You are on page 1of 9

Ang bawat wika sa daigdig ay binubuo ng mga tunog na binibigkas.

Ang wikang Filipino ay may


sariling kakanyahan na nakabuhol sa natatanging kultura nito. Kayat magiging madali at malinaw
ang pagkatuto ng Filipino kung lubos nating nauunawaan kung paano nalilikha ang mga tunog na
bumubuo rito. Ang lubos na kaalaman sa aspektong ito ay makatutulong nang malaki sa pag-aaral
ng wikang Filipino. Bilang panimula, atin munang, pag-aralan ang mga bahagi ng ating katawan na
ginagamit sa pagsasalita. Sa ibaba ay makikita ang isang saggital diagram na higit na kilala sa
taguring OSCAR.

Ang mga Prinsipal na Sangkap ng Pananalita


Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng mga bahaging ginagamit sa pagsasalita, mula sa hanging
nagmumula sa baga hanggang sa itoy makalabas sa babagtingang tinig sa paglabas sa labi o dili
kayay sa ilong.
Ang Pagsasalita
Ayon sa mga linggwista, upang makapagsalita ang isang tao, siyay nangangailangan ng tatlong
salik. Ito ay ang mga sumusunod:
1. ang pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
2. artikulador o ang pumapalag na bagay
3. resonador o ang patunugan
Dahil sa interaksyon ng tatlong salik na nabanggit, nakalilikha ang tao ng alon ng mga tunog. Ang
hangin ang siyang nagiging midyum ng mga alon ng tunog na dumarating sa ating mga tainga.
Ang enerhiya ay ang presyong nalilikha ng papalabas na hiningang nagbubuhat sa baga na siyang
nagpapalag sa mga babagtingang tinig at gumaganap bilang artikulador. Lumikha ito ng tunog na
minomodipika naman ng bibig na siyang nagiging resonador. Ang bibig, gayundin ang ilong, ang
nagsisilbing mga resonador.
Kung ating susuriing muli ang sagittal diagram o si OSCAR, mamamalas natin na ito ay may apat na
bahaging kailangan sa pagbigkas ng mga tunog. Ito ay ang sumusunod:
1. dila at panga (sa ibaba)
2. ngipin at labi (sa unahan)
3. matigas na ngalangala (sa itaas)
4. malambot na ngalangala (sa likod)
Malaya nating naigagalaw ang ating panga at dila kayat dahil dito, nagagawa nating pagbagubaguhin ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig. Maraming posisyon ang nagagawa ng ating
dila. Maaari itong mapahaba, mapaikli, mapalapad, maipalag, maitukod sa ngipin o sa ngalangala,
mailiyad o mapaarko nang ayon sa tunog na nais likhain. Nalilikha ang mga ponemang patinig sa
pamamagitan ng pagbaba o pagtaas ng anumang bahagi ng dila (harap, sentral, likod) at gayundin
dahil sa pagbabago ng hugis ng espasyo ng bibig at ng mga labi na nilalabasan ng tinig. Ang
pagkakaiba-iba ng mga nabubuong tunog ay dahil na rin sa mga pagbabagong nabanggit sa itaas.
Sa pagkakataong ito, laging tandaan na higit na madaling matutuhan ang palabigkasang Filipino
kung ihahambing sa mga wikang kanluranin tulad ng Ingles at Kastila dahil kakaunti lamang ang

