You are on page 1of 26

G, g png: ikapitóng titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na 

dyi
G (dyi) daglat:Ginoó.
Ga png:tawag at bigkas sa titik G sa abakadang Tagalog.
Ga pnb:bagá
Ga pnl:pambuo ng pang-uri at nangangahulugang kasukát o katulad ng súkat ng tinutukoy sa
kasunod na salita, hal gabútil.
Gâ!pdd:varyant ng Bulagâ!

gá·ab png :paglantad sa panganib o sa kapahamakan


gá ad png :pandán.

ga·a·lín pnb :ang sukat kung gaáno kalaki o kalayò.

ga·án png :kababàan ng timbang


gá·ang png :bútas ng sisidlan, karaniwan sa tapayan.

gá·ang pnd |ga·á·ngin, gu·má·ang, i·gá·ang :idarang ang isang bagay sa init ng apoy.

ga·a·nó pnh pnb |[ ga+anó ]:ginagamit sa pangungusap na may himig ng pag-aagam-agam,


pagdaíng, o paghanga.

ga·á·no pnh pnb:pananong na iniuukol sa dami, bílang, halaga, súkat, o panahon Cf GAALÍN

gá·ar pnr :sinaúna.

ga·ás png :tawag sa kérosín.

ga·ás-ga·ás png :ibong nása pamilyang babbler (Macronus Striaticeps ), kulay kayumanggi ang


pakpak at buntot, at may mga guhit na itim at putî ang ulo.

gá·at png: bahagyang ukit na sinadya sa pamamagitan ng patalim upang madalîng mabalì ang isang
bagay.

Gab png :mababaw na usapan o pagsasalita.

ga·bà png :parusa sa kalapastanganan Cf KÁRMA

ga·bâ png :gupò1-2

gá·ba png :palihim o biglaang pagsalakay sa kaaway 

ga·bák png:púnit 

gá·bak pnr :malalim ang hukay o malakí ang lubak, karaniwang sa lupa
ga·bán png : pagtatalik ng mga hayop

ga·báng png:mabagal na pagkilos o paglakad — pnr ma·ga·báng.

gá·bang png: uri ng hinihipang kawayan na nakalilikha ng mataas na tono

ga·bá·ra png :malapad na sasakyang pantubig, sapád ang ilalim, at ginagamit sa pagdadalá ng mga
kalakal at iba pang kargamento : BARGE var gebára

ga·bar·dín png :malambot at matibay na uri ng tela na yarì sa lana, cotton, o rayon : GABARDINE

gabardine (gá·bar·dín) png :gabardín.
ga·ba·ré·ro png :tao na nagpapalakad o namamahala sa gabara var gebaréro

ga·bás png :lagarì.

ga·bát png :timbáng1

gá·bat png pnr :yagít2 : lagalág

gá·baw png :karagdagang presyo.

ga·báy png:Ark bahagi ng hagdanan na hinahawakan sa pagpanhik o


pagbabâ : ALUBÁYBAY, GALABÁY, GUYÁBNAN Cf BARANDÍLYA 

gá·bay png :síbi1

gá·bay pnr :hulí1 o náhulí.

gáb·bang png:instrumentong tulad ng xylophone, yarì sa kawayan, may sunod-sunod na eskala, at


pinapalò ng maliit na martilyong kahoy : BATAKÁN4, TÁMLANG1 var gambang Cf TALÓNGGATÍNG

gáb·bay png :kílik.

gab·bó png :bunô o pagbubunô.

gáb·bok png :sayaw bílang pasasalamat sa ikatlo o ikaapat na buwan ng sanggol.

gab·bós png :kuyog ng mga bubuyog na ilahas.

gá·be png :halámang-ugat (Colocasia esculenta ) na makinis at nakakain din ang dahon 

ga·be-ga·bí·han png[ gábe+gábe+ han ]:halámang-ugat (Monochoria hastata ) na mahahabà ang


dahon at nabubúhay sa mamasâ-masâng lupa.

gá·beng-u·wák png [ gábe+na uwák ]:semi-akwatikong yerba (Monochoria vaginalis ), 50 sm ang


taas, malalapad ang dahon na parang gabe, kumpol ang bulaklak na kulay lilà, at itinuturing na damo
sa bukirin at gilid ng lawa : BILÁGUT, LAGTÁNG2

gáb·hay pnr :kulay na nalulusaw na itim, nagiging kayumanggi hanggang sa pumutî.

ga·bí png :kabuuan ng isang magdamag ; oras o panahon mulang paglubog ng araw hanggang
muling pagsíkat nito

gá·bi pnd :apihín o mang-apí.

ga·bí-ga·bí pnr:tuwing gabí ; hindi sumasála sa gabí.

ga·bi·lán png :isang maliit na ibong mandaragit (genus Accipiter, family Accipitridae ) na sumisilà ng


maliliit na hayop : SPARROW HAWK

ga·bí·lan png: katam na pangkutab, karaniwang ginagamit sa pagpapakinis ng mga bagay

ga·bi·né·te png:lupon ng mga opisyal ng iba’t ibang kagawaran at ahensiya na tumutulong sa


pangulo sa pagpapatakbo ng pamahalaan : KÁBINÉT2, MINÍSTÉRYO1

ga·bí·tay pnd :ilawit sa tubig.

gable (géy·bel) png 
gab·lé·te png :hugis tatsulok sa dakong unahán ng bubong na nagbibigay lilim sa bintana o pinto 

gab·lós png :kadyós.

gáb·not png :sabúnot.

gá·bo png:galbó1

gá·bog pnr :malabò.

ga·bók png:alikabok sa damit

gá·bok pnr: bulók.

gá·bol png :kamandág1

Ga·bónpng :isa sa mga bansa sa kanlurang Africa.

gá·bon png:lason ng haláman

gá·bot png:búnot1 o pagbúnot, karaniwang pagbúnot ng halaman o damo


Gabriel (géyb·ri·yél, gab·ri·yél) png :sa Bibliya, arkanghel na nagbalita sa pagsisílang kay Hesus
sa pamamagitan ng Birheng Maria
gab·ríng pnd |gab·ri·ngín, gu·mab· ríng, i·gab·ríng, máng·gab·ríng :agawin ; hablutin.

gáb-ul pnr :malatâ

ga·bún png: lupà1

ga·bu·nán png :aswang na kumakain ng lamán ng tao minsan sa isang taon.

ga·búr png :tábon1

ga·bút pnr :matamláy.

gá·but png:palabnot na pagbúnot sa haláman o pagbúnot sa dahon nitó 

gáb·ya png :parisukat na punòng layag

gab·yón png :asaról.

gab·yó·ta png :kanawáy1

Gad png:sa Bibliya, anak na laláki nina Jacob at Zilpah at itinuturing na pinagmulan ng tribu ng Israel.

gá·da-gá·da png :banderitas na may iba’t ibang kulay.

ga·dán pnr :patáy1

ga·dáng png :singsíng

gá·dang pnr :maikli, kung sa damit at pantalon

gá·dang png :piraso ng kawá-yan o kahoy na ginagamit sa paggawâ ng maliit na hukay sa lupa na


tatamnan ng binhi.

gád·dang png :balát.
Gád·dang png :pangkating etniko na matatagpuan sa pusod ng Ca-gayan Valley at Silangang
bahagi ng Cordillera

gád·dil png :galís1

gád·dung pnr :lungtî.

gadfly (gád·flay) png :lamok na nangangagat ng báka

.gad·gád pnr:duróg1 o pira-piraso.

gad·gád pnd :paliitin ang isang bagay, karaniwang pagkain, túngo sa maliliit na piraso sa
pamamagitan ng pagkaskas nitó sa isang gadgaran : GRATE

gád·gad png :hasaán ng talim o talas ; batóng kiskisan.

gad·gár png:pagputol sa ugat

gad·gá·ran png |[ gadgád+an ]:isang kasangkapan na ang rabaw ay tadtad ng bútas na may mga
gilid na nakatinghas at matatalim, karaniwang ginagamit sa paggadgad ng keso, karot,
kamotengkahoy, at ibang matigas na pagkain : GRATER2 Cf KUDKÚRAN

gadget (gád·dyet) png :gádyet.

gá·ding png :gáring1-2

ga·díng-ga·díng png :maliliit na manyika at pigurin na gawa sa luad.

