You are on page 1of 22

Filipino sa Piling 

Larangan 
 
Course Module ​for  
UNC SENIOR HIGH SCHOOL 
 
Grade 12 
 
Judel T. Manuel 
Course Developer and Learning Facilitator

University of Nueva Caceres 


Senior High School Department 
School Year 2020 - 2021 
University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

Filipino 3 - Filipino sa Piling Larangan


By: ​Judel T. Manuel

Copyright © 2020 by ​Judel T. Manuel​ and the ​University of Nueva Caceres

No part of this course module/study guide may be reproduced or transmitted in


any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying,
recording, or any information storage and retrieval system, without permission in
writing from the author/s and the University of Nueva Caceres

Published in the Philippines by the University of Nueva Caceres


Office of the Vice President for Academic Affairs
JH10, JH Bldg., University of Nueva Caceres,
J. Hernandez Ave. Naga City,
Camarines Sur, Philippines

Printed in the Philippines


First printing, 2020

 
 
 
 
 
 
 
 
 

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 1


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

COURSE OVERVIEW 
 
Kurso: F
​ ILIPINO SA PILING LARANGAN 

Program: SHS LINC


GRADE 12
 
 
Deskripsyon ng Kurso: 
 
Ang kursong ito ay tatalakay sa iba't ibang uri ng akademikong sulatin na lilinang sa
makrong kasanayan ng mga mag-aaral. Ito ay pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulating huhubog
sa mga kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri, at masinop na pagsusulat sa
piniling Larang.
 

 
Layunin ng Kurso: 
 
Sa katapusan ng kursong ito kinakailangang:
 
1. Natutukoy ang iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang
larangan (Akademik)
2. Nakagagawa ng iba’t ibang pagsulat akademiko ayon sa katangian, gabay, at pormat.
3. Naisasaalang-alang ang kasanayang pangkomunikatibong linggwistik at diskorsal. 

 
Produktong Pampagkatuto: 
 
A. Final Output
Makagawa ng travelogue ukol sa lugar na napasyalan.

Sundin ang mga sumusunod:


1. Maglakip ng 10 larawang iyong napuntahang pook pasyalan. Ang larawan ay
maaaring printed, mula sa dyaryo, magazine o kung saang babasahin.
2. Kung walang mahanap na larawan ay maaaring iguhit na lamang ang larawan ng

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 2


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

pook pasyalang napuntahan.


3. Ilakip ang deskripsyon ng kwento sa likod ng mga alaalang mayroon sa larawan.
4. Ilalagay ito sa bond paper short.

B. Milestones 
Ang mga gawaing kinakailangan ay ang sumusunod:
1. Paglalakbay Travel Vlog
a. Basahin at unawaing mabuti ang paglalakbay vlog ni Karl Olivier
Jamandra (Pebrero 10, 2012)
b. Suriin ang kwentong kanyang ibinahagi at sagutan ito sa bond paper
short gamit. Gawing batayan ang tanong sa ibaba:
1. Ano ang kanyang mga isinaalang-alang o mga pangangailangan
sa isang paglalakbay?
2. Saan-saang lugar pumunta o nagtungo ang tauhan?
3. Ano ang kanyang mga nakita o namalas sa mga pook o lugar na
ito?
4. Ano ang kanyang mga natuklasan sa kanyang paglalakbay gaya
ng pag-uugali, kultura at kinagawian ng mga tao?
5. Ano ang natutunan ng tauhan sa kanyang paglalakbay?
6. Bilang isang mag-aaral o sa hinaharap ay isa na ring
manlalakbay, nais mo rin bang mapuntahan ang kanyang
napuntahang lugar?
7. Ano ang iyong napulot na aral sa iyong binasang vlog?
2. Pagbibigay Interpretasyon sa Larawan
a. Gamitin ang ASSKBP pormat (ano, sino, saan, kailan, bakit at paano) sa
pagbibigay interpretasyon sa larawan.
b. Matatagpuan ang larawan sa ikahuling bahagi ng aralin, “Milestone#2”.
c. Ang interpretasyong gagawin ay isusulat sa sagutang papel sa ibaba ng
larawan na matatagpuan sa rin sa “Milestone #2”

Tala:  

Para sa mga mag-aaral:


● Kung walang bond paper, maaaring gamitin ang isang buong papel.
● Ang pagrosesong gawain ay isusulat sa kalahating bahagi ng papel pahalang.

