You are on page 1of 23

ESTRUKTURA NG

WIKANG FILIPINO
Aralin I │Ponolohiya
PONOLOHIYA O PALATUNUGAN
1. Ito ay galing sa salitang Griyego na “phono” na nangangahulugang boses o tunog.
2. Ito ay pag-aaral ng pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahulugan.
3. Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng wika ay nagbibigay-kahulugan sa
pagbigkas ng salita o nagbibigay ng pagbabago sa kahulugan ng mga salita
4. Ito ang pangunahing kailangan sa lundayang panlingguwistika o estruktura ng
wika. Tinuturo nito ang kakaibang tunog at pagbigkas sa mga salita kaugnay sa
kani-kanilang gamit at pagpapakahulugan.
5. Sa pilosopiya ng wika, tinatawag itong maka-agham na pag-aaral ng mga
makabuluhang tunog. Ang mga tunog na ito ay na proproseso o naipapahayag ng
isang tao sa pamamagitan ng kaniyang kakayahang pisikal.
MGA SALIK SA PAGLIKHA NG TUNOG

BAGA HANGIN BIBIg


Pinanggagalingang lakas o Artikulador na Resonador na sumasala at
enerhiya na gumagawa ng nagpapagalaw sa hangin nagmomodipika ng mga
puwersa o presyon na na lumilikha ng mga tunog patungong bibig na
nagpapalabas ng hangin na tunog inilalabas dito.
galing sa baga.
PONEMA
Ito ay makabuluhang yunit ng tunog na
nakapagpapabago o nakalilikha ng panibagong
kahulugan kapag ang mga tunog ay pinagsama-
sama upang makabuo ng salita.

Mayroon itong dalawang uri: Ponemang


Segmental at Suprasegmental.
PONEMA
Halimbawa: /l/asa
/?/asal

Anong ponema ang pwedeng idagdag o ipalit sa / /


na makapagpapabago sa kahulugan ng mga salita
sa itaas?
1. PONEMANG SEGMENTAL
1. Tinatawag na mga ‘tunay’ na tunog at bawat tunog ay kinakatawan ng isang titik
sa ating alpabeto
2. Sa Filipino ay may 21 ponemang segmental. Katinig: /b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s,
t, w, y, ?/ Patinig: /a, e, i, o, u/
3. Ang /?/ ay impit o glottal stop. Itinuturing ito bilang ponemang katinig sa Filipino
bagama’t hindi ito ipinakikita sa ortograpiya ng ating wika. Mahalaga ito sa isang
salita sapagkat nakapagpapabago ito ng kahulugan ng dalawang salita na pareho
ang baybay.
**May mga pagkakataong /’/ ang ginagamit sa halip na /?/, subalit pareho
lamang itong mga simbolo para sa impit.

**Ang simbolong /ŋ/ ay ginagamit din pamalit sa ponemang /ng/. Ito ay


ayon sa IPA o International Phonetic Alphabet.
Pansinin ang bigkas ng mga salitang
may impit o glottal stop:
/su.ka/ vinegar
/ba:ka/ might (maybe)
/pa:sa/ bruise
/ta:la/ notes
2. PONEMANG SUPRASEGMENTAL
1. Sa lingguwistika, ang ponemang suprasegmental ay tumutukoy sa mga
makabuluhang yunit ng tunog na walang katumbas na letra sa pagsulat
(Francisco, et al., 2007). Ang ponemang suprasegmental ang tumutulong
sa mga ponemang segmental upang makabuo ng mga tunog.
2. Kabilang dito ang: antala o hinto, haba at diin, at tono,
A. ANTALA O HINTO
Ito ay tumutukoy sa saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na
maging malinaw ang mensaheng nais ipabatid. Ang pagtigil ay maaaring
panandalian o pangmatagalan (depende sa inihahayag sa pangungusap). Sa
pagsulat, gumagamit ng bantas na tulad ng kuwit, tuldok, tuldok-kuwit, o
tutuldok bilang indikasyon kung gagamit ng antala o tuluyang hinto para sa
magbabasa ng pangungusap.
Halimbawa: Ma’am, hindi ko po maintindihan ang sinasabi ninyo.
Ang mga mag-aaral na sina: Des, Giselle, Lloyd, Maya, Jayjay, at Opay
ay nakapagpa-apruba na ng paksa para sa kanilang tesis.
*Ang paglalagay ng angkop na bantas sa iba’t ibang bahagi ng pangungusap ay nangangahulugang
nagbago rin ang antala sa pagbasa nito, gayondin ang mensaheng taglay ng pangungusap.
B. HABA AT DIIN
Ito ay tumutukoy sa sa haba o ikli ng bigkas sa patinig ng pantig ng
salita. Karaniwang gumagamit ng /./ upang ipakita kung saan dapat habaan
o iklian ang pantig. Ang simbolong / / ay nangangahulugan ng tunog, ang /./
naman ay para sa mas mahabang diin, samantalang ang /:/ ay
nangangahulugan ng mas maikli o mabilis na diin. Ang diin o stress ay ang
paglakas o paghina ng bigkas sa pantig ng isang salita.

