You are on page 1of 7

METRO MANILA COLLEGE

U-Site Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City


BASIC EDUCATION DEPARTMENT
Senior High School (Grade 11)
1ST SEMESTER S.Y. 2020-2021

Module 12: Ang Kakayahang Lingguwistiko

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino

Inihanda ni: ROGEN L. BAAY, LPT

1|Pahina
Ang Kakayahang Lingguwistiko

Layunin:

Nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat ng mga


tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika;
Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang
napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon.

Introduksyon:

Nalaman na natin ang mga kalagayan ng wika sa Kulturang Pilipino at iba’t ibang
rehistro ng wika na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon sa nakaraang aralin. Sa
araling ito at sa mga susunod pa ay malalaman natin ang mga kakayahang
Komunikatibo ng mga Pilipino. Halina’t sabay-sabay nating alamin!

2|Pahina
Ang unang kakayahang ating tatalakayin ay ang Kakayahang Lingguwistiko.
Ang kakayahang ito ay maihahalintulad sa isang sanggol at isang matanda. Sanggol,
sapagkat ang mga sanggol ay hindi pa marunong magsalita o pakipagtalastasan o
makipag-usap kung kaya’t ang bawat iyak ng sanggol ay tila paglalagay ng isang mabigat
na bagay sa dibdib ng kaniyang mga magulang dahilan para sila ay mag-alala. Iniisip nila
ang mga posibleng dahilan ng pag-iyak nito upang mabigyan nila ng lunas o magawan ng
paraan ang nararamdaman nito. Matanda, sapagkat katulad ng isang sanggol ang bawat
pagluha ng matanda ay indikasyon na mayroong itong nararamdaman na hindi maganda.
Ayon sa nabanggit na sitwasyon ay mababatid na ang wika at lingguwistika ay may
malaking salik sa pagtuklas ng mga bagay na hindi maipahayag. Kung wala ang
kakayahang ito ay hindi madali ang pag-unawa sa mga sitwasyong nabanggit. Ano nga ba
ang lingguwistika? Ang lingguwistika ay isang sistematikong kaalaman sa pag-aaral ng
wika. Ito ay pag-aaral sa istruktura ng wika at kung paano ito gagamitin.
Ayon kay Chomsky (1965), tumutukoy sa natural o likas na kakayahan ng taong
nagsasalita ang kakayahang lingguwistiko na malalimang gamitin at unawain ang wika.
Samantalang ang lingguwistikong pagtatanghal naman ay ang paglalapat sa pagsulat
o pasalitang lingguwistiko kakayanan. Bagaman, hindi natin maaaring sabihin na kawalan
ng kakayahang lingguwistiko ang kawalan ng kasanayan na magsalita sa harap ng publiko.
Makikita sa ibaba ang paradigm ng lingguwistiko o pag-aaral ng wika.

LINGGUWISTIKA

Ponolohiya Morpolohiya Sintaksis Semantika Pragmatika

Ponema Morpema Sintaks Pag-aaral ng Ugnayan ng


kahulugan tagapagsalita at
Patinig - Pagbuo ng Pangungusap tagapakinig
Katinig mga salita Parirala
Diptonggo - Pagpapalit
Digrapo ng
Klaster Ponema/
Pares-minimal Grapema
Ponemang - Pagbabayb
Segmental ay