mga tunog na bumubuo ng wikang Filipino di tulad ng dalawang wikang nabanggit na binubuo ng
maraming ponema.
Katuturan ng Ponema
Ponema ang tawag sa isang makabuluhang tunog ng isang wika. Ito ay hango sa wikang Ingles na
phoneme na nahahati sa dalawang salitang phone (tunog) at eme (makabuluhan) May tiyak na
dami ng mga ponema o makabuluhang mga tunog ang bawat wika. Binubuo ang wikang Filipino ng
dalawamput limang (25) ponema dalawampu (20) na ponemang katinig at limang (5) ponemang
patinig.
Mga Katinig - /p, t, k, ?, b, d, g, m, n, , s, h , f, v, z, l, r, j, w, y/
Mga Patinig - /a, e, i, o, u/
Sinasabing makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang kinasasamahan
nito sa sandaling itoy alisin o palitan. Ang salitang bansa, halimbawa, ay mag-iiba ng kahulugan
kapag inalis o pinalitan ang /s/ ng /t/ na nagiging banta o threat. Samakatwid, ang /s/ ay isang
makabuluhang tunog sa Filipino.
Sapagkat konsitent ang palabaybayang Filipino na ang ibig sabihin ay may isa-sa-isang
pagtutumbasan ang ponema at ang letra o titik na kumakatawan dito, lahat ng simbolong ginagamit
upang magreprisinta ng ponema ay siya na ring ginagamit na mga letra sa palabaybayan,
matangi /?/ at //. Sa ating palabaybayan, ang /?/ ay hindi binigyan ng katumbas na letra. Sa halip,
itoy isinama sa palatuldikan at tinutumbasan ng tuldik na paiwa (\). Naging makabuluhan pa rin ang
tunog na ito kung itoy papalitan ng ponema. Tulad ng salitang /pa:soh/ walk na magiging /pa:so?/
burn.
Ang // naman ay tinutumbasan ng digrapo o dalawang letrang ng.
Maitatanong marahil kung bakit ang mga titik na c, , q, at x. Ang mga titik na ito ay walang tiyak na
ponemikong istatus o walang iisang tunog na tinutumbasan. Kaya ang mga titik na ito ay tinaguriang
redandant. Katulad ng ipinakita sa ibaba:
c = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng central = sentral
tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng card = kard
= tinutumbasan ng dalawang ponemang /n/ at /y/ tulad ng bao = banyo
q = tinutumbasan ng k kung tunog /k/ tulad ng quota = kota
tinutumbasan ng dalawang ponemang /k/ at /w/ kung may tunog nito
tulad ng quarter = kwarter
x = tinutumbasan ng s kung tunog /s/ tulad ng xerox = seroks
tinutumbasan ng dalawang tunog na /k/ at /s/ kung may tunog nito
tulad ng taxonomy = taksonomi
Anumang uri ng tunog na mapag-aaralan kung itoy isusulat upang makita kung papaano ito
binibigkas ay dapat naikulong sa dalawang pahilis na linya / /.
Uri ng Ponema
Binubuo ang wikang Filipino ng dalawang uri ng tunog: ang mga ponemang segmental at
suprasegmental. Kabilang sa mga segmental ang mga katinig, patinig, diptonggo, kambal-katinig o
klaster at pares minimal. Kasama naman sa mga suprasegmental ang diin, intonasyon at hinto.

Mga Ponemang Segmental


Ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas na letra o titik upang mabasa at mabigkas.
Mga Ponemang Katinig. Ang mga katinig ng Filipino ay maisaayos ayon sa punto at paraan ng
artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tinig (m.t.) o walang tinig (w.t.), gaya ng
makikita sa tsart sa ibaba:
PARAAN NG ARTIKULASYON PUNTO NG ARTIKULASYON
Panlabi Pangngipin PanlabiPangngipin Panggilagid Palatal Velar Panlalamunan Glottal
Pasara w.t.
m.t. p
bt
dk
g?
Pailong w.t.
m.t.
m
n

Pasutsot w.t.
m.t. f
vs
zh
Pagilid m.t. l
Pakatal m.t. r
Afrikatibo m.t. j
Malapatinig w.t. y w

