You are on page 1of 11

ARALIN 3: PONOLOHIYA

Ano nga ba ang ponolohiya?

Nagmula ito sa salitang Griyego na “phono” na ang ibig sabihin ay tunog at ang logia o
teorya o siyentipiko.

Ito ay tumutukoy sa maka-agham na pag-aaral ng makabuluhang tunog na kinikilalang


ponema.

Kasama na rin ang pag-aaral sa mga paghinto (juncture), pagtaas-pagbaba ng tinig (pitch).
Diin (stress), at pagpapahaba ng tunog (prolonging).

Sa madaling salita ang Ponolohiya o palatunugan ay ang pag-aaral sa tunog ng isang wika.

Katulad ng naisaad ko kanina kabilang sa pag aaral ng ponolohiya ay ang ponema siyang
itinuturing bilang yunit ng tunog na may kakayahan na makapagbago o gumawa ng iba
pang kahulugan ng isang tunog na pinagsama-sama upang makabuo ng salita.

Narito ang ating unang halimbawa:


Ang salitang Ina at Isa, mapapansin na nagbago ang ponema sa gitna ng mga salita. N sa
salitang iNa na ibig sabihin ay magulang at S naman sa salitang iSa na ibig sabihin ay
bilang.

Sa sususnod na halimbawa:
Narito ang mga salitang Lakas at Lakad, kung saan ang dalawang letra na naka-kahon ay
ang mga ponema na may kakayahang makapagpabago ng kahulugan ng isang salita.
Katulad ng Lakas na ang ibig sabihin ay kakayahan ng katawan at kung papalitan naman
ang ponema na nakakahon ng /d/ ito ay panibagong salita na lakad at ibig sabihin ay aksyon
kung saan ginagamit ang paa sa paghakbang.

Kahit sa simpleng pagbabago o pagkakamali ng isang letra sa isang salita ay maaring


magkaroon ito ng ibang kahulugan at maging sanhi ng maling impormasyon na pwedeng
maihayag sa iba.

Tandaan na ang Ponolohiya o Palatunugan ay siyentipikong pag-aaral sa mga tunog.


At ang Ponema ay pinakamaliit na yunit ng tunog.

Dumako naman tayo sa Ponemang Segmental

Ponemang Segmental-
Mayroong labing-limang katinig, limang patinig ang alphabetong tagalog kung saan ito rin ay
ang isang ponema segmental dahil ginagamit ito upang mabasa at mabigkas ang isang
salita. Ngunit, sa inyong napansin mayroon lamang tayong dalawampung titik na pero kung
ating matatandaan na sa pag-aaral ng ponolohiya ay mayroon itong dalawampu’t isa. Upang
mabuo ang bilang ay may isang ponema/tunog na na ang ngalan ay impit na tunog kung
saan gumagamit tayo ng (‘) paiwa, (^) pakupya, (`) pahilis.

Uri ng Ponemang Segmental,


meron itong limang uri at ito ay ang ponemang katinig, Ponemang patinig, diptonggo, klaster
at pares minimal.

Ponemang Katinig,

Sa ponemang katinig ay nakadepende sa dalawang artikulasyon o paraang ng pagbigkas ng


mga salita.

May dalawang uri ang ponemang katinig at ito ang punto ng artikulasyon at paraan ng
artikulasyon.

Puntong ng artikulasyon
dito nagsasabi kung saan bahagi ng bibig ang ginagamit upang makalusot ang hangin sa
pagbigkas ng ponema.

Paraan ng artikulasyon
naglalarawan kung ano pinatutunog ang ponemang katinig.

[Tsart ng mga Ponemang Katinig]

Nabanggit kanina na ang Punto ng Artikulasyon ay , tumutukoy sa kung anong bahagi ng


bibig naisasagawa ang pagbigkas sa ponema,

Paraan ng Artikulasyon naman ay tumutukoy sa paglalarawan at pagpapakita kung


papaanong ang mga sangkap ng salita ay lumalabas sa bibig.
Narito ang tsart ng mga ponemang katinig na magsisilbing gabay natin sa ating diskusyon.
Kung inyong pagmamasdan ang tsart, sa kaliwang bahagi nito pababa ay nakalagay ang
iba’t-ibang paraan ng arikulasyon. Para mas lalo nating maunawaan, isa-isahin natin!

