You are on page 1of 31

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

VII
(Antas ng WIka)

Inihanda ni:

Sharon M. Serafica
(Gurong Mag-aaral)
Iniwasto ni:

Mrs. Marivie T. Viloria


(Gabay na Guro)
Masusing Banghay -Aralin sa Filipino-7

I. Layunin
A. Natutukoy ang iba’t ibang antas ng wika.
B. Napahahalagahan ang gamit ng wika sa kanilang buhay.
C. Nakapagtatala ng iba’t ibang halimbawa sa bawat antasngwika.
II. Paksang Aralin
A. Paka sa: Antas ng Wika
B. Sanggunian: Modyul para sa sariling Pagkatuto ng Filipino, pp.43-49
C. Kagamitan: sipi ng paksa, visual aid.
III. Yugto ng Pagkatuto

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Pagganyak

Klas, gamitang concept map, magtala ng mga


salita o parirala na inyong maiuugnay sa
“Wika”

Batay sa naibigay na mga salita, ano ang


maibbigay ninyong ideya hinggil sa wika kung
pagsassama-samahin ninyo ang mga naitala?

Ang wika ay isang tulay upang ang bawat isa


ay magkakaroon ng unawaan. Ito ay
nagsisilbing buhay habang ginagamit ng tao.
Tama! Sa paglipas ng panahon, ano ang
napansin ninyong pangyayari sa wika?

Ito ay nagbabago ma’am!


Anong klase ng pagbabago ang nagaganap
ditto?
Nagkaroon ng ibang salitang nagtataglay ng
pansariling kahulugan dulot ng mga lumikha
Tama! Ang wika ay patuloy na nagbabago nito.
kaya’t nagkaroon ng iba’t ibang katawagan sa
mga ito.

B. Palalahad
Ang inyong ibinahagi tungkol sa wika ay may
kaugnayan sa ating tatalakayin ngayon. Ito ay
tungkol sa “Antas ng Wika”

C. Pagtatalakay
Sa inyong palagay, ano-anong mga uri natin
maaaring iugnay ang pagkakagamit ng wika?
Sa pormal at di-pormal po ma’am!
Tama! Ang antas ng wika ay nauuri sa dalawa.
Ang pormal at di-pormal/impormal. Talakayin
muna natin ang impormal.

Ano ang masasabi ninyo kapag ang pananalita


ay impormal?
Ito ay pangkaraniwan lamang.
Tama! Sa makatwid, ang impormal na antas ng
wika ay walang sinusunod na istandard. Ito ay
karaniwan, palasak, pang-araw-araw at
madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.

Nauuri ito sa tatlo:

a) Pabalbal
-ito ay antas ng wikang impormal na
ginagamit sa lansangan. Kadalasan,
ang gumagamit ditto ay yaong mga
taong walang pinag-aralan, kung kaya’t
tinuturing itong pinakamababang
antas ng wika.

Batay sa wikang sinasalita na


maituturing nating pabalpal kahulugan,
ano kaya ang mga?

Tama! Magbigay nga kayo ng Salitang kalye, gay linggo, jejemon


halimbawa ng balbal na salita?

Syota- kasintahan
Todas- Patay
Salamat! Ngayon, dadako na tayo sa Bokal- Kalbo
ikalawang uri ng impormal?

b. Kolokyal
- ito ay wikang sinasalita ng
pangkaraninwang tao ngunit bahagyang
tinatanggap sa lipunan.
- pang-araw-araw itong ginagamit sa
mga pagkakataong impormal.
- ang kadalasang halimbawa nito ay
ang pagpapaikling salita.
Magbigay nga ng halimbawa batay sa
pagpapakahulugan?

Pano-paano
Ano ang napansin ninyong pagbabago sa
Meron-mayroon
mga salita?

Tama! Ang pagkakaltas na ngayon ng


May nakaltas po!
bahagi ng isang salita ang pormulasyon
sa pagkakagamit sa kolokyal.

Dadako na tayo sa pangatlong uri, ang


lalawiganin.
c. Lalawiganin-
- ito ang sariling dayalekto na ginagamit
sa isang particular na lugar na tanging sila
lamang ang kadalasang nakauunawa.
- kabilang ditto ang salitaan o dayalekto
ng mga katutubo sa lalawigan o
panlalawigang salita.

- Nakikilala nito ang pagkakaroon ng


ibang tono.

Magbigay nga kayo ng halimbawa?

Napintas (ilokano)- maganda


May mga katanungan ba tungkol sa Napatu (itawes)- mainit
impormal na antas ng wika? Napakarami(itawes)- marami

Dadako na tayo sa pormal na anyo ng


wika.—kapag sinasabing pormal, ano ang Wala po!
ikinaiba nito sa impormal?

Tama! Ito ang antas ng wika na istandard Napakataas na antas ng wika ang ginagamit at
at kinikilala o ginagamit ng nakararami. para ito sa mga taong may pinag-aralan.
Nauuri rin ito sa dalawa.
a. Pambansa- ito ang mga wika o
lengwahe ng isang lahi.
Ano kaya ang pinaka-halimbawa ng
pambansa?

Ang wikang Filipino- tanging wika lamang ng


mga Pilipino.
Ang wikang Ingles- ginagamit sa ibang bansa
particular sa iba’t ibang bansa.
Tama! Magbigay nga kayo ng mga
salitang halimbawa nito?