Pansinin na ipinakikita ng punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng bibig nangyayari ang
pagbigkas ng isang katinig. Sa pamamagitan ng walong punto ng artikulasyon ay mailalarawan natin
ang ponemang katinig ng Filipino.
1. Panlabi dumidiit ang ibabang labi sa labing itaas /p,b,m/.
2. Pangngipin dumidiit sa loob ng mga ngiping itaas ang dulo ng dila /t,d,n/.
3. Panlabi-Pangngipin dumidiit ang ibabang labi sa mga itaas na ngipin /f,v/.
4. Panggilagid ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidiit sa punong gilagid /s,z,l,r/.
5. Palatal lumalapit o dumidiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila /y/.
6. Velar dumidiit sa velum o malambot na bahagi ng ngalangala ang ibabaw ng punong dila
/k,g,,w/.
7. Panlalamunan ang likurang bahagi ng dila ay dumidiit sa lalamunan /j/.
8. Glottal lumalapit o dumidiit ang mga babagtingang pantinig at hinaharang ang presyon ng
papalabas na hiningang galing sa baga at pagkatapos ay pakakawalan upang bumuo ng paimpit o
pasutsot na tunog /?,h/.

Ang paraan ng artikulasyon naman ay inilalarawan kung papaanong gumagana ang ginagamit na
mga sangkap sa pagsasalita at kung paanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa
pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig. Ang paraan ng artikulasyon sa Filipino ay
mapapangkat sa pito, gaya ng mga sumusunod:
1. Pasara o Istap harang na harang ang daan ng hangin /p,t,k,?,b,d,g/
2. Pailong o Nasal sa ilong lumalabas ang hangin na naharang dahil sa pagbaba ng velum at hindi
sa bibig /m,n,/
3. Pasutsot ang hanging tumatakas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila ng ngalangala
okayay ng mga babagtingang pantinig /f,v,s,z,h/.
4. Pagilid o Lateral ang dulong dila ay nakadikit sa punong gilagid kung kayat ang hangin ay
lumalabas sa gilid ng dila /l/.
5. Pakatal o Thrill ang hangin ay ilang ulit na hinaharang at pinababayaang lumabas sa
pamamagitan ng mabilis na paggalaw ng dulo ng nakaarkong dila /r/.
6. Afrikatibo nang una ay pinipigilan ng babagtingang patinig ang hangin sa paglabas ngunit
pagkamaya-maya pay buong pinakawalan rin ito /j/.
7. Malapatinig o Glayd katulad ngunit kaiba sa mga katinig, ditoy nagkakaroon ng galaw mula sa
isang posisyon ng dila patungo sa ibang posisyon /w,y/.
Ponemang Patinig. Binubuo ang wikang Filipino ng limang ponemang patinig. Ang mga ito ay maaari
ring maiayos batay sa kung anong bahagi ng dila ang gumagana sa paglikha ng tunog (harap,
sentral, likod) at kung ano ang posisyon ng nabanggit na bahagi sa pagbigkas (mataas, gitna o
mababa) tulad ng makikita sa ibaba:
Harap Sentral Likod
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a

May dalawang uri ng ponema: ang segmental at suprasegmental.


1. Ponemang segmental
Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.
a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o glottal
stop (?) sapagkat ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang
kahulugan ng isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o maragsa.
b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang katinig
Halimbawa:

ba: tah - housedress


tub: boh - pipe
ba: ta? - child
tub: bo? - profit
c) Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u.
d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi
nagbabago ang kahulugan ng salita.
Halimbawa:
babae - babai
kalapati - kalapate
lalaki - lalake
noon - nuon
e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil
nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.
Halimbawa:
uso - modern
mesa - table
oso - bear
misa - mass
2. Ponemang Suprasegmental
Ang Diin, bilang ponemang suprasegmental, - ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa
pagbigkas ng isang pantig sa salitang binibigkas.
Halimbawa :
sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/
-ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay
nakapagbabago sa kahulugan nito.
Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /LAmang/siya.

