You are on page 1of 15

PASIKLABAN: LINGGO NG MAKATA 2022

March 7-12, 2022

I. CALENDAR OF ACTIVITIES

Marso 7. 2022 (Unang Araw) Umaga


FB Frame Making/DP Blast
Wikaalaman Daily Trivia
Hapon
Pambungad na Palatuntunan
Hala Bira, Tiktok ta!
Marso 8. 2022 (Ikalawang Araw) Umaga
Wikaalaman Daily Trivia
Istorya: Masining na Pagkukwento
Hapon
Hala Bira, Tiktok ta!
Likha: Pagsulat ng Sanaysay at Dagli
Marso 9. 2022 (Ikatlong Araw) Umaga
Wikaalaman Daily Trivia
Hapon
Hala Bira, Tiktok ta!
Kodak: Photography Contest

Marso 10. 2022 (Ikaapat na Araw) Umaga


Wikaalaman Daily Trivia
Hapon
Hala Bira, Tiktok ta!
Hello vlog welcome to my guys (Vlogging Competition)

Marso 11. 2022 (Ikalimang Araw) Umaga


Wikaalaman Daily Trivia
Hapon
Hala Bira, Tiktok ta!
Bardagulan: Tagisan ng Talino

Marso 12, 2022 (Ikaanim na Araw) Hapon


Tapok-tapok: Makata Virtual Acquiantance
Pampinid na Palatuntunan

II. Pagpapangkat
 Pangkat Koronadaleño
 Pangkat Heneral
 Pangkat Sarangan

III. Pagpupuntos
Major Events 15 puntos
Bardagulan: Tagisan ng Talino
Hello vlog welcome to my guys (Vlogging Competition)
Istorya: Masining na Pagkukwento
Minor Events 10 puntos
Hala bira, Tiktok ta!
Kodak: Photography Contest
Likha: Pagsulat ng Sanaysay at Dagli
Facebook Frame Making Contest
Timpalak sa Paggawa ng Facebook Frame
Gabay

1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mag-aaral lahat ng mag-aaral na kumukuha ng kursong


AB FILIPINO ng Mindanao State University – General Santos City sa ikalawang
semestre ng A.Y. 2021-2022.
2. Bawat pangkat ay kinakailangang magkaroon ng isang entry.
3. Ang mga kalahok ay inaasahan na magsumite ng kanilang entry sa pamamagitan ng
email (ryan.padernilla@msugensan.edu.ph). Nasa jpeg format.
4. Ipopost ang mga entry sa opisyal page na @sabfilmsugsc.
5. Gagamitin ng lahat ng mga miyembro ng kinabibilangang pangkat ang isinumiteng
frame.
6. Magkakaroon ng online voting at home-based judging.

Pamantayan

Kaangkupan sa itinalagang Pangkat 40%

Pagkamalikhain 25%

Pagkaorihinal 25%

Online Voting 10%

KABUOAN 100%
WIKAalaman: Daily trivia

Gabay

1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mag-aaral lahat ng mag-aaral na kumukuha ng


kursong AB FILIPINO ng Mindanao State University – General Santos City sa
ikalawang semestre ng A.Y. 2021-2022.
2. Ang tanong ay ipo-post ganap na alas-10 ng umaga sa opisyal na facebook page ng
SABFIL at tatanggap lamang ng mga sagot hanggang alas-11 ng umaga.
3. Lahat ng mag-aaral ay maaaring sumagot sa pamamagitan ng pagkomento sa
comment box.
4. Ang lahat ng mga mag-aaral na makakakuha ng tamang sagot ay ililista.
5. Ang komite ay pipili ng isang mananalo sa pamamagitan ng draw lots gamit ang
Random Selector App.
6. Ang video-screen recording ay ipo-post sa opisyal na page.
7. Ang anunsyo ng mananalo ay ipo-post alas-8 ng gabi.

Premyo

Isang tao ang papalaring manalo ng 50php load.


