You are on page 1of 2

Buwan ng Wika: Lakandula at Lakambini 2020

Grade 11 only

Teacher In-Charge
G. Jose Miguel G. Miana
Gng. Maryrose F. Liwanag
Mekaniks
1. Ang Patimpalak bukas para sa lahat ng SHS Grade 11 na may assignaturang
Filipino.

2. Ang bawat seksyon ay kinakailangan na makapapili ng isang pares, isang lalaki


para sa Lakandula at babae para Lakambini. Inaasahan na nagtataglay ng kakaibang
karisma sa madla at ismarte sa harap ng camera.
3. Ang pagpili ng mga pinal na kalahok para sa Lakandula at Lakambini 2020 ay
sa pamamagitan ng Tiktok App.
4. Ang bawat pares ay pipili ng musika na kanilang gagamitin bilang background
sa kanilang pagpe-presenta ng sarili (pagrampa) at pagpapakilala.
5. Ang pagpepresenta ng sarili at pagpapakilala ay aabot lamang ng isang minuto
gamit ang tiktok application. Malaya ang bawat kalahok na gumamit ng ano mang
application upang mas mapaganda ang kanilang kandidato o kandidata sa tulong ng
tiktok.
6. Ang bawat pares ay magkasama sa nasabing presentasyon. Sa loob ng isang
minuto ay kailangan nakapagpresenta ng sarili (pagrampa) at makapagpakilala.
8. Ang kasuutan ng bawat kalahok ay naka-uniporme at kaswal na kasuutan at
nagpapakita na ang Perpetualista ay magandang ehemplo sa mga kabataan.
7. Ano mang malikhaing at malayang pamamaraan pahihintulutan sabalit kailangan
sumunod kung ano lang ang kinakailang.
Narito ang mga nilalaman ng pagpapakilala:
a. Buong pangalan
b. Seksyon at Adviser
c. Edad, at
d. Kinakailangan makapagsalaysay ang bawat kandidato at kandidata ng isang
prinsipyo, paniniwala o ano mang impormasyong positibo ukol sa napapanahong
problema sa pandemya na maaaring makapabilib o makapagbigay inspiraayon sa
madla.
Halimbawa: Mabuhay!!! Lakandula Jesus M. Purificacion, eded 18. Nagmula sa
pangkat at kanlungan ni Pepe, Grade 11 Jose Rizal. Na naniniwala sa ano mang
pandemya ang dumaan hinding-hindi tutumba ang bandila ng bayan ng mga dakila.
Laban lang. PINOY kami, covid ka lang. Maraming salamat po!!!
8. Ang komite ang s’yang pipili ng 10 (sampu) pares na makakuha ng mataas
na puntos gamit ang BATAYAN sa pagpili ng Lakandula at Lakambini 2020

Mga Batayan sa Pagmamarka. (Top Ten)


a. Markadong Pagpapakilala sa
Madla (tiktok) 30%
b. Dating at Lakas ng Karisma
sa Madla 25%
c. Facebook likes 25%
d. Dunong at Ismarte sa Pagsagot ng mga
Katanungan 20%
Kabuoan 100%

9. Ang (10) sampung mapipiling pares ng Lakan at Lakambini ay haharap sa


google meet para sa pinal katanungan. Isang katanungan lang ang gagamit ng mga
hurado upang masukat ang dunong at talas ng pag-iisip ng mga kalahok ng Lakan
at Lakambini 2020. Ang naunang mga puntos na nakuha ng mga kalahok ay hindi
makakaapekto sa ikalawang yugto ng patimpalak. Panibagong set ng pamantayan
ang gagamitin ng mga hurado. (BACK TO ZERO)

Pamantayan sa Pagpili ng Lakan at Lakambini 2020:

I. Kalinawan ng Pagsagot sa Katanungan 40%


2. Karisma at Tindig 35%
3. Kabuuang Dating 25%
Total: 100%

You might also like