You are on page 1of 4

PANGLINGGWISTIKANG KAALAMAN SA WIKANG FILIPINO

LINGGWISTIKA -> makabuluhang pag-aaral ng wika

LINGGWISTA -> nag-aaral ng wika

CECILIO LOPEZ -> kauna-unahang linggwistang Pilipino

Apat (4) na Antas ng Pag-aaral ng Wka:


(1) PONOLOHIYA
Ang Ponolohiya o Palatunugan ay pag-aaral ng set ng mga tunog na bumubuo ng mga salita
sa isang wika.

PONEMA -> ito ay ang pinakamaliit na yunit ng tunog sa wika.


Ang PONEMA ay nagmula sa salitang Ingles na PHONEME na nanggaling naman sa salitang
Griyego na “φωνή” na nangangahulugang TUNOG.
Ang Wikang Filipino ay may 21 na ponema: 5 patinig at 16 na katinig.
Patinig
Harap Sentral Likod
Mataas I U
Gitna E O
Mababa A
Katinig
• 15 katinig mula sa Alpabetong ABAKADA: B, K, D, G, H, L, M, N, NG, P, R, S, T, W, Y
• impit na tunog o glotal na pasara /ʔ/

Dalawang (2) Uri ng Ponema:


1. Ponemang Segmental
2. Ponemang Suprasegmental

PONEMANG SEGMENTAL
1. Diptonggo
Harap Sentral Likod
Mataas iy uy
Gitna ey oy
Mababa ay
Mga Halimbawa:
Giliw
Kami’y
Reyna
Kalabaw
Bahay
Aruy
Kahoy

2. Klaster -> tinatawag ding KAMBAL-KATINIG


Ito ay magkakabit na dalawang magkaibang katinig sa iisang pantig.
Halimbawa:
KWento
PYano
TRen
TRak

3. Ponemang Malayang Nagpapalitan -> ito ay mga salitang may magkaibang ponemang
matatagpuan sa magkatulad na kaligiran ngunit HINDI nagpapabago sa kahulugan ng mga
salita.
Halimbawa:
lalaki = lalake
kalapati = kalapate
madumi = marumi
diretso = deretso

4. Pares-Minimal -> to ay mga pares ng salita na may magkaibang kahulugan ngunit


magkatulad sa pagbigkas maliban sa isang ponemang nasa magkatulad sa posisyon.
Halimbawa:
pala:bala, lapel:papel, butas:botas

PONEMANG SUPRASEGMENTAL
1. Diin -> ito ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig sa
salitang binibigkas.
Halimbawa: sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/.
Ito rin ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay
nakapagbabago sa kahulugan nito.
Halimbawa:
a. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
b. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /laMANG/ siya.

Apat (4) na Uri ng Diin:


1) Malumay -> binibigkas ito nang dahan-dahan at may diin sa pagbigkas sa ikalawang pantig
buhat sa hulihan. Ito ay hindi ginagamitan ng anumang tuldik o palatandaan. Maaaring
magtapos ang salitang malumay sa patinig o katinig.
Halimbawa: dalaga, babae, sarili, tao, sampalataya, nanay silangan, kilabot, matahimik,
kapisanan

2) Malumi -> Ang bigkas na malumi ay tulad sa bigkas ng mga salitang malumay. Ito’y
binibigkas nang dahan-dahan at may diin sa ikalawang pantig buhat sa hulihan. Ang
ipinagkaiba lamang ng dalawang pagbigkas na ito ay ang impit na tunog sa dulo ng mga
salitang malumi. Palaging nagtatapos sa tunog patinig ang malumi. Ginagamit natin ang tuldik
na paiwa (\) sa pagpapakilala ng mga salitang binibigkas nang malumi.
Halimbawa: bata, talumpati, dambuhala, dalamhati, luha, labi

3) Mabilis -> Ang mga salitang mabilis ay binibigkas nang tuluy-tuloy na ang diin ay nasa huling
pantig. Wala itong impit na tunog. Maaaring magtapos ang mga salitang binibigkas nang mabilis
sa katinig o patinig. Ginagamitan ito ng tuldik na pahilis (/) na inilalagay sa ibabaw ng huling
patinig ng salita.
Halimbawa: takbo, isa, malaki, bulaklak, katawan, luningning, alagad, alitaptap