Ga·díw png :isdang-tabáng na maliit.

gád·las png :galmós.

gad·lós png:gálos.

gá·dol png :tari ng manok.

gadolinite (ga·dó·li·náyt) png :maitim na kristalinang mineral na may iron at silicon ng beryllium.

gadolinium (ga·do·lí·nyum) png:metalikong putî, malambot, at tíla pilak (atomic number 64, symbol
Gd ).

ga·dót png :pikpík.

gád·tu pnr :kulang sa tubig ang nilutòng pagkain.

ga·dút png :límit2

gad·yà png :malakíng halimaw sa dagat.

gad·yâ png :elepánte.

gad·yáng png:kulay lílang butó ng mais o bigas.

gád·yet png :anumang maliit na kagamitang mekanikal : GADGET

gád·yi png :suwéldo.

ga·éd png:síkap.
ga·fú pnr :úna1-2

gá·fu png :pinágmulán.

Gag png :busál

ga·gá png:bagay na ipinapasok sa bibig upang pigilin ang pagsasalita Cf BUSÁL


ga·gà png:isang uri ng matinik na halaman2
gá·ga pnr:utál
gá·ga- pnl:nangangahulugang kasinliit, hal gagalangaw.

ga·ga·bú·tan png :damo (Eleusine indica ) na karaniwang tumutubò sa mamasâ-masâng pook, at


may 60-80 sm ang taas.

ga·gád png :panggágagád var gagár 

ga·gád pnd :magpabayà o hindi tapusin ang gawain.

ga·ga·là pnr :lagalág.

gá·ga·lén png :ngangà1

gá·ga·ló png :karílyo.

ga·gá·ma-gá·ma pnr :minadalî ang paggawâ.

ga·gam·bá png :alinman sa mga kulisap (order Araneae ) na karani-wang may kakayahang


magsapot at may walong galamay 

ga·ga·mí pnd :sundan ang nakaugalian.

ga·gá·ong png : isdang-alat o tabáng (Therapon jarbua ) na guhitán ang

ga·gá·ot png:maliliit na bagay o ari-arian, karaniwang mababà ang halaga Cf ABÚBOT

ga·gáp pnr:alam na alam ; malalim ang kaalaman

gá·gap png:pagpisil sa palad


ga·gá·pang png :bának.

ga·gár png :varyant ng gagád.

ga·ga·rá png :láyon1

ga·gá·ra png:dahilán.

ga·ga·ríng png :mga uka na pinaglalagyan ng sagwan.

ga·ga·ti·rís pnr:napakaliit na maaaring tirisin ng kuko.

gá·get png :sípag.

gág·gal png :lagarì.

gá·gil png :amugís.

gág·nan png:magaspang at kulay asul na kumot na ginagamit noon ng mga Sangley.


ga·hà png :kaláwang.

ga·hâ png : bintanà1

ga·hák pnr:gawák.

ga·há·man png:tao na sakim, mapag-imbot, at mapangamkam.

ga·háng png :palamuting borda sa damit, paggawâ ng borda.

ga·ha·sà png :,pag-atakeng seksuwal sa sinumang tao sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang


katawan o anumang bagay .

ga·ha·sà pnr :mabilis at tahas, karaniwang hindi wastong paraan ng kilos o ugali.

ga·háw pnr :wala sa loob ang ginagawa.

ga·hì png:marka ng pagkasirà, lalo na sa kahoy

ga·hî pnr:nagsisimulang malanta Cf KULUNTÓY

gá·hid pnd  :higitin at itaas ang lambat mula sa ilalim ng tubig.

ga·hí·lang png :maís.

ga·hín png:ikaapat na bahagi ng isang salop Cf TSÚPA

ga·hi·na·nán png :lalagyan o sisidlan na kasiya ang sangkapat na salop.

ga·hís pnr:ginapi ng lakas o kapangyarihan

gá·hit pnd  :bunutin ang damo sa taníman

ga·hòpng:lihà1

gá·hod png: lamán ng niyog na malambot pa ; bungangkahoy na muràng-murà pa

ga·hól pnr:kulang o kapos sa panahon 

gá·hol pnr :pagód.

gá·hong png :húkay1

gá·hor pnr : nagsimulang magkaroon ng lamán ang niyog

ga·húm png:sapilitan ngunit hindi marahas na paggigiit at pagpapalawak ng kapangyarihan upang


makapaghari : HEGEMONY

ga·hú·may png :plawtang kawayan na may anim na bútas.

gá·hur png :úlap.

Gaia (gé·ya) png :personipikasyon ng Lupa ; asawa at ina ni Uranus at ng mga Titan.

gá·id png:pagsabit ng lambat sa isang bagay sa ilalim ng tubig

gaiety (géy·ti) png :sayá.

gaijin (gáy·dyin) png pnr :dáyo1 o dayúhan.


gá·ik png :háwan1

gain (géyn) png :anumang bagay na naabot o nakamit

gá·kap png :yákap.

gá·kat png:bálak1

ga·ká·tagpng : kálat.

gá·kes png:yákap.

gak·gák pnd:gumayak

gak·gák pnr :madaldál

gák·gak png:bíbe

gak·gá·kan png |[ gakgák+an ]:daldálan ng dalawang tao.

gá·kit png: páto

gak·lá pnd |gak·la·hín, gu·mak·lá, mang·gak·lá :takutin.

gá·kod pnd:itahi ; igapos.

ga·kós png:yákap.

ga·kót png :talì.

gá·kot png:talì o buhol sa itaas na gilid ng basket

gala (géy·la) png :masayáng okasyon o natatanging palabas.

ga·là png:lumakad nang walang layunin o kahihinatnan : SÚLI1

ga·lâ pnr:lagalág.

gá·la png:mga layak na inanod ng bahâ

ga·lá·ak pnd :biglang tumawa nang malakas at tuloy-tuloy.

ga·láb png:kárit1 var garáb

gá·lab pnr :bahagyang nasunog o nasunog lámang ang panlabas na bahagi.

ga·la·báy png :gabáy1

ga·la·bók png:pulbos na lupang higit na pino kaysa gabok.

galactose (gá·lak·tóws) png :galaktósa.

gá·lad png :malaswang paghawak, pagsalat, o anumang kahawig na paraan var gálar Cf HIPÒ

ga·lad·gádpng:paglilibot sa iba’t ibang lugar

ga·lád·gad pnd :sundan o gamiting batayan.


ga·la·gád pnr:nalibot nang lahat ; wala nang hindi pa naparoroonan Cf GALÚGAD
ga·la·gál png :lagarì.

