You are on page 1of 16

Ang Pilipinas sa Panahon ni Dr. Jose P.

Rizal
Si Dr. Jose P. Rizal ay bunga ng kanyang panahon. Ang mensahe ng
kanyang buhay ay higit na madaling mauunawaan kung sasalaminin ang
panlipunan at pangkabuhayang katayuan ng bansa noong kanyang panahon.
Ang Pilipinas noong ika-19 na dantaon ay nabibilang sa makapyudalistikong
uri ng lipunan.
Ang wika ay isang sistemang pangkomunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng mga
pasulat o pasalitang simbulo (Webster, 1974).
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa
isang kultura (Gleason, Henry 1988).

Katangian ng Wika

 Ang wika ay masistemang balangkas


 Ang wika ay sinasalitang tunog
 Ang wika ay pinipili at isinasaayos
 Ang wika ay arbitraryo
 Ang wika ay ginagamit
 Ang wika ay nakabatay sa kultura
 Ang wika ay nagbabago
Tungkulin ng Wika

 Interaksyonal- nakapagpapatatag ng relasyong sosyal


 Instrumental- tumutugon sa mga pangangailangan
 Regulatori- kumokontrol at gumagabay sa kilos/ asal ng iba
 Personal- nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinion
 Imahinatibo- nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan
 Heuristic- naghahanap ng impormasyon/ datos
 Impormatib- nagbibigay ng impormasyon/ datos
Antas ng Wika
1. Pormal- ito ang mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at
ginagamit ng higit na nakararami lalo na ng mga nakapag-aral ng
wika.
 Pambansa- ito ang salitang karaniwang ginagamit sa mga aklat pangwika/
pambalarila sa lahat ng mga paaralan (hal. ina)
 Pampanitikan- ito naman ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat sa
kanilang mga akdang pampanitikan
- ito ang mga salitang karaniwang matatayog, malalalim,
makulay at masining (hal. ilaw ng tahanan)
2. Impormal- ito ang salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas
nating gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan sa mga
kakilala at kaibigan
 Lalawiganin- ito ang mga bokabularyong dayalektal (hal. inang)
 Kolokyal- ito’y mga pang- araw araw na salita na ginagamit sa mga
pagkakataong impormal (hal. nanay- nay)
 Balbal- ito ang tinatawag sa Ingles na slang
- ito rin ang pinakamababang antas ng wika na madalas marinig sa
mga usapang kalye (hal. ermat)
Barayti ng Wika
Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinaliliwanag ng teoryang sosyolingwistik na
pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogenous ng wika. Ayon sa teoryang ito, nag-uugat ang mga
barayti ng wika sa pagkakaiba- iba ng mga indibidwal na grupo, maging ng kani- kanilang mga tirahan,
interes, gawain, pinag- aralan at iba pa. Samakatwid, may dalawang dimensyon ang baryabilidad ng wika-
ang dimensyong heograpiko at dimensyong sosyal (Constantino, 2006).
Dayalekto- ang barayti ng wikang nilikha ng dimensyong heograpiko
- ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan,
pook malaki man o maliit
Sosyolek- ang barayti na nabubuo batay sa dimensyong sosyal
-tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga
pangkat panlipunan
Jargon- ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat ng gawain
-hal. titser (tsok, lesson plan, klas), abogado (hearing, pleading, fiscal, court)
Idyolek- personal na paggamit ng wika
- hal. Noli de Castro (Magandang gabi Bayan)