4) Maragsa -> Ang mga salitang maragsa ay binibigkas nang tuloy-tuloy na tulad ng mga
salitang binibigkas nang mabilis, subalit ito’y may impit o pasarang tunog sa hulihan. Tulad ng
malumi, ito ay palagiang nagtatapos sa tunog na patinig. Ginagamit dito ang tuldik na pakupya
(/\) na inilalagay sa ibabaw ng huling patinig ng salita.
Halimbawa: kaliwa, dukha, po, sampu, salita, butiki, panibugho, tatlumpu

2. Haba -> paghaba o pag-ikli ng bigkas ng nagsasalita sa patinig ng isang pantig sa salita.
Ginagamit ang ganitong notasyon /./ at /:/ na siyang nagsasaad ng kahulugan ng salita
Halimbawa:
a. /asoh/ - usok
/a:soh/ - isang uri ng hayop
b. /pitoh/ - bilang na 7
/pi:toh/ - silbato

3. Tono -> pagtaas o pagbaba ng pagbigkas ng salita o pangungusap depende sa nais


iparating ng nagsasalita.

4. Antala/ Hinto -> saglit na pagtigil ng ating pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
mensaheng ibig nating ipahayag sa ating kausap.
Halimbawa:
a. Hindi, ako si Tonyo, ang pumatay sa kanya.
b. Hindi ako, si Tonyo ang pumatay sa kanya.
c. Hindi, ako, si Tonyo, ang pumatay sa kanya.

(2) MORPOLOHIYA

Ang Morpolohiya o Morpolohya ay ang pag-aaral sa pagbuo ng mga salita sa pamamagitan


ng iba’t ibang morpema o maliliit na yunit ng mga salita.

MORPEMA -> ito ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na may kahulugan.
Halimbawa:
makahoy = [ma-] at [kahoy] = maraming kahoy
mapera = [ma-] at [pera] = maraming pera
Mga Anyo ng Morpema:
1. Morpemang binubuo ng isang ponema
2. Morpemang binubuo ng panlapi
3. Morpemang binubuo ng salitang-ugat

Mga Alomorp ng Morpema:


[pang-, mang-, sing-, sang-] -> /a, e, i, o, u/ o /k, g, ng, m, n, w, y/
[pam-, mam-, sim-, sam-] -> /b/ o /p/
[pan-, man-, sin-, san-] -> /d, l, r, s, t/
Mga Pagbabagong Morpoponemiko:
1. Pagpapalit ng ponema -> kapag ang (d) ay nasa pagitan ng dalawang patinig kaya ito'y
pinapalitan ng ponemang "r".
Halimbawa:
ma + damot = madamot = maramot
ma + dunong = madunong = marunong

2. Asimilasyon -> pagbabagong nagaganap sa (n) dahil sa impluwensiya ng ponemang


kasunod nito.
a) Asimilasyong di ganap - pagbabago sa unang morpema
Halimbawa: pang + bansa = pambansa, sing + bait = simbait, mang + batas = mambabatas
b) Asimilasyong ganap: pagbabago ng kapwa panlapi at salitang-ugat.
Halimbawa: mang + tahi = manahi, pang + palo = pamalo, pang + takot = panakot

3. Metatesis -> pagpapalit ng posisyon ng panlaping "-in" kapag ang kasunod na ponema ay
ang mga ponemang /l, y/.
Halimbawa:
lipadin-nilipad
yakapin-niyakap

4. Pagkakaltas ng Ponema -> mayroong pagkakaltas o pagtatangal ng ponema.


Halimbawa:
takip + an = takpan
sara + han= sarhan
laba + han = labhan
dala + hin = dalhin

5. Paglilipat-diin -> kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng panlapi, ito ay nagkakaroon ng


pagbabago sa pagbaybay at pagbigkas.
Halimbawa:
laro + an = laruan
dugo + an = duguan

(3) SINTAKSIS

Ito ay pag-aaral ng sintaks. Ang sintaks ay ang tawag sa pormasyon ng mga pangungusap sa
isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang
pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.

(4) SEMANTIKS

Ito ang tawag sa pag-aaral sa kahulugan ng salita o ng isang wika.


Halimbawa:
BOMBA
1. pampasabog
2. poso
3. masamang amoy/ baho

You might also like