ga·la·gá·la png :isang uri ng bitón na ipinapahid sa panlabas na dingding na kahoy ng sasakyang-


dagat bílang pampakintab at pampatibay : KÁPOL2, PANGÁPOL1

gá·la·gá·la png :seménto.

ga·la·gár png :langitngít1

ga·lá·gar png:pawagayway na paggalaw ng mga braso.

ga·lá·hu·non png :pananagútan ; bagay na sagutin ng isang tao.

ga·la·í·ti png:kilos o pagsasalita na bunga ng matinding gálit 

ga·lák png:sayá1

gá·lak png :pintíg

ga·lak·tó·sa png:putîng sugar (C66H12O6) mula sa lactose : GALACTOSE

ga·lálpng :sa sinaunang lipunang Tagalog, mga handog sa katalona

ga·lá·lan png :nabibitbit na sisidlan na gawâ sa hinabing maninipis na patpat ng kawayan o dahon


ng bule sa paraang masinsin ang habi gaya ng bayong, o may mga maliit na butas gaya ng basket
ngayon Cf  BASKET1, BAYÓNG

ga·lá·long png :gátong1

ga·lá·mar png :mga dumi o basura.

ga·lá·mat png:bingwít

ga·la·máy png:daliri sa kamay o paa

ga·lá·may png :baging na makinis at makahoy.

ga·la·máy-á·mo png:matigas na baging (Schefflera elliptica ) na katu-tubò sa Filipinas.

ga·la·máy-sen·yó·ra png :isang uri ng saging.

ga·lam·gám png:balísa1-3

ga·la·mi·tón png:gámit1-3

ga·la·mós png :kalmot o guhit sa mukha na likha ng kuko, pako, o anumang matulis na bagay
ga·lá·mos png:padaskol-daskol na paggawâ sa anumang bagay ; walang-ingat na paggawâ.

ga·lán png :laláking palaibigin ng mga babae

ga·láng png :hiyas na isinusuot sa


pulsuhan : BÁKLAW, BALÁDANG, BRACELET, BRÉYSLET, GÁLANG6, KALAMBIGÌ1, MINÁNIK, PÁNGLAY, 
PULSÉRAS
gá·lang png:kagandahang-asal na nararamdaman o ipinakikíta sa pamamagitan ng mataas na
pagkilála o pagtingin : ÁDAT3, ÁLANG-ÁLANG1, COURTESY1,DUTÌ, NGÁNI-
NGÁNI, RESPÉTO1, SIDHÂ1, TÁHOD Cf PITÁGAN — pnr ma·gá·lang — pnd gu·má·lang, i·gá·lang

ga·lá·ngan png [ galáng+an ]:hiyás1

ga·láng-ga·lángpng |[ galáng+galáng ]:dakong ibabâ ng bisig na malapit sa


palad : KARPÁL, PUPULSUHÁN, WRIST var galáng-galangán Cf CARPUS

gá·lang·gá·lang png :kalô.

ga·láng-ga·la·ngán png[ galáng-galáng+an ]:varyant ng galáng-galáng.

ga·lan·si·yáng png :kulíng-dágat.

ga·lan·táng png :gulantáng.

ga·lán·te pnr:laging handang gumastos

ga·lán·te·rí·ya png:pagiging magálang o maginoo : SIDHÂ2 var galantérya

ga·lan·tí·na png :putahe ng putîng karne o isda na tinanggalan ng butó o tinik, inilagay sa liyanera at
pinalamig bago ihain : GALANTINE

galantine (gá·lan·tín) png :galantína.

ga·lán·ti·yá png:uri ng palamuti o abaloryo na inilalagay sa ulo.

gá·lap png :saklolo ng kamag-anak, hal sa kamag-anak na nasugatan — pnd ga·lá·pan,


gu·má·lap.

ga·lá·pa·gó png :uri ng pagong o pawikan (group Testudines ).

ga·la·pá·ti png:paglalagay ng pansiksik sa bútas ng bangka

ga·la·pón png :galapóng.

ga·la·póng png:pinulbos o giniling na bigas na may kahalòng tubig na karaniwang ginagawâng


bibingka, puto, at kutsinta : GALAPÓN, GINALPÓNG, TAPÓNG3, TÁPUNG, TAPÚNG vargalpong
ga·lar·gár png :kalaykay na yarì sa kawayan at ikinakahig sa damo.

ga·lár·gar pnd :magsalita nang mahinà, malabo, at pautal-utal — pnr ma·ga·lár·gar.

ga·lás png:paklá1

gá·las png:sunod-sunod na mabuting kapalaran Cf BUWÉNAS

gá·las pnd :udyukan pa ang baliw

ga·lás bir·hén png:káhoy-dalága.

ga·las·gás png:ingay na naririnig kapag ikinukuskos ang isang bagay na magaspang o


magalas Cf LIGASGÁS — pnr ma·ga·las·gás.
ga·lát pnr :sakím

gá·lat pnr :kúlang.

ga·la·ú·ran png :dalampáng.

ga·láw png: kílos

gá·law png:mga harang ng kandado at pinto


ga·la·wád png :pagtataas o pag-iinat ng mga bisig
ga·lá·wan png :sisidlang may takip
ga·la·wáng png :galoáng.

ga·lá·wang png :iwagwag ang kamay.

ga·láw·gá·law png :laruán.

ga·law·gáw pnr:malikót1

ga·law·gáw png:nakakikiliting pakiramdam sa talampakan var gilawgáw

ga·la·wíd png:anumang uri ng insidente o okasyon

ga·la·wír png : anumang hawakán.

ga·lá·wit pnr :hindi makasugat o makasakít.

galaxy (gá·lak·sí) png : alin-man sa magkakahiwalay na sistema ng milyon-milyon o bilyon-bilyon na


bituing pinagsáma-sáma ng grabedad

Galaxy (gá·lak·sí) png :Mil ky Way.

gá·lay png: talbos o usbong ng kamote

ga·la·yán png :uri ng saging.

ga·lay·gáy png:galúgad1

gál·ba·ni·sá·do pnr :binalutan ng zinc.

gál·ba·ni·sas·yón png :pagbabálot ng zinc.

gál·ba·no·mét·ro png :kasangkapang ginagamit sa pagtuklas at pag-alam sa lakas at direksiyon ng


koryente : GALVANOMETER

gal·bó png: mahinàng pagtangay ng hangin sa papel o anumang magaan : GÁBO1

gal·bót png:halbót1 

ga·lé·bek png :gawâ1 o paggawâ.

ga·lé·bo png:húkay1

ga·lém png :semento, apog, luad, abo, o dumi ng kalabaw na ipinapalitada sa giikan ng palay at
ginagamit ding pamasak sa bútas ng banga.
ga·lé·na png :pinakakaraniwang abuhing mabigat na mineral o sulfur ng tingga (PbS); pinakamahal
na inambató ng tingga : LEAD SULPHIDE

ga·le·ón png:noong panahon ng Español, malakíng barko na ginamit sa kalakalang Maynila-


Acapulco var galyón

ga·lé·ra png :malakí at matibay na karwahe para sa paghahatid ng kalakal : GALLEY Cf WÁGON

ga·le·rá·da png:pruwebang gáling sa galera : GALLEY PROOF

ga·le·rí·ya png:pook na pinagtatanghalan ng mga likhang-sining ; bulwagan : GALLERY

Ga·lés png: tao na Welsh.

