You are on page 1of 9

PONOLOHIYA

Bahagi ng pag-aaral ng wika ang mga tunog. Ang mga salita sa Filipino, tulad din ng ibang wika ay
maaaring hatiin ayon sa tunog. Mas higit na mauunawaan ang mga ponetikong tunog kung gagamitan ng
notasyon. Ang notasyon ang paraan ng paggamit ng simbolo upang kumatawan sa salita at parirala. Ang
notasyon [ ] o bracket ang gagamitin sa transkirpsyong ponetiko. Ipinapakita sa transkripsyong ponetiko
ang kaayusan ng mga tunog na isinaayos sa loob ng notasyon na kakaiba sa orihinal na pagkakasulat. Ang
mga tunog na ipinapasok sa notasyong bracket ay mga ‘hilaw’ pa o mga di makabuluhang tunog.

Halimbawa: [ a, s, o ]

Ponetiko ang maagham na paglikha ng tunog sa pagsasalita. Galing ang salitang ponetiko sa
salitang Griyegong phonetikos na nangangahulugan na bibigkasin pa lamang. Hiniram natin sa Ingles ang
salitang phone (tunog) + tic at alinsunod sa tuntunin ng pagbigkas: tulad ng ponetikong baybay at sa
pag- aasimila sa wikang Filipino, tinatawag natin itong ponetika o ponetiko at tinutumbasan ng salitang
palatinigan.

Ponetiko, Ponema at Grapema. Pangunahing dapat malaman ang ponolohiya o palatunugan ng


wika sa pag-aaral ng wikang Filipino. Dito nakasalalay ang wastong paggamit ng mga ponemang
nagtataglay ng sariling tunog at bigkas. Tulad din ng ibang wika, ang Filipino ay binubuo rin ng iba't ibang
tunog na nalilikha sa pamamagitan ng pagsasalita. Hindi lahat ng tunog ay maituturing na salita.
Kinakailangang magkaroon ito ng kahulugan at mauunawaan ng kausap o nakaririnig. Maaaring sari-
saring tunog ang ating gawin ayon na rin sa nais nating iparating subalit kung nasa ayos naman ang
paggamit ng palatunugan, magkakaroon ito ng kahulugan at madaling magkakaunawaan.

May dalawang tunog ang alinmang wika: tunog ponetiko at tunog ponema. Saklaw sa pag-aaral
ng ponetiko ang galaw at pamamaraan ng bahagi ng bibig ng tao kung paano isinasagawa ang
pagpapalabas ng tunog sa pagsasalita. Pinag-aaralan din sa ponetiko ang wastong pagbigkas at kung
paano nalilikha ang tunog. Sa isang banda, ang ponema ay tumutugon sa makabuluhang tunog na
nagbibigay kahulugan sa nais nating iparating. Binibigyang linaw dito na ang pinag-uusapan natin ay
hindi titik na ginagamit sa alpabeto. Halimbawa, basahin natin ang mga salitang tila, dila hila. Ano ang
pagkakaiba nila sa pagbigkas? Anong yunit ng tunog ng bawat salita ang dahilan ng pagkakaiba sa
kahulugan ng salita?

Bawat isa sa mga salita ay may tatlong kalbahan at batayang tunog. Tatlo sa mga batayang
tunog ang mga tunog na kumakatawan sa mga titik i, I, at a ay magkakatulad sa bawat salita. Datapwat
ang mga panimulang tunog ng mga salita sinasagisag ng mga titik t, d, at h - ay nagkakaiba sa bawat
salita. Ang mga kaibahang to sa tunog na inihahatid ng mga titik t, d, at h ang nagbibigay ng pagkakaiba
ng kahulugan ng mga salita. Bilang taal na Pilipino sa pagsasalita, higit nating nauunawaan ang nagagawa
ng tunog na nakapagbabago sa kahalagahan ng pagkakaiba ay tinatawag na ponema.

Ang ponema ay galing sa salitang Griyegong phonema -ang makatuturang tunog at ng phone na
nangangahulugan ng salitang tinig(boses) na naaasimila sa wikang Filipino bilang ponema. Sa
linggwistika, ang ponema ay lipon o pangkat ng magkakaugnay o magkakalapit na tunog sa pagsasalita
(phone) na nauukol sa isahang tunog at kinakatawan sa transkripsyong ponemiko, na kaiba sa ginagamit
na notasyon sa transkripsyong ponetiko. Pangulong // o guhit pahilis ang ekslusibong notasyon sa mga
tunog ponema. Lahat ng mga tunog na ipinapasok sa notasyong // ay mga luto na" sapagkat magiging
bahagi na ito ng isang salita. Halimbawa, ang transkripsyong ponemiko: /ba:ga?/ lungs. Sa
transkripsyong ponetiko, ang magiging ayos nito ay [b,a,g,a]. Samakatuwid ang anumang yunit ng tunog
o pagbigkas na may taglay na kahulugan ay tinatawag na ponema.

