Professional Documents
Culture Documents
Ang salitang wika ay nagmula sa salitang Latin sa lengua, na ang literal na kahulugan ay “dila”, kayat ang
magkasingtunog ang dila at wika. Ito raw ay simbolong salita ng mga kaisipan, saloobin, behikulo o paraan ng paghahatid
ng ideya, opinion, pananaw, lohika o mga kabatirang ginagawa sa proseso na maaring pagsulat o pasalita.
Ayon sa pagpapahayag ni Constantino, isang dalubwika, ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng
damdamin, isang insrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan.
Ang wika ay kasangkapang ating pulitika at ekonomiya.Ang mabisang paggamit nitoang nagpapakilos sa tao at
nagagawang manipulahin ang mali at tama sa lipunang ating kinabibilangan.
Katangian Ng Wika
Sinasalitang Tunog- Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas
na tunog upang makalikha ng mga salita.
Masistemang Balangkas- Sinusunod na kaayusan o balangkas ng pagkakabuo.
A. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit ng
binibigkas na tunog sa isang wika.
Halimbawa
Fonemang: /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang
salitang [lumipat].
B. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit na
makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi
at fonema.
Halimbawa:
Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista
Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Fonema = a
*tauhan, maglaba, doktora
Arbitraryo –Wikang ay nabubuo batay sa napagkasunduang termino ng mga tao sa isang komunidad.
Halimbawa:
Ilokano- balay; Tagalog- Bahay; Ingles- House
Nakabatay sa Kultura – Sumasalalim sa salitang ginagamit ang kultura ng tao sapagkat malaki ang ugnayan ng
dalawang ito. Kultura ang nabubuo at napepreserba dahil sa wikang ginagamit ng tao.
Halimbawa:
Rice: Palay, bigas, kakanin, kanin, bahaw at iba pa. ; Ice: Yelo, nyebe (Limitado ang kahulugan ng ice dito sa
ating bansa sapagkat tayo ay tropical na bansa at hindi bahagi ng ating kultura.
Dinamiko- Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita at
dumadagdag na bagong salita na dulot ng pagkamalikhain ng tao.
- ang wika ay nagbabag at patuloy na lumalago ang bokabularyo.
Halimbawaa:
Sa kasalukuyan- Petmalu, Lodi; Sinaunang Panahon- Dalumat(konsepto), Kalupi(pitaka)
Ginagamit sa Komunikasyon- “No man is an Island”, “Walang Sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang”
-Nabubuo ang lipunan dahil sa grupo o lipon ng tao na patuloy nakikipag-ugnayan at nagtatalastasan.
Makapangyarihan- Nakapaghatid ng iba’t ibang emosyon, positibo man o negatibo.
-Napapanglaw nito ang isip napapasigaw nito ang puso o napapasunod nito ang tao.
May politika ang wika- Sumasalamin ito sa tunay na kalagayan ng isang bansa at ng isang partikular na lipunan,
dahil ginagamit ito bilang instrumento ng mga politico upang makapanghikayat ng tao o masa.
Antas ng Wika
Pormal. Ito ay antas ng wika na istandardm kinikilala/ginagamit ng nakararami.
1. Pambansa- Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan.
Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan
2. Pampanitikan o Panretorika Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim,
makulay at masining.
Halimbawa: Kahati sa buhay, Bunga ng pag-ibig, Pusod ng pagmamahalan
Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.
1.Lalawiganin- Ito ay gamitin ng mga tao sa partucular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto.
Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)
2. Kolokyal- Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari rin itor refinado ayon sa kung sino
ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita.
Halimbawa: Nasan, pa`no,sa’kin,kelan
Meron ka bang dala?
3. Balbal- Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar.
Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)
Teoryang Siyentipiko
Teoryang Bow-wow – Sinasabing nagsimula ang wika mula sa panggaya ng tao sa mga tunog na nilkha ng
kalikasan. Maaaring galling sa hayop, halaman, hangin o tubig.
Teoryang Ding-dong – Ang wika ay buhat umano sa tunog ng mga bagay na nlikha ng tao.
–Tunog na Nalilikha ng mga bagay sa paligid.
Teoryang Pooh-pooh – Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig,
napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas.
Teoryang Yo-he-ho– Naniniwala si Noire, na nagsimula ang wika sa tunog na nalilikha sa pagbibigay ng
puwersa ng pisikal gaya ng pagbubuwal ng kahoy o pangaangat ng bato.
Teoryang Yum-yum – Tunog sanhi ng gutom at iba pang pangangailangang pisikal.
Teoryang Ta-ta– May paniniwala na mula sa paggalaw ng mga bahagi ng katawan ay may iuugnay na tunog
o wika katulad ng pagpapaalam kasabay ng pagtaas ng kamay.
Teoryang Tarara-boom-de-ay– Ang wika ay pinaniniwala ang nilikha mula sa pagsigaw at pagusal ng mga
tao sa kanilang ritwal-sayaw na bahagi nan g kanilang kultura.
Teoryang Mama– Nagmula sa unang pagbigkas o salita ng sanggol, Pinakamadaling pantig at
pinakamahalagang bagay.
Teoryang SingSong– Nagmula umano ang wika sa romantikong awit.
Teoryang CooCoo– Tunog na nililikha ng sanggol mula sa matatanda o mga bagay sa paligid
Teoryang Hocos Pocus– Relihiyosong Aspeto ng pamumuhay ng mga ninuno.
Teoryang Bubble Lucky– Mula sa walang kahulugang bulalas ng mga tao. Hal. 13- isang malas ng numero.
Teoryang Eureka– Ayon kay Boree, ideya ng pagtatakda ng mga arbitrayong ng tunog upang ipakahulugan.
Teoryang Hey You! – Wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan.
Tungkulin ng Wika
Barayiti ng Wika
Barayiti- Mga salita na pinagsama-sama na ginawang isang salita, kadalasang nililikha ng tao.
Baryasyon- Kahulugan ng salita na ginawa ng isang tao.
Idyolek- Paraan ng paggamit ng wika tangi sa isang tao. Ang bawat inidibidwal ay may istilo sa pamamahayag(Madalas
sabihin o punto)
Dayalek- Baryasyon ng wika na ginagamit sa loob ng partikular na lugar o teritoryo. Ayon sa lugar, panahon at kaayuan
sa buhay ng mga taong nagsasalita at kabilang sa isang heyograpiko na komunidad.
Naayon sa Lugar- Pagsasalita
Naayon sa Panahon- Pananamit
Naayon sa Gamit
Naayon sa katayuan sa buhay
Sosyolek- ay ginagamit ayon sa edukasyon, trabaho, edad, kasarian at iba pang pamantayan panlipunan ngunit ito ay
pansamantalang barayti
Jargon- Ang mga salitang ito ay gamit ng isang tiyak na grupo o mga terminolohiya ng mga propesyonal
Argot o Sikretong Lingo- Iilan lamang ang nakakaalam
Euphemism- Pamalit sa mga salitang may dalang masakit at sensitibong kahulugan.
Moda- Paraan ng Paggamit, maaring pasulat o pasalita Mamamahayag Boses Pasalita Pormal
Tindera Pagtatawag Pasalita Di Pormal
Tenor o Istilo- Paano ginamit, maaring pormal o di pormal ng
mamimili