You are on page 1of 3

1. Ano ang Ponolohiya o Palatunugan ?

Bakit
mahalaga ito sa pag-aaral ng estruktura ng wikang
Filipino?
- ito ang makahulugang tunog ang bumubuo sa
bawat saltik ng dila sa pagsasalita,ito rin ay
pag-aaral sa mga ponema(tunog),
paghinto(juncture), pagtaas-pagbaba ng
tinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng
tunog(prolonging/lengthening).
- ito ay mahalaga sa pag-aaral ng estruktura ng
wikang filipino dahil ang ponolohiya o
palatunugan sapagkat dito ay matututo at
malalaman natin na ang mga salitang ginagamit
natin ay tama sa paggamit lalo na kapag tayo
ay may kausap. Sa pamamagitan nito
maiintindihan tayo ng mabuti ng ating kausap
sa kung ano ang mensaheng gustong ipaabot.

2. Talakayin ang mga sumusunod na terminolohiya at


ibigay ang wastong gamit ng mga ito:
2.1 Ponema
- makabuluhan yunit ng tunog na “nakakapagbago
ng kahulugan” ng isang salita kapag ang mga tunog
ay pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita.
-Sa pagwawastong ng gamit nito isang halimbawa
ang letrang o at a, dahil nakakapagpabago ng
kahulugan ang letrang o at a dahil ang letrang o
ay para sa lalaki at letrang a ay para sa babae
halimbawa nito ay maestro-maestra, abogado-
abogada,tindero-tindera.
2.2 Diptonggo
- ito ay tumutukoy sa pinagsamang tunog ng isang
patinig(a,e,I,o,u) at isang malapatinig(y,w) sa
loob ng isang pantig.
- ang ditonggo ay alinman sa mga tunog na
aw,ay,ey,iw,iy,oy,uy.
2.3 Morpema
- ito ay galing sa katagang morpheme sa Ingles na
kinuha naman sa salitang Griyego- morph(anyo o
yunit) + eme(kahulugan). Sa payak na kahulugan ,
ito ay pinakamaliit na yunit ng isang salita na
nagtataglay ng isang kahulugan.
- wastong gamit ng morpema , ang salitang makahoy,
na may dalawang morpema. Ang unlaping (ma-) at ang
salitang ugat na (kahoy, ang unlaping (ma) ay
taglay ang kahulugang “marami’na isinasaad ng
salitang-ugat. Sa salitang makahoy, maaaring
masabi ang ibig sabihi’y maraming kahoy.

3. Talakayin din ang mga sumusunod na


terminolohiya at ibigay din ang wastong gamit ng
mga ito.
3.1 Asimilasyon
- ang asimalasyon ay ang mga pagbabago ng
kinapapaloobang mga panlaping nagtatapos sa “-ng”
dahil sa impluwensya ng kasunod na katinig nito.
Nakikibagay ang huling titik ng panlapi sa unang
titik ng salitang ugat .
- halimbawa: sing+lakas = sin+lakas =sinlakas
Pang+dakot = pan+dakot = pandakot
3.2 Metasis
- kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa
ponemang /l/ o /y/ ay ginitlapian ng [-in-],
nagkakapalit ng posisyon ang mga ponemang /I/
at /n/ at nagiging [ni-]
-halimbawa:
In-+lipad = nilipad
-in- + yaya = niyaya
3.3 Pagpapalit ng Ponema
- tumutukoy ito sa ponemang nagbabago o
napapalitan sa pagbuo ng mga salita.
- ang wastong gamit sa pagpapalit ng ponema,
inuulit nito ang mga salitang-ugat na nagtatapos
sa patinig na o ito ay hindi pinapalitan ng
letrang u.
halimbawa: linggo-liggo, ano-ano.
Ganun din sa salitang-ugat na nagtatapos sa
letrang e hindi din ito pinapalitan ng letrang I.
halimbawa: babaeng-babae, salbaheng-salbahe.
3.4 Paglilipat- Diin
- kapag ang salitang-ugat ay nilalagyan ng
panlapi, ito ay nagbabago kapag ito’y nilalapitan.
-halimbawa:
Laro+an = laruan
Dugo+an =duguan
3.5 Pagkakaltas ng Ponema
- nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling
ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa
paghuhulapi.
- halimbawa:
Takip + -an = takipan= takpan
Kitil +-in = kitilin= kitlin

You might also like