You are on page 1of 6

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG

Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

KOLEHIYO NG EDUKASYON BSEd-FILIPINO/1st Year


TP 2021-2022/Unang Semestre

Paksang-Aralin:
Mga Batayang Kaalaman sa Wika
Kahulugan at Katangian
Kahalagahan
Tungkulin
Kaantasan

Inaasahang Pagkatuto:
Naipauunawa ang kahalaghan ng mga batayang kaalaman sa wika bilang
pangunahing salik ng pakikipagtalastasan.

Panimulang Gawain:

Bigyan ng malalim na pagpapakahulugan ang salitang nasa loob ng kahon. Bigyang


paliwanag ang itinalang kahulugan.

WIKA

Pagtalakay/Paglalahad:

KAHULUGAN AT KATANGIAN

Ang wika ay pinagkasunduan ng bawat isa upang lumikha ng katawagan at kahulugang


sumsasagisag sa pinagmulang lahi. (L.K.S., 1965)

Ang wika ay parang isang tubig na dumedepende sa hugis na kaniyang pinaglalagyan.


(Abueg, 2005)

FIL 201 – Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

KOLEHIYO NG EDUKASYON BSEd-FILIPINO/1st Year


TP 2021-2022/Unang Semestre

Ang wika ay kumakatawan sa kung ano ang sinasabi ng isang tao at kung ano ang
kaniyang pagkatao. (Almario, 2006)

Ang wika ay binubuo ng mga salitang nagbibigay kamalayan at ideya batay sa kultura at
paniniwala. (Mabilin, 2010)

KAHALAGAHAN

1. Instrumento ng Komunikasyon – Ang wika, pasalita man o pasulat ay pangunahing


kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Sa micro level ang
dalawang tao ay nagkakaunawaan sa pamamagitan ng epektibong paggamit ng wika.
Gayon din sa macro level, ang mga bansa ay nakakapag-ugnayan dahil sa wika. Iba-iba
man ang wika ng mga bansa, nakahahanap pa rin sila ng wikang kanilang
kinakasangkapan upang magkaroon ng unawaan.
2. Nag-iingat at Nagpapalaganap ng Kaalaman – Maraming kaalaman ang naisasalin sa
ibang salinlahi at napapakinabangan ng ibang lahi dahil sa wika. Dahil may wika, hindi
kasamang naililibing ang mga mahahalagang kaalaman sa pagyao ng lumikha o tumuklas
ng mga iyon.
3. Nagbubuklod ng Bansa – Ang wika ay maaaring maging wika ng pang-aalipin subalit,
daan din ito para pagbuklurin ang isang bansa sa layuning pagpapalaya.
4. Lumilinang ng Malikhaing Pag-iisip – Ang wikang nakasulat na nababasa o wikang
sinasalita na ating naririnig ang nagdidikta sa ating isipan upang gumana at lumikha ng
imahinasyon at kung gayo’y nalilinang ang ating malikhaing pag-iisip.

Mahalagang nabibigyan nang wastong kahulugan, kahalagahan at katangian ang wika. Sa


pagkakataong ito, bigyang pagkilala pa natin ang wika batay sa sumusunod:

1. Biyaya ng Dakilang Lumikha – Wika ang isa sa pinakamahalagang handog ng Dakilang


Lumikha sa tao. Samakatuwid, ang wika ay sadyang pantao lamang at ito’y ibinigay na
may kaakibat na responsibilidad. Gamitin ang wika ng may mataas at pagpapahalagang
moral. Iwasan maging magaspang sa paggamit ng wika upang mapanatili ang imahe ng
wikang pantaong marangal.
2. May Masistemang Balangkas – Ang lahat ng wika bago mabuo ay may sinusunod na
pagbabalangkas o estruktura. Ang wika bago gamitin at tuluyang bigkasin ay dumaraan
muna sa proseso kung paano lilikhain, bibigkasin, babaybayin at isasama sa iba pang
kasangkot sa pagpapahayag.
3. Gumagamit ng Simbolo upang Magbigay Kahulugan – Ito’y binubuo ng mga simbolo, titik o
letra upang matandaan, maunawaan, mabasa at mabigyang kahulugan ang mga wikang
sinasalita sa tulong na rin ng mga tunog na nagbibigay nang mabisang pagkilala sa mga
salitang binibigkas at pinakikinggan.
4. Binubuo ng Tunog, Pinipili at Isinasaayos – Walang wika kung walang mapagkikilanlang
tunog. Ang wika ay may pinipiling mga tunog na nakaakma sa kahulugan ng salita upang
maisaayos ayon sa tamang paggamit at pagpapakahulugan.

