You are on page 1of 2

EVANGELISTA, VEANCA B.

BEED 3A

Takdang Aralin #1

1. Lumikha ng sariling pagpapakahulugan o hakbang para sa Intelektuwalisasyon ng wikang


Filipino).

Ito ay isang proseso upang ang isang wikang hindi pa intelekwalisado ay maitaas at
mailagay sa antas na intelekwalisado upang mabisang magamit sa mga sopistikadong lawak ng
karunungan. Ang intelekwalisasyon ng wikakng Filipino ay ang pangunahing adyendang
pangwika ng bansa ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa layuning magamit ito bilang
wika ng karunungan at iskolarling talakayan. Ang pinakamahalagang adyendang kailangan
matamo ay ang intelektwalisasyon ng wika na bahagi ng dimensyong kultibasyon. Ang
kultibasyon ng wika ay kinapapalooban ng pagbuo ng mga rejister sa wikang iyon para sa iba’t
ibang intelektwal na disiplina o lawak ng ispesyalisasyon para magamit ang wika sa pagkatuto
at maging tagapagdaloy ng karunungan. Sa kabuuan, nangangahulugan lamang na ang tanging
layunin. Ang intelekwalisasyon ng wikang Filipino ay mayroong mga hakbang, kabilang na ditto
ang paglalathala ng mga korespondensiya, sirkular o memo ng pamahalaan sa wikang Filipino,
pagdaragdag ng bilang ng aytem o tanong sa Filipino sa mga pagsusulit sa Serbisyong
Sibil Pagtuturo, riserts, at pagsulat sa larangan ng edukasyon at paglalahathala ng mga pananaliksik
at mga publikasyon sa gradwado o higit na mataas na edukasyon.

2. Ano ang maitutulong ng intelektuwalisasyon sa pagtuturo ng Filipino sa elementarya?

  Ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay higit sa pagtuturo lamang ng kaalamang


balarila o gramatika at pag-unawa sa akdang binasa. Hindi nagtatapos ang kaalaman sa
pagbuo ng wasto at makabuluhang pangungusap at pagsagot sa mga kasanayan sa pagbasa.
Ang filipino bilang asignatura ay pagpapalalim ng ating wika at kultura. Mahalagang maisama
sa oryentasyon ng mga batang tinuturuan kung bakit nila pinag-aaralan ang Filipino. Sa
oryentasyong ito, malalaman nila na higit sa isang asignatura ang Filipino na kanilang pinag-
aaralan. Sa pagagamit ng wika, mahahasa ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pagsasalita
ng Filipino. Kapag ginagamit parati ang wika, magiging matatag ang pundasyon ng mga salita
na siyang magagamit sa  pag-unawa sa maraming bagay tungkol sa ating mga Pilipino. Ang
mga nakalimbag na akda, dula o anumang palabas o panoorin, at ang mga kuwentong naririnig
tungkol sa ating mga Pilipino gamit ang wikang Filipino ay mas napahahalagahan dahil sa
pagkakaroon ng sapat na pag-unawa rito. Ito rin ang maaaring pag-ugatan ng damdaming
pagkamakabayan at magsisilbing ningas ng pagmamahal sa ating bansa, sa ating pagka-
PilipinoMahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang
wikang Filipino. Kaya naman kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga bata na
magamit ito araw-araw sa kanilang pamumuhay. Sa paraang komunikatibo kailangang
maipagamit ang wikang Filipino. Sa pag-aaral ng Filipino, hindi sapat na matukoy ng mga bata
ang mga bahagi ng pananalita. Sa halip, mas magiging makabuluhan kung ipagagamit ito sa
kanyang pakikipagtalastasan sa iba.

You might also like