You are on page 1of 19

ESTRUKTURA NG WIKANG

FILIPINO

Ang ponemang segmental ay mga tunog na ginagamit ng mga katumbas
na letra upang mabasa at mabigkas

Ang wikang filipino ay binubuo ng 21 ponema - lima ang patinig at 16 ang


katinig
1. Morpemang Panlapi - tinatawag din itong di malayang morpema sapagkat
kailangan nito ang ibang morpema gaya ng panlapi upang magkaroon ng kahulugan.

Halimbawa:
(unlapi, gitlapi, at hulapi)

• Panlapi (unlapi) + salitang-ugat


Nagbaril siya matapos malaman ang pag tataksil ng asawa.
[ Nag-] + [baril]
Halimbawa:

• Panlapi (gitlapi) + salitang-ugat


Binaril siya ng malapitan.
[-in-]+[baril](unlapi, gitlapi, at hulapi)

• Panlapi (hulapi) + salitang-ugat


Tumumba ang biktima matapos barilin nang malapitan.
[-in] + [baril]
2. Morpemang Salitang-ugat - tinatawag din itong malayang morpema sapagkat ang salitang-ugat ay nag tataglay na
ng kahulugan.

Halimbawa:
Suntok Sipa Saksak
Sampal Tambang Nakaw
Halik Huli Kulong
Kurot Sagasa Kita

3. Morpemang binubuo ng isang ponema - Halimbawa nito ay ang ponemang /a/ at /o/. Nakakapagpaiba ito ng
kahulugan ng salita.

Halimbawa:

/o/ /a/
Dekano Dekana
Senador Senadora
Mayor Mayora
Manong Manang
Lolo Lola
Doctor Doctora
2. Morpemang Salitang-ugat - tinatawag din itong malayang morpema sapagkat ang salitang-ugat ay nag tataglay na
ng kahulugan.

Halimbawa:
Suntok Sipa Saksak
Sampal Tambang Nakaw
Halik Huli Kulong
Kurot Sagasa Kita

3. Morpemang binubuo ng isang ponema - Halimbawa nito ay ang ponemang /a/ at /o/. Nakakapagpaiba ito ng
kahulugan ng salita.

Halimbawa:

/o/ /a/
Dekano Dekana
Senador Senadora
Mayor Mayora
Manong Manang
Lolo Lola
Doctor Doctora
Ang pagbabagong morpoponemiko ay anumang pagbabago sa
karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng
kapaligiran nito.
May iba't-ibang uri ng pagbabagong morpoponemiko sa wikang
Filipino.
• Asimilasyon - ang tunog ng isang salita ay umaayon sa katabing tunog nito.
Makikita ang pagbabagong ito sa mga morpemang unlaping nagtatapos sa ng,
gaya ng pang, mang, mapang, sing, kasing, magkasing, sang at labing.

1. Asimilasyong Parsyal o di-ganap - Masasabing asimilasyong parsyal


o di- ganap kung ang pagbabagong namalas o ganap sa anyo ng salita, maliban na
lamang sa pagbabago ng ponemang /ng/ sa pinal na posisyon ng panlapi at
nagiging /n/ o /m/ dahil sa kasunos na tunog.

pang+labaha = panlabaha
pang + baril = pambaril
pang + trabaho= pantrabaho
2. Asimilasyong Ganap - Masasabing asimilasyon ganap ang isang pagbabago
kung bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /ng/ dahil sa pakikiangkop
nito sa kasunod na tunog ng nawawala o naaasimila na rin ang ponema o
naaasimila na rin ang ponema sa inisyal na posisyon ng nilapiang salitang-ugat sa
halip ay nanatili na lamang ang mga tunog na /n/ o /m/.

[pang-]+[saksak] =
= [pan-]+[saksak]
=pansaksak > /$/ =pansaksak

[pang-]+[pukpok] =
=[pam-]+[pukpok]
=pampukpok > /p/ =pamukpok

[mang-] + [tahi] =
= [man-] + [tahi] =mantahi > /t/
=manahi
Ayon kina Badayos, ang sintaksis ay tumutukoy sa estruktura ng mga
pangungusap at ng mga tuntuning nagsisilbing patnubay sa pagsasabi ng
kawastuhan ng isang pangungusap.
Ito ay ang pagsasama-sama ng mga salita para magkaroon ng kahulugan sa
loob ng pangungusap.

Ano ang pangungusap? Ito ay ang lipon o pagsasama samang


salita na nagpahahayag ng buong diwa.
May dalawang ayos ang pangungusap sa Filipino:
karaniwan at di-karaniwan.
Karaniwan- nauuna ang panaguri/ predikeyt ay nauuna sa paksa/ simuno.
Halimbawa:

Nagpatayo ng bagong istasyon ng pulis ang lungsod ng baguio.


Panaguri/ Predikeyt Paksa/ Simuno

Di-karaniwan- nauuna ang paksa/ simuno kaysa panaguri/ predokeyt.


Halimbawa:
Ang Lungsod ng Baguio ay nagpatayo ng bagong istasyon ng pulis.
Paksa/ Simuno Panaguri/ Predikeyt

You might also like