You are on page 1of 5

MIDTERM SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN

UNA AT IKALAWANG LINGGO


STUDENT LEARNING OUTCOME:
1.Naipaliliwanag ang kahulugan ng ponolohiya
2.Nakikilala ang pagkakaiba ng ponemang segmental sa ponemang supra segmental
3.Nakapagbibigay ng mga halimbawa ng klater, diptonggo, at pares minimal
4.Naipaliliwanag ang mga uri ng ponemang supra segmental
LEARNING CONTENT:
PONOLOJI O PONOLOHIYA
Tulad ng alinmang wika, ang Filipino ay binubuo ng iba’t ibang tunog na nalilikha sa
pamamagitan ng pagsasalita. Fonetiks ang tawag sa sangay na ito ng linggwistiks. May tatlong
salik na kinakailangan para makapagprodyus ng tunog.
1.Ang pinanggalingan ng lakas o enerhiya. Ito ang gumagawa ng pwersa o presyon na
nagpapalabas ng hangin na galing sa baga.
2.Ang artikulador o bagay na nagpapagalaw sa hangin na lumilikha ng mga tunog, kung
saan naroon ang mga vocal-kord, (isang pares ng manipis na masel na pinagagalaw ng daan ng
hangin). Ito ay nasa larinks o adam’s apple.
3.Ang resonador ang sumasala at nagmomodepika ng mga tunog patungong bibig.

1.ANG PONEMA
Ponema ang tawag sa pinakamaliit na makabuluhang tunog ng isang wika. Ang Filipino
ay may 21 ponema-16 na katinig (consonants) at 5 ang patinig.(vowels) mga katinig-/ p t k
(glottal) b, d, g, m, n, y, h, s, l, r, w, y/ mga patinig /a, e, i, o, u/. Ang patinig ay itinuturing na
siyang pinakatampok o pinakaprominenteng bahagi ng pantig. Walang pantig sa Filipino na
walang patinig.ang glottal ay ay may simbolong anyong tainga. Ito ang ikalabing-anim na
katinig.

MGA URI NG PONEMA


1. PONEMANG SEGMENTAL
2. PONEMANG SUPRA SEGMENTAL
Uri ng ponemang segmental
1. Diptonggo- alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig ang tawag nito ay
diptonggo.hal. giliw, aliw, bahay, reyna, kalabaw, aruy. Ang diptonggo ay makikita sa
loob ng isang pantig.
2. Pares minimal- Ito ay pares ng mga salita na magkatulad ang bigkas ngunit magkaiba
ng kahulugan. Hal. pala (shovel) bala (bullet) , misa (mass) mesa (table)
3. Klaster-ay kambal katinig.may dalawang katinig sa loob ng isang pantig.
Hal. braso(br) klase (kl) londri (dr) sepulkro (kr) Kung may dalawang katinig na
nagkakasunod-sunod ang unang katinig ay maisama sa naunang patinig. Hal. radyo
ang titik d ay maisama sa pantig na ra, kaya walang klaster. Hal. sobre, ang titik b ay
maisama sa pantig na so,kaya walang klaster. Kung pantigin ang salitang radyo ay
ganito, rad-yo , ang salitang sobre ay ganito sob-re, walang klaster Ang klaster ay
maaaring matagpuan sa inisyal katulad ng braso( br), bra (br) klase (kl) maaaring
midyal hal. kompleanyo (pl) kompyansa (py) maaaring nasa hulihan hal. kard (rd)
sepulkro (kr) kompres (pr)
Mga uri ng supra segmental
1.Ang stress/diin- Ang salitang higit sa isang pantig na karaniwang binibigkas ay may
pantig na may diin o stress Ginagamit na simbolo ang /./, karaniwang nasa huling
dalawang pantig ang stress ng salita.
Hal. bata /ba.ta/ duster , baga /ba.ga/ uling na may apoy , hapon /ha.pon/
2.Tono o Intonasyon ay ang pagtaas at pagbaba ng tono ng boses ay depende kung
gaano kabilis magbaybreyt ang ating vokal kord.
3. Hinto o juncture- Isang saglit na katahimikan ang hinto. Nagkaroon ng hinto
pagkatapos ng pangungusap upang maging malinaw ang pagpapahayag ng kaisipang
nais na iparating sa kausap o babasa na kinakatawan naman ng tuldok(.) Mapapansn
sa pangungusap na may /// na siya namang kumakatawan sa (,) . Ito ang hinto sa
loob ng pangungusap kung kinakilangang ihiwalay ang isang bagay.
Hal. Hindi siya si Leo. Nasa huli ang hinto na ang kaisipang ibinigay ay ang
pagpapahayag na ang taong pinag-usapan ay hindi si Leo.
Hindi/ siya si Leo. Kabaligtaran naman ang kaisipang ito dahil ipinahahayag nito na
siya si Leo.
Hindi siya/si Leo. Nagpapahiwatig naman ito na ibinibintang sa isang tao ang isang
bagay na hindi nito ginawa, kundi si Leo ang gumawa.
Naipakitang ang iisang pangungusap ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang
kahulugan batay sa hinto sa pangungusap

PAGTUTURO-PAGKATUTONG GAWAIN: 2 pts. Bawat pahayag. PAALAALA: Sagutan lamang ang


Gawain at Ebalwasyon.
Panuto: Ibigay ang kaisipan ng bawat pahayag batay sa hinto na inilalagay.
1.Hindi/ ang Cabanatuan ang nasalanta ng bagyo.
2.Huwag/ siya ang sisihin mo.
3. Huwag siya/ ang sisihin mo.
4.Presidente/ ang kapatid ko.
5. Presidente ang kapatid ko.