3|Pahina
Makikita sa paradigm ang proseso kung paano nalilika ang isang wika. Makikita
naman sa ibaba ang mga kayarian ng salita. Nakatutulong ang mga kayarian ng salita
upang maipahayag ng maayos ang dapat na sabihin o maayos itong maisulat.
Kayarian ng Salita Kahulugan Mga Halimbawa
Takbo
Ang kayariang ito ay
Payak makikita sa anyong Hakbang
salitang ugat lamang Talon
Unlapi
- Umibig
Sa kayariang ito ay - Umasa
makikita na ang salitang
ugat ay nagkakaroon ng Gitlapi
Maylapi iba’t ibang gamit at - Sumaya
kahulugan sa - Pumayag
pamamagitan ng mga
panlaping inuugnay rito. Kabilaan
- Pinaghandaan
- Kadramahan
Parsyal na pag-uulit
- Tutula
- Kakanta
Ganap
Inuulit Ang salitang ugat ay inuulit - Maganang magana
- Pormang porma
Kombinasyon
- Sasayaw-sayaw
- Tatakbu-takbo
Dalawang magkaibang - Kapitbahay
salita na pinagsama upang
Tambalang Salita - Bahaghari
makabuo ng bagong
kahulugan - Boses-palaka
Mayroon pang isang konsepto ng lingguwistiko na maaaring iugnay sa pag-aaral
sa yunit ng mga salita ay ang pagbabagong morpoponemiko. Ang mga sumusunod ay mga
uri ng pagbabagong morpoponemiko sa wikang Filipino.

4|Pahina
1. Asimilasyon – Pagbabagong nagaganap sa (n) bunga ng ponemang
sinusundan nito. Mayroon itong dalawang anyo, Asimilasyong di-ganap at
Asimilasyong ganap.
a. Asimilasyong di-ganap – ang pagbabago ay nasa unang morpema.
Halimbawa:
Pang + bansa = Pambansa, Mang + batas = Mambabatas, Sing +
tangkad = Sintangkad
b. Asimilasyong ganap – ang pagbabago ay kapwang makikita sa
panlapi at salitang-ugat.
Halimbawa:
Pang + pitas = Pamitas, Pang + takot = Panakot
2. Pagpapalit ng ponema – Ang (d) na nasa pagitan ng dalawang patinig ay
pinapalitan ng ponemang (r).
Halimbawa:
Ma + dami = Marami, Ma + dulas = Marulas
3. Metatesis – Pagpapalit ng posisyon ng panlaping (-in) kapag ang kasunod ay
na ponema ay ang mga ponemang (L, O, Y)
Halimbawa:
Limasin-nilimas, Lipadin-nilipad, Yakapin-niyakap, Planuhin-plinano
4. Pagkakaltas ng ponema – Nagkakaroon ng pagkakaltas o pagtatanggal ng
ponema.
Halimbawa:
Sarap + an = Sarpan, Takip + an = Takpan, Sara + han = Sarhan, dalahin
= Dalhin
5. Paglilipat-diin – Kapag ang salitang ugat ay nagtatapos sa (o) ay nagiging
(u) kapag nilalapian.
Halimbawa:
Palo + in = Paluin, Suyo + an = Suyuan

Ngayong natapos na ang talakayan ay subukin ang iyong sarili sa pagsagot ng mga
katanungan inihanda para sa iyo.

5|Pahina
A. Panuto: Lumikha ng limang halimbawang pangungusap na ginamitan ng
pagbabagong morpoponemiko.

1. Orihinal:
Pagbabago:
2. Orihinal:
Pagbabago:
3. Orihinal:
Pagbabago:
4. Orihinal:
Pagbabago:
5. Orihinal:
Pagbabago:

B. Panuto: Isalaysay mo ang mga naganap sa araw mo ngayon at gamitin ang


kayarian ng salita. Salungguhitan ang mga ito.

6|Pahina
Pangwakas na Gawin
A. Panuto: Gamit ang social media ay magsaliksik o pag-aralan ang mga
tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika. Isang
teksto lamang.
B. Panuto: Makinig sa paboritong istasyon ng radyo at manood ng paboritong
palabas sa telebisyon. Itala sa ibaba ang mga angkop at di-angkop na mga salita at
pangungusap na ginamit sa radyo at telebsiyon.

Radyo

Telebisyon

Reperensya:

Nuncio, R. V. et.al (2016). SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino. C&E Publishing, Inc.:839 EDSA, South Triangle, Quezon City
Marahan, M.H. Dr. (2016).ANG GURU: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Mindshapers Co., Inc.
People speaking different languages with flat design
(https://www.freepik.com/free-vector/people-speaking- different-languages-with-
flat-design_2564895.htm)

7|Pahina

You might also like