Maganda- Filipino
Beautiful- Ingles
Mabait- Filipino
Ngayon, dadako naman tayo sa pangalawang Kind- Ingles
uri.

b. Pampanitikan- mga pananalitang


ginagamit sa pagsulat ng mga
babasahin. Maaaring magtaglay ng
matatalinhagang pahayag at iba pa na
nakalilibang sa mga mambabasa.
- Ang uring ito ang
pinakamayaman. Kadalasa’y
ginagamitan ng salita na may
isang kahulugan.
- Ang mga salitang ginagamit ditto
ay matatayog, malalalim,
makukulay, at masining.
Magbigay nga ng halimbawa?

Pang-uuyam-panglalait
May katanungan ba hinggil sa natalakay?
Mawatasan- maintindihin
Katoto- kaibigan
D. Sintesis
Batay sa natalakay, paano mo ihahambing ang
Wala po!
pagkakaiba ng pormal at impormal na salita
batay sa gamit?

Kapag sinasabing pormal, ito ang mga


disenteng salita na katanggap-tanggap sa
lipunan at sa ibang tao. Kapag ito ay iyong
gagamitin ipinapakita ang iyong pinag-aralan.

Kapag Impormal naman, ito ay mga salitang


kadalasang nabubuo ng mga taong walang
E. Pagpapahalaga magawa sa buhay nilang paghahayag sa
Ano ang mensaheng dulot ng antas ng wika? kanilang saloobin o kagustuhang salita.
Kung ano ang mga pananalitang lumalabas sa
iyong labi ay naghuhudyat na makilala ka sa
Tama! Kung kaya’t kinakailangan nating tunay mong pagkatao dahil sa kasabihang,
gamitin nang wasto ang wika uang hindi “Whatever you say defines who you are.”
maabuso ang gamit nito

IV. Pagtataya

Magtalangtig-limang halimbawa ng bawat uri ng antas ng kwento maging pormal man o


impormal. Isulat ang kahulugan ng mga ito.

V. Kasunduan

Manood ng balita o making sa isang mahalagang isyu sa radio at TV at itala ang mahahalagang
isyu na natutuan ditto.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

a. Ano ang pagkakaiba ng Radyo at TV? Patunayan.


b. Ano ang mabuting dulot ng Radyo at TV sa ating buhay?
Masusing Banghay Aralin sa Filipino
VII
(Tutubi, Tutubi, Wag Kang Magpahuli sa Mamang
Salbahe (1st Day))

Inihanda ni:

Sharon M. Serafica
(Gurong Mag-aaral)
Iniwasto ni:

Mrs. Marivie T. Viloria


(Gabay na Guro)
Masusing Banghay-Aralin sa Filipino-7
I. Layunin
A. Nabibigayng kahulugan ang nakapaloob na talasalitaan sa akda.
B. Nakikilala ang mga mahahalagang tauhan sa akda.
C. Nababasa nang wasto ang akda sa pamamagitang ng dugtungang pagbasa.
D. Naiuugnay ang tema ng akda sa pamamagitan ng Paglalahad ng sariling karanasan.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Tutui, tutubi, Wag kang Magpahuli sa Mamang Salbahe
B. Sanggunian: Filipino VII, kagamitan sa Pagtuturo, pp.11-15
C. Kagamitan: visual Aid
III. Yugto ng Pagkatuto

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Pagganyak
Mayroon akong ididikit na larawan sa pisara.
Pakibasa ang nakasulat?
Kalayaan po Ma’am!
Gamit ang mid-map, nais kong tumungo ang ilan
sa inyo at magtala ng mga salita o parirala na
pumapatungkol sa kahulugan ng Kalayaan.

Batay sa naitalang mga salita, bumuo ng


pagpapakahulugan sa salitang “kalayaan”

Ang kalayaan ay kasama sa karapatan ng bawat


tao upang magkaroon ng pag-asa sa pagkamit ng
kaunlaran tungo sa pamumuhay sa kapayapaan.
Kapag naririnig ninyo ang salitang kalayaan,sino
ang naiisip ninyo?
Ang aking sarili, sapagkat kung may pagkakataon
ay Malaya kong nagagawa ang mga bagay na
ninanais ko.
Tama! Anong lugar naman ang naiisaip mo kapag
pinag-uusapan ang “kalayaan?”
Sa Tuguegarao ma’am. Sapagkat napakaraming
mga mag-aaral na nalalayo sa kanilang mga
magulang kaya’t nagagawa nila ang mga bagay na
naisin nila.
Anong pangyayari ang nakapagpapaalala sa ating
sa kalayaan?

Tuwing pasko po ma’am, kasi po, Malaya po akong


humuhingi ng regalo na naisin ko sa aking mga
magulang.
B. Paglalahad
Ang mga ibinahagi ninyo ay may kaugnayan sa
ating aralin ngayon. Ngunit bago iyan ay nais ko
munang ilahad ang mga talasalitaan:

Aktibista- taong taliwas sa batas na hindi


pinapanigan.

Komunista- taong ipinaglalaban ang kanilang


karapatan na ayon sa kanilang kakayahan.

Bonsay- uri ng maliit na halaman.

Curfew- paglimita sa oras ng paglabas sa gabi.

C. Pagtatalakay
Bago natin talakayin ang akda, atin munang
basahin ito. Isaalang-alang ang mga gabay na
tanong:
a. Sinu-sino ang mga tauhang nagsiganap?
b. Ano ang tema ng akda?
c. Ano ang suliraning kinaharap ng mga
tauhan?

