You are on page 1of 44

INTRO SA

ASIGNATURANG
FILIPINO
Filipino
Sekondari
Mga batayang
konseptwal
Una
Itinuturo ito bilang
sabjek pang wika.
Pangalawa
Upang magamit ang wikang ito
bilang pangklasrum sa iba pang
sabjek na ginagamitan ng Filipino
bilang wikang panturo.
Mithiin
Sekondari
Bilang isang larangan ng pagkatuto sa level sekondari, ang
pangunahing mithiin ng Filipino ay makadevelop ng isang
gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino. Upang masabing
komyunikeytor sa Filipino, kinakailangang taglay niya ang mga
pangangailangang kasanayang makro – ang pagbasa, pagsasalita at
pakikinig. Bilang isang sanay sa komunikatibong
pakikipagtalastasan, nararapat na may kabatiran at kasanayan siya
sa apat na component o sangkap ng kasanayang komunikatibo tulad
ng diskorsal, gramatikal, sosyolingwistik, at istratejik.
Kontent
Bilang isang larangan ng pagkatuto at
pantulong na sabjek sa level ng sekondari,
makilala ang Filipino bilang
FILIPINO SA ISKOLARLING
PAKIKIPAGTALASTASAN.
Sa unang dalawang taon (una
at ikalawang taon)
Ang bibigyan ng focus ay ang masusing pag
aanalisa at pag aaral ng mga tiyak na
istrukturang gramatikal ng Filipino bilang isang
wika kasabay sa pagtatamo ng wastong
kasanayan sa maunawang pagbasa.
Sa huling dalawang taon (ikatlo
at ikaapat na taon)
Ang focus ay ay ang pagtatamo ng mapanuring
pag iisip sa pamamagitan ng kritikal na
pagbabasa at pag unawa sa iba’t ibang genre ng
panitikang (lokal at rehyunal, nasyunal at
Asyano) nakasalin sa Filipino.
Sa Bawat taon
Mananatili ang pag bibigay ng tiyak na atensyon
sa paglinang sa pagsulat na komunikasyon sa
pamamagitan ng exposyur sa iba’t ibang uri ng
komposisyon at malikhaing pagsulat.Ito ay
pagtutuunan ng isang linggong sesyon sa bawat
markahan.
Mga Inaasahang
Bunga sa Bawat Taon
Unang Taon
Sa pag tatapos ng unang taon, ang isang mag-
aaral ay nararapat na nag tataglay na ng sapat na
kasanayan at kaalamang magamit ng wasto ang
mga angkop na istrukturang gramatikal sa isang
iskolarling pakikipagtalastasan sa tulong ng
mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng texto.
Pangalawang taon
Sa pagtatapos ng ikalawang taon, ang isang mag-
aaral ay dapat na nagtataglay ng kognitivong
kasanayan at kahusayan sa maunawang pagbasa ng
iba’t ibang texto at nagagamit nang wasto ang
angkop na strukturang gramatikal sa isang
akademikong pakikipagtalastasan.
Pangatlong taon
Pagkatapos ng ikatlong taon, ang isang mag-aaral ay
dapat na nag tataglay na ng kahusayan, kaalaman at
angkop na kamalayan sa pagsasagawa ng kritikal
pagpapasya upang mabigyang – halaga ang ating
pambansang panitikan batay sa umiiral at tiyak na
pamantayan, istandard at teoryang pampanitikan.
Ikaapat na taon
Pagkatapos ng ikaapat na taon, ang gradweyt ay
nagtataglay ng kahusayan, kaalaman, at angkop na
kamalayan sa pagsasagawa ng mapanuring
paghuhusga sa kagandahan at sining ng panitikan
batay na rin sa mga tanggap na pamantayan , istandard
at teorya ng pamumuna. (sa tulong ng mga akdang
rehyunal at Asyanong nakasalin sa Filipino).
Bakit mahalagang
pag-aralan ang
Filipino?
•Higit sa asignaturang Filipino
ang inyong pag-aaralan.
• Sa pagagamit ng wika, mahahasa ang inyong
kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng Filipino.
Kapag ginagamit parati ang wika, magiging matatag
ang pundasyon ng mga salita na siyang magagamit
sa pag-unawa sa maraming bagay tungkol sa ating
mga Pilipino.
• Ang mga nakalimbag na akda, dula o anumang palabas o
panoorin, at ang mga kuwentong naririnig tungkol sa
ating mga Pilipino gamit ang wikang Filipino ay mas
napahahalagahan dahil sa pagkakaroon ng sapat na pag-
unawa rito. Ito rin ang maaaring pag-ugatan ng
damdaming pagkamakabayan at magsisilbing ningas ng
pagmamahal sa ating bansa, sa ating pagka-Pilipino.
• Hindi ba’t kay sayang isipin na
nauunawan ninyo ang inyong kultura
gamit ang wikang Filipino?
Mahalaga na sa murang edad ninyo ay naiintindihan
nila at nagagamit ang wikang Filipino. Kaya naman
kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng
ninyo na magamit ito araw-araw sa inyong
pamumuhay.
Sa paraang komunikatibo kailangang maipagamit ang
wikang Filipino. Sa pag-aaral ng Filipino, hindi sapat na
matukoy ng mga bata ang mga bahagi ng pananalita. Sa
halip, mas magiging makabuluhan kung ipagagamit ito sa
kanyang pakikipagtalastasan sa iba.
• Isang magandang halimbawa nito ay ang paggamit ng
pang-uri o salitang naglalarawan. Mas mabuting
ipalarawan sa mag-aaral ang kanyang kalaro o kaibigan
kaysa ipaisa-isa sa kanya ang mga salitang naglalarawan.
Sa ganitong paraan, babaunin niya ang kaalaman at
kasanayang natutuhan upang sa kanyang paglabas sa
paaralan ay magamit niya nang wasto at makabuluhan.
• Ganoon din, isang araw, kapag kinailangan niyang
ilarawan ang kanyang sarili sa oras ng panayam o
anumang gawaing may kinalaman sa pagpapakilala,
kakayanin niyang gawin ito dahil hindi naman itatanong
sa kanya kung ano ang pang-uri sa halip, ipalalarawan sa
kanya ang kanyang sarili.
Ang isang batang matatas sa wikang Filipino ay
angat sa karaniwan. May kakayahan siyang
makipag-ugnayan sa kahit kanino sa ating
bansa.
Isang pangyayari…