FIL 201 – Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

KOLEHIYO NG EDUKASYON BSEd-FILIPINO/1st Year


TP 2021-2022/Unang Semestre

5. Arbitraryo at Likas na Nalilinang Batay sa Kulturang Kinagisnan – Ang wika o salita ay


iniimbento at pinagkakasunduan ng isang lahi kaugnay sa kanilang paniniwala, simulain,
kagamitan o pagkilala sa isang bagay na pinahahalagahan at binibigyang katawagan. Sa
sandaling lumaganap ang salitang likha, ito’y patuloy na malilinang hanggang sa susunod
pang henerasyon.
6. Nag-uugnay ng Sambayanan – Sinasabing wika ang naging sandigan ng lahat ng bansang
naging malaya at umunlad, sapagkat ito ang naging daan upang mapagtagumpayan ang
kanilang mga pagpupunyagi sa lipunan.
7. Ang Wika ay Dinamiko – Ang wika ay nagbabago at nanghihiram sa iba pang mga wika
upang makasabay sa hinihingi ng pagkakataon. Habang patuloy na umiikot ang mundo,
patuloy ring nagbabago ang lahat ng aspekto at larangan sa lipunan kaya dahil dito, ang
wika ay hindi ligtas sa mga ponema at pagbabagong nagaganap sa kapaligiran lalo pa sa
larangan ng teknolohiya at impormasyon.
8. Makapangyarihan Ngunit Walang Angking Pagkasuperyor – Ang wika ang
pinakamakapangyarihang sandata at instrumento sa lahat ng pagkakataon. Halos lahat ng
bansa, tao, bagay, lugar o mga pangyayring may kinalaman sa kabihasnan, maging ang
guhit ng kapalaran at kasaysayan ay natatalaga sa pamamagitan ng wika. Kung kaya’t
hindi natin maitatanggi na ang ating lipunan at katauhan ay produkto ng pananagumpay
at pagpapalaganap ng wika. Subalit kahit gaano pa kabisa ang kapangyarihan ng wika,
wala naman itong angking pagkasuperyor sa iba pang wika. Dahil ang wika ay pantay-
pantay.

TUNGKULIN

Narito ang pitong tungkulin ng wika ayon kay Halliday (Bernales, et al., 2011)

1. Interaksyonal – Ang wika ay ginagamit bilang daan ng komunikasyon sa lipunan. Kasama


rito ang pangkaraniwang pakikipag-usap sa mahal sa buhay, kapuwa, kaibigan o iba pang
tao sa lipunan.
2. Personal – Ang wika ay ginagamit ng tao batay sa kaniyang layuning personal. Ginagamit
ng tao ang wika upang maipahayag ang sariling intensyong maipakilala ang sariling
kagalingan, kakayahan at husay sa anomang larangan.
3. Instrumental – Ang wika ay may instrumental na tungkulin kung ang intensyon ay
makakuha ng tugon mula sa mga nakikinig at bumabasa. Kung kaya’t nagiging daan ang
wika upang maipahayag ang mga mithiin at pangangailangang nais mabigyang kasagutan.
4. Regultori – Lumalabas ang ganitong tungkulin ng wika kung ang pamamaraan ng
pagkakahayag ay kontrolin o maniobrahin ang kilos at gawa ng ibang tao. Maaaring
maganap ito sa isang tanggapan o institusyong may kinakailangang sunding patakaran o
alituntunin para sa ikabubuti ng kanilang pamamahala.
5. Impormatibo – Nagaganap kung ang layunin ng mga tagapagpahayag ay magbigay ng
impormasyon at kabatiran. Maaaring sa paglalahad ng mga anunsiyo, paalala, babala atbp.

FIL 201 – Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

KOLEHIYO NG EDUKASYON BSEd-FILIPINO/1st Year


TP 2021-2022/Unang Semestre

6. Heuristik – Mababatid ang ganitong tungkulin sa paghahanap ng natatanging impormasyon


o pagsasaliksik sa mga bagay at kaalaman upang bigyang solusyon ang isang suliranin o
pag-aaral. Kadalasang ginagawa ito ng mga taong ang hangad ay mangalap ng mga data
o variables na kakailanganin sa ginagawang pag-aaral.
7. Imahinatibo – Pinakamasining na tungkulin ng wika sapagkat nangangailangan ito ng
imahinasyon o pagpapagalaw ng diwa ng bawat magpapahayag nito. Ginagamit ito sa mga
akdang pampanitikan.

KAANTASAN

Nahahati ang antas ng wika sa kategoryang Pormal at Impormal. Sa bawat kategorya,


napapaloob ang mga antas ng wika.