Ang mga ponema ay hindi maaaring maging titik ng alpabeto, na tinatawag graphemes sa
wikang Ingles. Mula rin ito sa salitang Griyego na nangangahulugan ng pagsulat ng salita ayon sa
tuntunin ng asimilasyon. Hindi lamang ang mga titik ang kabilang sa grapema kundi pati na ang mga
bantas at pamilang. Mauunawaan ang pagkakaiba ng grapema sa ponema kapag sinuri ang halimbawa
sa ibaba:
c, j, f, v, z, x, - mga titik ng alpabeto o grapema

/c, j. f, v, z, x, / - ang mga kinatawang titik ng alpabeto ay nakapaloob sa guhit- pahilis,


nagpapakahulugan na mayroon na itong bagong katawagang ponemikong simbolo o notasyon ng mga
simbolong tunog na nakasulat sa guhit-pahilis tulad ng: /c//j/, at /q/. Ginagamit ang ponemikong
simbolo upang magpakilala ng mga tunog sa salita tulad ng cake na isinulat ng ganito: /keyk/.

Ang mga halimbawa ay matatawag na ponolohiya o palatunugan. Ito'y tumutugon sa lahat ng


pamamaraang ginagamit ng mga linggwista sa pagsusuri at pag aanalisa ng mga tunog sa maagham na
gawain.

Ang Pagsasalita. May tatlong salik na kinakailangan para makapagsalita ang isang tao. Ito'y ang
enerhiya, artikulador at resonador. Ang pagsasama ng tatlong salik na ito ang lumilikha ng alon ng tunog.
Ang hangin ang siyang nagiging midyum o pahatiran ng mga alon ng tunog na naririnig natin. Enerhiya
naman ang gumagawa ng puwersa o presyon na nagpapalabas ng hininga mula sa baga na siya namang
nagpapagalaw sa mga babagtingang pantinig na nagsisilbing artikulador. Ang tunog na galing dito ay
minomodipika ng bibig na gumaganap bilang patunugan o resonador. Tinuturing na mga resonador ang
bibig at ang guwang ng ilong. Upang makabigkas ng makabuluhang tunog, pinagagana ang apat na
mahalagang bahagi ng bibig, tulad ng dila at panga, ngipin at labi, matigas na ngalangala, at malambot
na ngalangala.

Mga Tunog sa Filipino. May kaugnayan ang wikang Filipino sa Malayo Polynesyo. Si Dr. Richard
Pittman, isang linggwistikong Amerikano, ang nagsabi na ang katangiang pamponetiko ng Tagalog ay
higit kaysa Espanyol at Ingles. Ang Tagalog ay maraming titik at pantig na may kaukulang tunog at bigkas
samantalang hindi lahat ng titik at pantig ay binibigkas sa Ingles. Sa Tagalog, kung paano binibigkas ang
salita ay siya ring baybay at kung paano binabaybay ay siya ring bigkas.

Ang Filipino ay binubuo ng labinlimang ponemang katinig at limang ponemang patinig. Ang mga
dating ponemang katinig ay: /p, b, t, d, k, g, s, h, m, n, ng, l, r, w, y, Ɂ/. Ang /Ɂ/ ay itinuturing na isang
ponemang katinig kahit na walang sagisag ito sa lumang palabaybayan n gating wika. Ang kinakatawan
nito ay nasa anyong pasulat. Ang limang ponemang patinig ay: /a, e, I, o, u/. Sa pag-aaral ng mga tunog
sa Filipino, idinagdag ang walong titik ng alpabeto na c, f, j, ñ, q, v, x, at z na kumakatawan bilang mga
bagong ponemang katinig.

Mga Ponemang Segmental

Ang mga Ponemang Patinig. Mahalagang tandaan sa paglikha ng mga ponemang patinig ang
hugis ng mga labi, ang agwat o layo ng naaabot ng punong dila, at ang degree ng tension sa pagitan ng
dila at mga labi. Lumilikha ang mga pinemang patinig ng iba’t ibang posisyon ng dila sa loob ng bibig sa
pamamagitan ng paghuhugis at di-paghuhugis bilog ng labi. Ang pag-iiba ng posisyon ng dila ang
pangunahing dahilan ng pagbabago sa mga tunog ng iba’t ibang ponemang patinig. Ang halimbawa sa
ibaba ay nagpapakita sa iba’t ibang pagbigkas ng ponemang patinig sa Filipino.
Diptonggo

Ang patinig ay alin man sa limang titik a, e, i, o, at u. Ang diptonggo ay ang tunog na nabubuo sa
pagsasama ng alin man sa limang patinig at ng titik w o y. Ang diptonggo ay alin man sa mga tunog na
/aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, o /uy/ sa isang pantig ng salita.

Halimbawa: sayaw giliw langoy aray

Ang salitang aliw (a-liw) ay may diptonggo. Ang diptonggo ay ang tunog na /iw/ dahil ang tunog
na ito ay nasa pantig na liw. Ang salitang sampay (sam-pay) ay may diptonggo na /ay/ dahil ang tunog na
ito ay nasa pantig na pay.

