You are on page 1of 1

WIKANG FILIPINO SA E DUKASYONG SEKUNDARYA

Eden R. Leaño

Ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng wikang Filipino?

Sa pag-aaral ng wikang Filipino, nararapat lamang na taglay ng bawat mag-aaral ang makrong
kasanayang pangwika: pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Ang pakikinig ay isang
makapangyarihang instrument ng komunikasyon na nagsisilbing impluwensiya upang makipag-usap
ng mabuti sa tulong na rin ng ating dalawang tenga. Naipaparating natin ang ating naririnig o ang
ating napakinggang tunog mula sa ating paligid. Pagsasalita, ito ay ang kakayahan at kasanayan ng
isang tao kung paano niya maipapaabot sa kanyang kinakausap ang ibig niyang iparating ayon sa
gamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kinakausap. Ang pagsasalita rin ang nagiging kasangkapan
ng pag-uunawaan ng dalawang tao. Pagbasa, ito ay nagiging daan upang lubusan nating malaman
ang isang bagay, sa pamamagitan ng pagbasa mas lumalawak ang ating kaalaman at pag-unawa sa
isang bagay o ideya. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring
magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa
layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan (Sauco, et al., 1998). Isang mabisang paraan rin ng
pagpapahayag ng ating damdamin o saloobin sa isang bagay ang pagsulat, malaya nating
naipapahayag ang ating opinion sa mga bagay-bagay.

Kailangan sa pagtuturo ang ibat-ibang paksa na babasahin sa Filipino. Sa ganitong gawain,


masasanay ang mga mag-aaral sa kritikal na pag-iisip na hahamon upang maipahayag ang kanilang
mga saloobin sa mataas na kaisipan. Nararapat na hasain at sanayin ang mga mag-aaral sa wikang
Filipino upang maging handa sa pagtungtong nila sa kolehiyo. Sa pagbibigay at pagbasa ng
mahihirap na teksto, nalilinang at nagkakaroon sila ng mapanuring pag-iisip. Sa pamamagitan ng pag
gamit ng wikang Filipino, nalilinang ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa
pakikipagtalastasang pasalita at pasulat. Gayundin ang mga mag-aaral ay nagkakaroon ng lubusang
pag-unawa, malalim na pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga paksang narinig at nabasa. Ang pag-
aaral ng wikang Filipino sa sekundarya ay nagkakaroon ang mga mag-aaral ng kakayahan at
kasanayan sa pagkilala at paglikha ng ibat-ibang uri ng katutubong panitikan gayundin ang kaalaman
sa pananaliksik at pagsasaling wika.

7 February 2017

Publications

Hindi lamang sa loob ng klasrum o paaralan nalilinang ang kasanayan sa wikang Filipino, ito’y
naiaangat at napapabuti sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga Gawain sa labas man ng
paaralan. Sa pagakakaroon ng malawak na kaalaman at kasanayn sa wikang Filipino, ang mga mag-
aaral ay nakasusulat ng maayos at mahusay na komposisyon tungkol sa paksang tinalakay ng guro.
Malaya rin silang nakapagpapahayag ng mga kaisipan at pananaw sa pamamaraang mahusay, wasto
at epektibo.

You might also like