Gá·les png :Wales.

ga·lé·wey png :alimásag.

gal·gál png:paghahanda ng mga kailangan para sa pista, o para sa araw ng trabaho, atbp.

gal·gál pnr:tunggák, lalo na kung babae.

gál·gal png:sugál1

gál·gal pnb:kahit na.

ga·lì pnb :kahit na.

ga·lî png :anumang nagdudulot ng sayá1 ; pampalubag ng loob, kasiyahan ng damdamin

ga·li·án png | galî+an :pagdiriwang

ga·lí·gid png :ibabâng bahagi ng bundok o burol : PAÁMBUNDÓK

ga·li·gír png :tabí o gílid1

ga·lí·la png:sasakyan ng nobyo na punông-punô ng dekorasyon at ginagamit sa kasal

Ga·li·lé·a png :rehiyon sa hilaga ng sinaunang Palestina, sakop ngayon ng Israel : GALILEE


Galilean (ga·li·lí·yan) png :Galileo.

Galilee (gá·li·lí) png:Galiléa.

Ga·li·lé·o png:tao na taga-Galilea : GALILEAN

ga·li·lí png :bangín.

ga·lím·ba png :puláng niyog ; niyog na magulang na Cf  KALIMBAHÍN2

ga·lim·gím png:lumbay dahil sa pag-iisa : LONELINESS

ga·lim·hím png :álinlángan1-2 o tákot var galimhóm


ga·lim·lím png:pigil na pagmamahal ; damdamin ng kawalang-pag-asa var gulimlím

ga·li·mú·saw png:kakulangán

ga·líng png:pagbuti o paglakas na muli ng isang maysakít 


gá·ling png :paggawâ ng sinulid.

gá·ling pnd :mulâ o magmulâ 

gá·ling pnr :tunggák.

gá·ling pnb:sinusundan ng sa o kay, mula sa o mula kay ; o kayâ’y batay sa o batay kay.

ga·líng-al·dó png  liwaywáy.

ga·lís png :sakít sa balát na likha ng maliliit na kulisap o kagaw : DÚLDOL1, GÁDDIL, GIRÍ1, NUKÁ —


pnr ga·lí·sin ma·ga·lís.

ga·lís-á·so png  |[ galís+áso ]:sakít sa balát ng áso na nanlalágas ang balahibo at may maliliit na
sugat 

ga·lís-ma·má·so png [ galís+ma-maso ]:galis na lumalakí at nangangapal ang mga gilid, at


karaniwang nag-iiwan ng maiitim na peklat kung gumalíng.

ga·lís-ná-ti·mák png :galís-áso.

ga·lít png :palamuti sa leeg o kuwintas na yarì sa ginto.

ga·lít pnr:may gálit o matinding samâ-ng-loob : BURÁT1, MAD3

gá·lit png:matinding damdaming dulot ng kawalan ng kasiyahan, yamot, o hinanakít — pnd ga·lí·tin,


ma· gá·lit

ga·lit·gít png :bigla at marahas na gálit na nawawala rin agad.

ga·lit·gí·tan png :tao na lubhang magagalitín.

ga·li·yák png:biglang pagtawa na mahinà lámang ang tunog — pnd ga·li·ya·kán, gu·ma·li·yák.

gall (gal) png :apdó1

gall bladder (gal blá·der) png :pantóg1

gallery (gá·le·rí) png :galeríya.

galley (gá·li) png :galéra

galley proof (gá·ley pruf) png :galeráda.

gallium (gál·yum) png :element na metaliko, makinis, at pinilakan ang kulay (atomic number 31,
symbol Ga ).

gallon (gá·lon) png :galón3-5

galloon (ga·lún) png :galón1-2

gallop (gá·lop) png :kabíg.

gal·mós png :nagsugat na gasgas o galos sanhi ng kuko, tinik, at iba


pa : BÁGRAS1, GÁDLAS, GARÁS, HÍRAS2, KÁMOS2 var kalmós

ga·ló png:uri ng punong-kahoy (Anacolosa frutescens ) : YÚPA


ga·lò png: mapuláng butil ng bigas — pnr ma·ga·lò
gá·lo png :kílay.

ga·lo·áng png :pag-imbay ng mga braso : GALAWÁNG

ga·ló·lan png :uri ng basket na may takip.

ga·lón png :makitid na telang may palamuti tulad ng ginto o pilak na sinulid : GALLOON

gá·long png: uri ng mababàng banga : KALÁLANG


ga·lo·ngán png :kahoy na ginagamit na karete ng sinulid
gá·los png:bahagyang gasgas o guhit sa balát o sa iba pang rabaw na likha ng mga bagay na may tulis o
talim : BÁKRUS, BARLÍS2, DULÍS1, DUPLÍS, GADLÓS, GARADGÁD,GARÚMYAD, GURLÍS, GURLÍT, KUDLÍT1, KORLÍT2, 
PAKRÍS1 PÍKAT1

gá·los pnr :nag-aalala

ga·ló·ses png :bota na karaniwang gawâ sa goma.

ga·lót png:táwa o pagtáwa.

ga·lót pnr:hindi pantay ang pútol o gupit ng buhok, tela, at katulad

gá·lot png:paghatak nang pasaklot sa mga dahon ng haláman o damo

ga·lót-ga·lót pnr :lumang-lumà o halos masirà na, gaya ng galot-galot na banig.

gal·póng pnr:dinurog hanggang mapulbos

gál·sa png :gansâ.

gal·tíng png pnr:lábis.

ga·lúd-ga·lúd png :balbálut.

ga·lud·gód png :paghatak at pagpagpag ng banig sa sahig.

ga·lú·gad png:pag·ga·lú·gad paghahanap nang puspusan sa lahat ng


dako : GALAYGÁY, GAYGÁY, LANÁW, SUGÁSOG

ga·lú·gar png :paghanap nang mahigpit sa isang bagay sa lahat ng pook.

ga·luk·gók png:katál1

ga·lú·la png :isang uri ng sasakyang-dagat.

gá·lum png :úlap.

ga·lu·ma·tá png:varyant ng kalumatá.

ga·lum·báng png :alon sa laot

ga·lum·bóng png :punongkahoy na pinagkukunan ng langis na pampakapit sa mga pinagdudugtong na


bahagi ng bangka.

ga·lum·páng png :isang maliit na piraso ng butó ng hayop na ginagamit sa paghahabi.

ga·lum·pî png :punongkahoy (Clausena lansium ) na dilaw ang bunga, ipinakilála sa Filipinas noong 1837 at
muling ipinakilála noong 1912 mula China : WAMPÎ
ga·lung·góng Zoo :isdang-alat o tabáng (Decapterus macrosoma ) na maliliit ang
ngipin : BUDBORÓN, KAMARÓNG, MAKAÚGUM, PULÁNG-BUNTÓT, SCAD, SIBÚBOG, TABILÓS,TÍLUS

ga·lúng·gung png :gináw2

ga·lú·ra png :diliwáriw1

ga·lur·gór png :hanay ng taluktok ng mga bundok.

ga·lus·gós png:malalim at mahabàng gurlis o galos sa balát o anumang rabaw.

ga·lút png: hálas1

ga·lút pnr :gutáy dahil sa labis na paggamit.

gá·lut png :úten.

ga·luy·góy png:kaligkíg

galvanometer (gal·va·nó·mi·tér) png  : gálbanométro.

gal·yáng png :palawán.

gal·yé·ra png :mababàng upuan na ginagawâng kulungan ng manok ang ibabâng bahagi var galéra

gal·yé·tas png :tinapay na karaniwang parisukat, malutong, hindi gaanong matamis, at sinasangkapan ng


patatas var gayétas Cf KRÁKER, BISKUWÍT

gal·yí·na png :inahín2

gál·yo png :tandáng1

gal·yón png :varyant ng galeon.