1. Diptonggo alinmang patinig na sinusundan ng malapitinig na /y/ o /w/ sa loob ng isang pantig. Ang
mga diptonggo sa Filipino ay iw, iy, ey, oy, at uy.
Halimbawa:
Sayaw
giliw
langoy
aruy
Gayunman, kapag ang /y/ o /w/ ay napapagitan sa dalawang patinig ito ay napasasama na sa
sumusunod na patinig kayat hindi na maituturing na diptonggo.
Halimbawa ng Diptonggo:
Ang aw sa sayawan ay hindi na maituturing na diptonggo sapagkat ang w ay nakapagitan na
sa dalawang patinig. Ang pagpapantipg sa sayawan" sa-ya-wan at hindi sa-yaw-an
2. Klaster o Kambal Katinig magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa isang patinig. Ang klaster
ay maaaring matagpuan sa unahan o inisyal, at sa hulihan o pinal na pusisyon ng salita.
Halimbawa:
Klaster sa unahan
Klaster sa hulihan

trabaho
kard

nars

plano
relaks

braso

Diptonggo
Ang patinig ay alin man sa limang titik a, e, i, o, at u. Ang diptonggo ay ang tunog na
nabubuo sa pagsasama ng alin man sa limang patinig at ng titik w o y. Ang diptonggo ay
alin man sa mga tunog na /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, o /uy/ sa isang pantig ng
salita.
Halimbawa, ang salitang aliw (a-liw) ay may diptonggo. Ang diptonggo ay ang tunog
na /iw/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na liw. Ang salitang sampay (sam-pay)
ay may diptonggo na /ay/ dahil ang tunog na ito ay nasa pantig na pay.
Walang diptonggo sa mga salita na may mga titik aw, ay, ey, iw, iy, oy, o uy kapag nahihiwalay
ang
dalawang
titik
sa
pagpapantig.
Halimbawa, ang salitang aliwalas ay may iw ngunit wala itong diptonggo na /iw/
dahil ang titik i at w ay nahihiwalay sa pagpapantig ng salita (a-li-wa-las). Ang
salitang sampayan ay walang diptonggo dahil ang magkasunod na titik a at y ay
nahihiwalay
sa
pagpapantig
ng
salita
(sam-pa-yan).
Mga
halimbawa
ng
mga
salitang
may
diptonggo
/aw/
agaw
bangaw
dalaw
gaslaw
ibabaw
lugaw
pulaw
tahaw
alingawngaw
bataw
daw
gunaw
kalabaw
nakaw
sabaw
takaw
ampaw
batingaw
dilaw
halimaw
kantiyaw
palayaw
salindayaw
tampisaw
anahaw
bayaw
dungaw
hikaw
labnaw
pangaw
sawsaw
tanaw
apaw
bugaw
galaw
hilaw
laktaw
panglaw
sayaw
tanglaw
araw
bughaw
galawgaw
hiyaw
langaw
paningkaw
silaw
tuklaw
ayaw
bulahaw
gaway
ihaw
layaw
pataw
sigaw
tunaw
bakulaw
bulalakaw
gawgaw
ikaw
ligaw
pugnaw
singaw
uhaw
balintataw
bulyaw
ginaw
ilaw
litaw
pukaw
singkaw/ay/
abay
baranggay
himlay
katay
liwayway
panday
sanaysay
talakay
agapay
batay
hinay
kaway
malay
panganay
sangay
tamlay
akbay
baybay
hintay
kulay
malunggay
pantay
sampay
tangay

alalay
bitay
hiwalay
lakbay
may
patay
saway
tangkay
alay
buhay
hukay
lagay
maybahay
patnubay
saysay
tangway
anay
damay
husay
lamay
mayroon
paypay
sikhay
tatay
aray
dighay
inay
lantay
nanay
pilay
silay
tibay
atay
gabay
ingay
laway
nangalay
pugay
suklay
tinapay
away
gulay
itay
laylay
nilay-nilay
sabay
sungay
tiwasay
bagay
gutay-gutay
kaaway
lugay
pakay
sakay
subaybay
tulay
bahay
hanay
kalaykay
lumbay
palagay
saklay
sugnay
tunay
balangay
handusay
kamay
lumanay
palay
salakay
suway
ugnay
bantay
himay
kampay
lupaypay
panay
salaysay
tagumpay
wagayway
/ey/
beybi

beyk

beysbol

Leyte

keyk

reyna

/iw/
agiw
aliw

aliw-iw

giliw

paksiw

baliw

liwaliw

sisiw
saliw

/iy/
kami'y

(kami

ay)

