You are on page 1of 3

Cabite School of Life

DASMARIÑAS CAMPUS
KAGAWARAN NG MATAAS NA PAARALAN
Taong Panuruan 2019-2020

TAGISAN NG TALINO SA FILIPINO

MEKANIKS NG PATIMPALAK

QUALIFYING EXAM:

1. Ang “Tagisan ng Talino sa Filipino” ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng


Cavite School of Life - Dasmariñas mula Ikapitong Antas hanggang
Ikasampung Antas Taong Panuruan 2019-2020.
2. Ang lahat ng mag-aaral ay bibigyan ng qualifying exam na sasagutan sa
loob lamang ng isang oras sa kanilang silid-aralan. Ito ay magaganap sa Agosto
27, 2019.
3. Ang sakop ng nasabing pagsusulit ay mga aralin mula sa una hanggang
ikaapat na markahan ng bawat baitang.
4. Walang espesyal na pagsusulit na ibibigay sa mga liban sa araw ng
qualifying exam.

FINAL ROUND: (Agosto 29, 2019)

• Ang mga katanungan ay mula sa aralin sa Una hanggang Ikaapat na


Markahan ng bawat baitang.
• Ang nasabing patimpalak ay may tatlong bahagi at ito ang mga
sumusunod:
• Madaling bahagi - binubuo ng 7 katanungan at bawat tamang sagot ay
may 2 puntos.
• Katamtamang bahagi - binubuo ng 5 katanungan at bawat tamang sagot
ay may 3 puntos.
• Mahirap na bahagi - binubuo ng 5 katanungan at bawat tamang sagot
ay 5 puntos.

• Ang lahat ng katanungan ay dapat sagutin sa nakatakdang oras at ito


ang mga sumusunod:

A. Madaling Bahagi - 10 segundo


B. Katamtamang Bahagi - 15 segundo
C. Mahirap na Bahagi - 20 segundo
• Ang Quiz Master ang magbabasa ng bawat katanungan nang dalawang
beses. Magsusulat lamang ang mag-aaral ng kanilang kasagutan kapag sinabi
na ng Quiz Master na “maaari nang magsagot.”
• Ang mga mag-aaral ay dapat isulat ang kanilang kasagutan nang
maayos, malinaw at nauunawaan sa ibibigay na board at sa nasabing takdang
oras.
• Ang pinal na kasagutan ay dapat wasto ang baybay upang masabing ito
ay wasto.
• Pagkatapos ng nakatakdang oras, itataas ng mga mag-aaral ang board
upang matukoy ng mga hurado kung sino ang nakakuha nang wasto o tamang
sagot.
• Ang pagpoprotesta at pagwawasto ng mga mag-aaral ay dapat ipaalam o
sabihin bago ang kasunod na katanungan.
• Ang mga hurado ang magbibigay ng pinal na desisyon sa nasabing
pagwawasto.
• Ang pangkalahatang puntos ng bawat mag-aaral ay tutukuyin sa
pagsasama-sama ng mga puntos mula Madali, Katamtaman at Mahirap na
Bahagi.
• Kung sakaling mayroong makakakuha ng parehong puntos mayroong
clincher question na ibibigay. Ngunit ang clincher question ay walang
katumbas na puntos. Gagamitin lamang ito upang matukoy kung sino sa mga
mag-aaral ang makakakuha nang wastong sagot. Ang mauunang magbigay
nang wastong kasagutan ang siyang mananalo.
• Ang tatlong mag-aaral na makakakuha ng mataas na puntos sa Antas 7,
8, 9 at 10 ang makakakuha ng Sertipiko ng Pagkilala at Medalya. Ang Sertipiko
ng Pagkilala ay igagawad sa araw ng patimpalak ng Tagisan ng Talino
samantalang ang medalya naman ay igagawad sa Araw ng Pagkilala.
• Ang mga mag-aaral na liban sa araw ng patimpalak o pumasok ng huli
sa nakatakdang oras ay hindi na maaaring dumalo sa nasabing patimpalak.
Cabite School of Life
DASMARIÑAS CAMPUS
KAGAWARAN NG MATAAS NA PAARALAN
Taong Panuruan 2019-2020

TAGISAN NG TALINO SA FILIPINO

MGA KOMITE SA PATIMPALAK

MGA KOMITE: ANTAS 7-8

Quiz Master: G. Kris Kloee R. Quiazon


Tagatakda Ng Oras At Tagatala Ng Iskor (Pisara): Bb. Jorebel E. Billones
Hurado At Tagatala Ng Iskor (Tally Sheet): Bb. Valerene G. Mapalo

MGA KOMITE: ANTAS 9-10

Quiz Master: Bb. Jorebel E. Billones


Tagatakda Ng Oras At Tagatala Ng Iskor (Pisara): G. Kris Kloee R. Quiazon
Hurado At Tagatala Ng Iskor (Tally Sheet): Bb. Jobelle Y. Ave

You might also like