Gam png :pangkat ng 10 20 o higit pang lumba-lumba na sáma-sáma kung lumangoy.

ga·má png :isang piraso ng saging

ga·mà png  :pag-iingat sa isang bagay

ga·mâ png:paghingal dahil sa pagmamadali


gá·ma png :pagbibigay ng maingat na alaga.

ga·má-ga·ma·tí·san png :lubílubí1

gá·mak pnd :madaliin ang isang gawain.

ga·ma·láw pnd :pumagitna.

gam-án pnr :marumí.

ga·má·ra png:piraso ng katad na ikinakabit sa busál at ilalim ng síya ng kabayo, kalabaw, at iba pa

gá·maspng:pagpútol o pagbúnot ng damo sa paligid ng tanim : 

ga·mát pnr :dáti2

gá·mat png:uri ng yerbang matinik

ga·má·ta png :basket na gawâ sa yantok para sa permentasyon ng bigas na gagawing alak.


ga·máw png:paghahalò ng dalawa o mahigit pa

ga·máw pnr  :singkól.

ga·máy png:antigong hiyas


ga·máy pnr:muntî
gá·may png: ginto na may 22 kilates
gá·may pnr:sanáy na sa ginagawâ o nakagawian ang gawain.

gam·bápng :tákot Cf PANGAMBÁ

gam·bâ png :salumbabâ.

gam·bá·gam·bá png :malakíng gagamba.

gam·ba·là pnr :walang mágawâ, tamad, o nagpakakálat-kálat.

gam·ba·là png:pag-abala o pagkaabala sa ginagawâ : ESTÓRBO, 

gam·bá·la png :uri ng malakíng kabibe (genus Anodonta ).

gam·ba·láy png :gusalì.

gam·báng png:kayamanan at arî-arìan

gám·bat png :lambát1

gám·baw png:ibábaw1

gam·be·lán png :itak na napakalakí.

gam·bí png:pagbanggit o pagtukoy sa isang tao o bagay bílang patibay sa sinasabi 

Gambia (gám·bi·yá) png :isa sa mga bansa sa kanlurang Africa.

gam·bíl pnr :sariwa pa sa alaala var gámil

gam·bi·là png : pagbanggit o pag-tukoy sa isang tao o bagay na sariwa pa sa alaala — pnd gám·bi·lá·in,
gu·mam·bi·là.

gám·bir png:sumpóng1

gám·bit png :sa ahedres, ang panimulang sulong ng piyesa at kusang pagpapakain nitó upang makamit ang
bentaha.

gamble (gám·bol) pnd :magsugal.

gám·bler png :sugaról.

gám·bling png |[ gamble+ing ]:sugál o pagsusugal.

gám·bling den png |[ gamble+ing den ]:sugálan.

gam·ból png:pagkalamog tulad ng bungangkahoy na lumambot dahil sa pagkahulog

gam·ból pnd :bungkalin ang lupa sa paligid ng tanim upang hindi tumigas.

gam·ból pnr : magâ o namamagâ


gam·bóng png :malakíng banga na lalagyan ng tubig.

Gám·bong png :matapang na mandirigmang kilalá bílang tagapagtanggol ng sangkatauhan.

game (geym) png :salitâng isinisigaw upang ipahiwatig ang simula ng laro Cf HUWÉGO!

game (geym) pnr :marunong makibagay o kumilos sa mga katuwaan o sa biglaang pagkakataon.

gá·meng png :yáman1-3

ga·mét png:(Halymenia formosana ) na maaaring kainin ng tao

gamete (gá·mit) png :tigulang na cell na nakikisanib sa isa pang cell sa reproduksiyong seksuwal.

gam·gám pnd :kuhanin sa pamamagitan ng dayà o sa panakaw na paraan : GAMÓGAM Cf KAMKÁM

gám·gam png:uri ng ibon.

gam·gá·man png :parusang ipinataw sa lahat ng hindi tumupad sa kasunduan.

gam·há·nan pnr :makapangyaríhan.

gá·milpnr :varyant ng gambíl.

ga·mí·pal png :anumang gamit sa paglalaro.

ga·mís pnd :mag-asin ng isda o karne.

ga·mít pnr:nagamit o pinakinabangan na Cf SEGÚNDA MÁNO

gá·mit png :anumang bagay na kailangan upang maisagawa ang isang bagay, mabuo ang anuman, at iba
pa : GALAMITÓN1, GARAMÍTON, GÓNA1, USÁR — pnd ga·mí·tin, gu·má·mit

gam·láng png :marahang haplos o kamot ng dulo ng mga daliri.

gam·láy png:kakayahang gumalaw o kumilos.

gamma (gá·ma) png :ikatlong titik ng alpabetong Griego

gám·ma png :báwal.

gam·mál png :sunggáb.

ga·mó png:balát ng bungangkahoy na karaniwang pinakukuluan at ginagamit na sangkap sa tubâ

ga·mô png :lában.

gá·mo png:ligálig2

ga·mó·gam pnd :gamgamin.

ga·mól png :dumi sa mukha : ÁMOL1, AMÓS, TAPÍNG

ga·mós pnr :malî.
ga·mós png :inasnan o binuro gaya ng isda at karne : GINAMÓS1

gá·mos png: galos sa mukha

ga·mót png:sustansiyang nakapagpapagalíng ng


sakít : ÁGAS2, BÚLONG1, CURE1, DÁIR, DRÓGA, DRUG, ESPÉSYAS, LÚNAS1, LUWÍAN, MEDICINE, MEDIKASYÓN,MEDI
SÍNA2
, MIYAPÍYA, PAMPAGALÍNG2, PANLÚNAS1, POLÁING, REMÉDYO1, SARÓNGKAR, SUMPÀ, TÁMBAL, TREATMENT2, TÚYA, 
ÚRWAN
gam·pán pnd :tuparin ang isang tungkulin.

gam·pá·nin png |[ gampán+in ]:anumang dapat gawin : TASK

gám·pek png :paldang hugis bumbong at gawâ sa inangkat na tela.

gam·pól png :katas ng balát ng punongkahoy, kulay kape, at ginagawâng dampol ng lambat at tinà ng
pantalon.

gam·pón pnr : putól, tulad ng punongkahoy

gam·púng pnr  : maamag ; amoy amag.

gá·mu png :binúnga1

ga·mú·gam pnd :kapain, kapkapin.

ga·mú·ga·mó png :maliit na kulisap (group Lepidoptera ), may sungot at karaniwang umaaligid sa


ningas : ANUNÚGBA, BURBÚR, LAYÓG-LAYÓG, MARÓNG-PARÓNG, SUGBÁ SUGBÁ

ga·mú·sa png :katad na malambot at ginagamit sa pag-gawâ ng sapatos : SUEDE

ga·mút png : ugát1-5
ga·nà pnd :matanggal ang puluhan.