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 3


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

Batayang Markahan: 25% - Written


25% - Assessment
50% - Performance

Gabay sa Pagsasakatuparan ng Modyul:  

Sundin ang mga gabay na tanong sa pagsasakatuparan ng modyul na ito:

1. Unawain ang mga artikulo na tumatalakay sa aralin bago sagutan ang mga gawain.
2. Basahin nang maayos ang mga tagubilin at pamantayan bago sagutan ang mga gawain.
3. Maaaring gumamit ng bond paper kung kinakailangan sa pagsagot ng mga gawain.
4. Isaayos ang sulat kamay upang maunawaan ang nais na iparating.
5. Ipasa ang Modyul sa itinakdang oras. Ang pagpasa ng huli ay may kabawasan sa
marka.
6. Maaaring maglagay ng mga tanong sa bawat aralin para sa paglilinaw.
7. Maaaring makipag-ugnayan sa gmail o numerong ito kung ang katanungan ay may
kaugnayan sa aralin:
samantha.benosa@unc.edu.ph​ ​mariel.civico@unc.edu.ph​ ​judel.manuel@unc.edu.ph
Contact Numbers: ​09468193969, 09205915791

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 4


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

Balangkas ng Kurso:

Aralin 1: Pagsulat
Aralin 2 Uri ng Pagsulat
● Malikhaing Pagsulat
● Teknikal na Pagsulat
● Dyornalistik na Pagsulat
● Reperensyal na Pagsulat
● Propesyunal na Pagsulat
● Akademikong Pagsulat
Aralin 3: Paglalagom
● Abstrak
● Sinopsis
● Bionote
Aralin 4: Posisyong Papel
● Apat na Bahagi sa Pagsulat ng Posisyong Papel
Aralin 5: Memorandum, Adyenda at Katitikan ng Pulong
Aralin 6: Panukalang Proyekto
Aralin 7: Replektibong Sanaysay
● Layunin ng Sanaysay
● Hakbang sa Pagsulat ng Sanaysay
Aralin 8: Pictorial Essay
Aralin 9: Lakbay Sanaysay
● Dahilan sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay
● Dapat tandaan sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 5


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

Course Schedule:

Aralin 1.1: Pagsulat Week 1 l August 24-28, 2020


Aralin 1.2 Uri ng Pagsulat Week 1 l August 24-28, 2020
Aralin 2: Paglalagom Week 2 I Sept 1-4, 2020
Aralin 3: Posisyong Papel Week 3 I Sept 7-11, 2020
Aralin 4: Memorandum, Adyenda at Week 3 l Sept 7-11, 2020
Katitikan ng Pulong
Aralin 5: Panukalang Proyekto Week 4 l Sept 14-18, 2020
Aralin 6: Replektibong Sanaysay Week 4 l Sept 14-18, 2020
Aralin 7: Pictorial Essay Week 5 l Sept 21-25, 2020
Aralin 8: Lakbay Sanaysay Week 5 l Sept 21-25, 2020
Milestone #1: Pagsusuri ng Kwento Week 6 l Sept 28-Oct 2, 2020
Milestone #2: Pagbibigay Deskripsiyon Week 6 l Sept 28-Oct 2, 2020
sa Larawan
Final Output Week 6 l Sept 28-Oct 2, 2020

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 6


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

Paunang Pagtataya:

Panuto​: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan lamang ang titik ng napili
na tamang sagot.