• Minsan isang tanghalian, habang ako ay nagtuturo sa aking


mga mag-aaral, naitanong sa akin ng isa kong estudyante
kung bakit pa raw niya pag-aaralan ang Filipino kung
magiging CEO naman siya ng kanilang kumpanya balang-
araw.
• Sinagot ko muna siya ng isang tanong bago ko sagutin
ang totoo niyang tinatanong. “Gusto mo bang maging
isang mahusay at mabuting CEO sa iyong mga
manggagawa?”
• Sa simpleng tanong kong ito, nakita ko ang pagkunot ng
noo at pagsalubong ng kanyang mga kilay. At habang
ipinaliliwanag ko ang kahalagahan ng paggamit ng wikang
Filipino upang makipag-ugnayan mula sa simpleng
manggagawa hanggang sa mga aral at dalubhasang
kasamahan sa kumpanya, nakita ko rin ang unti-unting
pagliwanag ng kanyang mukha. Napalitan ng ngiti at
matamis na “Salamat Ma’am” ang natanggap ko mula sa
kanya.
• Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng
ating wika. Isa itong daan upang magkaroon tayong mga
Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Kaya kung
tatanungin muli ako kung bakit mahalaga ang pagtuturo
ng Filipino sa mga bata, ito ang aking tugon.
• Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Sila ang
magtataguyod ng wikang magbubuklod sa ating mga
Pilipino at magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at
kabutihan nating mga Pilipino. Sila rin ang magpapamalas
sa buong mundo kung gaano kaganda at kayaman ang
ating wika at kultura. Nararapat lamang na matutuhan nila
ito.
Paano ba nagsimulang
isama sa kurikulum ang
pag-aaral ng Wikang
Filipino?
Sino kaya ang nagpasimula ng
pagtataguyod nito upang ating maging
Wikang Pambansa?
Dating Pangulong
“MANUEL L. QUEZON”
Noong 1940, isinulong ng dating
Presidente Manuel L. Quezon ang
Executive Order No. 263 na nag-uutos
sa lahat ng pribado at pampublikong
paaralan na isama sa kurikulum ang
pagtuturo ng wikang pambansa.
. Nang dumating ang mga mananakop na mga Hapon
ginawang medium of instruction ang Tagalog at pagdating
ng 1943 ay itinakda ng dating Presidente Laurel ang
pagtuturo ng wikang pambansa sa elementarya. Ngunit sa
pagbabalik ng mga Amerikano ay pinalitan ng Ingles ang
medium of instruction at ginawa na lamang asignatura ang
Tagalog. Nagpatuloy ang ganitong sistema kahit pa
nagkaroon na ng mga bagong patakaran sa wika ang mga
sumusunod na kagawaran sa edukasyon.
Dahil sa mga ganitong pangyayari kaya’t
hanggang ngayon ay iniisip ng iba na
walang halaga na pag-aralan pa ang
Filipino. Kung tutuusin nga naman ay sa
lahat ng asignaturang mayroon tayo sa
kurikulum ay Ingles ang ginagamit
bukod tangi na sa asignaturang Filipino
lamang puwedeng gumamit ng wikang
Tagalog.
Pero napapaisip ako at naitatanong ko sa aking
sarili paano na kapag inalis ang asignaturang
Filipino?
Paano na maaalala ng mga kabataan ang paggamit
ng sariling wikang Tagalog natin?
Paano natin mapapaunlad ang sariling bayan natin
kung hindi natin kayang tangkilikin ang sariling
atin?
• Ang kahalagahan ng asignaturang Filipino ay katulad ng
kahalagahan ng ating sarili. Repleksyon ng ating mga Pilipino ang
ating wika kaya hindi natin ito dapat balewalain bagkus ay mas
pahalagahan natin ito dahil ito ay magiging susi natin sa matibay at
malinaw na komunikasyon sa bawat isa. Komunikasyon na daan sa
tagumpay ng bawat Pilipino.
• , "Makapangyarihan ang wasto at mabuting
paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang
magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na
pagkakakilanlan."

You might also like