Paraan ng artikulasyon
Una na diyan ay ang PASARA kung saan ang daanan ng hangin ay harang na harang.
Halimbawa nito ay letrang p, t, k, b, d, at g

Pangalawa, PAILONG kung saan ang hangin ay nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi,
pagtukog ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin. Ang halimbawa naman nito ay letrang m at
n.

Ang pangatlo ay tinatawag na PASUTSOT. Ito ay tumutukoy kung saan ang hanging
lumalabas ay nagdaraan sa makipot na pagitan ng dila at ng ngala ngala. Halimbawa,
letrang s at h.

PAGILID naman ang tawag sa ikaapat na paraan kung saan ang hangin ay lumalabas sa
mga gilid ng dila sapagkat ang dulong dila ay nakadikit sa mismong gilagid. Ang halimbawa
nito ay letrang L.

Para naman sa ikalimang paraan, tinatawag itong PAKATAL sapagkat ang hangin ay ilang
ulit na hinaharang at pinapabayaang lumabas sa pamamagitan ng ilang beses na pagpalag
ng dulong nakaarkong dila. Halimbawa ay letrang r.

At bilang panghuli, MALAPATINIG. Dito nagkakaroon ng galaw mula sa isang posisyon ng


labi o dila patungo sa ibang posisyon. Ang mga halimbawa ay letrang w at y.

Punto ng Artikulasyon
na inyong makikita sa bandang itaas ng tsart. Ito ay may limang uri, isa-isahin din natin!

Una ay ang PANLABI, tawag kapag ang ibaba ng labi ay dumidikit sa labing itaas.
Halimbawa ay letrang p, b, at m.

Sumunod ay PANG NGIPIN. Ito naman ay tumutukoy sa paraan ng dulong dila ay dumidikit
sa loob ng mga ngipin sa itaas. Ang mga halimbawa ay letrang t, d, at n.

PANG-GILAGID ito naman ay kapag ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapit o dumidikit sa
buong gilagid. Halimbawa ay letrang s.

Pang-apat naman ay PALATAL, ito naman ay ang mga palatalong katinig na sinsalita sa
katawan ng dila na itinaas laban sa matigas na ngala ngala. Ang mga halimbaw nito ay
letrang L at r.

Sinundan ito ng VELAR o PANG-NGALA-NGALA. Sa puntong ito, ang ibabaw ng dila ay


dumidikit sa velum o malambot na bahagi ng ngala-ngala. Mga halimbawa naman nito ay
letrang k, g, at w.
At panghuli, GLOTTAL, ito naman ang tawag kapag ang babagtingang tinig ay nagdidikit o
naglalapit at hinaharang upang lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog. Halimbawa ay
letrang n.

Patinig
Kung may katinig, mayroon ding patinig ang ating alpabeto. Ngayon ay dumako naman tayo
sa talakayan tungkol sa mga patinig.

Ang patinig o vowels sa Ingles ay isa sa dalawang uri ng tunog ng pagsasalita. Ang patinig
ay isang silabikong tunog sa pananalita na binibigkas nang walang anumang paghihigpit sa
daanan ng boses, ang dila ay hindi dumampi sa mga labi, ngipin, o bubong ng bibig.

Ang alpabetong Filipino ay binubuo lamang ng limang patinig: a, e, i, o, u. Walang pantig sa


Filipino na walang patinig.

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng mga salita na nagsisimula sa mga nasabing patinig.