/oy/
abuloy
apoy
amoy
biloy

baboy
daloy
hoy
kahoy

kasoy
kuyakoy
langoy
latoy

lumboy
luoy
maligoy
okoy

palaboy
saluysoy
taboy
panaghoy
simoy
tanghoy
pantukoy
soy
totoy
saboy
tabatsoy
tsampoy

tukoy
tuloy
ugoy
unggoy

/uy/
aruy

baduy

hu

Alam mo na ba kung ano ang ponema? Ang diptonggo? Ang klaster? Alam mo na bang
gamitin ang mga ito sa malinaw na pakikipag-usap? Alam mo ba kung ano ang tekstong narativ?
Ang
expositori?
Nasa ibaba ang ilang tanong para mataya kung ano na ang alam mo sa ngayon kaugnay ng
nilalaman
ng
modyul
na
ito.
Isulat

ang

mga

sagot

sa

iyong

sagutang

papel.

A. Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama at M
kung
mali
ang
ideang
ipinapahayag
sa
pangungusap.

1.
2.
3.
4.
5.

Ang ponema ay makahulugang tunog.


Ang dating Abakada ay may 20 letra.
Dalawampu (20) ang ponema sa wikang Filipino.
Ang alfabeto ng wikang Filipino ay may 28 letra kaya may 28 ponema rin
Lima (5) ang ponemang patinig sa Filipino: /a, e, i, o, u/.

6. Ang impit na tunog ay nakapag-iiba sa kahulugan ng salita pero hindi ito makikita
sa
pagbaybay o ispeling ng salita.
7. Ang mga salitang kulay, daloy, aliw at ayaw ay mga halimbawa ng mga salitang
may
diptonggo.
8. Ang mga diptonggo sa mga salita sa Blg. 7 ay ay, oy, iw at aw.
9. Ang mga salitang kulayan, kamayin, daluyan at ayawan ay may diptonggo rin.
10. Ang klaster ay dalawang magkaibang katinig na magkasama sa iisang pantig.
11. Ang mga salitang drama, braso, gripo at trapo ay mga halimbawa ng mga
salitang
may klaster.
12. Ang mga klaster sa mga salita sa Blg. 11 ay dr, br, gr at tr.
13. Pareho lamang ng kahulugan ang dalawang pangungusap sa ibaba:
Hindi, akin ang kendi sa mesa.
Hindi akin ang kendi sa mesa.
14. Ang tekstong narativ ay nagsasalaysay o nagkukwento.
15. Ang tekstong expositori ay naglalahad o nagpapaliwanag.

B. Isulat sa iyong sagutang papel ang angkop na diptonggo para mabuo ang mga salita sa ibaba.
Ibinigay
ang
kahulugan
ng
salita
bilang
clue.
1.
sukl_
2.
bugh_
3.
ar_
4.
bal_
5.
6.
7.
tul_
_
8.
9.
sal_
_
10.
ag_
11.
sakl_
12.
pil_
13.
il_
14.
sis_
15. dil_ _ isa sa mga kulay

_
_
_
bah_
tul_
tawiran
suh_
tugtog
_
_
_
_
_

pang-ayos
ng
isa
sa
mga
sumisikat
tuwing
_
sira
_
_
sa
ibabaw
ng
_
na
kasabay
ng
dumi
sa
ginagamit
ng
may
baling
nagbibigay
ng
anak
ng

buhok
kulay
umaga
ulo
tirahan
pasok
ilog
suporta
kanta
bahay
pilay
buto
liwanag
inahen