Mga Salitang Impormal o Di-Pormal – mga salitang karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap


sa mga kakilala o kaibigan. Ito’y nauuri sa tatlo:

1. Balbal (Slang) - ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye kaya`t
madalas na tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye. Nabibilang ang mga salitang ito
sa di-pormal na uri ng salita kaya`t karaniwang hindi ginagamit sa mga pormal na
pagtitipon o pagsulat. Ang salitang balbal ay nabubuo sa pamamagitan ng iba`t ibang
paraan tulad ng pagkuha sa dalawang huling pantig ng salita tulad ng salitang Amerikano
na naging Kano, pagbaliktad sa mga titik ng isang salita tulad ng tigas na naging astig,
pagkuha ng salitang Ingles at pagbibigay rito ng ibang kahulugan tulad ng toxic na ang ibig
sabihi`y sobrang busy o maraming trabaho at pagbiigay ng kahulugan mula sa katunog na
pangalan tulad ng Carmi Martin na ang kahulugan ay karma.

Iba pang halimbawa:


bagets – kabataan lespu – pulis charing – biro
nenok – nakaw datung – pera sikyo – guwardiya
ermat – nanay utol – kapatid erpat – tatay

2. Kolokyal (Colloquial) - isa pang uri ng mga salitang di pormal na ginagamit sa pang-araw–
araw na pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ilang
titik sa salita upang mapaikli ang salita o kaya`y mapagsama ang dalawang salita.

Halimabawa:
pa`no mula sa paano
kelan mula sa kailan
p`re mula sa pare
meron mula sa mayroon
te`na mula sa tara na

FIL 201 – Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

KOLEHIYO NG EDUKASYON BSEd-FILIPINO/1st Year


TP 2021-2022/Unang Semestre

3. Lalawiganin (Provincialism) - mga salitang karaniwang ginagamit sa mga lalawigan o


probinsya o kaya`y partikular na pook kung saan nagmula o kilala ang wika. Kapansin-
pansing ang mga lalawiganing salita ay may taglay na kakaibang tono o bigkas na
maaaring magbigay ng ibang kahulugan dito.

Halimbawa :
ambot mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “ewan”
kaon mula sa salitang Bisaya na ibig sabihin ay “kain”
biag mula sa salitang Ilocano na ibig sabihin ay “buhay”
ngarud mula sa salitang Ilocano na katumbas ng katagang “nga”

Mga Salitang Pormal – mga salitang istandard dahil ang mga ito ay ginagamit ng karamihan ng
mga nakapag-aral sa wika. Ito ang mga salitang ginagamit sa paaralan, sa mga panayam ,
seminar, gayundin sa mga aklat , ulat at sa iba pang-usapan o sulating pang-intelektwal. Maaari
itong uriin bilang Pambansa at Pampanitikan.

Halimabawa:
na (pormal) – ilaw ng tahanan (pampanitikan)
magpapakasal (pormal) – mahabang dulang (pampanitikan)

Teknikal – ginagamit sa isang disiplina o sitwasyon at walang tiyak na salin.

Halimabawa:
Information Technology
Internet
Mouse
Facebook
Account
Savings
ATM
Checking
Withdrawal

FIL 201 – Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika


PAMANTASAN NG LUNGSOD NG PASIG
Alkalde Jose Street, Kapasigan, Lungsod ng Pasig

KOLEHIYO NG EDUKASYON BSEd-FILIPINO/1st Year


TP 2021-2022/Unang Semestre

Pagsasanay/Pangwakas na Gawain:

Punan ang tsart ng (20) salitang mababanghay sa iba’t ibang antas ng wika. Sundan ang
pormat na nasa ibaba.

PORMAL IMPORMAL
PAMBANSA PAMPANITIKAN BALBAL KOLOKYAL LALAWIGANIN

ina ilaw ng tahanan ermat ‘nay Inang

Sanggunian:

Aguilar, J. et. Al. (2010). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. TopsZon Printing Services.
Castillo, M.J. et.al. (2000). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. GRANDWATERS Publication.
Garcia, L. et.al. (2011). Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Ikaapat na Edisyon). JIMCYZVILLE
Publications.
Lachica, V. et.al. (2006). Lingas sa Akademikong Komunikasyon (Unang Edisyon). GMK Publishing.
Lazaro, N. et.al. (2006). Interaktibong Modyul para sa Filipino I Pangkolehiyo. New Star Publishing House, Inc.
Mabilin, E. et al. (2012). Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino . Mutya Publishing House,
Inc.

FIL 201 – Introduksyon sa Pag-aaral ng Wika

You might also like