Patinig /a/
➔ aklat – katipunan ng mga inilimbag na akda
➔ alahas – mga sinusuot na palamuti sa katawan
➔ abaniko – pamaypay

Patinig /e/
➔ elepante – isang malaking hayop na may mahabang ilong
➔ entablado – tanghalan
➔ eleksyon – botohan
Patinig /i/
➔ ilaw – bagay na nagbibigay liwanag
➔ inidoro – gamit sa palikuran
➔ ilong – parte ng katawan na gamit sa pang amoy
Patinig /o/
➔ okasyon – pagdiriwang
➔ orasan – bagay na nagsasabi ng oras
➔ opisina – lugar ng pinagtatrabahuhan
Patinig /u/
➔ ulan – patak ng tubig na nagmumula sa langit
➔ uhaw – kalagayan ng kasabikang uminom ng tubig
➔ untog – tumama ang ulo sa isang bagay

Ang pag-aaral ng patinig ay madali lamang maunawaan dahil kumpara sa katinig, ito ay
binubuo lamang ito ng limang patinig.

Tayo ay tumungo naman sa susunod na bahagi kung saan aking ip-presenta ang tsart ng
ponemang patinig.
Ang mga patinig ay maisasaayos din ayon naman sa kung anong bahagi ng dila ang
gumagana sa pagbigkas ng isang patinig - harap, sentral at likod. At kung anong posisyon
ng nasabing bahagi ng pagbigkas - mataas, gitna at mababa. [Explain the chart.]

May anim na iba't-ibang paraan ang artikulasyon:


1. Pasara
2. Pailong
3. Pasutsot
4. Pagilid
5. Pakatal
6. Malapatinig - halimbawa: walis, yaya

Sa ating module, isang paraan lamang ang nakalagay at iyon ay ang malapatinig.

Ang malapatinig na uri ng artikulasyon ay tumutukoy sa paggalaw ng labi o dila mula sa


isang posisyon patungo sa ibang posisyon.

Ang /w/ at /y/ ay kinokonsiderang malapatinig o semi-vowel dahil ang tunog nito ay parang
patinig.

Diptonggo
Ang diptonggo o diphthong sa Ingles ay patinig na sinusundan ng malapatinig sa w o y sa
isang pantig.
Mayroong pitong diptonggo sa Filipino: /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, at /uy/

Halimbawa:
hikaw
panganay
giliw
reyna
apoy
Baduy
Tandaan: Hindi na maituturing na may diptonggo ang isang salita kapag ang w o y ay
napapagitan sa dalawang pantig.

Halimbawa
Kaarawan
Ka-a-ra-wan

Klaster o kambal katinig


Ang klaster o kambal-katinig ay magkasunod na katinig sa isang pantig.
Maaari rin ito makita sa gitna at hulihan.

Halimbawa
klaster
eskwela
Matematiks

isa pang paalala ay dapat siguraduhin niyo din na tama ang pagpapantig niyo sa mga salita
dahil kapag mali ang pagpapantig niyo malaki ang posibilidad na magkamali din kayo sa pag
tukoy sa salita kung diptonggo ba ito o hindi at kung klaster o hindi.

Pares-Minimal
Ito ang pares ng salita na magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad ang bigkas maliban
sa isang ponema sa parehong posisyon.

Halimbawa
butas - botas
iwan - ewan
ilog - irog

Ponemang Malayang Nagpapalitan


pares ng salita na katatagpuan ng magkaibang ponema sa magkatulad na kaligiran o
posisyon ngunit hindi nakaaapekto o nakapagpabago sa kahulugan ng salita.
Karaniwan itong nangyayari sa mga ponemang patinig na /i/ at /e/ at /o/ at /u/. Pati na din sa
katinig na /d/ at /r/

Halimbawa
hindi - hinde
sampo - sampu
madumi - marumi

Pinagaralan din natin ang Paraan ng Artikulasyon at dito pumapasok ang


1. Tsart ng mga ponemang katinig at ang paraan at punto ng artikulasyon nito
Mt- na nagsisilbing may tunog at WT- bilang walang tunog
- So dito inisa isa natin ang bawat katinig at kung sa paanong paraan ba dapat
bigkasin ang bawat letra
2. Tsart ng Ponemang patinig na binubuo ng letrang a,e, i ,o at u, at dito sinasabi nA
ang dila ay hindi dumampi sa mga labi, ngipin, o bubong ng bibig kapag ito ay
binibigkas
Sumunod naman ay pinag aralan natin ang Mala patinig, diptonggo, klaster o kambal katinig
at pares minimal

Ngayon naman na naalala na natin ang diskusyon ay itutuloy ko na ang talakayan

Ponemang suprasegmental
Tulad ng sinabi ni ma’am nahahti ang ating diskusyon ng ponolohiya sa dalawa
Kung inyong pagmamasdan ang Ponemang Suprasegmental ay nahahati sa dalawang
salita.