gá·na png :pagkakagusto sa kinakain ; pagnanais kumain nang


marami : APETÍTO, APPETITE, ÍBUG1, KAHÍNAM, NÁNAM, NÁPSO — pnr ma·gá·na

 ga·ná·de·rí·ya png :rantso ng mga báka.

ga·na·dé·ro png:may-ari ng rantso ng báka.

ga·ná·do png:bakahán o pook para sa mga alagang báka.

ga·ná·do pnr :mahílig

ga·na·dór png :sasabunging tandang na nagwagi nang ilang ulit

ga·ná·gan png :patabâ.

ga·ná·ga·ná png :kulang sa kailangang bílang ng lábay2

ga·na·hán png:kalakarang pasahod sa mga manggagawà, lalo na at arawán Cf  ÚPA1

ga·ná·ka png:metal na ginagamit sa paggawâ ng trak

gá·nal png :mapurol na kasangkapang pampútol


ga·nán png:bahági1

ga·náng pnt |[ ganán+g ]:may “sa” sa unahán, gaya sa “sa ganang akin, ” mula sa bahagi o palagay ng
nagsasalita.
ga·nán·si·yá png:pakinábang1-2 var ginánsiyá

ga·náp png: lubusang pagtupad o pagsunod sa kailangang kabuuan, gaya sa kailangang bílang ng sinulid
upang maging ganap ang isang lábay

ga·náp pnr :walang anumang pinsala o depekto sa kalagayan, kalidad, at


pagtatanghal : BULÓS3, HIMPÍT, HÍNGPIT, NAPNÁP, PERFECT, PERPÉKTO
ga·ná·pan png |[ ganap+an ]:pambuô.

ga·nás png:dahon ng kamote.

ga·nát png:tayô1

gá·nay png :dalagang malakíng bulas kayâ higit na mukhang matanda kaysa gulang.

gán-ay png:sa malalaking titik, ang konstelasyong Orion

gá·nay·gá·nay png :himaynát2

ga·náy·gay png :gíray2

gan·dá png:ka·gan·dá·han kombinasyon ng mga katangian, tulad ng hugis, kulay, o anyo na kasiya-siya sa
mga pandamáng estetiko lalo na sa
paningin : ALINDÓG1, ÁNYAG,BEAUTY, DAYÁG, GANGGÁNA, GAYÓN1, KAANYÁG, KANÍNDOT, KÁSTA1, KATAHÚM, 
KATÁID1
, LAGÛ, LIBNÓS, MANÍS, SANTÍNG2, TAHÓM Cf DILÁG

gán·da png:interes sa utang na sandaang porsiyento taon-taon Cf TAKÍPAN


gan·dáng png:tambol na kabilaan : GÍMBA, GINÚBAL KALÁTONG2 TIYONGÓN
gán·dang png:noong panahon ng Español, bungkos ng 25 kangan.

gan·dáng-usá png :uri ng damo.

gan·da·sú·li png :kámya.

gan·dá·wa·rí png |[ ganda+wari ]:dekorasyong inilalagay sa harapán ng sasakyang-dagat.

gán·der png :laláking gansâ.

gan·dí·ngan png :makitid na agung at mababaw ang umbok sa gitna

gan·dú·u png :gábe.
ga·nét png :ganít1

gang png :pangkat ng mga tao na nagsáma-sáma para sa masamâ o ilegal na gawain

Ganga (gáng·ga) png:tawag sa Ilog Ganges.

gá·ngal png :malakíng bató.

gá·ngan png :tabáng-bayáwak.

gá·ngat png :sindí.

Ganges (gán·jez) png :ilog sa hilagang India at Bangladesh na umaakyat sa Himalayas at dumada-loy


patimog-kanluran nang umaabot sa 2,700 km hanggang sa baybayin ng Bengal upang maging pinakamalaking
sabángan sa daigdig, itinuturing itong sagrado ng mga Hindu at tinatawag niláng Ganga : ILOG GANGES
gang·gá- pnl:katulad ng lakí o súkat ng bagay na pinagtutularan, hal ganggasantol.

gáng·ga png :baratílyo.

gáng·gab png:hikáb1

gang·gá·len pnr :tamád.

gang·gá·na png :gandá1

gang·gáng png:gagambá

gang·gáng
pnd :magtipon ng marami upang makíta ang anumang natatanging bagay.

gáng·gang png :babalâ1-2

gang·ha·án png :pintô.

gá·ngi png :kawaling yarì sa luád.

gá·ngis png:kuliglíg1

gang·ku·líng png:isda (family Pseudochromis ) na dilaw ang katawan.

ganglion (gang·glí·yon) png:ganglíya.

gan·glí·ya png :sangkap na kulay abo sa labas ng utak at gulugod : GANGLION

ga·ngó pnr:tuyót

gá·ngo png:niyog na matigas na ang lamán at maaari nang gatain o gawing kopra

gangplank (gáng·plangk) png  : tulayan o tablang ginagamit na pansamantalang tulay.

gan·gré·na png |:pagkamatay at pagkabulok ng himaymay ng katawan dahil hindi na dinadaluyan ng dugo.

gang·sá png:laláking gansâ.

gáng·sa png |:sapád na gong : ANÚNGOS, KALSÁ2, HÁNSA1, PALÁY, PALÁY AN, PÁRYUK, PÁWWOK2 var kangsa Cf


PINSÁK

D
da·má png |:pagdánas o pagkilála sa isang bagay o tao sa pamamagitan ng
pandamá : FEELING2 Cf FEEL — pnd dam·hín, i·pa·da·má, ma·da·má.

dá·ma png:Isp larong Filipino na kahawig ng ahedres at may layon na ubusin ang piyón ng kalaban

dama de noche (dá·ma de nó·tse) png |:halámang ornamental (Cestrum nocturnum ) na mahabà


ang mga sanga, at berdeng manilaw-nilaw ang bulaklak na humahalimuyak sa gabi, katutubo sa
tropikong Amerika vardáma de-nótse

dá·ma de-nót·se png :varyant ng dama de noche.

da·mág png :buong gabi Cf MAGDAMÁG


da·mág pnr |:sanáy o marunong sa isang bagay.

dá·mag png:anumang hila o kaladkad sa tubig

damage (dá·meyds) png :dányos.

da·ma·hán png |[ dama+han ]:tabla o kartong may 64 parisukat na may dalawang salit-salit na kulay
at ginagamit sa paglalaro ng dáma.

dá·ma·hu·wá·na png :malakíng bote na may maikli at makitid na leeg, nakapaglalamán ng 1-10


galon.

da·mák png:lápad ng palad

da·mák pnr:bukás ang palad


da·mán pnd |:magsalita sa pagtulog.

dá·man png |:matalinghagang pahayag sa ligawan at seremonya ng kasal : BALINGAKÁTA

da·máng png |:gagambá.

dá·mang png:yerbang isinasapin sa karne ng usa o baboy kapag hinihiwa o tinatadtad.

da·má·ra png:balag na may mga palamuti, may atip na dahon ng saging, bunga, o niyog, at may
balantok sa pinakaharapan na nagagayakan ng mga papel na sari-saring kulay

da·ma·rá·ma png :disenyong binubuo ng magkakadikit na parisukat

da·ma·sé·nopng |: dibuho o anumang ginagawâ sa pamamagitan ng paghábi o pag-ukit.

da·más·ko png :telang yarì sa linen, sutla, bulak, o lana na hinábi nang may dibuho o disenyo.