(babasahin nan g mag-aaral ang akda)


Nagustuhan ba ang binasa?
Opo Ma’am!
Atin na ngayong sagutin ang mga katanungan.
a. Sinu-sino ang mga tauhang nagsiganap?
Ang mga tauhan ay sina:
Jojo- pangunahing Tauhan.
Mga kaibigan ni jojo:
Kuas,lib,joey, Minyong Mr. Kabayan

Herbi- tanging kaibigan na may positibing pananaw


sa buhay.
Tess- nakilala ni Jojo sa isang lamayan.
-ginawa ;amang na oanakip butas si Jojo.
Ven- kasintahan ni Tess.
Ms. Spermatozoa- gurong bastos.
Idio- kababayan ni Jojo na siya valedictorian sana
nila ngunit nagluko.
Ano ang tema ng akda?
Ang tema ng akda ay tungkol sa kalayaan.
Sapagkat ang mga kilos ng mga tauhan sa kwento
ay limitado.
Ano ang suliraning kinaharap ng mga tauhan sa
kwento?
Kawalan ng pagkakataing kumilos ng Malaya
upang gawin ang kanilang naisin sapagkat
inihahalintulad sila sa ibong walang pakpak.
D. Sintesis
Ano ang mensaheng nais iparating ng kwento?
Hindi magandang magkaroon ng sobrang higpit na
kapaligiran dahil mas lalong nawawalan ng
kapayapaan ang mga tao.
Balikan natin ang kahulugan ng kalayaan, paano na
ninyo ito ngayon maisasabuhay?
Bilang mga tao, nararapat lamang na matuto
tayong ipaglaban an gating mga karapatan sa
mabuting pamamaraan,

E. Pagpapahalaga
Paano ninyo ngayon maiuugnay ang pagkakaroon
ng limitasyon sa inyong buhay batay sa mga
pangyayari sa akda?

Batay po sa akda, kung magkakaroon po ng


napakaraming limitasyon sa aking buhay ay
masasabi ko pong hindi ako magiging masaya
sapagkat napakaraming hadlang sa pagkamit ko sa
aking mitihiin.
Par po sa akin, masasabi kop o na ang
pagkakaroon ng limitasyon sa nakatutulong upang
magabayan tayo sa ating ikinikilos.

Tama! Lagging isa-isip ang mabuting epektong


pakakaroon ng limitasyon upang matutong
tumugon sa mga ito.

IV. Pagtataya

Napakahusay Mahusay Nangangailangan Walang Kahusayan


(10) (8) Ng Pagsasanay (1)
(5)
Organisayon Ang bawat May 2-3 May 3-5 pahayag Ang bawat ideyang
ng ideya (10) ideyang pahayag ang ang hindi wasto inilahad ay walang
inilahad ay hindi wasto ang ang pagsasaayos kaayusan.
nasa wastong pagkakasaayos.
pagsasaayos.
Nilalaman(10) Ang bawat May 2-3 May 3-5 na Hindi Naging
detalteng pahayag ang pahayag ang makahulugan ang bawat
inilahad ay hindi angkop sa hindi angkop sa detalyeng inilahad at
kompleto at paksa ngunit paksa at kukang bahagyang nalilihis sa
naaayon sa detalyado ang ang mga paksa.
paksa. pagkakalahad. detalyeng itinala.
Disiplina(5) Kakikitaan ng May mga Kadalan ay hindi Hindi nakitaan ng
disiplina pagkakataong nagkaroon ng disiplina hanggang sa
hanggang hindi kakitaan disiplina sa pagtatapos ng Gawain.
matapos ang ng disiplina sa pagsasagawa.
Gawain. paggawa.

Batay sa akdang binasa, bigyan ng pagpapaliwanag ang salitang kalayaan gamit ang graphic
Organizser.

Pangkat 1: gamit ang concept map- magbigay ng mabuting epekto ng pagiging Malaya.

Pangkat 2: gamit ang Concepr Web, magbigay ng di-mabuting epekto ng pagiging Malaya at
magbigay ng kaukulang halimbawa.

Pangkat 3: gamit ang ladder organizer, magtala ng mga dahilan kung bakit kailangang maging
malaya.

Pangkat 4: gamit ang ice cream cone, magtala ng mga dahilan kung bakit kailangang maging
Malaya.
Pangkat 5: gamit ang 2-column chart, magbigay ng simbolismo ng kalayaan at ibigay ang
kahulugan nito.

V. Kasunduan

Magsaliksik ng iba’t ibang pangyayari sa panahon ng Marcial Law o batas military sa Pilipinas at
itala ang mga pangyayari na lantad sa akdang binasa na nagpapakita ng Gawain sa panahon ng
batas military.
Masusing Banghay Aralin sa Filipino
VII
(Tutubi, Tutubi, Wag Kang Magpahuli sa Mamang
Salbahe (2nd Day))

Inihanda ni:

Sharon M. Serafica
(Gurong Mag-aaral)
Iniwasto ni:
Mrs. Marivie T. Viloria
(Gabay na Guro)

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino-7

I. Layunin
A. Natutukoy ang mahahalagang pangyayari na nakapaloob sa akda.
B. Naitatala ang mga saloobin hinggil sa akda gamit ang ‘’sense chart’’
C. Naisasabuhay ang mensahe ng akda bilang mga mamamayang Pilipino.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Tutubi,Tutubi Wag Kang Magpahuli Sa Mamang Salbahe
B. Sanggunian: Plano sa Pagtuturo Filipino VII,pp.11-14
C. Kagamitan: Mga Larawan,Graphic Organizer,Istripo Ng Papel
III. Yugto ng Pagkatuto

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. Pagganyak
May ipapaskil akong mga larawan sa pisara at
nais kong suriin ninyo ito batay sa kanilang
pagkakaiba.
(susuriin ng mag-aaral ang larawan)
Ano ang napapansin ninyo sa mga larawan?
-isang ibon na lumilipad sa himpapawid
-ibon na nakakulong
Ano ang masasabi ninyo sa ibon na lumilipad?

