You are on page 1of 20

KALIKASAN AT

ISTRAKTURA NG
WIKANG
FILIPINO
KALIKASAN AT ISTRAKTURA NG WIKANG FILIPINO

Mahalagang maging pamilyar sa istraktura ng wika, sa taglay nitong


ponolohiya o palatunugan, ang agham ng mga tunog ng isang wika,
kasama ang pag-aaral ng histori at mga teorya ng mga pagbabago ng
tunog sa isang partikular na wika o sa dalawa o higit pang
magkakaugnay ng mga wika (Webster, 1990).
Ayon kay Santiago (2003), may tatlong salik na kailangan upang
makapagsalita ang isang tao: 1, ang pinanggalingan ng enerhiya o
lakas, 2. ang artikulador o kumakatal ng mga bagay, at ang 3.
resonador o patunugan.
MGA INSTRUMENTONG GAMIT NG TAO SA
PAGSASALITA

.
1.4.2. PONOLOHIYA
Ang Ponema ay tumutukoy sa mga makahulugang tunog ng isang
wika. Ang makaagham sa pag-aaral na ito ay tinatawag na ponolohiya.

May dalawampu’t isang (21) ponema ng wikang Filipino, labing-anim


(16) ang katinig at lima (5) naman ang patinig. Ang mga katinig sa
Filipino ay ang sumusunod: /p, b, m, t, d, n, s, l, r, y, k, j, , w, /. Ang
mga katinig naman ay ang / I, e, a, o, u/.
Ang mga ponemang // ay kumakatawan sa mga titik na ng.
samantala, ang // ay kumakatawan sa impit ng mga tunog o sa salitang
pagpipigil ng hangin.

Pansinin ang mga kasunod sa halimbawa:


/tu:boh/ vs /tu:bo/
/u:poh/ vs /upo/
/ kitah/ vs /ki:ta/
Ang mga ponemang patinig ay mailalarawan batay sa kung saang
bahagi ng dila nagaganap ang bawat isa at batay sa posisyon ng dila sa
pagbigkas ng bawat isa.

HARAP SENTRAL LIKOD


Mataas i u
Gitna e o
Mababa α

mailalarawan naman ang mga ponemang patinig batay sa punto ng


artikulasyon o ang pinagganapan ng bawat tunog at sa parran ng
artikulasyon o parran ng pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas ng mga
ito.
PARAAN NG PUNTO NG ARTIKULASYON
ARTUKULSYO
N
Ngalangala
Labi Ngipin Gilagid Glotal
Palatal Velar

Pasara
walang tunog p t k 
may tunog b d g

Pailong
may tunog m n 

Pasutsot
walang tunog s h

Pagilid
may tunog l
Pakatal
may tunog r

Malapatinig
may tunog y w
Mga kategorya ng mga ponema:

1. Ponemang Segmental, ang mga ponemang patinig at katinig ay


tinatawag ding ponemang segmental dahil may katawaning simbolo
ang mga ito.

2. Ponemang Suprasegmental, ito ay walang ponemik na simbolong


katawanin. Ito ay ang tono/intonasyon, haba/diin at hinto/antala.

Basahin nang may magkaibang tono


a. Dumanting na ang Pangulo.
b. Dumating na ang Pangulo?
c. Siya.
d. Siya?
Bigkasin ang mga sumusunod. Lagyan ng diin ang nakasulat sa malaking
titik:
a. TUbo vs tuBO
b. PIto vs piTO
c. SAya vs saYA
d. TAla vs taLA

Bigkasin ang mga sumusunod. Huminto naman kapag nakita ang .


a. Hindi ako siya .
b. hindi ako siya.
c. Si Mark Anthony  at ako.
d. Si Mark  Anthony  at ako.
1.4.3. MORPOLOHIYA
Ang morpolohiya ay tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng
mga makabuluhang yunit ng isang salita o morpema.

Ang morpema ay maari ring isang ponema. Halimbawa nito ay


ang /o/ at /a/ na sa ating wika ay maaring mangahulugan ng kasarian.
Pansinin ang mga kasunod na halimbawa:

maestro vs maestra
abugado vs abugada
tindero vs tindera
Angelo vs Angela
Ang ikalawang uri ng morpema ay ang mga salitang-ugat. Mga payak
na salita dahit wala itong panlapi.

mata payong ligaya


pagod saya tuwa
kain bato taas
Ang huling uri ay ang mga panlapi.

Salitang ugat Unlapi Gitlapi Hulapi


mata pangmata minata matahin
payong nagpayong nagpayungan payungan
taas tumaas pataasin taasan
Ang morpema ay maari ring 1. kahulugang leksikal, kung ang salita ay
pangnilalaman, kabilang dito ay ang salitang panawag sa mga kongkreto at
abstraktong bagay o pangngalan, salitang panghalili sa mga pangngalan o
panghalip, salitang-kilos o pandiwa, salitang panglarawan o pang-uri, at
mga pang-abay na nagsasabi ng panahon.

