You are on page 1of 2

Guevarra, Ronald DC.

BSEd 1B

8:00 am- 9:30 am

ALOPONO

 Ang tawag sa bawat isang anyo ng mga ponema.


 Pangkat ng mga tunog na itinuturing halos magkatulad sa isang wika.
 Halos magkatulad sa bigkas ang dalawa o higit pang tunog kapag ang mga ito ay parehung-
pareho sa punto at paraan ng artikulasyoan ngunit may bahagyang bahagya lamang sa
pagkakaiba.

KATANGIAN NG ALOPONO

1. Hindi nag-kokontrast o di nagsusulangatan sa magkatulad na kaligiran.


2. Magkatulad sa bigkas sa punto at paraan ng artikulasyon.
3. Nasa Distribusyong komplimentaryo.

Apat (4) NA ALOPONO NG [t]


Ayon kay Buchanan, 1963

[t] = (DI ASPIRADO)

 kapag ang /t/ ay sumusunod sa /s/


 Hal: Stand, Stole, Stop

[t’] = (ASPIRADO)

 Kapag ang /t/ ay nasa posisyong inisyal.


Hal: tin, tip, tan, top
 Karaniwan kapag ang /t/ ay nasa posisyong pinal.
Hal: sit, mint, get, light.

[t-]= (PIGIL)

 Karaniwan kapag ang /t/ ay nasa posisyong pinal.


Hal: pit, lit

[t] = (TAP)

• Kapag ang /t/ ay nasa pagitan ng dalawang patinig.


Hal: bitter, butter, water

 Ang bawat Alopono ay may kanya-kanyang posisyon sa salita maliban sa /t/ na bukod sa
posisyong inisyal ay ginagamit din sa posisyong midyal at pinal sapagkat kalimitan ay malaya
itong makakapagpalitan sa [t’] at [t-]
 Lahat ng alopono ng /t/ ay binibigkas ng walng boses at pasara; ang punto ng artikulasyon ay
ALVEOLAR.

ALOPONO SA FILIPINO

Pinakakilala sa Filipino ang ALOMORP. Itinuturing itong Alopono sapagkat may lumalabas na
partikular na anyo ang isang ponema. Ito ay maihahalintulad sa halos magkakatulad na bigkas ng
mga salita o isinasama sa salita katulad ng: “pang”, “pam”, “pan”, subalit mayroon pa ring
bahagyang pagkakaiba.

Paggamit ng mga ALOMORP

1. Ginagamit ang “pam” kung ang susunod na salita ay nagsisimula sa mga titik ng “p” at “b”.
Halimbawa:
(p) pam+panitikan = pampanitikan
pam+publiko = pampubliko

(b) pam+balana = pambalana


pam+bansa = pambansa

2. Ginagamit ang “pan” kung ang susunod na salita ay nagsisimula sa mga titik ng “d”, “l”, “r”,
“s”, at “t”.
Halimbawa:
(d) pan+diwa = pandiwa
(l) pan+lasa = panlasa
(r) pan+radyo = panradyo
(s) pan+sagwan = pansagwan
(t) pan+tao = pantao

3. Ginagamit ang “pang” kung ang mga susunod na salita ay nagsisimula sa mga titik ng patinig:
“a”, “e”, “I”, “o”, “u”, at mga katinig: “k”, “g”, “h”, “m”, “n”, “ng”, “w”, at “y”.
Halimbawa:
(a) pang+abay = pang-abay
(e) pang+editorial = pang-editoryal
(i) pang+ihip = pang-ihip
(o) pang+opisyal = pang-opisyal
(u) pang+una = pang-una
(k) pang+kilay = pangkilay
(g) pang+gamot = panggamot
(h) pang+hiwa = panghiwa
(m) pang+mayaman = pangmayaman
(n) pang+nilalaman = pangnilalaman
(ng) pang+ngalan = pangngalan
(w) pang+walis = pangwalis
(y) pang+yarda = pangyarda

 May mga salita sa Filipino na ginagamitan din ng “pang” sa unahan, subalit nagkakaroon ng
pagbabago, halibawa nito ay ang salitang panitikan.
o Ito ay mula sa: pang+titik+an = pang + titik + an = panitikan
 Ang tawag sa prosesong ito ay pagbabagong morpoponemiko ng isang morpema.

You might also like