You are on page 1of 12

ARALIN 2:

LAYUNIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO


 Ang isang guro ay kinakailangan may layunin sa buhay .
 Kabilang sa araw-araw na buhay ng guro ang pagkakaroon ng banghay –
aralin.
Sa banghay aralin ay nasusuot ang iyong layunin kung ano ang iyong
ituturo sa bawat asignatura .
Layunin mong makahubog ng isang mag- aaral na hindi lamang marunong
sa nilalaman bagkus marunong gamitin ang mga matutuhan.
Layunin ng kunkulum ng k-12 ang makalinang ng isang buo at ganap na
filipinong may kapaki-pakinabang na kaalaman.
Malaki ang ginagampanang tungkulin ng wika at asignaturang ito sa
pagtatamo ng kabuuang layunin ng k-12 na makahubog ng ganap na
Filipino na ang kasanayang akma sa ika 21 siglo .
Nililinang sa Filipino ang limang makrong kasanayan.
1. Pagsasalita
2. Pagbasa
3. Pagsulat
4. Pakikinig
5. Panonood
Layunin din ng pagtuturo ng Filipino ang ;
• Paglinang sa repleksibong pag-iisip
• Pagpapahalagang pampanitikan
• Kakayahang kumonikatibo ng mga mag-aaral.
Higit sa lahat binibigyang diin ng asignaturang ito,sa pamamagitan ng pagtalakay
at pagkamulat sa kulturang Filipino na nagbubunga ng kultura ng kaalaman at
matibay na pambansang pagkakakilanlan.
UNANG BAITANG

Ang paguturo ng Filipino ay may sinusunod na direksyon o tunguhin .


Ito ay makikita sa (content standard) o pamantayang pangnilalaman.
Content standard ito ang dapat malaman ,matutuhan at maunawan sa
paksa ng mag-aaral.
Layunin ng pagtuturo sa Filipino sa unang baitang ang mga sumusunod:

1. Naipamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan;


2. Naipamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya,kaisipan,karanasan,at damdamin;
3. Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at ng mga tunog
4. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan.
5. Naipamamalas ang ibat ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang mga pamilyar
at di pamilyar na salita.
6. Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at sa ugnayan ng simbolo at
wika.
7. Nagkakaroon ng papaunlad ng kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat.
8. Nauunawaan na may ibat ibang dahilan ng pagsulat;
9. Naipamamalas ang ibat ibang kasanayan upang maunawaan ang ibat ibang teksto.
Ikalawa at Ikatlong Baitang
1. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa
napakinggan.
2. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya,kaisipan,karanasan at damdamin;
3. Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at ng mga tunog;
4. Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at kung paano ang
ugnayan ng simbolo at wika;
5. Naipamamalas ang ibat ibang kasanayan upang amkilala at mabasa ang mga
pamilyar at di- pamilyar na salita;
6. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan;
7. Nagkakaroon ng pagpapaunlad na kawasto sa wasto at maayos na pagsulat;
8. Nauunawaan na may ibat ibang dahilan ng pagsulat;
9. Naipamalas ang ibat ibang kasanayan upang maunawanang ibat ibang teksto; at
10. Naipamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa
komunikasyon at pagbabasa ng ibat ibang uri ng panitikan.
IKALAWA AT IKATLONG BAITANG:
1. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.
2. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling
ideya ,kaisapan ,karanasan at damdamin;
3. Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at ang mga tunog ;
4. Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at kung paano ang ugnayan ng
simbolo at wika;
5. Naipamamalas ang ibat ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang mga pamilyar at
di – pamilyar na salita ;
6. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan ;
7. Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at
maayos na pagsulat;
8. Nauunawaan na may iba’t-ibang dahilan ng pagsulat;
9. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang
maunawaan ang iba’t ibang teksto;at
10. Naipapamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa
paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng iba’t
ibang uri ng panitikan.
IKAAPAT HANGGANG IKA ANIM NA
BAITANG
1. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.
2. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sarilung ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin.
3. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napalalawak ang talasalitaan.
4. Naipamamalas ang ibat ibang kasanayan sa pag unawa sa ibat ibang teksto;
5. Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat ng ibat ibang uri ng sulatin;
6. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba’t ibang uri ng media tulad ng
patalastas at maikling pilikula at;
7. Naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa
ng iba’t ibang uri ng panitikan.
MARAMING SALAMAT!

MGA KASAPI:
REGIN ELACO
IVY MESA
JAMES JUBAN

You might also like