Tandaan:

Walang diptonggo sa mga salita na may mga titik aw, ay, ey, iw, iy, oy, o uy kapag nahihiwa lay
ang dalawang titik sa pagpapantig.

Halimbawa: ang salitang aliwalas ay may iw ngunit wala itong diptonggo na /iw/ dahil ang titik i
at w ay nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (a-li-wa-las). Ang salitang sampayan ay walang diptonggo
dahil ang magkasunod na titik a at y ay nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (sam-pa-yan).

Mga Ponemang Katinig


Pares Minimal

Ang pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas


maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na pares minimal. Ito ay ginagamit
upang ipakita ang pagkokontrast ng dalawang ponema sa magkatulad na kaligiran.

Pansinin:

Ang mga ponemang /p/ at /b/ ay nasa magkatulad na kaligiran – pala:bala. Nasa magkatulad na
kaligiran ang /p/ at /b/ sapagkat magkatulad ang kanilang kinalalagyan – kapwa nasa pusisyong inisyal:
na kung aalisin ang /p/ at /b/ sa mga salitang /pala at bala/, ang matitira ay dalawang anyong
magkatulad – ala at ala. Sa ganitong kalagayan ay masasabi natin na ang pagkakaiba sa kahulugan ng
pala at bala ay dahil sa mga ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa alin mang tunog sa dalawang salita.

Kung gayon ang /p/ at /b/ ay masasabing magkaibang ponema sa Filipino sapagkat kapag
inilagay sa magkatulad na kaligiran na tulad nga ng pala at bala, nagiging magkaiba ang kahulugan ng
dalawang salita.

Matunghayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng pares-minimal upang ipakita ang dalawang
magkahiwalay na ponema.

tela - tila mesa – misa ewan - iwan

Tingnan naman natin ang halimbawang /pala:alab/. Nasa magkatulad na kaligiran ba ang /p/ at
/b/? Wala, sapagkat ang /p/ ay nasa pusisyong inisyal ng salita samantalang ang /b/ naman ay nasa
pusisyong pinal. Samakatwid, hindi magagamit ang /pala:alab/ na halimbawa upang ipakita na ang /p/ at
/b/ ay magkaibang ponema.

Sa halimbawa namang /doon:roon/ ay nasa magkatulad na kaligiran ang /d/ at /r/. Ngunit hindi
natin masasabing magkaibang ponema ang mga ito sapagkat hindi nakapagbabago ang mga ito sa
kahulugan ng salita. Magkatulad ang kahulugan ng /doon:roon/.

Ang Glottal na Tunog. Nagkakaroon ng tunog na glottal sa pamamagitan ng konstriksyon ng


glottis. Ang glottis ay ang hugis-V sa pagitan ng vocal cords at ang pagsara at pagbukas ng artenoids
cartilages. Sinasabing ang glottal ay bahaging pang-artikulasyon, tulad ng /Ɂ/ o konvensyonal /h/. isang
simbolo o notasyon ito at kagamitang kumakatawan sa naiibang sistema ng pagbigkas at hindi bilang
kagamitan sa pagbigkas. Kapwa aspirated kung isinusulat.

Maaaring matagpuan ang /Ɂ/ sa unahan ng salitang nagsisimula sa patinig, sa pagitan ng


dalawang patinig na magkasunod at kapag nasa pinal na posisyon, sumasara ang babagtingang pantinig.
Ang /h/ ay ginagamit lamang sa hulihan ng salita na nagtatapos ng patinig. Nakabukas ang babagtingang
pantinig kapag ito’y binibigkas.

Halimbawa:
Ang Digrapo. Sa ispeling o grapema, ito ang pagkakaayos ng titik na konbensyonal na
kumakatawan sa isahang pangkat, tulad ng /ng/ sa / /. Kabilang din sa mga ponemang katinig. Bagamat
dalawang magkasunod na ponemang katinig, ang digrapo na /ng/ ay iisa ang katumbas nito sa
pagbigkas.

Halimbawa:

Inisyal Midyal Pinal


ngi.ti ang.klet sa.rong
ngu.nit lang.hap bi.lang
ngu.ya lang.ka ga.long

Ang Ponemang Suprasegmental

Sa pagsasalita, nakagagawa tayo ng iba’t ibang tinig o boses na ang karamihan ay nakagawian na
at sa katagalan ay naging mga huwaran sa pakikipagtalastasan. May nagagawa tayo sa pagbigkas ng
mga salita o sa mga pantig na mas malakas ang tinig kaysa sa iba.

Kung minsan sa mga pagkakataon ng karaniwang paggamit ng mga pangungusap, may natural
na anta sang pagbaba at pagtaas ng ating tinig at sa katagalan n gating pagsasalita, an gating tinig ay
dahan- dahang nawawala. Nagiging huwaran ang mga ito sa katagalan. Kung wala ang mga ganitong
huwaran, ang sistema ng pagsasalita ay di lamang magpapaulit-ulit, sa gayon mahirap maunawaan.

You might also like