dá·may png:túlong, saklólo, o pakikiisa sa hirap, dalamhati, o anumang hindi mabuting kalagayan

da·ma·yán png |[ dámay+an ]:tulungán ; pagtutulungan


dá·may-dá·may pnr:túlong-túlong ; nagtutulungan
dam·bá pnd |:biglang pagtaas at pagbabâ ng unahang paa at katawan ng isang hayop
dam·bà pnr |:matákaw.

dam·bâ png |:galaw ng isang tao na nauna nang naglayag, o nása hulihán.

dam·bà·an png [ dambâ+an ]:timon ng bangka.

dam·ba·nà png :altár.

dam·báng png:sabsában1

dam·bá·ngan png :labangán.

dam·bó png :paglukso na magkatabí o magkasáma ang dalawang paa — pnd dam·bu·hán,


dam·bu·hín, du·mam·bó.

dam·bô png |:isang prutas na may kulay.

dam·bóng png |pán·da·ram·bóng:marahas at malakihang pagnanakaw, halimbawa’y sa ari-arian


ng isang komunidad o bayan : DEPREDASYÓN, DEPREDATION, GÚBAT8, PLUNDER, SACK2, SAKÉO
dám·bong png :tagatawag ng mga tao.
dam·bu·ha·là png:balyéna
dam·bu·ha·là pnr:napakalakí : BARDAGÓL, HUGE

dam·bú·lat pnd |:magtakbuhan nang hiwa-hiwalay.

dam·bú·san png |:barakuda (Sphyraena obtusata ) na mahabà ang katawan, malakí ang ulo, at


pahabâ ang nguso.

dam·bu·wán png :luksóng-bayó.

dam·dám png:persepsiyon sa lahat ng nangyayari sa loob at labas ng katawan ng tao, pati ang
mekanismo o kasangkapan nitó Cf DAMÁ

dam·dá·min png:pandamá

dame (deym) png pnr:sinumang babae na may ranggo o awtoridad


dám·go png :panagínip1

dá·mi png: kabuuang bílang ; angking katangian ng mga bagay na maaaring sukatin, gaya ng laki,
saklaw, bigat, at bílang : AMOUNT2, DAKÁL, KAILANÁN2, MULTIPLICITY,MULTIPLÍSIDÁD —
pnd da·mí·han, du·má·mi, mag·pa·rá·mi.

da·míl png:lása1-2

da·mi·lâ png :gitatà.

da·mí·li png :seramika, palayok, o kagamitang yarì sa luad.

da·mi·lót png :gitatà.

da·mí·ra png :lambót2-3

dá·mis png |:pámpanó.

da·mít png:bagay, karaniwang piraso ng tela, na itinatakip o ibinabálot sa


katawan : ÁRAM, AYSÍNG, BADÒ, BANGGÁLA, BARÒ1, BAYÒ, BESTÍ, BURUWÁSI, CLOTHES,DRESS1, 
GEAR3 GÚBING1
,  , KAWÉS, MÁLAN, PANÁPTON2, PÍBLAS, SAPLÓT, SAPNÓT, SAPÚT2, SININÀ, STITCH4 Cf APPA
REL — pnd da·mi·tán, i·da·mít, mag·da·mít.

dá·mit png :pananahi o pagsusulsi.

dám·lag png :kabilugan ng buwan : DAÍL

eleventh (i·lé·vent) pnr | :ikalabíng-isá.

eleventh (i·lé·vent) png |:posisyon sa pagkakasunod-sunod na katumbas ng ikalabing-isang bílang


sa sunurang 1–11

elf png : duwénde
El Fi·li·bus·te·ris·mo png |:ikalawang nobela na isinulat ni Jose Rizal, karugtong ng Noli Me
Tangere, at nakatuon sa pagbabalik ni Crisostomo Ibarra bilang si Simeon upang maghiganti.

Eli (í·lay) png :sa Bibliya, paring gumanap na guro ng propetang si Samuel.

elide (i·láyd) pnd |:kaltasin ang isang patinig o pantig Cf TÍPIL


eligible (e·lí·dyi·ból) pnr :elihíble.

e·lí·hi·bi·li·dád png :kalagayan ng pagiging elihible, karaniwang may kinaláman sa karapatang


bumoto o manungkulan.

e·li·hí·ble pnr |:karapat-dapat o maaaring piliin : ELIGIBLE

es·kán·da·ló png :alingasngás : SCANDAL
es·kan·da·ló·sa png :babaeng nakatatawag ng pansin dahil sa masamâ o inmoral na gina-
gawâ, es·kan·da·ló·so kung laláki var iskandalosa

es·kán·til·yón png |:padrón1–2

és·ka·pa·rá·te png :lalagyang yarì sa kahoy, may salamin, at ginagamit sa pagtatanghal ng


paninda Cf APARADÓR, ESTÁNTE

es·ká·pe png :pagtakbong tulad ng kabayo

és·ka·pó pnd |:tumakas ; kumawala : ESCAPE


es·ká·pu·lá png |:balágat1

es·ka·pu·lár·yo png :dalawang maliit na pirasong telang may nakalarawang mukha nina Jesus at
Maria, isinusuot sa leeg, at nakabitin ang bawat larawan sa dibdib at likod bilang sagisag ng
pagkakaanib sa isang pangkat panrelihiyon at tanda ng
pagdedebosyon : KALMÉN2, SCAPULAR2 var iskapularyo

és·ka·rí·pi·ka·dór png |:tagakadlít o pangkadlít sa balát : SCARIFIER

es·ka·rí·pi·kas·yón png:kadlít2 pagkadlít, o pagkakakadlít : SCARIFICATION


es·kár·la·tá png |:tela, kasuotan, o mga materyales na may eskarlata : KARDENÁL, SCARLET

es·kár·la·tá pnr |:matingkad na puláng may bahagyang kulay kahel : SCARLET

es·kar·la·tí·na png :makapal na káyo o lona na matingkad na pulá ang kulay.

es·ka·to·ló·hi·kó pnr :nahihinggil sa eskatolóhiya : ESCHATOLOGIC

es·ka·to·lo·hí·ya png |:sangay ng teolohiya hinggil sa kamatayan at hulíng hantungan ; o ang pag-


aaral tungkol dito : ESCHATOLOGY

es·ka·yó·la png :plaster na kahawig ng marmol, yeso, at iba pang bató, karaniwang ginagamit sa
paggawâ ng estatwa, pigurin, at katulad : SCAGLIOLA

es·ké·le·tó png  :kalansáy

git·lápng :gilálas1-2

gít·la·pìpng[ gitnâ+lapi ]:panlapi na inilalagay sa loob ng salitâng-ugat Cf ÚNLAPI, HULÁPI

git·láypnr :gitáy.

git·lípng :gatgát.

git·líng png:gatgát
git·nâ png:pinakapusod ng bilóg o ng anumang bagay na hugis
MÉDYA1
bilóg : BÍTNGA, BUTNGÀ, CENTER, CENTRUM, KALIBÚDTAN, LÉMBAK, LIBÚTAD, 
Gitnang Cordillera (git·náng kór·dil· yé·ra) png :sistema ng mga bundok na humahabà nang 275
km mula sa gitnang Luzon túngo sa hilagang Luzon, may mga taluktok na umaabot hanggang 2,500
m, at Bundok Pulog ang pinakamataas na taluktok.
Git·náng Lu·zón png :Rehiyon III, na binubuo ng mga lalawigan ng Bulacan, Pampanga, Tarlac,
Bataan, Nueva Ecija, at Zambales.