EBALWASYON:
A.Panuto: Suriin kung may diptonggo o wala.
1.alingawngaw –
2.kawayan-
3.pagbibigayan
4.liwayway-
5.baliw-
6.rayuma-
7.suklay-
8.karayom-
9.aliw-iw-
10.kahoy-
B.Suriin kung inisyal, midyal, o pinal ang may klaster.
1.klima 2.alawans 3.eskwela 4.twalya 5.flora 6.balb 7.dimpols 8.kompwesto 9.gyera
10.awt

PAGLALAGOM-
Tinatawag na ponema ang pinakamaliit na makabuluhang tunog ng isang wika.
Mahalaga ang pag-aaral ng tunog sa lahat ng wika kaya ang ponema ang pinagsisimulan ng pag-
aaral ng wika. Nakikilala ang kahulugan ng ponema kung maipakikitang magkaiba ang mga ito
sa magkakatulad na kapaligiran tulad ng misa “pag-aalay ng seremonya sa Diyos” o “mesa”
hapag kainan o sulatan.Makikita rito ang magkaibang tunog ng e at i. Dahil dito masasabing
dalawang magkaibang tunog ang e at i. Magkaiba ang kahulugan ng mesa at misa.

IKALAWANG LINGGO

STUDENT LEARNING OUTCOME:


1.Naipaliliwanag ang kahulugan ng morpolohiya o morpoloji
2.Nakapagbibigay ng mga uri ng morpema at nakikilaa ang kaibahan nito.
3.Nasusuri ang pagkakaiba ng derivational sa leksikal

LEARNING CONTENT (PAKSANG ARALIN)


Ang morpoloji o morpolohiya- ay palatunogan.
Ang morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salitang nagtataglay ng kahulugan. Hal. sa
salitang doktora, makabuluhan ang a kahit isang titik lamang ito dahil nangangahulugan iyon ng
kasariang pambabae, dahil kapag doctor lamang may kahulugan itong kasariang panlalaki.
Tatlo ang uri ng morpema: ponema, panlapi, salitang-ugat
1. Ponema- ang titik na o ay nagangahulugang kasariang panlalaki at ang titik na a ay
pambabae.
Hal. barbero/barbera, kursero/kutsera , bumbero/ bumbera, doctor/doktora
2.Panlapi- may kahulugang taglay ang panlapi kaya’t morpema ito.May tinatawag na
panlaping makangalan kapag ang nabubuong salita’y pangngalan, panlaping makauri kapag ang
nabubuong salita’y pang-uri, at panlaping makadiwa kapag ang nabubuong salita’y pandiwa.
Hal. ang panlaping an ay maaaring maging panlaping makangalan kapag nagpapahayag ito ng
pook, maaaring panlaping makauri kung nagsasaad ito ng kalakihan ng ipinahahayag ng slitang-
ugat at maaaring panlaping makadiwa kug nagpapahayag ng kilos.
Kain + an = kainan- pook na pinaggaganapan ng pagkain
Bibig + an= bibigan- malaki ang bibig
Punta +han= puntahan – gaganap ng kilos na pagtungo sa isang pook.
2. Salitang-ugat- ay payak na salitang walang panlapi, ngunit nagtataglay ng kahulugan,
maaaring pangngalan tulad ng tao, bagay, bundok, langit. Maaaring pang-uri tulad ng
pangit, tamad, pula, puti. Maaari ring pandiwa told ng takbo, lakad, higa, ligo.
Sa pangkalahatan, dalawa ang uri ng morpema: 1. May kahulugang leksikal tulad ng marami,
tao, bagay, EDSA at 2. May kahulugan pangkayarian, tulad ng mga kataga. Mga kataga ang mga
pangkayarian na lahat halos ay iisahing pantig tulad n gang, ng, sa, at atb.
Hal. Marami tao bagay EDSA. – May kalabuan ang kayarian ng pangungusap bagamat
naroong lahat ang leksikon, nagiging makabuluhan kung : Maraming tao at bagay sa EDSA.

Nauuri pa rin ang morpema sa tinatawag na derivational o pinaghahanguan ng


kahulugan at inflectional o nakapagpapabago ng anyo.
Derivational: ang pinagmulan / pinaghanguan ng ibang kahulugan tulad ng kain (to eat),
kainan (table o restaurant) kaya naging pook na ang pandiwa. Samantalang inflectional ang
kumain, kumakain, at kakain dahil iisa ang kahulugan nito iba-iba lang ang aspekto at anyo.

PAGTUTURO-PAGKATUTONG GAWAIN: PAALAALA: Sagutan lamang ang Gawain at Ebalwasyon


Panuto:Isulat kung derivational o enflectional
1. Lakarin,lalakarin
2. Lakaran, malalakad
3. Awitin, inaawit
4. Tubigan, patubig
5. Minahal, mamahalin
6. Takbuhin, takbuhan
7. Gamutin, pagamutan
8. Gumamot, gagamot
9. Umalis,aalis
10. Sambahan, masamba

Ibigay ang salitang-ugat ng mga sumusunod


1. Magdinuguan
2. Mananahi
3. Marunong
4. Lakaran
5. Pamato
6. Pamukaw
7. Panakot
8. Marilag
9. Mananayaw
10. Makipagsapalaran

PAGLALAGOM:
Sa pag-aaral ng mga morpema ng isang wika at ng pagbubuo ng mga ito sa salita ang
tinatawag na morpoloji, samakatuwid matatawag din itong palabuuan. Kaya ang katuturan ng
morpema ay ang pinakamaliit na yunit ng isang salita ay morpema. Ito ay may 3 uri, ang
ponema, panlapi at salitang-ugat. At sa pangkalahatan ang morpema ay maaaring leksikal at
pangkayarian, at maaari rin itong derivational o pinaghahanguan at inflectional.

You might also like