1. Si John ay nagsusulat ng isang uri ng tekstong akademik ngunit nabasa mong


nagbibigay na siya ng sariling opinyon. Anong katangiang dapat taglayin ng
akademikong pagsulat ang kanyang nilabag?
a. Obhetibo c. Pananagutan
b. Lohikal d. Kasayan sa Paghabi ng Sulatin

2. Ito ay isang uri ng panitikan na isinusulat upang bigkasin sa harap ng tagapakinig.


a. Lakbay Sanaysay c. Panukalang Proyekto
b. Talumpati d. Posisyong Papel

3. Nagkakaiba-iba ang bawat sulatin depende sa batayan. Alin ang HINDI kabilang?
a. Katangian c. Paksa
b. Anyo d. Layunin

4. Tekstong may layuning manghikayat at magpaniwala sa pamamagitan ng pagbibigay ng


mga rason at ebidensya.
a. Naratibo c. Argumentatibo
b. Ekspositori d. Persuweysib

5. Ang akademikong sulatin ay kinakailangang may mahigpit na pokus. Nangangahulugan


ito na.
a. Organisado c. May Katotohanan
b. May sapat na batayan d. Dapat maging tiyak

6. Kung may mga bagay na hindi naiintindihan, lapitan at tanungin agad ang namamahala
rito o ang iba pang dumalo.
a. Bago ang pulong
b. Isang araw matapos ang pulong
c. Pagkatapos ng Pulong
d. Habang nagpupulong

7. Sulating binubuo ng 200-300 na salita.


a. Flash fiction c. sintesis

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 7


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

b. Bionote d. Abstrak
8. Isang anyo ng akdang pampanitikan tungkol sa buhay ng isang tao.
a. Bionote c. Diary
b. Talambuhay d. Biodata

9. Pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na


mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao sa layuning
maipahayag ang kanya o kanilang kaisipan.
a. Pakikinig c. Pagbabasa
b. Pagsasalita d. Pagsulat

10. Ang teksto ay bumubuo ng isang imahe sa pamamagitan ng paglalantad ng mga


katangian nito.
a. Argumentatibo c. Ekspositori
b. Impormatibo d. Deskriptibo

11. Maaaring gamitin sa pagbabalangkas ang __________.


a. Pasaklaw na pag-aayos ng ideya
b. Parirala o pangungusap lamang ang gagamiting paksa
c. Pangunahing paksa ang isusulat sa bawat aytem
d. Pagbuod sa kabuuang teksto

12. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gamiting matibay na ebidensya para sa
argumento?
a. Sariling karanasan c. Narinig na Kwento
b. Balitang napanood d. Likhaing kwento

13. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang naglalahad?


a. Pulang-pula ang labi ng babae c. May dugong Hapones ang babae
b. Matangos ang ilong ng babae d. Nagsikap ang babae para sa bayan

14. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA may kaugnayan sa sanaysay?
a. Parehong may introduksyon, katawan, at wakas ang replektibong sanaysay at
lakbay sanaysay
b. Ang replektibong sanaysay ay personal na sanaysay tungkol sa mga
nararamdaman, kaugnay ng mga nakikita o naoobserbahan ng manunulat
c. Ang lakbay sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol sa
mga naiisip ng manunulat kaugnay sa kanyang nakikita o naoobserbahan
d. Seryoso at personal ang paksa ng pormal na sanaysay

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 8


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

15. Iba pang katawagan sa posisyong papel


a. Pangangatwiran c. Pagdedebate
b. Paninindigan d. Paghihinaing

LF POV: Pagbati! Natapos mo nang buong husay ang unang pagsubok.

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 9


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

Aralin 1: Pagsulat 

Tunguhin:  

1. Natutukoy ang kahulugan ng pagsulat;


2. Naiisa-isa ang katangian, kalikasan, gamit, at kahalagahan ng pagsulat;
at
3. Nakasusulat ng pansariling opinyon ukol sa pandemic.

 
Pagganyak: Concept Map 

Panuto: Ayon sa iyong dating kaalaman o pagkakaunawa, ano ang pagsulat para sa iyo. Ilagay
ang mga kasagutan sa mga parisukat.

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 10


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

 
 
 
 
 
 
LF’s P.O.V. 
 
Ang iyong kasagutan ay may kaugnayan sa aralin ngayon.
 