Istorya: Timpalak sa Masining na Pagkukwento
Gabay:
1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mag-aaral lahat ng mag-aaral na kumukuha ng
kursong AB FILIPINO ng Mindanao State University – General Santos City sa
ikalawang semestre ng A.Y. 2021-2022.
2. Mayroong isang piyesa/kwento na ihahanda ang Komite sa Masining na
Pagkukuwento mula sa mga Panitikang Filipino at ito ang gagamitin ng mga kalahok
sa pagkukuwento.
3. Ito ay dapat pag-uulit at hindi kinakailangang kabisado ang buong kwento. Dapat ay
isalaysay ito ng mga kalahok na kwentista na hindi bumababa sa limang (5) minuto at
hindi naman lalampas sa pitong (7) minuto.
4. Ang mga kalahok ay dapat magsumite ng nairecord na video ng kanilang
pagkukuwento. Ang background ay dapat malinis o plain, o maaari ring live na
background. Hindi hinihikayat ang paggamit ng green screen.
5. Ang mga Video editing tulad ng transition, mga sound at visual effects ay hindi
pinahihintulutan.
6. Hinihikayat ang lahat ng kalahok na gumamit ng live music, mga awit, at mga huni.
Pinapayagan din ang paggamit ng hand props. Ito ay dapat walang paglapastangan sa
mga kultura.
7. Magkakaroon ng bawas na isang (1) punto ang mga kalahok sa bawat 30 segundong
kulang o labis sa itinakdang oras.
8. Ang kilos ay dapat limitahan, maaaring tumayo o umupo habang nagkukuwento.
Dapat ang lahat ng kilos ay makikita sa loob ng frame ng camera. Bawas na isang
puntos sa bawat hurado ang bawat paglabag sa mga panutong ibinigay.
9. Ang kasuotan ay dapat maayos, napangangatawanan ang kuwento, at dapat ay
nararapat sa kulturang dala.
10. Ang camera ay dapat naka-landscape view (kapag cellphone) at ang format ng video
ay .mp4.
11. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na mababago.
Pamantayan:

Paglalahad 30%
Nauunawaan ang pagkukuwento ng mga detalye
Maayos ang pagkasunod-sunod
Napanatili ng mga mahahalagang bahagi at elemento sa kwento
Buo ang diwa at mabisa ang pagkukuwento

Boses 25%
Nauunawaan/malinaw ang mga salitang binibigkas
Dinamiko ang lakas at bilis ng boses
Nabibigyang buhay ang bawat tauhan

Galaw 25%
Naaayon sa salita ang kilos
Ang reaksyon at galaw ng mukha ay angkop
Masining ngunit hindi malikot

Hikayat 20%
Estilo sa paggamit ng wika
Agaw-pansin at kaaya-aya
Angkop ang mga salitang ginamit
Kabuoan 100%
Hala Bira, Tiktok Ta! (Tiktok Competition)
Gabay:
1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mag-aaral lahat ng mag-aaral na kumukuha ng
kursong AB FILIPINO ng Mindanao State University – General Santos City sa
ikalawang semestre ng A.Y. 2021-2022.
2. May limang (5) genre bawat video;
Unang Araw- TIKTOK DUB (Linya Ng Mga Tanyag Na Artistang Pilipino)
Ikalawang Araw-TIKTOK DANCE DUO/Cultural Dance (1 Lalake at 1 Babae)
Ikatlong Araw-TIKTOK DRAMA/POV (Ano Ka Bilang Isang Makata?)
Ikaapat na Araw-TIKTOK TRANSITION (Suot Ang Mga Kasuotang Pilipino)
Ikalimang Araw-TIKTOK DANCE (INDIVIDUAL) (Contemporary Dance)
3. Ang video ay ipopost sa official facebook page ng SABFIL.

4. Ang bidyo ay hindi lalagpas ng tatlong (3) minuto at hindi bababa ng isang (1)
minuto. Kapag ito ay mas mababa sa isang minuto at mas mataas sa tatlon minuto,
aasahan na ito ay may bawas na dalawang puntos bawat tatlumpung (30) segundo.
5. Ang video ay kinakailangang naka mp4 format.
6. Ipapasa ang video sa email add: maryllshane.acharon@msugensan.edu.ph
7. Sa pagpasa ng video, siguraduhing nakasunod sa ibinigay na pormat;
SUBJECT:
[GENRE OF TIKTOK]: Pangalan_Taon
HAL. [TIKTOK DUB]: Juan Dela Cruz_2nd Year
8. Ang deadline ng pagpasa ng mga entry hanggang ika-6 ng Marso, 1 n.h. Sa ika-7 ng
Marso, ala-5 n.h naman ang oras ng pagpost ng mga entries sa facebook.
9. Ang paglabag sa mga alituntunin ay ibabawas sa puntos.
Pamantaya
Pagkamalikhain 40%
Aliw Factor 20%
Technical Presentation 15%
Online Reaction 10%
Orihinalidad 15%
KABUOAN 100%
KODAK: Photography Contest
Gabay:

1. Ang Kodak:Photography contest ay isang paligsahan sa pagkuha ng litrato at pagsulat ng


tanaga.
2. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mag-aaral lahat ng mag-aaral na kumukuha ng kursong
AB FILIPINO ng Mindanao State University – General Santos City sa ikalawang
semestre ng A.Y. 2021-2022.
3. Bawat pangkat ay magkakaroon ng isang entry sa patimpalak. Ang mga kalahok ay
kukuha ng larawan at susulat ng tanaga bilang caption nito.
4. Ang larawan at tanaga ay kinakailangang umayon sa temang “Makatang Pag on:
Tagumpay sa gitna ng pandemya.”
5. Bukas ang paggamit ng anumang kagamitan sa pagkuha ng larawan (smartphone o
digital camera).
6. Ang larawan ay kinakailangang Candid shot, naka-Full Color, at nasa JPEG format.
7. Pahihintulutan lamang ang basic enhancement (cropping at resizing) at minor
adjustments (brightness at contrast) ng mga larawan.
8. Ang tanaga ay dapat naka pdf format at nakalakip kasama sa ipapasang larawan.
9. Wikang Filipino ang gagamiting wika sa pagsulat ng tanaga.
10. Sundin ang pormat ng file name sa ipapasang file – Pangalan ng kalahok _pamagat ng
akda.docx. (Halimbawa: Juan Dela Cruz _Tagumpay).
11. Ang mga larawan at tanaga ay kinakailangang maging sensitibo sa kultura at relihiyon.
Wala dapat itong bahid ng anumang kalaswaan o kabastusan.
12. Lahat ng mga isusumiteng akda at litrato ay dapat orihinal at hindi pa nailalathala sa
anumang midyum, maging pahayagan o website. .
13. Ipapasa ang mga entry sa email na vincentceasar.buenafe@msugensan.edu.ph.
14. Sa paksa ng email ilagay ang buong pangalan at kinabibilangang pangkat ng kalahok.
Huwag ding kalimutang ilakip ang larawan (JPEG file), Tanaga (Pdf file), larawan ng
kalahok, at kopya ng Certificate of Registration (COR) bilang patunay.
15. Tatanggapin ang entry mula ika-7 ng Marso alas-7 ng gabi. Pagkatapos masuri ay ipopost
ang mga entry sa ng ika-9 ng Marso.
16. Magkakaroon ng online voting via facebook reactions na magiging parte rin ng puntos
para sa kabuan. Ipinagbabawal ang anomang uri ng pandaraya.
17. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na mababago.

Pamantayan:

Konsepto 30%
Angkop sa konsepto ang mga litrato at tanaga
Naging malikhain sa pagkilala sa konsepto

Pagkamalikhain 20%
Mariing binigya ng kulay ang konsepto
Maayos na ginagamit ang props kung mayroon
Gumamit ng kakainang istilo sa pagkuha ng larawan

Teknikal na kapasidad 20%


Maayos ang kalidad ng litrato
Maayos ang color grading
Maayos na naipresenta ang/ang mga subject/s sa litrato
Tanaga 20%
Estilo sa paggamit ng wika
Agaw-pansin at kaaya-aya
Sinunod ang wastong kayarian ng tanaga.
Online Reaction 10%

KABUOAN 100%
LIKHA: Timpalak sa pagsulat ng Sanaysay at Dagli

Gabay

1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mag-aaral na kasalukuyang kumukuha ng kursong AB


Filipino sa Mindanao State University – General Santos City sa ikalawang semestre ng
A.Y. 2021-2022.

2. Ang bawat pangkat ay kinakailangan magkaroon ng tig-iisang kalahok para sa pagsulat


ng dagli at pagsulat ng sanaysay. Ang timpalak ay magsisimula sa ganap na ala-1 ng
hapon.

3. Ang gagawing akda ay nakasentro sa temang “Makatang Pag on: Tagumpay sa gitna ng
pandemya.”
4. Ang patimpalak ay gagawin sa real time sa pamamagitan ng zoom. Maglalaan ng
labimlimang (15) minuto para sa oryentasyon at dalawang oras para sa pagsususlat.
5. Lahat ng mga isusumiteng akda ay dapat orihinal at hindi pa nailalathala sa anumang
midyum, maging pahayagan o website.
6. Ang mga akda ay dapat nakasulat sa Wikang Filipino.
7. Hindi maaring ilahad ng mga kalahok ang kanilang pangalan at kinabibilangang pangkat
sa kanilang mga akda.
8. Matapos ang dalawang oras ay kukuhanan ng litrato ang isinulat na akda. Isusumite ang
mga akda kalakip ng pangalan ng kalahok at kinabibilangang pangkat sa nakatalagang
komite sa pamamagitan ng email: (ruel.pugoy@msugensan.edu.ph)

9. Ang mga kalahok na napatunayang lumabag o hindi sumunod sa mga naitalagang


pamantayan ay nangangahulugang diskwalipikasyon.