Halimbawa: basa /ba.sah/


/ba:sa/
suka /su.kah/
/su:ka/
C. TONO
1. Ito ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig
sa pagbigkas ng pantig ng isang salita.
2. Maari ring tumukoy ito sa
pagpapahayag ng damdamin kapag
nagsasalita. Dito pumapasok ang
emosyon kung nagagalit, natutuwa,
nalulungkot, naiiyak, natataranta, o
nagagalak ang isang nagsasalita.
Nakatutulong ang bantas sa
pagtatapos ng pangungusap sa
pagtuloy ng tono nito.
PONEMANG PATINIG
Ang ayos ng dila sa pagbigkas ay sa harap ng sentral ng dila, ang dila ay sa
likod, mataas. Sa pagbigkas ng mga ponemang patinig, may pagkakataon na
napapalitan ang ponemang e ng i at ang o ng u subalit hindi nagbabago ang
kahulugan ng salita. Subalit may mga pagkakataon din na kapag napapalitan
ng e ang i at ang o ng u, nagbabago ang kahulugan ng salita. Kapag naganap
ang pagpapalit at pagbabago ng kahulugan, ang e at i at ang o at u ay
dalawang magkahiwalay o magkaibang ponema na.

mataas = i, u **Itinuturing na pinakatampok o pinakaprominenteng bahagi ng isang


gitna = e, o pantig ang ponemang patinig sapagkat walang pantig sa Filipino na
mababa = a walang patinig.
PONEMANG KATINIG
Ito ay maiiayos ayon sa tagpuan-bigkasan at paraan ng pagbigkas at kung
may tinig at walang tinig ng pagbigkas sa mga ito. Samakatuwid, sa
pagsasalita, ang paglikha ng ponema ay mailalarawan sa tagpuan-bigkasan
o punto ng artikulasyon at paraan ng pagbigkas o artikulasyon. Itinuturing na
digrapo ang ng sapagkat ang ponemang ito ay binubuo ng dalawang letra
subalit kumakatawan sa isang makabuluhang tunog.
PUNTO NG ARTIKULASYON
a. Panlabi. Ang ibabang labi at labing itaas ay naglalapat; ginagamit ang mga
labi sa pagbigkas ng katinig. /p, b, m, w/
b. Pangngipin. Ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob o sa likod ng ngiping
itaas. /t, d, n/
c. Panggilagid. Ang punong gilagid ay nilalapitan o dinidiitan ng ibabaw ng
dulong dila /s, l, r/
d. Palatal (Pangalangala). Dumidiiit sa matigas na bahagi ng ngalangala ang
ibabaw ng punong dila /y/
PUNTO NG ARTIKULASYON
e. Velar (Pangngalangala). Ang velum o malambot na bahagi ng ngalangala
ay dinidiitan ng ibabaw ng punong dila. /k, g, (ng)/
f. Panlalamunan. Ang pagitan ng dalawang babagtingang tinig na tinatawag
na glottis ay bahagyang nakabukas upang ang hangin sa lalamunan ay
makadaan. /h/
g. Glottal. Ang presyur ng papalabas na hangin o hininga ay nahaharang sa
pamamagitan ng pagdidiit ng mga babagtingang tinig at ang nalilikha ay
paimpit o pasusot na tunog. /?/
Paraan ng Artikulasyon
Paraan ng Pagbigkas. Inilalarawan kung papaanong gumagana ang
ginagamit ang mga bahagi ng organong pagbigkas (vocal tract) o sangkap sa
pagsasalita. Sa pagbigkas ng mga katinig, inilalarawan din nito kung paano
pinalalabas ang hangin hininga sa mga resonador. Samakatuwid, ang paraan
ng artikulasyon o pagbigkas ay tumutukoy sa paraan ng pagpapalabas ng
hangin sa bibig o sa ilong na siyang ginagamit sa paglikha ng tunog.
Paraan NG ARTIKULASYON
a. Pasara. Hinaharangan ang daanan ng hangin. /p, t, k, ?, b, d, g/
b. Pailong. Nahaharang ang hangin na dapat ay sa bibig lumalabas dahil sa
pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o
kaya’y dahil sa pagbaba ng malambot na ngalangala. Ang nangyayari ay hindi
sa bibig lumalabas ang hangin kundi sa ilong. /m, n, ng/
c. Pasutsot. Sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng mga
babagtingang tinig lumalabas ang hangin. /s, h/
Paraan NG ARTIKULASYON
d. Pagilid. Dahil ang dulong dila ay nakadiit sa punong gilagid, sa mga gilid ng
dila lumalabas ang hangin. /l/
e. Pakatal. Dahil ang dulo ng nakaarkong dila ay pumapalag, ang hangin sa
loob ng bibig ay paiba-iba ng direksyon at ito ay nahaharang. /r/
f. Malapatinig. Kapag malapatinig ang ponema, ang galaw ng labi o dila ay
mula sa isang posisyon patungo sa ibang posisyon. /w, y/