Pangngalan: asa, tao, sabon, paaralan, kompyuter, telebisyon


Panghalip: ako, ikaw, siya, kayo, tayo, kami, sila
Pandiwa: kumakanta, naglinis, umawit, mag-aral,
aakyatin
Pang-uri: banal, maligaya, palaaway, balat-sibuyas, maramirami
Pang-abay: kahapon, kanina, doon, diyan, patalikod, pasigaw
2. Morpemang pangkayarian ay walang kahulugan sa ganang sarili at
kailangang makita sa isang kayarian o konteksto upang maging
makahulugan. Kabilang dito ang sumusunod.

Pang- angkop: na, -ng, -g


Pangatnig: at, o, saka, at iba pa
Pang-ukol: tungkol sa/kay, ayon sa/kay, at iba pa
Pananda; ang, ng, sa/sina, ni/nina, kay/kina, ay
1.4.4. MGA PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO

Ang pagbabagong morpoponemiko ay tumutukoy sa anumang


pagbabago sa karaniwang anyong isang morpema dahil sa
impluwensya ng kaligiran nito. Ang kaligiran ay yaong mga katabing
morpemang maaring makaimpluwensya upang mabago ang anyo ng
isang morpema. Ang nakaiimpluwensyang ponema ay maaring
sinusundan ng morpema o yaong sumusunod dito, bagamat karaniwan
nang ang sinusundang morpema ang nakaiipluwensya. Ito ay may
ilang uri.
a. Asimilasyon
sakop ng uring ito ang mga pagbabagong nagaganap sa // sa pusisyong
pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito. May dalawang uro
ang asimilasyon:

1. Asimilasyong parsyal o di-ganap ay yaong karaniwang pagbabagong


nagaganapsa ponemang // at nagiging /n/ o /m/ o nanatiling // dahil sa
kasunod na tunog.
kung ang isang panlapi o salita ay nagtatapos sa // ay ikinakabit sa
isang salitang-ugat na nagsisimula sa /p/ o /b/, ang // ay nagiging /m/ ang /h/.

Halimbawa: [pang-]  paaralanpampaaralan


[ pang]  bayanpambayan
Ang huling ponemang // naman ng isang morpema ay nagiging /n/
kung ang kasunod ay alinman sa mga sumusunod na ponema /d, l, r, s, t/.

Mga halimbawa:
[pang]  dikdik
[pang]  pantaksi

2. Asimilasyong ganap, bukod sa pagbabagong nagaganap sa


ponemang // ayon sa punto ng artikulasyonng kasunod na tunog,
nawawala parin ang unang ponema ng nilalaping salita dahil sa ito ay
inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema. Mga halimbawa:

[pang] palo pampalo pamalo


[pang] tali pantali panali
May mga salitang maaring gamitin ng alinman sa dalawang uri ng
asimilasyon, ngunit may mga salitang nakamihasnan nang gamitin lamang
sa asimilasyong parsyal. Sa ibang salaita, hindi na nagaganap ang
pagkawala ng unang ponema ng ikalawang morpemang isinasama sa
pagbubuo ng salita.
Mga halimbawa:
Yaong maaruing gamitin ng dalwang uri ng asimilasyon.

[pang]  kuha  pangkuha/panguha


[pang] tabas  pantabas/panabas

Yaong hindi ginagamitan ng asimilasyong ganap:

[pang] bansa  pambansa


[pang]  luto panluto
b. Pagpapalit ng Ponema
May nga ponemang nagbabago at napapalitan sa pagbubuo ng
mga salita. Kung minsan, ang mga ganitong pagbabago ay
nasasabayan ng pagpapalit diin.

1. /d/  /r/
Ang mga ponemang /d/ sa pusisyong inisyal ng salitang
nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig
ang huling ponema ng unlapi.
Mga halimbawa:
ma- dapat  marapat
ma- dunong  marunong
 Ang pagpapalitang /d/ at /r/ ay nagaganap kapag ito ay nakapagitan
sa dalawang patinig
 Mapapansin sa unang halimbawa, ang pagpapalit ay sapilitan at
hindi opsyunal. Hindi sinasabi ang madapat.
May mga halimbawa namang ang /d/ ay nasa pusisyong pinal ng salitang
nilalapian. Kung ito ay hinuhulapian ng [-an] o [-in], ang /d/ ay karaniwang
nagiging /r/.

lapad  -an  lapadan  laparan


tawid  -in  tawidin  tawirin

May mangilan-ngilang pagkakataon na ang nabubuong mga salita ay


magkaiba ng kahulugan, tulad ng madamdamin (full of feelings) at
maramdamin (sensitive). Sa mga ganitong halimbawa, hindi masasabing
maaaring magkapalitan ang /d/ at /r/.

2. /h/  /n/
Sa ilang halimbawa, ang /h/ bagamat hindi binabaybay o tinutumbasan ng
titik sa pagsulat ng panlaping /-han/ ay nagiging /n/.
/tawah/  -an  /tawahan/  tawanan
3. /o/  /u/

Ang mga ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat na


hinuhulapian o salitang inuulit ay nagiging /u/. Sa mga salitang inuulit,
ang /o/ ay nagiging /u/ sa unang hati lamang sa salita.

You might also like