You are on page 1of 9

MGA KAHANDAAN NG

TAGASALIN
Ang isang tagasalin ay dapat magtaglay ng
dalawang pangkalahatang kahandaan;
1. Kasanayang pangwika
2. Kaalaman sa nilalaman ng tekstong isasalin

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO- MANAGEMENT REVIEW 1


Ang Kabutihan ng Pagsasalin
sa mga Tagasalin
1.Patuloy na nalilinang ng pagsasalin ang iba’t ibang
kasanayan sa komunikasyon.
2.Pinauunlad nito ang kakayahan ng tagasalin sa
paggamit ng wika.
3.Hinuhubog ng pagsasalin ang didiplina sa
pagkatuto at pagtuklas.
4. Binubuksan ng pagsasalin ang pagkilala at
pagbuo ng isang “bagong bayan” sa mata ng
tagasalin

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO- MANAGEMENT REVIEW 2


Mga Kasanayan na Dapat
Linangin ng isang Tagasalin
1. Kasanayan sa Pagbasa
2. Kasanayan sa Pananaliksik
3. Kasanayan sa Panunuri
4. Kasanayan sa Pagsulat

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO- MANAGEMENT REVIEW 3


Ilang Simulain sa Pagsasalin sa
Filipino mula sa Ingles
1. Bawat wika ay nakaugat sa kultura ng mga
taong likas na gumagamit nito.
2. Bawat wika ay may kanya-kanyang natatanging
kakanyahan
3. Ang isang salin, upang maituring na mabuting
salin, ay kailangang tanggapin ng Pinag-
uukulang pangkat na gagamit nito
4. Bigyan ng pagpapahalaga ang uri ng Filipino na
kasalukuyang sinasalita ng bayan

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO- MANAGEMENT REVIEW 4


5. Ang mga daglat at akronim, gayundin ang mga
pormula, na masasabing estabilisado o unibersal na
ang gamit ay hindi na kailangang baguhin pa upang
umayon sa baybay ng katumbas sa Filipino
6. Kung may pagkakataon na higit sa isa ang
matatanggap na panumbas sa isang salita ng
isinasaling teksto, gamitin ang alinman sa mga ito
at pagkatapo ay ilagay sa talababa(footnote)ang
iba bilang mga kahulugan

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO- MANAGEMENT REVIEW 5


7. Sa pagsasalin ay laging isaisip ang pagtitipid sa
mga salita
8. Nagkakaroon lamang ng tiyak na kahulugan ang
isang salita kapag ito’y naging bahagi ng
pangngusap
9. May mga pagkakataon na ang mga tahasang
pahayag sa Ingles ay kailangang gamitan ng
eupemismo sa Filipino upang hindi maging pangit
sa pandinig

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO- MANAGEMENT REVIEW 6


10. Ang kawalan ng paniniwala sa likas na
kakayahan ng wikang Filipino ay nauuwi sa
paggagaya o panghihiram hindi lang ng mga salita
kundi pati mga idyoma, paraan ng pagpapahayag
at balangkas ng mga pangungusap sa wikang
Ingles

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO- MANAGEMENT REVIEW 7


11. Malaki ang pagkakaiba ng ‘Filipinong pasalita’ at
‘Filipinong pasulat’. Maraming pagkakataon na ang
tinatanggap nating mga uri ng pahayag na pasalita
ay hindi natin tatanggapin kapag isinulat
12. Isaalang-alang ang kaisahan ng mga
magkakaugnay na salitang hinihiram sa Ingles
13. Ang sariling kakanyahan ng wikang isinasalin ay
hindi dapat malipat sa pinagsasalinang wika

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO- MANAGEMENT REVIEW 8


14. Mahalaga ang diksyunaryo sa pagsasaling-wika
ngunit huwag paalipin dito

UNIVERSITY OF SOUTHERN MINDANAO- MANAGEMENT REVIEW 9

You might also like