Una ang Ponema, na mula sa wikang espanyol na Fonema, ito ay makabuluhang yunit ng
tunog na nakakapagpapabago ng kahulugan
Tulad na lamang ng nabanggit ni Maam sa masistemang balangkas noon ,
nakakabuo ng ibang kahulugan ang isang salita kapag pinapalitan o dinagdagan ng isang
ponema ang salita, ang halimawa nito ay kapag dinagdagan ng morpemang ponemang /a/
ang salitang doktor magiging doktora ito na natutukoy bilang isang babaeng doktor.

Ang sumunod naman na salita ay ang Suprasegmental, na tumutukoy sa stress, tono or


juncture ng salita.

Kung ating pagsasamahin ang dalawang salitang ito mabubuo ang Ponemang
suprasegmental na karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra sa pagsulat kundi mga
simbolo lamang upang matukoy ang paraan ng pagbigkas.

Kung inyong mapapansin magkabaliktad sila ng ponemang segmental kung sa ponemang


segmental ay tinutumbasan ito ng mga letra sa ponemag suprasegmental naman ay mga
simbulo.

Uulitin ko hindi ito kinakatawanan ng tiktik o letra dahil ginagamitan lamang ito ng simbolo.

Sa paggamit ng ponemang suprasegmental malinaw na naipapahayag ang damdamin,


saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita.

Ang ponemang suprasegmental ay nahahati sa tatlong uri at ito ang diin, tono at antala.
At dahil sa mga uri na ito Kaya sinasabing mas malinaw na naipapahayag dito ang
damdamin, saloobin at nais ipahayag ng nagsasalita.

Una nating pag uusapan ang diin. Ano nga ba ang gampanin nito sa isang salita?
Ang diin ay ang pag lakas o paghina ng pagbigkas ng isang salita o bahagi ng salita
So medyo common na ito para sainyo.

Halimbawa:
/Ba:la/- Bullet
/ba:LA/- threat

/BU:hay/ life
/bu:HAY/ alive
/PU:no/ tree
/pu:No/ full

Ngayon alam na natin kung ano ang diin sa isang salita, ngayon naman ay tukuyin natin ang
iba’t ibang uri ng diin, mayroon tayong malumay, malumi, mabilis at maragsa.

Dito pumapasok ang paggamit ng tuldik, na nagpapakita ng higit na gamit ng diin


Kagaya nga ng sinabi ko kanina hindi ito kinakatawanan ng tiktik o letra dahil ginagamitan
lamang ito ng simbolo at ang simbolo na ito ay ang tuldik
Mayroon tayong (‘) paiwa, (^) pakupya, (`) pahilis

Sa unang uri ng diin mayroon tayong


MALUMAY
- Binibigkas ito ng marahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan
- Maaari itong magtapos sa katinig o patinig
- Hindi ito ginagamitan ng tuldik

Halimbawa:
Hayop, babae, ulo, bago, buhay

Ikalawa naman ay ang


MALUMI
- Binibigkas ito tulad nang malumay.
- Ang pinagkaibahan lamang ay may tuldik ito na paiwa (`)
-Nagtatapos ito sa patinig lamang at may impit sa huling pantig ng salita

Halimbawa:
Bata, (kung sa malumay natin ito babasahin magiging batahh, batahh ito na kung saan
marahan ang pagkakabanggit)

Sipi (kung babasahin naman natin ito sa malumay na diin ay magtutunog sipe ito)

puno, lahi, tahi


Kung mapapansin nyo pag sinabing impit ang pagbasa nito sa hulig pantig ay parang may
pagpigil o pasarang tunog.