Pagtalakay 
 

Kahulugan ng Pagsulat
Ang pagsulat ay paggamit ng mga simbolo, letra o salita na isinasalin sa papel sa
pamamagitan ng pagtala ng mga simbolo upang ipahayag ang naiisip na ideya o impormasyon.
Ang pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayan na ginagamit natin upang ilahad ang
ating opinyon, kuru-kuro o pananaw gamit ang pluma at papel. Ito ang medyum na kadalasang
ginagamit kapag hindi maipahayag ng pasalita ang nais ipahiwatig.
Ang ganitong uri ng pagsulat ay makatutulong sa pagpapabuti ng kasanayang ito
sapagkat ang paksang isinusulat ay pinakamalapit sa interes mo.

Kahalagahan ng Pagsulat
a. Kahalagahang Panterapyutika
- Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas
lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang
pakiramdam pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan sila ng isang
mabigat na dalahin.

b. Kahalagahang Pansosyal
- Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na
siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon.
Kung nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama,
isulat mo lang iyon. Madali ang ugnayan sa pamamagitan ng pagsulat. Ang isang
mamamayang sosyal ay sandatang panulat ang ginagamit para maipadama ang
kanyang saloobin tungkol sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 11


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

c. Kahalagahang Pang-ekonomiya
- Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y
nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat
at ang paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na
deadline.

d. Kahalagahang Pangkasaysayan
- Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang
mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na
henerasyon.

Sa pangkalahatan, mayroong anim na salik sa pagpapahalaga na maaaring makuha sa


pagsusulat:

Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng


obhetibong paraan.
1. Paglinang sa kakayanan na sumuri ng mga impormasyong kinakailangan sa
pananaliksik.
2. Paghubog sa kaisipang obhetibo sa pagabasa at pagpili ng mga impormasyong
tatangkilikin.
3. Pagpapaunlad ng kakayahan sa paggamit ng sailid aklatan at matalinong pagmimili ng
materyales na kakasangkapanin sa pag-aaral.
4. Pag-ambag ng bagong kaalaman at pagtuklas sa mga bagong impormasyon na
magagamit sa lipunan.
5. Pagkakaroon ng pagtingala o pagkilala sa mga manunulat o may-akda.
6. Pagiging mapamaraan sa pangangalap ng impormasyon sa paggmit ng iba’t ibang batis
ng kaalaman.

Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat

1. WIKA​ - ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan,
kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong
nais sumulat.
2. PAKSA ​- Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob
sa akda.
3. LAYUNIN​ - mahalagang matiyak ang layunin sa pagsulat. Ang layunin ang magsisilbing
giya mo sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.
4. PAMAMARAAN NG PAGSULAT ​- mayroong limang paraan ng pagsulat.

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 12


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

a. Paraang Impormatibo - ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng


impormasyon o kabatiran sa mambabasa.
b. Paraang Ekspresibo - ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling
opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hinggil sa isang tiyak na
paksa batay sa kaniyang sariling karanasan o pag-aaral.
c. Paraang Naratibo - ang layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga
pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
d. Paraang Deskriptibo - ang pakay nito ay maglarawan ng mga katangian, anyo,
hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig, natunghayan,
naranasan, at nasaksihan.
e. Paraang Argumentatibo - ang pakay nito manghikayat o mangumbinsi sa mga
mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng
argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
5. ​KASANAYANG PAMPAG-IISIP​ - dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang
mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging
ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
6. ​KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT​ - isaalang-alang ang
pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit
ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng
makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng
mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.
7. ​KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN​ - tumutukoy sito sa kakayahang
mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo, at
masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang sa
wakas nito.

Activity 1: Pagkatha 
 
Panuto:
1. Basahin nang may pag-unawa ang mga gabay o sumusunod na tanong nang
maisakatuparan nang maayos ang gawain.
2. Gumawa ng sanaysay patungkol sa kaganapan o pandemic ngayon
3. Ang sanaysay ay hindi bababa ng 500 o isang buong sanaysay (may
panimula,katawan at wakas). Ito ay isusulat sa isang buong papel o bond paper.
4. Isaalang-alang ang pamantayan sa pagsulat ng maikling sanaysay.
 

