You are on page 1of 23

PANTIG O

PALAPANTIGA
N
PANTIG O
PALAPANTIGAN

- Isang saltik ng dila o walang antalang bugso


ng tinig sa pagbigkas ng salita ang pantig. Sa
bawat pantig sa Filipino may patinig na
kaakibat ang bawat katinig. Ang patinig ang
itinuturing na pinakatampok o
pinakaprominenteng bahagi ng pantig.
(Santiago)
KAYARIAN NG PANTIG
P – pantig na binubuo ng patinig lamang, kaya’t tinawag na payak.
Halimbawa: o-o, a-sa, ma-a-a-ri
KP – pantig na binubo ng patinig na may tambal na katinig sa
unahan, kaya’t tinatawag ng tambal-una.
Halimbawa: ba-ba-e, ta-o, gi-ta-ra
PK - pantig na binubo ng patinig na may tambal na katinig sa
hulihan, kaya’t tinatawag ng tambal-huli.
Halimbawa: ok-ra, is-da, ma-is
KPK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na
katinig sa unahan at sa hulihan, kaya’t tinawag na kabilaan.
Halimbawa: ak-lat, su-lat, bun-dok
KKP – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na
klaster sa unahan.
Halimbawa: tse-ke, dra-ku-la, blu-sa
PKK - pantig na binubuo ng patinig na may tambal na
klaster sa hulihan.
Halimbawa: blo-awt, eks-tra
KKPK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na
klaster sa unahan at katinig sa hulihan.
Halimbawa: plan-tsa, trum-peta, trak
KPKK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na
katinig sa unahan at klaster sa hulihan.
Halimbawa: nars, kard, re-port
KKPKK – pantig na binubuo ng patinig na may tambal na
klaster sa unahan at sa hulihan.
Halimbawa: trans-por-tas-yon, tsart, blits-krig
PAGPAPANTIG
1. Hindi maaaring magkaroon ng dalawa o higit pang patinig sa isang pantig. Bawat
isa sa magkakasunod na patinig, magkatulad man o hindi, ay dapat ibilang na
isang pantig.
halimbawa: i-i-yak, i-a-a-lis, ba-o
2. Kung magkakasunod ang dalawang katinig, ang una’y ipinapantig sa patinig na
sinusundan at ang ikalawa’y ipinapantig sa patinig na sumusunod.
halimbawa: ban-sa, kam-pa-na, sob-re
3. Hindi maaaring magkaroon ng higit sa dalawang katinig sa unahan o sa hulihan ng
pantig. Sa ibang salita, maaari ang wala, maaari ang isa o dalawa, ngunit hindi
maaari ang tatlo o higit pa.
halimbawa: trans-por-mas-yon hindi transp-or-mas-yon
PONOLOHIYA
Ponolohiya

– ang tawag sa pag-aaral ng pinakamaliit na


yunit ng tunog na may kahulugan. Ponema
naman ang tawag sa isang makabuluhang
tunog sa Filipino.
1. Ponemang Segmental

– Kinakatawan ng mga titik at simbolo o


kombinasyon ng mga ito ang ponema. May 21
ponema sa Filipino, 16 ang katinig at 5 ang
patinig. Mananatili sa tunog ng wikang
pinanggalingan ang 8 titik na idinagdag sa
Alpabetong Filipino.
a. Mga katinig – nagkakaiba ang mga ponemang katinig
batay sa posisyon ng/at bahagi ng dila na ginagamit sa
pagbigkas.
Sa punto ng artikulasyon makikita kung ang bahagi ng
bibig na ginagamit sa pagbigkas ng katinig. Katumbas ng
sa Alpabeto ang /ŋ/ na binubuo ng dalawang titik ngunit
kinakatawan lamang ng isang makahulugang tunog.
Matatawag na malapatinig ang ponemang /y/ at /w/
dahil parang patinig ang pagbigkas nito.
b. Mga patinig- makikita rin sa tsart sa ibaba ang bahagi at
posisyon ng dila sa pagbigkas ng mga patinig.
2. Diptonggo

– Mga patinig ito na sinusundan ng malapatinig


na /w/ at /y/ na magksama sa isang pantig.
Ang sumusunod ang diptonggo: aw, ay, ey, iw,
iy, oy, uy.
Halimbawa: giliw, bahay, kalabaw
- Digrapo

– Ito ang tawag sa tunog na ng na binubuo ng dalawang


katinig ngunit iisa ang tunog o bigkas kaya kinakatawan
lamang ng isang simbolo /ŋ/.
Halimbawa:
ngayon
banga
tanong
3. Klaster

– Tinatawag na kambal katinig din. Binubuo ito ng


dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.
Impluwensya ito ng mga dayuhang salita.

Halimbawa:
nars, klase, grupo
4. Pares Minimal

– Mga salitang halos magkasintunog ngunit magkaiba


ang kahulugan.

Halimbawa:
batid-hatid
dinig-tinig
Bala-pala
5. Mga Ponemang
Suprasegmental
– Nagkakaroon ng ibang kahulugan ang salita dahil
sa tono (pitch), haba (length), diin (stress), at
antala/hinto (juncture).
a. Tono

- Ang pagtaas at pagbaba ng bigkas ng pantig ng


isang salita.
Halimbawa:
Mahal kita.
Mahal kita?
b. Haba at diin

– Nakapagpapabago ng kahulugan ng salita ang haba at


diin ng bigkas sa patinig.
Halimbawa:
tubó – sugarcane tubò – profit
babà – chin babâ – descent
basa – read basâ - wet
Mga Uri ng Diin

1. Malumay – may diin sa pantig na penultima o


ikalawang pantig mula sa huli.
Halimbawa: babae, lalaki, tao, tatay
2. Malumi – tulad ng salitang malumay, may diin din ito
sa pantig penultima; ang ikinaiba ay ang impit na
tunog sa dulo ng salita.
halimbawa: batà, bisà, hatì
Mga Uri ng Diin

3. Mabilis – tuloy-tuloy ang bigkas na may diin sa huling


pantig.
halimbawa: mabilís, bulaklák, takbó
4. Maragsa – tuloy-tuloy rin ang bigkas na may diin sa
huling pantig at may impit na tunog sa huli.
halimbawa: salitâ, dagsâ, dugô
Ang mga marka sa itaas ng patinig ay tinatawag na
tuldik.
(`) – paiwa
(‘) – pahilis
(^) - pakupya
c. antala/hinto

– Saglit na pagtigil sa pagsasalita upang malinaw na


maihatid ang mensaheng nais iparating.
Halimbawa:
Hindi akin iyan/
Hindi/akin iyan.

You might also like