Uulitin ko
Bata, sipi, puno, lahi, tahi

Ikatlo ay ang
MABILIS
- Binibigkas ito ng tuloy tuloy
- Ginagamitan ng tuldik na palihis
- Nagtatapos din sa patinig at katinig na may mabilis na pagbigkas at walang impit

Halimbawa:
Mata, buhok, pisngi, dilaw, bulaklak
Ang ikaapat naman o ang panghuli ay ang
MARAGSA
- Binibigkas ito tulad nang mabilis
- Nagtatapos lamang ito sa patinig
- At mabilis ang pagbigkas at may impit sa huling pantig
- Na ginagamitan ng tuldik na pakupya ^

Uulitin ko may impit ito sa hulihang pantig, ano nga ulit ito?
Kung mapapansin nyo pag sinabing may impit ang pagbasa nito sa hulig pantig ay parang
may pagpigil o pasarang tunog.
Halimbawa:
Dugo, mukha, dukha, tumula, kumulo

Huwag na huwag kayong malilito sa pagbigkas ng mga salita


Ganito ‘yon
Ang malumay at mabilis ay nagtatapos sa patinig o katinig.
Samantalang ang malumi at maragsa ay palaging nagtatapos sa patinig, dahil may impit sa
dulo ang mga salita na ginagamitan ng ganitong diin.

Tono, Intonasyon, Punto

Ang Tono o Intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig


ng isang salita, parirala, o pangungusap.

Tono
Lahat ng ating binibigkas na salita ay may tono. May bahaging mababa, katamtaman at
mataas. Makapagpapahayag ng iba't ibang damdamin o bagong kahulugan ang pagbabago
ng tono o intonasyon at makatutulong rin ang tono o intonasyon upang mas maiparating ang
mensahe.

Halinbawa:

a. Umalis na siya rito? (sa paraang Nagtatanong)

b. Umalis na siya rito. (sa paraang Nagsasalaysay)

Sa pahayag A ay mawawari natin na ang ispiker ay nagtataka o 'di kaya'y humihingi ng


konpirmasyon samantalang kung ang pahayag B naman ang bibigkasin ay nagsasalaysay
ito ng katatapos na pangyayari.

Bilang isa ay mababa


Bilang Pangalawa ay katamtaman
at bilang tatlo ay mataas
1-mababa
2-katamtaman
3-mataas
Halimbawa:

Ma gan da- pagpapahayag


2 3 1

Mata li no- pagtatanong o pagtataka


2 1 3

(Nagpapahayag) Pasado tayo.

(Nagtatanong) Pasado tayo?

(Nagbubunyi) Pasado tayo!

Punto- Ito ay tumutukoy sa rehiyunal na tunog o accent. Ito ay paraan ng pagsasalita ng


isang rehiyon o pangkat.

Halimbawa nito ay mapapansin natin na iba ang punto ng rehiyong Katagalugan sa mga
taga - Cavite, Taga-Batangas at ng mga Taga-Bulacan.

Hinto, Antala- tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng ipinahahayag.

May hinto bago ang magsimula ang isang pangungusap at may hinto rin pagkatapos nito.
May hinto rin sa loob ng pangungusap kung may kailangang ihiwalay na mga ideya upang
higit na maunawaan ang nais nitong ipahayag.

Ang mga tanda sa paghinto ay kuwit o comma sa wikang Ingles (,) . dalawang guhit na
palihis o virgules (//), gitling o dash (-) at pati na ang tuldok o period (.).

Halimbawa.

a. Hindi/ ako si Angel.


b. Hindi ako, si Angel.
c. Hindi ako si Angel.

Huminto kapag nakita ang /.

Sino ang maaring magbasa ng mga halimbawa.

a. Doc Simone Sydney ang pangalan ko.


b. Doc Simone/ Sydney ang pangalan ko.
c. Doc/ Simone Sydney ang pangalan ko.

Mapapansin natin kung ano agad ang ipinararating ng mga pahayag batay sa paghinto nito
sa loob ng pangungusap.
Hanggang dito na lamang ang aking bahagi at maraming salamat.

You might also like