You are on page 1of 4

SOUTHERN LUZON STATE UNIVERSITY

LABORATORY SCHOOL
Lucban, Quezon

SUMMER ENHANCEMENT PROGRAM FOR FILIPINO

I. TITLE: Pundamental na Kaalaman sa Filipino daan tungo sa Diwang Nasyunalismo

II. RATIONALE:

Ang Pilipinas ay lunduyan ng daan-daang tradisyon at ng wikang daan sa pakikipag-

ugnayan. Ang wika ay kakabit ng kultura kung kaya’t sa pag-inog ng wika ay siyang pag-

inog ng kultura. Pinagtibay ito ni Reducto sa kanyang pahayag na ang wika sa daigdig ay

produkto ng mayamang karanasan ng isang lipunan. Mula sa mga karanasan, nadedevelop

ang wikang sinasalita ng isang tiyak na lipunan (2016). Samakatuwid ang wikang sinasalita

sa pang-araw-araw na talastasan ay bahagi ng pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipinong

na nagkakaisa sa iisang hangarin.

Kung ayaw [ng mga Espanyol] ituro sa inyo ang kanilang wika, palaguin ninyo ang

sarili ninyong wika, palaganapin, panatilihin sa bayan ang sariling pag-iisip, at imbes

na maghangad na maging isang lalawigan ay ihangad na maging isang bansa, sa halip

na mga kaisipang namamanginoon ay magkaroon ng mga kaisipang malaya… [Jose Rizal, El

Filibusterismo]

Sa siping ito ni Rizal mula sa nobelang El Filibusterismo, pinahihiwatig niya diwa ng

nasyunalismo sa larang ng edukasyon, higit na magiging matibay na bansa ang Pilipinas kung

ang wikang Filipino ang pinagyayaman sa loob pa lamang ng silid-aralan, mas lalalim pa ang

konsepto natin ng pagkamakabayan kung ang wika natin mismo ang magiging lunduyan ng

komunikasyon na sariling atin ito ay sang-ayon sa “Pantayong Pananaw” ni Zeus Salazar.

Kung kaya’t maka-nakasyunalistang edukasyon ay susi sa kalayaang politikal, ekonomiya at

pagsibol sa larangan ng kultura (The Miseducation of Filipino, Renato Constatino).


Lalo’t higit pinagtitibay rin ng ating Saligang Batas ng 1987 ng Republika ng

Pilipinas ang wikang Filipino ay pagyayamanin, pauularain, palalaguin at gagamitin sa

anumang larang at konteksto ng usapin.

Section 6. The national language of the Philippines is Filipino. As it evolves, it shall be further
developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages.

III. OVERVIEW:

Ang pagtuturo ng Filipino sa mataas na paaralan ay isang mapanghamon gawain, dahil

hindi lang ito basta pagtuturo ng wika, kaakibat din nito ang panitikan, gramatika at wika

kung nakasalig ito sa makrong kasanayan na pagbasa, pagsulat, pakikinig at pagsasalita. Sa

ganang ito, kinakailangan paigtingin ang kaalaman sa gramatikang Filipino habang nasa

murang edad pa lamang upang mahasa at masanay sa wikang Filipino. Ayon kay Ross

Alonzo ng Unibersidad ng Pilipinas (1998), ang gramatika ay bahagi ng diskurso. Isa itong

mahalagang sangkap na ating ginagamit sa mga kasanayang makro ng wika, i.e. pakikinig,

pagsasalita, pagbasa, pagsulat at panonood. Aniya, "hindi epektibo ang komunikasyonkung

wala tayong kakayahang gamitin ang gramatika at diskursong angkop sa sitwasyon at

kausap." (Hicana, 2020). Bilang guro, magiging higit na mahusay ang ating pagtuturo kung

alam natin kung paano natutuhan at ginagamit ang gramatika. Ang gramatika ay batayang

balangkas ng wika at sa balangkas na ito mabubuo ng mga mag-aaral ang kanilang gagawin

at masusukat ang kanilang pag-unlad. Samakatuwid, ang pagtuturo at pagkatuto ng gramatika

ay isang kahingian o rekwayrment na makatutulong sa pag-uunlad ng pundamental na

kaalaman at diwang nasyunalismo.

IV. COMPONENTS:

A. Ang Walong bahagi ng Pananalita

Ang sesyong ito ay nakatuon sa pagtalakay ng walong bahagi ng pananalita

(pangngalan, panghalip, pang-uri, pandiwa, pang-abay, pangatnig, pang-ukol at


pandamdam). Hinahangad ng sesyong ito na lubusang maunawaan ng mga mag-

aaral ang pundamental na kaalaman gramatikang Filipino

B. Pagpahahayag ng sarili sa Madla

Ang sesyong ito ay nakapokus sa pagpahahayag ng sarili sa maraming bilang ng tao

kung saan malayang makapaglalahad ng opinyon at iba’t ibang perspektiba ang mag

mag-aaral kung saan may nakaririnig at nakauunawa. Layunin nito na mapalakas

ang loob ng mga mag-aaral na magsalita sa madla at matutong magpahayag sa

pinakamalikhain o pinakapormal na paraan at sa tulong na rin ng mahusay na

paglalapat ng gramatikang Filipino

C. Pagsulat ng Komposisyon

Bumabagtas ang sesyong ito sa pagsusulat ng mga komposisyon gaya ng talata,

sanaysay, maikling kwento at iba pang kahalintulad nito. Ang pagsulat ay isang

makrong kakayang kailangang malinang ng mag-aaral sa tulong ng gramatikang

Filipino. Layon ng sesyong ito na paigtingin, pahusayin at paunlarin ang kakayahan

sa pagsulat ng mga komposisyon.

V. OBJECTIVES:

A. Napagtitibay ang diwang nasyunalismo sa pagtuturo ng pundamental na kaalaman

sa gramatikang Filipino at makrong kasanayan

B. Nahahasa at natatasa ang kaalaman sa gramatikang Filipino

C. Napauunlad ang mga makrong kasanayan upang maging mapaigting kakayahang

komunikatibo

D. Nakapaghahayag sa madla ng kanilang opinyon at perspektib sa madla batay sa

kanilang mga napakinggang mga panlipunang suliranin.


E. Nakasusulat ng isang komposisyon batay sa mag pinabasang komposisyon at mga

inilatag na paksa.

VI. TARGET AUDIENCE

a. Mag-aaral. Layon ng gawaing ito na mapaunlad at mahasa ang kaalaman at

kakayahan ng mga bagong mag-aaral ng SLSU-Laboratory School ng AY: 2022-

2023 sa gramatikang Filipino at makrong kasanayan upang mapataas pa lalo ang

kanilang kakayahang komunikatibo at pagpapalalim sa diwang nasyunalismo sa

pamamagitan ng mga pundamental na kaalaman.

Inihanda ni:

G. DESRAEL G. RACELIS
Guro sa Filipino

You might also like