**Dahil sa modernisasyon ng wikang Filipino, malaya ng nakakapasok ang mga salitang


katutubo at banyaga sa wikang ito bunga ng malawakang panghihiram ng salita. Ayon sa ilang
dalubwika, ang dating bilang ng mga ponemang Filipino ay nadagdagan na nga pitong bagong
ponema. Ano-ano ang mga ito?
~
/C, F, J, N, Q, V, X, Z/
IMPIT o GLOTTAL STOP
Ayon kay Dr. Alfonso Santiago (1985), ang / ‘ / ay impit na tunog sa
matandang balarila. Ang ponemang ito ay medyo nagpapagulo nang kaunti
sa palabaybayang Filipino sapagkat kahit ito ay isang ponema, hindi ito
inirerepresenta ng titik o letra. Sa halip inirerepresenta ito sa dalawang
paraan: a) nakasama ito sa palatuldikan at b) inirerepresenta ng tuldik na
paiwa (‘) kung nasa posisyong pinal ng salita.
DIIN NG Salita sa filipino
Ang diin o stress sa Ingles ay tumutukoy sa lakas ng
bigkas sa pantig ng salita. Ito ay nagpapakita ng malinaw
na kahulugan ng isang salita. May apat na diin sa wikang
Filipino: malumay, malumi, mabilis, at maragsa.
DIIN NG Salita sa filipino
1. Malumay – may diin sa pantig penultima o ikalawang pantig mula
sa huli. Maaaring magtapos sa patinig o katinig at banayad lamang
kung bigkasin. Walang tuldik.
Halimbawa: babae, lalaki, tao, tatay, nanay
2. Malumi – tulad ng malumay subalit may impit na tunog sa dulo ng
salita. Nilalagyan ng tuldik na paiwa ( ` ).
Halimbawa: batà, bisà, hatì
DIIN NG Salita sa filipino
3. Mabilis – tuloy-tuloy ang bigkas na may diin sa huling pantig. Katulad ng
salitang malumay, ito ay maaring magtapos sa patinig o katinig. Nilalagyan
ng tuldik na pahilis ( ´ ).
Halimbawa: mabilís, bulaklák, takbó
4. Maragsa – tuloy-tuloy rin ang bigkas subalit may diin sa huling pantig at
may impit na tunog sa huli. Gaya ng salitang malumi, lagi ring nagtatapos sa
patinig ang salitang maragsa. Nilalagyan ng tuldik na pakupya ( ^ ).
Halimbawa: salitâ, dagsâ, dugô

You might also like