PARES MINIMAL

Pares Minimal
Pares Minimal. Ang pares na salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa
bigkas maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon ay tinatawag na pares minimal. Ito ay
ginagamit upang ipakita ang pagkokontrast ng dalawang ponema sa magkatulad na kaligiran.
Pansinin na ang mga ponemang /p/ at /b/ ay nasa magkatulad na kaligiran pala:bala. Nasa
magkatulad na kaligiran ang /p/ at /b/ sapagkat magkatulad ang kanilang kinalalagyan kapwa nasa
pusisyong inisyal: na kung aalisin ang /p/ at /b/ sa mga salitang /pala at bala/, ang matitira ay
dalawang anyong magkatulad ala at ala. Sa ganitong kalagayan ay masasabi natin na ang
pagkakaiba sa kahulugan ng pala at bala ay dahil sa mga ponemang /p/ at /b/ at hindi dahil sa alin

mang tunog sa dalawang salita. Kung gayon ang /p/ at /b/ ay masasabing magkaibang ponema sa
Filipino sapagkat kapag inilagay sa magkatulad na kaligiran na tulad nga ng pala at bala, nagiging
magkaiba ang kahulugan ng dalawang salita.
Matunghayan sa ibaba ang ilang halimbawa ng pares-minimal upang ipakita ang dalawang
magkahiwalay na ponema.
tela - tila belo - bilo
butas - botas mesa - misa
diles - riles ewan - iwan
Tingnan naman natin ang halimbawang /pala:alab/. Nasa magkatulad na kaligiran ba ang /p/ at /b/?
Wala, sapagkat ang /p/ ay nasa pusisyong inisyal ng salita samantalang ang /b/ naman ay nasa
pusisyong pinal. Samakatwid, hindi magagamit ang /pala:alab/ na halimbawa upang ipakita na
ang /p/ at /b/ ay magkaibang ponema.
Sa halimbawa namang /doon:roon/ ay nasa magkatulad na kaligiran ang /d/ at /r/. Ngunit hindi natin
masasabing magkaibang ponema ang mga ito sapagkat hindi nakapagbabago ang mga ito sa
kahulugan ng salita. Magkatulad ang kahulugan ng /doon:roon/.
ares Minimal pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad na magkatulad sa bigkas
maliban sa isang ponema sa magkatulad na pusisyon
Halimbawa:
Pala bala
Pana mana
Patas- batas
Ponemang Malayang Nagpapalitan magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran
ngunit hindi nagpapabago sa kahulugan ng mga salita.
Halimbawa:
Lalaki- lalake
Totoo tutoo
Noon nuon

Mayroong tatlong uri ang tuldik:


Una, ang pahils (), na may dalawang bigkas: ang mabils, na mabilis ang bigkas ng salita at laging
nasa hulng pantig ng salita (hal: buhy - alive, buks - open) at malmay, na marahan o mabagal
ang bigkas ng salita at laging nasa una o mga gitnang pantig (hal: bhay - life, bkas - tomorrow).
Ikalawa, ang paiw (`). Isa lang ang bigkas nito, ang malum. Binibigkas ito nang mabagal o
marahan at nagtatapos na may impit. Impit ang tawag sa biglang paghinto ng tunog tulad ng sa
tal (star). Lagi itong nasa hulng pantig (hal: pun - tree). Lagi itong nilalagyan ng tuldik na pahils
at malmay kung higit sa dalawa ang pantig (Hal: pinn - leader).
Ikatlo, ang pakupy (^). Isa lang ang bigkas nito, ang marags. Binibigkas ito nang mabilis at
nagtatapos na may impit tulad ng sa tal (list). Lagi itong nasa hulng pantig (hal: pun - full).

You might also like