Teorya ng Wika
 Teoryang Bow-wow- ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula
sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan
 Teoryang Pooh- pooh- ayon sa teoryang ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas
sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng sakit,
tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla, at iba pa
 Teoryang Yo-he-ho- pinaniniwalaan ng mga nagmungkahi ng teoryang ito na ang
tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang
pwersang pisikal
 Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay- ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay
nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa
mga ritwal na ito na kalauna’y nagpabagu-
bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan
 Teoryang Ta-ta- ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao
na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginagawa
ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at
kalauna’y nagsasalita
 Teoryang Ding- dong- ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may sariling tunog
na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang
siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y
nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan
Apat na Makrong Kasanayan sa Komunikasyon
 Pakikinig (listening)- aktibong proseso ng pag-unawa sa kahulugan ng mga
tunog
- samantala, ang naunang pagtanggap ng tunog ay
tinatawag na pagdinig (hearing)
- masasabing bahagi ng kabuuang proseso ng pakikinig
ang pagdinig
 Pagsasalita- proseso ng pagbabahagi at pakikipagpalitan ng makahulugang
tunog gamit ang mga aparatong (baga na pinanggagalingan ng
hangin, babagtingan/ larynx na pinanggagalingan ng tunog o
artikulador, at ang mga maituturing na patunugan o resonador)
kailangan sa pagbuo ng salita
 Pagbasa- aktibong proseso ng pagbibigay- kahulugan sa mga nasusulat na
simbolo/ titik o teksto sa tulong ng kabatirang taglay ng
mambabasa
- ayon kay Goodman, ito ay saykolingguwistik na panghuhula ng
kahulugan, mensahe, o kaisipan ng tekstong binasa
 Pagsulat – proseso ng pagsasatitik ng wika
- ayon kina O’Grady, Dobrovolsky, at Aronoff na nasusulat sa aklat
na Ang Pag-aaral ng Wika nina Paz et.al. (2003), ito ay
simbolikong representasyon ng wika na maaaring iimbak
KOMUNIKASYON
- pagbabahagi, pagpapabatid, o pagpapahayag ng nararamdaman at iniisip
Uri ng Komunikasyon
1. Berbal- ang komunikasyon kapag ginagamitan ng wika, ito’y maaaring pasalita o o pasulat
2. Di- berbal- kung ang paghahatid ng mensahe ay walang paggamit ang wika, ito ay maaari sa
pamamagitan ng sumusunod na uri:
Kinesics o galaw ng katawan- pisikal na aksyon tulad ng pagbabago ng ekspresyon ng mukha,
pagkumpas at paggalaw ng iba pang bahagi ng katawan
Oculesics- aksiyon ng mata tulad ng pagtitig, panlilisik at pagkindat na nagdadala ng kahulugan
sa sinumang katapat/ kausap
Paralanguage- taas o baba, lakas o hina, bagal o bilis ng tinig ay nakatutulong sa
pagpapakahulugan ng pahayag
Haptics- paghaplos, paghawak, pagkurot o pagsalat sa paghahatid ng mensahe
Proxemics- may kahulugan ang espasyo at distansiya (lapit o layo) ng tao o mga bagay sa isa’t
isa
Chronemics- may mensahe ring hatid ang paggamit ng oras at petsa, ang tagal ng
pagsasagawa ng isang gawain at pagtupad sa itinakdang oras ng pagkikita
Pisikal o personal na anyo- may ipinababatid na mensahe ang pagpili at paraan ng pananamit
at ayos ng tao
Iconics- mga bagay, simbolo at larawan na may kahulugan sa sinumang tumitingin at
umuunawa
Mga Elemento ng Komunikasyon
Taong kasangkot
Konteksto
1. Kontekstong sikolohikal- may kinalaman sa damdamin, katauhan,
ugali, pananaw ng kausap
2. Kontekstong historikal- nakaraang ugnayan ng nag- uusap
3. Kontekstong sosyal- gulang, katayuan, hangarin ng kausap
4. Kontekstong kultural- tradisyon, gawi, paniniwala, prinsipyo ng
kausap
Mensahe
Tsanel o daluyan
Hadlang - na maaaring panlabas (mga hadlang na nakikita, nadarama, at
naririnig), panloob (sikolohikal at bayalohikal na hadlang tulad ng
pagkakabingi, pagkakasakit, o pag-aalala) at semantika (suliranin
sa interpretasyon at pagpapakahulugan)
Tugon o feedback
Antas ng Komunikasyon
1. Intrapersonal na komunikasyon o pansarili
- paraang pagdarasal, pagdedesisyon o pagtitimbang ng mga konsepto
sa isip
2. Interpersonal na komunikasyon o dayadiko
- pakikipagtalastasang kinasasangkutan ng dalawang tao
3. Komunikasyon sa pangkat
- pagpupulong at mga gawaing pangkatan tulad ng brainstorming at
roundtable discussion
4. Pampublikong komunikasyon
- ugnayang isa sa maraming tao; pagtatalumpati
5. Pangmasang komunikasyon
- ang daluyan ng komunikasyon ay maaaring elektronikong kagamitan
tulad ng telebisyon, radio, kompyuter, at iba pang midyum
DISKURSO
- Nagmula sa salitang Latin na discursus na may tuwirang kahulugang argument o
kombersasyon, may paghahatid at pagbalik (Latin, discurrere), pagpapalitan ng pahayag sa
pamamagitan ng mga diskusyong pasalita at pasulat.
Apat na Paraan ng Pagpapahayag/ Diskurso
Deskriptibo/ Paglalarawan
- Pagpapahayag na pagbuo ng larawan o pigura. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng
katangian ng isang tao, pook, damdamin, o pangyayari
- Masining ang paglalarawan kung gagamit ng matatalinhagang pahayag
- Pangkaraniwan naman ang pagpapahayag kung karaniwang mga salita ang ginagamit
Naratibo/ Pagsasalaysay
- Pag- iisa- isa ng mga magkakasunod na pangyayari o sitwasyon
- May layuning magkuwento
- Pinakapalasak ito sa mga paraan ng diskurso. Bahagi na kasi ng kultura at panitikan ang
paglilipat ng mga kuwento, pasulat man o pasalindila