-napupuntahan niya po lahat ng gusto


niyang puntahan
Tama!sa ibon na nakakulong,ano ang masasabi -nagagawa niya ang nais niyang gawin
ninyo rito?
-hindi niya po nagagawa ang gusto niyang
gawin
-hindi niya mararating ang lugar na nais
niyang puntahan.
B. Paglalahad
ang inyong mga ibinahagi ay may kaugnayan
sa ating Pagtatalakay sa akdang
“tutubi,tutubi wag kang magpahuli sa
mamang salbahe”ating aalamin kung alin sa
dalawang ibon na iyan ang naglalarawan sa
mga Pilipino sa panahong nasusulat ang
akda.-ngunit bago iyan ay nais kong ilahad
muna ninyo ang ibinigay kong takdang aralin
sa inyo.
(ibabahagi ng mag-aaral ang kanilang
isinagawa tungkol sa kalayaan)
Napansin kong mayroon kayong iba’t ibang
pananaw tunkol sa kalayaan kung kaya’t
ngayon ay ating palalaguin ang inyong
kaalaman sa Pagtatalakay nang malaliman
sa mensahe ng akda.

C. Pagtatalakay
Upang maging interaktibo an gating
talakayan ,isinulat ko sa istripo ng papel ang mga
mahahalagang katanungan .bubunot o magtatawag
ako ng magsasagot sa mga katanungan na kanyang
bubunutin.
Mga tanong:
Bakit pinamagatang tutubi,tutubi,wag kang
magpahuli sa mamang salbahe ang akda?

Sapagkat ang mga Pilipino sa panahong


naisulat sa akda ay maihahalintulad sa
tutubi na kung saan nagpapahuli lamang sa
mga taong mapansamantala tulad ng mga
makapangyarihan.
Ano ang ginawa ng mga kabarkada ni jojo bilang
paglutas sa suliraning kinakaharap ng kanilang
lipunan noon?
Naging aktibista sila,at ipinapakita nila na
taliwas sa uri ng pamamahala ng mga
pinuno ng kanilang bayan noon.
Masasabi ba ninyo na mabuti ang ginawa ng mga
kabarkada ni jojo?pangatwiranan.
-opo!sapagkat ang iniisip lamang nila ay
ang kanilang kapakanan,kaya’t
ipinaglalaban nila ang kanilang kalayaan.
Sino-sino ang maituturing na tutubi sa akda at sino
ang tinuturing na mamang salbahe?
Tutubi-mamamayang Pilipino
Mamang
salbahe-makapangyarihan/pamahalaan
Ano ang mahalagang pangyayari sa akda na maari
ninyong iugnay sa kasalukuyang panahon?

Pagkakaroon ng mga panuntunan na dapat


sundin,tulad na lamang sa mga paaralan na
may mga paalala na dapat isaalang-alang
Anong kapanahunan naganap ang akda? bago pumasok.

Panahon ng batas military

Anong mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng


mga kaganapan sa kapanahunan ng batas militar?
-pagkakaroon ng curfew
-pagsasara sa paaralan ng isang lingo
-pagkakaroon ng mga babala sa malalaking
establisyemento at iba pa.
D. Sintesis
Ano ang masasabi ninyo sa nagging epekto
ng batas military sa pilipinas?

Sa dalawang ibong ito,kanino na ninyo -nawalan ng kalayaan ang mga Pilipino


ngayon maihahambing ang pilipinas?
-ibong nakakulong,sapagkat wala silang
kalayaan noon at limitado ang bawat kilos
nila.
Sa tingin ninyo,may nagging magandang
epekto ba ang batas military sa pilipinas?

Opo.nabawasan ang krimeng naganap sa


bansa at natuto ang mga tao na magkaroon
E. Pagpapahalaga ng takot sa mga namamahala.
Bilang 67,ano ang mahalagang mensaheng
naidulot ng akda sa inyong buhay?

Matutong lumaban sa wastong


pamamaraan at huwag ipagkait sa kapwa
ang pagkakaroon ng kalayaan tungo sa
kaunlaran ng sarili at ng bayan.
Paano ninyo ngayon masosolusyunan ang
ganitong uri ng sitwasyon sa inyong buhay
bilang mga anak at mag-aaral?

-kailangang making sa payo ng mga


magulang kung ito’y para sa ating
kabutihan.
-tayo’y may kalayaan, ngunit lagging isaisip
ang kabutihan.

IV. Pagtataya
Gamit ang sense chart,punan ang mga hanay batay sa kaukulang kasagutan na hinihiling
nito.
-batay sa natalakay na akda,ano ang inyong:

NAKIKITA NARIRINIG NADARAMA NALALASAHAN NAAAMOY


Nang mabasa ko Ang mga naririnig Nang mabasa ko Ang panlasang Ang amoy na
ang akda,ang mga ko na may ang tungkol sa maiuugnay ko sa maari kong
bagay na nakikita kaugnayan sa akda akda nadama akda ay ang… maiugnay sa akda
kong may ay ang mga: kong… dahil… ay…dahil…
kaugnayan ditto
ay:

PAMANTAYAN:

Napakahusay Mahusay Nangangailangan Walang


(10) (8) Ng Pagsasanay Kahusayan
(5) (1)
Organisayon ng Ang bawat May 2-3 May 3-5 pahayag Ang bawat
ideya (10) ideyang inilahad pahayag ang ang hindi wasto ideyang
ay nasa wastong hindi wasto ang ang pagsasaayos inilahad ay
pagsasaayos. pagkakasaayos. walang
kaayusan.
Nilalaman(10) Ang bawat May 2-3 May 3-5 na Hindi Naging
detalteng pahayag ang pahayag ang hindi makahulugan
inilahad ay hindi angkop sa angkop sa paksa ang bawat
kompleto at paksa ngunit at kukang ang detalyeng
naaayon sa detalyado ang mga detalyeng inilahad at
paksa. pagkakalahad. itinala. bahagyang
nalilihis sa
paksa.
Disiplina(5) Kakikitaan ng May mga Kadalan ay hindi Hindi nakitaan
disiplina pagkakataong nagkaroon ng ng disiplina
hanggang hindi kakitaan disiplina sa hanggang sa
matapos ang ng disiplina sa pagsasagawa. pagtatapos ng
Gawain. paggawa. Gawain.

