko


Buod:
Ang pagbabagong morpoponemiko ay ang anomang pagbabago sa karaniwang
anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kaligiran nito. Ang morpoponemikong
pagbabago ay may ibat-ibang uri, ito ay ang asimilasyon, pagpapalit ng ponema,
metatesis, pagkakaltas ng ponema, paglilipat-diin, at reduplikasyon. At tandaang
maaaring may dalawa o higit pang pagbabagong morpoponemiko ang magaganap sa
isang salita. Ang unang uri ay asimilasyon, sakop ng uring ito ang mga pagbabagong
nagaganap sa /ng/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng ponemang kasunod
nito. Ang asimilasyon ay may dalawang uri, ang asimilasyong ganap at di-ganap.

Pangalawang uri ng morpoponemikong pagbabago ay pagpapalit ng ponema, may mga


ponemang nababago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita at kung minsan ang
ganitong pagbabago ay nasasabayan ng paglilipat diin. Pangatlo ay metatesis,
kapagang salitang-ugat ay nagsisimula sa /l/ o /y/ ay ginigitlapian ng (-in-) ang /l/ o /y/
ng salitang-ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagkakapalit ng posisyon. Pang-apat ay
pagkakaltas ng ponema, nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang
patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi dito. Panglima ay paglilipat-diin,
may mga salitang nagbabagong diin kapag nilalapian, maaaring malipat ng isa o
dalawang pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring malipat ng isang pantig
patungo ng unahan ng salita. At ang pang-anim ay reduplikasyon, pag-uulit ng pantig ng
salita, ang pag-uulit na ito ay maaaring magpahiwatig ng kilos na ginagawa o gagawin
pa lamang, tagagawa ng kilos o pagpaparami.

D. Pamagat: Sintaksis
Buod:
Ayon kina Ampil, Breva at Mendoza(2010), mahalagang pag-aralan kung paano
pinag-uugnay ang mga morpema ng wika upang makabuo ng parirala o pangungusap.
Sintaksis ang tawag sa sangay na ito ng balarila na tumutukoy sa set ng mga tuntunin
na pumapatnubay kung pano maaaring pagsama-samahin ang mga morpema o salita
sa pagbuo ng parirala o pangungusap.
Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang sangkap: panaguri at paksa.
Panaguri ang bahaging ngbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa;
samantalang ang Paksa ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng
pangungusap.

Pamagat: Ayos ng Pangungusap


Buod:

May dalawang ayos ng pangungusap: ang di-karaniwang ayos at karaniwang


ayos. Ang di-karaniwang ayos ay maaaring mauna ang paksa na sinusundan ng ay at
ng panaguri; samantala, ang karaniwang ayos naman ay nauuna ang panaguri sa
paksa at ginagamit ito sa pang-araw-araw na usapan at sa di-pormal na pakikipagusap.

Pamagat: Mga Anyo ng Pangungusap


Buod:
May apat na anyo ng pangungusap: payak na pangungusap, tambalang
pangungusap, hugnayang pangungusap at pangungusap na langkapan. Ang payak na
pangungusap ay nagbibigay ng isang kaisipan lamang na may payak na paksa at payak
na panaguri. Ang tambalang pangungusap ay nagbibigay ng dalawang malayang
kaisipang pinag-ugnay bilang isa. Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang
sugnay na makapag-isa at isang sugnay na di-makapag-isa. Ang pangungusap na
langkapan naman ay binubuo ng pingsamang-dalawang sugnay na makapag-iisa at
isang sugnay na di-makapag-iisa.

Pamagat: Layon ng Pangungusap


Buod:
Sa aklat nina Ulit, et al. (2009), may tinutukoy na apat na uri ng pangungusap ayon sa
tungkulin: Paturol, pangungusap na nagpapahayag ng isang bagay o mga bagay na
ginagamitan ng tuldok. Patanong, pangungusap na humihingi ng impormasyon kaugnay
ng isang bagay at nagtatapos sa tandang pananong. Pautos, pangungusap na naguutos o nakikiusap na ginagamitan ng tuldok. Padamdam, pangungusap na nagsasaad
ng masidhing damdamin na nagtatapos sa tandang padamdam
Konklusyon

Sa kabanatang ito, natutunan naming ang ibat-ibang estruktura at kalikasan ng wikang


Filipino. Mas napalawak pa ang aming kaalaman ukol sa Ponolohiya at Morpolohiya.
Natutunan rin naming ang ibat-ibang Kayarian ng Salita halimbawa nito ay ang Payak,
Maylapi, Inuulit at Tambalan na mga salita, Mgasalitang Pangnilalaman tulad ng
Pangngalan na may dalawang klasipikasyon at iyon ay ang Pangngalang Pantangi at
Pangngalang Pambalana, Panghalip na may tatlong panauhan; ang Unang Panauhan
na ginagamitan ng ako, ko at mo, Ikalawang Panauhan na ginagamitan ng ikaw, ka at
tayo at Ikatlong Panauhan na ginagamitan ng siya, sila at kanila. Pandiwa na may ibatibang Pokus at Aspekto, Pang-uri na may dalawang uri at iyon ay ang Pang-uring
Panlarawan at Pang-uring Pamilang at Pang-abay na may ibat-ibang uri. Mga
Salitang Pangkayarian na may tatlong uri, ang Mga Pang-uugnay, Mga Pananda, at
Pangawig na ay. Uri ng Morponemikong Pagbabago halimbawa nito ay ang
Asimilasyon, Pagpapalit ng ponema, Metatesis, Pagkakaltas ng ponema, Paglilipat-diin,
at Reduplikasyon. Ang Ayos ng Pangungusap ay may dalawang ayos. Ito ay ang
Karaniwan at Di-karaniwang Ayos, Anyo ng pangungusap naman ay may apat na
anyo. Ito ay ang Payak na pangungusap, Tambalang Pangungusap, Hugnayang
Pangungusap at Pangungusap na Langkapan at ang panghuli ay ang Layon ng
Pangungusap. Mayroon itong apat na uri at ito ay ang Paturol, Patanong, Pautos at
Padmdam. Samakatuwid, napag-aralan naming sa kabanatang ito ang pagkilala,
pagsasa-ayos at pagbuo ng mga ibat-ibang salita at mga pangungusap.

You might also like