Ekspositori/ Paglalahad
-May layuning magpaliwanag
-Obhektibo ang pagtalakay sa ganitong diskurso
-Mabibilang sa mga uri nito ang paglalahad ng proseso ng pagbuo o paggawa, pagbibigay-
depinisyon, pampamahayagang akda, komposisyon mula sa isang panayam, analisis, at
pagsusuri
Argumentatibo/ Pangangatwiran
- Pagbibigay- katwiran sa isang paniniwala at pagpapatibay niyon gamit ang mga patunay o
ebidensya
- May layuning makapanghikayat at mapakilos ang mambabasa o tagapakinig
- Ang pangangatwirang induktibo o pabuod ay nagsisimula sa ispesipiko o mga halimbawa
patungo sa pangkalahatang puna o impresyon. Maihahatid ito sa pamamagitan ng
paggamit ng mga halimbawang sarbey at pagsisimula ng sanhi patungo sa bunga
- Deduktibo o pasaklaw naman ang pangangatwiran kung nagsisimula sa pangkalahatang
puna patungo sa partikular na mga halimbawa o patunay
Mga Diskursong Personal
Narito ang mga uri ng mga diskursong personal na kayang gawin at ginagawa na ng mga
mag-aaral.
talaarawan/ journal/ diary- salaysay ng mga pangyayari sa sariling buhay ng
nagsusulat, karaniwang laman nito ang mga hindi
malilimutang karanasan at damdamin sa araw- araw
Awtobayograpiya- personal na diskursong naglalaman ng kasaysayan ng buhay ng
sumulat, may mga pagkakataong malihim ang nagsulat kaya’t huwag
asahang detalyado ang uring ito
- kaibhan nito sa biyograpiya- ibang tao ang sumulat tungkol sa buhay ng isa
Repleksiyon- naglalayong ihatid ng personal na sanaysay na ito ang mahahalagang
aral at kabutihang mapupulot sa isang akda
- karaniwan, ang mga salaysay na binibigyan ng repleksiyon ay buhat sa Banal na Kasulatan,
isinasapuso ng gumagawa nito ang salaysay
- iniuugnay niya ang mga pangyayari sa tunay na buhay upang makapaghatid ng mga aral na pangmoral
at panrelihiyon
pragmatiks- pag-aaral kung paano naiimpluwensiyahan ng konteksto ang paraan ng
paghahatid ng pahayag
speech act/ gawi ng pagsasalita- ang kakabit na aksiyon ng tao sa kaniyang wikang gamit

Ang Kasaysayan ng Wikang Filipino


 Manuel L. Quezon- Pinagtibay niya ang Pambansang Wika ng
Pilipinas na Filipino, ito ay ayon sa 1935 Saligang Batas ng
Pilipinas.
 Noong Enero 12, 1937- hinirang ni Pangulong Quezon ang lupon na
bubuo sa Surian ng Wikang Pambansa
1. Jaime C. Veyra- Tagapangulo (Bisayang Samar)
2. Cecilio Lopez- Kalihim at Punong Tagapagpaganap (Tagalog)
Mga Kagawad
3. Santiago Fonacier- (Ilokano)
4. Filemon Sotto- (Bisayang Cebu)
5. Felix Salas Rodriguez- (Bisayang Hiligaynon)
6. Casimiro Perfecto- (Bikol)
7. Hadji Buto- (Muslim)
8. Jose Zulueta- (Pangasinan)
9. Zoilo Hilario- (Kapampangan)

 Dalawa sa mga nabanggit na kagawad ang hindi


nakaganap sa kanilang tungkulin- sina Hadji Butu dahil sa maagang
pagpanaw at si Filemon Sotto dahil sa kapansanan. Si Sotto ay
pinalitan ni Isidro Abad. Samantala, si Lope K. Santos ay nahirang
ding kagawad para sa Tagalog. Subalit ‘di pa natatagalan, siya ay nagbitiw sa kanyang
tungkulin at siya ay pinalitan ni Iñigo Ed Regalado.
_______________________________________________________________________
MGA BATAS SA PAGPAPATUPAD NG WIKANG PAMBANSA
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (Dis. 30, 1937)
-Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 sa bisa ng Saligang Batas 1935, ipinahayag
ng
pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940)
-Pagpapalimbag ng isang diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa at
pagtatakda ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng paaralang pambayan at
pampubliko.

 Sirkular Blg. 26 (Abril 12, 1940)


-Pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mataas na paaralan at paaralang
normal.
 Batas Komonwelt Blg. 570 (Hunyo 7, 1940)
- Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga wikang opisyal ng
Pilipinas.
 Proklamasyon Blg. 12 (Marso 26, 1954)
- Ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika ay may Marso 29- Abril 4 na
isasagawa taun-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Francisco Balagtas.

You might also like