V. Kasunduan
*magsaliksik tungkol sa napapanahong isyu sa mga bagay na nais ninyong malaman.
*gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagsasalik,tulad ng interbyu,pananaliksik sa internet,aklatan
at iba pa.
*isulat ang ginamit na sanggunian
*pagkatapos ng pagsasagawa sa pananaliksik sagutin ang sumusunod na tanong:
1)ano ang pananaliksik?
2)ano ang kahalagahan ng pananaliksik?
3)ano ang katangian ng pananaliksik?

Masusing Banghay Aralin sa Filipino


VII
(Pagdedebate o Pagtatalo)

Inihanda ni:

Sharon M. Serafica
(Gurong Mag-aaral)
Iniwasto ni:

Mrs. Marivie T. Viloria


(Gabay na Guro)

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino-7

I. LAYUNIN
A. Natutukoy anng iba’t ibang mahahalagang impormasyon hinggil sa debate.
B. Naisasabuhay ang kahalagahan ng pagdedebate sa pang-araw-araw na buhay.
C. Nakapagpapakita ng isang pagtatalo batay sa mga tuntuning natalakay.
II. PAKSANG ARALIN
A. PAKSA: Pagdedebate o Pagtatalo
B. SANGGUNIAN: Filipino VII, Plano sa Pagtuturo, pp. 33-35
C. KAGAMITAN: istripo ng papel, pantulong na biswal, chalk-board
III. YUGTO NG PAGKATUTO

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. Pagganyak
Klas, may inihanda ako ritong mga sitwasyon.
Nais kong ibigay ninyo ang inyong ideya
hinggil ditto. Ito’y maaaring sang-ayunan o
tututlan ang pahayag o sitwasyon.
(Bubunot ang mga mag-aaral ngt istripo ng
papel na anglalaman ng isang sitwasyon.)
Isang sitwasyon:
Manganganak ang iyong ina sa iyong bunsong
kapatid, ngunit nagkaroon hg probema sa
kanyang panganganak. Kailangan mong pumili
kung ang gusto mong mabuhay ang iyong
mahal na ina o ang iyong kapatid na matagal
mo nang inaaasam. Sino sa kanila ang gusto
mong mabuhay at bakit?
-gusyo ko pong mabuhay ang akomg ina
sapagkat kung mamamatay man ang aking
kapatid maaari paring magkaanak ang aking
ina at palitan ito.
-gusto ko pong isalba ang buhay ng aking
kapatid sapagkat gusto kong maranasan
niya rin ang mabuhay sa mundo.
Ano ang napansin ninyo sa inyong mga ideya?
Magkasalungat po ma’am!
B. Paglalahad
Ang inyong isinagawa ay may kaugnayan sa
ating tatalakayin ngayon. Ito ay tungkol sa
pagdedebate o pagtatalo.

C. Pagtatalakay
Ano ang kaalaman ninyo tungkol sa
pagtatalo?
Ito po ay pagbibigay ng katwiran sa isang
isyung nais panindigan.
Tama! Ayon kay Sauco, et.al, ang pagtatalo
ay isang paligsahan sa pagbibigay ng mga
katwiran ng dalawang pangkat na
magkasalungat tungkol sa isang isyu o paksa.
Sino ang iba pang may ideya?
Ito po ay isang pormal na Gawain ma’am!
May nananalo ditto at mayroon din namang
natatalo, depende na lamang sa kung
paano nila pangatwiranan ang kanilang
panig.
Mahusay! Nakapanuod na ba ayo ng
nagdedebate?
Opo ma’am!
Ano-ano ang pamamaraan nila sa pagtatalo
na napansin ninyo?
Dalawang pangkat po sila at may isang isyu
na kanilang pinaninindigan.
Tama! Ang pagsasagawa ng pagtatalo ay may
mga bagay rin na dapat tandaan o isaalang-
alang. Batay sa napanood ninyong pagtatalo,
ano-ano sa palagay ninyo ang panuntunang
kanilang sinusunod?
Kailangan ang kanilang mga pahayag ay
nagtataglay ng mga pruweba.
Tama! Bukod pa riyan ay may mga dapat pang
tandaan ang pagtatalo dahil nga sa ito ay
isang pormal na Gawain.
(ipapaskil ng guro ang pantulong na biswal na
naglalaman ng mga dapat isaalang-alang sa
pagtatalo at tatalakayin isa-isa.)
1. Dapat may proposisyon na nakasaad
sa positibing pangungusap.
2. Dapat malaman ng mga kalahok sa
pagtatalo ang katuturan ng bawat
salita sa proposisyon.
3. Dapat na angkop sa mga nakikinig ang
mga salitang gagamitin ng mga
kalahok.
4. Dapat nasa mabuting ayos ang mga
pahayag at may katumbas na
katibayan ang bawat katwuiran ng
tagapagsalita.