10. Ang punong panuntunan ay mayroong karapatang baguhin ang mga naisaad na
panuntunan kung talagang kakailanganin. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi
maaaring baguhin.
Dagli

 Ang dagling isusulat ay napapanahon at hindi bababa sa 300 salita at hindi lalagpas sa
1,000 salita.

Malikhaing Sanaysay

 Ang gagawing malikhaing sanaysay ay bahagi ng genre na malikhaing di-piksyon. Ito ay


napapanahon at gumagamit ng malikhaing paraan sa pagsulat.
 Ang susulating akda ay kinakailangang hindi bababa sa 500 salita at hindi lalagpas ng
2,000 salita.

Pamantayan

Nilalaman (Kahulugan at Saklaw) 40%

Aestitika (Estilo at Porma) 30%

Kaangkupan sa Tema 15%

Teknikalidad 15%

KABUOAN 100%
Hello vlog, welcome to my guys! (Vlogging Competition)

Gabay:

1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mag-aaral na kasalukuyang kumukuha ng kursong AB


Filipino sa Mindanao State University – General Santos City sa ikalawang semestre ng
A.Y. 2021-2022.

2. Bawat pangkat ay kinakailangang makapagsumite ng isang entry.

3. Ang nilalaman ng vlog ay dapat nakasunod sa konseptong, “Makatang Pag-on sa


kasagsagan ng Online Class”.

4. Hinihikayat ang lahat ng mga kalahok na gumamit ng Wikang Filipino at kung mga
katutubong wika ang gagamitin ay maglagay lamang ng subtitle sa ibaba.

5. Ang durasyon ng vlog ay mula lima (5) hanggang pitong (7) minuto lamang.

6. Magkakaroon ng bawas na isang (1) punto ang mga kalahok sa bawat 30 segundong
kulang o labis sa itinakdang oras.

7. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga salitang hindi kaaya-aya gaya ng pagmumura.

8. Ang lahat ng entry ay isusumite sa ika-9 ng Marso at sa institutional email address ng


kinatawang nakatalaga :janice.cadorna@msugensan.edu.ph

9. Ang format ng pagpasa ay; VLOG (Pangalan ng Pangkat) Hal. VLOG_ Pangkat South
Cotabato

10. Ang camera ay dapat naka-landscape view at ang format ng video ay nasa .mp4.

11. Ang desisyon ng mga hurado ay pinal at hindi na mababago.


Pamantayan:

Nilalaman 40%

Pagkamalikhain 30%

Orihinalidad 20%

Online Reaction 10%

KABUOAN 100%
Bardagulan: Tagisan ng Talino

Gabay

1. Bukas ang paligsahan sa lahat ng mag-aaral na kasalukuyang kumukuha ng kursong


AB Filipino sa Mindanao State University – General Santos City sa ikalawang
semestre ng A.Y. 2021-2022.

2. Ang Tagisan ng Talino ay gagawin online sa real time. Sa pamamagitan ng Zoom at


ipapalabas nang live sa Facebook page ng SABFIL- Mindanao State University
General Santos City.

3. Para makasali sa patimpalak ay kinakailangan ang internet at kahit anong device tulad
ng smartphone, laptop atbp.

4. Magkakaroon ng limang kalahokbawat pangkat.

5. Ang mga pangalan ng kalahok ay inaasahang maibigay sa lupon ng patimpalak bago


ang araw ng patimpalak.

6. Ang patimpalak ay binuubuo ng tatlong rounds: madali, katamtaman at mahirap.

7. Ang bawat tamang sagot sa madali ay nagkakahalaga ng isang puntos, dalawang


puntos sa katamtaman, at tatlong puntos naman para sa mahirap.

8. Ang una at ikalawang rounds ay binubuo ng sampung tanong. Ang huling round
naman ay binubuo ng limang tanong. Sa kabuuan, mayroong dalawampu’t limang
mga katanungan.

9. Isusulat ng mga kalahok ang kanilang mga sagot sa isang strip board o white board
gamit ang chalk o marker.

10. Ang sagot na may maling baybay ay nangangahulugang mali.

11. Mayroon lamang labinlimang segundo ang bawat kalahok sa pagsagot.


12. Dalawang beses lamang babasahin ng lupon ang tanong.

13. Sakaling magkaroon magkaparehong bilang ng puntos, magkakaroon ng clincher


round upang mabuwag ang tablang marka.

14. Ang pinagsamang puntos ng mga kalahok ng bawat pangkat ang magiging batayan ng
pagkapanalo. Ang nagkamit ng pinakamataas na puntos ang tatanghaling nagwagi sa
paligsahan.

15. Ang desisyon ng lupon ay pinal na at hindi na maaaring baguhin.

You might also like