Git·náng Si·lá·ngan png:ang mga lupa sa baybáying silangan ng Mediteraneo at Aegean : MIDDLE


EAST
gí·tok png :kilitî1,2

gít·ta png :gatâ1

gi·tul·dók png :espesyal na uri ng tuldok na ginagamit sa pagpapantig ng isang entri sa


diksiyonaryo : MIDDLE DOT

give (giv) png :ibigay o magbigáy.

give away (giv a·wéy) png :regalo o alaalang ibinibigay sa mga panauhin sa isang pagtitipon.

given (gí·ven) png :hátag2

given name (gí·ven neym) png :únang pangálan.

gi·wà png :kuwágo (genus Otus ) na kulay pulá.

gí·wa png :paglubog o pagtaob ng bangka o sasakyang-dagat.

gi·wák pnr :gawák.
gí·wang png :mabuway na pagkilos o pagtakbo ng sasakyan : KARUYÂ, KÍYANG-
KÍYANG, KÍNDANG, LINDÍ, PANAGKILÍKIL, SARÁSAY2, VACCILATION2
gi·wa·sâ png :pagwawakas ng kasunduan o ng anumang nagbibigay ng pangangalaga.

gi·was·wás png :himasmás.

giw·gíw png :katóg.

gí·wong png :kobing na yarì sa metal : ÓNNAT, ÓLAT

gi·yá pnd :sumigaw sa paghingi ng saklolo.

gi·yá png :patnúbay1

gí·ya pnh :itó.

gí·yag png :basket na malanday at bilóg, may sálalayán, at ginagamit na plato.

gi·ya·gís pnr:balisá ; hindi mapalagay : DINÚSA, GÍNSASÁKIT, GIPÁKALISÚD, GISÁKIT, LÉPED

gi·yá·gis png:pagkiskis o pagdantay ng katawan sa kapuwa katawan Cf KIYÁKIS, KÍYAKÓS —


pnd gí·ya·gí·sin, gu·mi·yá·gis
gi·ya·ís png :gálit.
gi·ya·i·sáp png :pagkabahalà o pagkabalísa.

gi·yám pnd |:sumuray-suray o lumakad na parang pagód na pagód.


gí·yam pnd :kilitiin
gi·ya·mò png :pangangatí ng katawan.

gí·yan png :sugapà1

gí·yang pnd :wasakin o mawasak.

gi·ya·rí·ya png :varyant ng jiyaríya.

gi·yé·ra png :digmâ ; digmáan var géra

gi·yé·ra-pa·ta·nì png:maingay at labulabong away na walang kinahihinatnan.

gi·yólpng:varyant ng giól.

gi·yónpng :gitlíng2

gizzard (gí·zard) png :balúmbalúnan1
glab png :pambalot sa kamay, yarì sa makapal na katad o tela, karaniwang umaangkop sa hugis ng mga
daliri : GLOVE, GUWÁNTES, MITTEN, SÚUB
glacier (gléy·syer) png :mása ng yelong mabagal na umuusad sa ilog at nagmula sa mga niyebeng naipon sa
kabundukan.

Glad pnr :masayá.

gladiator (glád·yey·tor) png :gládyadór.

gladiola (glad·yó·la) png :gladyólo.

glád·ya·dór png :sa sinaunang Roma, tao na sinanay na makihamok hanggang kamatayan : GLADIATOR

glad·yó·lo png :haláman (genus Gladiolus ) na hugis espada ang dahon at may bulaklak na tumutubò nang
sunod-sunod sa isang panig ng tangkay : GLADIOLA

glamour (glá·mor) png:halína.

glance (glans) png :sulyáp.

glandpng  :glándulá.

glán·du·lá png :cell o pangkat ng mga cell na lumilikha at naglalabás ng isa o higit pang mga substance na
kailangan ng katawan : GLAND

glán·du·lár pnr :may kaugnayan sa glandula

gla·sé png :seda na makintab.

glass (glás) png :matigas, babasagin, at makintab na substance na tinatagusan ng liwanag at yarì sa


buhangin, soda, apog, at iba pang sangkap Cf KRISTÁL

glasses (glá·ses) png :anteóhos1

glassware (glás·weyr) png :kagamitang gawâ sa kristal, tulad ng baso.

glas·yálpnr:malamíg.
glaucoma (glo·kó·ma) png :glokóma.

glaze (gléyz) png :kintáb

glid png :píhit1

glide (glayd) pnd :mag-alimpapayaw o umalimpapayaw.

glider (gláy·der) png :uri ng sasakyang panghimpapawid na hindi nangangailangan ng mekanikal na enerhiya


para makalipad

glimmer (glí·mer) png :kutítap2

gli·se·rí·na png :likidong matamis at malapot na nalilikha sa paggawâ ng sabon (C3H8O3) : GLISEROL

gliserol (gláy·se·ról) png :gliserína.

glissade (glí·seyd) png :mahusay na pagdausdos sa ibabaw ng yelo pababâ sa bundok

glissando (gli·sán·do) png :mabilis at tíla dumadaloy na pagtugtog sa pamamagitan ng daliri ng mga teklado


ng piyano.

glisse (glí·sey) png :sa ballet, ang pagbababâ o pagpapadulas ng paa.

glitch (glíts) png :biglaang pagkasirà o pagloloko ng kagamitan.

glitterati (gli·te·rá·ti) png:mga sikát at mariringal na manunulat at artista.

glitz pnr :maringal ngunit mababaw na palabas

gló·bal png :operasyon ng buong file.

gló·balpnr :unibersal o tumutukoy sa buong mundo

gló·ba·li·sas·yón png:paraan ng pamumuhay at pananaw na nakaugnay sa buong mundo.

globe (glowb) png :glóbo1-6

globe amaranth (glowb á·ma·ránt)png:butónes-butonésan.

gló·bo png :mundó : GLOBE
glo·bu·lár pnr :hugis daigdig ; hugis globo.

globule (glów·byul) png :maliit na globo o anumang bilóg na bagay

gló·bu·ló png :cell na bumubuo ng dugo, gaya ng pulá at putîng globulo.

glo·kó·mapng :sakít sa matá, sanhi ng pagtaas ng presyon sa loob nitó at humahantong sa unti-unting


pagkabulag : GLAUCOMA

glo·ri·pi·ká pnd :iluwalhati o magluwalhati.

gló·ri·pi·ka·dór png :tagaluwalhati o tao na lumuluwalhati.

gló·ri·pi·kas·yón png :pagluwalhati o pagpapahayag ng luwalhati.

glór·yapng :luwalhatì.
Glór·ya Pát·ri png :dasal na isinasalin na “Luwalhati sa Ama. ”

glor·yé·ta png :estrukturang nása gitna ng liwasan o plasa na pinagdarausan ng mga palatuntunan

glor·yó·so pnr :maluwalhati o tigib sa kaluwalhatian.


gló·sa·rí png :talátinígan.

glo·sár·yo png :talátinígan.

glo·sí·tis png :pamamagâ ng dila : GLOSSITIS

glossitis (glo·sáy·tis) png :glosítis.

glossopharyngeal nerve (gló·so·fa·rín·dyi·yál nerv) png |:alinman sa pansiyam na pares ng cranial nerves.

gló·tal pnr :tumutukoy sa glotis o sa anumang kaugnay nitó, 

You might also like