May mga katanungan bas a mga dapat


isaalang-alang sa pagtatalo?
Wala po!
Dadako naman na tayo sa katangian ng isang
mabuting proposisyon.
Ano ang proposisyon?
Ito ay tumutukoy sa pahayag na nagsisilbing
sandigan ng pagtatakoi. Ditto kukuha ng
ideya ang mga magtatalo. Maaaring katiga
o sang-ayunan.
Tama! Mahalaga ang papel na ginagampanan
ng isang proposisiyon upang mapaganda ang
daloy ng pagtatalo. Kumbaga sa isang
pagkain, ang proposisyon ay tumutukoy sa
putahe o mga sangkap upang makaakit sa
mga nagtatalo upang sila’y maganyak na
magb igay ng ideya.
(gamit ang pantulong na biswal, tatalakayin
ng guro ang iba’t ibang katangian ng
mabuting proposisyon.)
Mga katangian ng mabuting proposisyon:
a. May nilalamang isang diwa lamang.
Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Kinakailangang hindi maligoy ang isang
proposisyong at iisa lamang ang pinupunto
nito.
b. Nakawiwili sa mga kalahok sa
pagtatalo at sa mga nakikinig.
Ano naman ang nais ipakahulugan
nito?
Kailangang ito ay makaganyak sa mga
tagapakinig upang magkaroon sila ng
interse na pakinggan ito.
c. Payak at di napakalawak.
Ano ang nais nitong sabihin.
Kailangang maging tiyak op isipisipiko ang
isang proposisyon at hindi malawakan ang
saklaw nito.
May katanungan bas a mga katangian ng
mabuting proposisyon?
Wala po!
Ano ang napapansin ninyo sa isang pagtatalo
upang mabigyang linaw ang mga hindi
malinaw na pahayag?
Kadalasang nagtatanong po ang
magkabilang panig upang mabigyan ng
linaw ang nais nilang ideya.
Tama! Ang pagtatanong sa isang pagtatalo ay
hindi basta-basta. Mayroong mga
panuntunan din tayong dapat isaalang-alang.
1. Dapat siyang magtanong ng mga
tanong na nasasagot n goo o hindi.
2. Huwag niyang payagang magtanong
ang kalaban kung siya ang
nagtatanong.
3. Dapat siyang magtanong tungkol
lamang sa paksang kanilang
pinagkasunduan.
4. Dapat ipaalam sa tagapangasiwa ng
pagtatalo kung ang isa sa kanila ay
liumabag sa alituntunin ng
pagtatanong.
Ano ang kabuuang masasabi ninyo hinggil sa
mga nabanggit na panuntunan sa
pagtatanong?
Hindi dapat maging basta-basta ang
pagbabato ng mga katanungan sapagkat
ang pagtatalo ay nangangailangan din ng
mga patnubay upang mgaing maayos ang
takbop nito at mabigyang linaw ang
malabong mga pahayag.
Mahusay! Ngayon dadako naman tayo sa mga
dapat tandaan sa pagtutuligsa.
Ano ang tinatawag nbating pagtutuligsa sa
pagtatalo?
Ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng di-
pagsang-ayon sa pahayag ng kalaban.

Ito ang tinatawag natin sa Ingles na re-


butlle.
Tumpak! Isa-isahin nating talakayina ng mga
dapat tandaan sa pagtutuligsa:
1. Ilahad nang maayos ang mali sa
katwiran ng kalaban.
2. Ipahayag ang mga walang katotohan
sa sinabi ng kalaban.
3. Ipaliwanag ang mga kahinaan ng
ebidensya ng kalaban
4. Ipaalam na labas na sa paksa ng
pagtatalo ang mga katwiran o
katibayan ng kalaban.
5. Dapat na tapusin ang pagsasalita sa
pagbubuklod ng sariling mga katwiran
at katunayan tungkol sa panig na
kanyang ipinagtatanggol.
May katanungan bas a natalakay? Wala po ma’am!

D. Sintesis
Batay sa mga bagay na natalakay tungkol sa
pagdedebate o pagtatalo, ano-ano ang
masasabi ninyo tungkol sa mga tuntuning ng
pagdedebate? Ang pagdedebate ay hindi basta-basta
isinasagawa sapagkat sa tulong ng mga
nabanggit na tunutunin ay kinakailangang
pag-isipan nang mabuti ang mga
sasambatin nang sa ganoon ay mapaniwala
ang tagapakinig at mapanindigan ang
pasya.

E. Pagpapahalaga
Ano ang kahalagahan ng pagdedebate sa Ang pagdedebate ay mahalaga sa ating
pang-araw-araw na buhay? buhay sapagkat sa pamamagitan nito ay
naipapahayag mo ang saloobin mo sa iba
hinggil sa isyung nais panindigan.

Sa pamamagiytan ng pagtatalo ay
nagkakaroon ako ng kalayaang solusyunan
ang mga napapanahong isyu sa
pamamagitan ng pagpapakita g ebidensya.

IV. Pagtataya

Hahatiin ko kayo sa dalawanhg pangkat. Magkakaroon kayo ng debate tungkol sa proposisyong:

“Dapat nang tanggalin na official language ag Ingles.”

Para sa mga nakikinig:


 Itala ang mga punto ng bawat panig.
 Magtala ng sariling opinyong tungkol pinagtatalunan
 Isaalang-alang ang mga rubric o pamantayan sa pagtatalo.

Pamantayan:

Napakahusay Mahusay Nangangailangan Walang


(10) (8) ng Pagsasanay kahusayan
(5) (1)
Paraan ng Ang bawat ideyang May 2-3 ideyang May 3-5 na ideyang Ang bawat
Pangangatwira inilahad ang inilahad ang hindi inilahad ang hindi ideyang
n malinaw na malinaw na malinaw na inilalahad ay
napangangatwirana napangatwiranan. naipahayag. walang
n. malinaw na
pangangatwir
an
Paraan ng Ang bawat tanong May 2-3 tatlong May 3-5 na Ang bawat
pagtatanomg ay malinaw na katanungan ang katanungan na katanungang
nakasasagot sa walang kaugnayan hinsi nagkaroon ng ibinato ay
puntong nais bigyan sa ikalilinaw ng kaugnayan sa walang
ng linaw. puntong ikalilinaw ng kaugnayan sa
pinaglalaban. puntong ikalilinaw ng
pinaglalaban. puntong
pinaglalaban.
Disiplina at Ang bawat May 2-3 May 3-5 na Hgalos lahat
Kooperasyon miyembro ng tmiyembro ng miyembro ng ng miyembro
pangkat ay pangkat ang pangkat ang ng pangkat
kakikitaan ng walang walang ang walang
kooperasyon at kooperasyon at kooperasyon at disiplina at
disiplina. disiplina. disiplina. kooperasyon
sa Gawain.

V. Kasunduan

Magsalikjsik ng mga napapanahong isyu at gawan ito ng makabuluhang proposisyon batay sa natalakay
kanina.
Masusing Banghay Aralin sa Filipino
VII
(Mga Elemento ng Maikling Kwento)

Inihanda ni:

Sharon M. Serafica
(Gurong Mag-aaral)
Iniwasto ni:

Mrs. Marivie T. Viloria


(Gabay na Guro)
Masusing Banghay Aralin sa Filipino-7

I. LAYUNIN
A. Matutukoy ang iba’t ibang elemento ng maikling kwento
B. Nagbibigay halaga ang elementong taglay ng maikling kwento kaugnay sa kanilang
buhay.
C. Nakasusulat ng sanaysay hinggil sa kahulugan ng pahayag na “ang buhay ay isang
kwento”.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: Elemento ng maikling kwento.
B. Sanggunian: Filipino VII, plano sa pagtuturo, pp. 43
C. Kagamitan: Ginupit na papel, sipi ng akda, biswal na kagamitan.
III. YUGTO SA PAGKATUTO

Gawaing Guro Gawaing Mag-Aaral


A. PAGGANYAK
Klas, Ano ang mga nakikita sa hawak ko?
Mga bahagi ng katawan ng tao
Nais kong tumungo ang ilan sa inyo dito sa
harapan at buuin ang mga hiwa-hiwalay ng
bahagi ng katawan ng tao.

(tutungo ang mag-aaral sa pisara)


(isinagawa ang pagbubuo)
Nasa wasto ba ang paraan ng pagkabuo sa
katawan ng tao?
Opo ma’am!
Tama! Kung tatanggalin ko ang isang bahagi, at
pagbabaliktarin ko ang ibang bahagi nito. Ano
ang kinalalabasan nito?

Hindi na po kaaya-ayang tingnan dahil


wala ng kaayusan.
Hindi na po magmumukhang normal na
Mahusay! tao ma!am.
B. PAGLALAHAD
Ang inyong isinagawa ay may kaugnayan sa
tatalakayin natin ngayon. Ito ay tungkol sa ”mga
elemento ng maikling kwento”.
Katulad ng pagkabuo sa katawan ng tao, ganoon
din ang paraan ng pagkabuo ng maikling kwento.
C. PAGTATALAKAY
Ididikit ko sa pisara ang iba’t ibang mga elemento
ng maikling kwento at nais kong ihanay ninyo ang
mga ito sa kaakibat nilang kahulugan, upang
matukoy ko ang kaalaman ninyo hinggil dito.

MGA ELEMENTO NG MAIKLING KWENTO


1. TAGPUAN- tumutukoy sa lugar na
pinangyarihan ng kwento.
2. PANGUNAHING TAUHAN-
tinuturing na bida sa kwento.
-sa kanya umiinog ang buong
salaysay.
3. PROBLEMA/SULIRANIN- ito ang
problemang hinaharap ng bida.
4. TUNGGALIAN- Ito ang pumipigil
sa bida at kung paano niya hinarap
ito.
5. IBA PANG TAUHAN- may
kaugnayan sa pangunahing tauhan
at sa kanyang problema at
pakikitunggali.
6. WAKAS- ang kinahinatuan ng
pakikitunggali ng bida.

Nasa wastong pagkakatugma ba ang isinasagawa


ng inyong kaklase? Opo ma!am!

Ngayon, isa-isahin nating tatalakayin ang bawat


elemento ng maikling kwento.
Ano ang tagpuan? Ito po ang lugar na kung saan naganap
ang kwento.

Tama! Lahat ba ng maikling kwento ay may


tagpuan? Opo ma’am!
Ano nga ba ang papel na ginagampanan ng
tagpuan sa isang kwento.
Dito po malalaman kung anong panahon
at kung ano ang kaligiran ng lugar na
pinagdadausan ng kwento.

Mahusay! Dadako naman tayo sa pangunahing


tauhan. Ano ang tinutukoy na tauhan sa maikling
kwento?
Ito ang bida na kung saan siya ay iniikutan
ng mahahalagang pangyayari sa isang
kwento.
Kung wala ang pangunahing tauhan,
magiging walang saysay ang ikot ng isang
kwento.

Tumpak! Ano naman ang tinutukoy na


problema/suliranin sa isang kwento.
Dito nabibigyan ng kulay ang isang
kwento sapagkat ito ang pinag-ugatan ng
pag-aaway/paglalaban ng mga tauhan
tungo sa isang Layunin.

Magaling! Ano naman ang tunggalian? Ito ang tumutukoy sa paglalaban ng


pangunahing tauhan laban sa kanyang
kapaligiran.

Tama! Tandaan na ang tunggalian ay may apat na


uri. Ito ay ang: tao vs. tao, tao vs. sarili, tao vs.
kalikasan, tao vs. lipunan.
Ano ang katunggali ng tauhan kapag sinasabing
tao vs. tao?
Kapwa tao ang kanyang kalaban ma!am!
Tama! Paano naman kapag tao vs. sarili?

Bakit kinakalaban ng tao ang kanyang sarili? Mismong sarili niya ang kanyang
kinakalaban ma’am!

Tama! Paano naman kapag sinasabing tao vs.


kalikasan? Dahil sa mga maling desisyon, maling
damdamin, paninindigan at iba pa.

Magaling! Paano naman ang tao vs. lipunan? Kinakalaban ng tauhan ang kanyang
kapaligirang ginagalawan tulad ng
kalagayan ng panahon, mga hayop at iba
pa.

Mahusay! Ngayon, dadako naman tayo sa mga iba


pang tauhan. Ano ang papel na ginagampanan ng Kinakalaban ng tauhan ang mga matataas
ibang mga tauhan sa kwento? na pinuno o makapangyarihan sa lipunan.
Kinakalaban din ng tauhan ang mga batas
sa kanilang lugar.

Tama! Ano naman ang tinutukoy na wakas ng


kwento? Nagbibigay din sila ng kulay sa kwento
sapagkat sila ang magiging katunggali ng
pangunahing tauhan upang may
aabangan ang mambabasa.

May dalawang uri ng pagwawakas ang kwento. Ito


ay ang melodrama at trahedya. Ano ang alam niyo
tungkol sa melodrama? Dito na matatagpuan ang kinalalabasan
ng kwento kung nalutas ba ang suliranin
ng mga tauhan o hindi.
Dito, nagtatapos ang kwento na ang
tauhan ay nagwagi o nalutas niya ang
kanyang suliranin.
Tama! Paano naman kapag ito ay trahedya?
Ang pangunahing tauhan ay nasawi sa
bingit ng kamatayan at hindi niya nalutas
ang suliraning kanyang kinakaharap sa
kanyang pakikipagtunggali.

D. PAGLALAHAT
Ano ang kaugnayan ng mga elemento ng maikling Mahalaga ang bawat elemento ng
kwento sa pagkakabuo ng isang kwento? maikling kwento sapagkat malaki ang
kaugnayan nito sa pagbibigay ng kulay sa
takbo ng kwento.

Masasabi ba ninyo na kapag wala ang isang


elemento ng kwento ay magiging maganda ang
ayos nito? Hindi po ma’am!

Kasi po ang bawat elemento ng kwento ay


Bakit? kukumpleto sa takbo ng isang kwento
para maging patok sa mga mambabasa.

E. PAGPAPAHALAGA
Kung ating babalikan ang inyong isinagawa kanina
na binuo niyo nang wasto ang bawat bahagi ng
katawan ng tao, Paano niyo na ngayon maiuugnay
ang elemento ng kwento sa bawat bahagi ng tao?
Upang maging kumpleto ang sangkap ng
maikling kwento, kinakailangan na
kumpletuhin ang elemento nito sapagkat
katulad din ng normal na tao maging
kaya-ayang tingnan/basahin ang isang
kwentong may kumpleto ang sangkap.

IV. EBALWASYON
Sumulat ng isang sanaysay hinggil sa paksang “ang buhay ay isang kwento”

Pamantayan:

Napakahusay Mahusay Nangangailangan Walang


(10) (8) Ng Pagsasanay Kahusayan
(5) (1)
Organisayon Ang bawat May 2-3 May 3-5 pahayag Ang bawat
ng ideya (10) ideyang pahayag ang ang hindi wasto ideyang
inilahad ay hindi wasto ang pagsasaayos inilahad ay
nasa wastong ang walang
pagsasaayos. pagkakasaayos. kaayusan.
Paraan ng Ang bawat Ang bawat Hindi sumunod sa Hindi
Pagsulat(5) isinulat ay isinulat ay wastong paraan sumunod sa
naaayon sa naaayon sa ng pagsusulat wastong
wastong wastong ngunit malinis at paraan ng
paraan ng paraan ng maayos na pagsusulat,
oagsusulat at pagsulat naisulat ang bawat marumi at
may kaayusan ngunit hindi pahayag. maraming
at kalinisan maayos ang bura ang
ang pagkakasulat bawat
pagsusulat. aty may 2-3 na isinulat.
bura.
Nilalaman(10) Ang bawat May 2-3 May 3-5 na Hindi Naging
detalteng pahayag ang pahayag ang hindi makahulugan
inilahad ay hindi angkop angkop sa paksa ang bawat
kompleto at sa paksa at kukang ang detalyeng
naaayon sa ngunit mga detalyeng inilahad at
paksa. detalyado ang itinala. bahagyang
pagkakalahad. nalilihis sa
paksa.
Disiplina(5) Kakikitaan ng May mga Kadalan ay hindi Hindi
disiplina pagkakataong nagkaroon ng nakitaan ng
hanggang hindi kakitaan disiplina sa disiplina
matapos ang ng disiplina sa pagsasagawa. hanggang sa
Gawain. paggawa. pagtatapos
ng Gawain.

V. TAKDANG ARALIN
Basahin at unawain ang kwento ng “pork empanada” bilang paghahanda sa ating Gawain
sa susunod na pagkikita.
-magdala ng kanya-kanyang sipi ng akda.
-magdala ng art materials pangkulay, bondpaper, at pangsulat.

You might also like