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 13


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

Pamantayan sa Pagsulat ng Sanaysay

Pagsunod sa Panuto 2 pts

Mensahe/Nilalaman 5 pts

Gramatika 3 pts

10 pts

Pagproseso (​ Isulat sa Kalahating Bahagi ng Papel Pahalang) 

1. Batay sa iyong ginawang malayang pagsulat, ano ang mga kinaharap mong suliranin sa
pagsulat ng iyong kasagutan?
2. Alin dito ang nakatulong sa iyo at alin naman dito ang naging mahirap na bahagi para sa
iyo? Ipaliwanag.
3. Ano ang kasanayang natutunan mo sa iyong ginawang gawain at paano ito
makatutulong sa iyo? (Isulat ito sa kalahating bahagi ng papel pahalang).

Sanggunian:
Julian, A.B., & Lontoc, N., (2016). Filipino sa Piling Larang. Quezon City, Philippines. Phoenix
Publishing House.

Aralin 2: Iba’t ibang Uri ng Pagsulat 

Tunguhin: 

1. Nabibigyang kahulugan ang iba’t ibang uri ng pagsulat; at


2. Nasusuri ang pagkakaiba-iba ng mga uri ng pagsulat.

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 14


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

 
Pagganyak: Supply the Word 

Panuto: Obserbahan ang larawang nasa ibaba at pakaisiping mabuti kung anong mga uri ng
pagsulat ginagawa ng mga propesyunal ang nasa larawan. Isulat sa patlang ang sagot o titik na
nawawala.

​https://tinyurl.com/ya49ybtx

1. Ano ang sinusulat ng guro na may kaugnayan sa kanyang propesyon? (Kung wala ito
hindi sila makapagtuturo)

L____N P__N

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 15


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

​https://tinyurl.com/y7jo4qvh

2. Ito ang kadalasang sinusulat ng mga pulis na may kaugnayan sa kanilang propesyon.
P__I_E R___R_

​https://tinyurl.com/ydxfzdfm

3. Isinusulat ng mga doktor na may kaugnayan sa kanilang propesyon. Ano ito?


M___L R____T

​https://tinyurl.com/ybd5xrsc

4. Ano ang sinusulat ng mga abogado na may kaugnayan sa kanilang propesyon?


C___ S__D_
 
 

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 16


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

 
LF’s P.O.V. 
 
Ang mga nasa larawan at ang kanilang mga ginagawa sa kanilang trabaho ay may kaugnayan
sa aralin ngayon.

Pagtalakay 
 

Uri ng Pagsulat

1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)​ - layunin nito ay maghatid ng aliw, makapukaw


ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mambabasa. Karaniwan itong
bunga ng malikot na isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o
kaya naman ay bunga ng imahinasyon o kathang-isip lamang.

2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)​ - ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang


isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin
ang isang problema o suliranin.

3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing) ​- isa itong pagsulat na may kaugnayan


sa larangang natutuhan sa paaralan o akademya. Binibigyang pansin nito ang paggawa
ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.

4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)​ - ang ganitong pagsulat ay kadalasang


ginagawa araw-araw upang itala ang mga kaganapan sa isang pangyayari. Gaya na
lamang ng pahayagan.

5. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)​ - layunin ng sulating ito ang magbigay


pagkilala sa may-akda sa paggawa at pangunguha impormasyon ukol sa ginawang
koseptong papel, tesis, at disertasyon. Layunin din ng pagsulat na ito na irekomenda sa
iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa
isang tiyak na paksa.

6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)​ - ito ay isang intelektuwal na pagsulat. Ang


gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t
ibang larangan.

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 17


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat

1. Obhetibo - Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawang


pag-aaral at pananaliksik.
2. Pormal - Kung maaari ay limitahan o ‘wag gumamamit ng mga salitang kolokyal o balbal.
3. Maliwanag at Organisado - ang mga talata ay kinakailangang nasa lohikal ang
organisasyon ng mga pangungusap na binubuo nito.
4. May paninindigan - mahalagang mapanindigan ng sumulat ang paksang nais niyang
bigyang-pansin o pag-aralan, ibig sabihin hindi maganda ang mapabago-bago ng paksa.
Ang kanyang layunin na maisagawa ito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa
matapos niya ang kanyang isusulat.
5. May pananagutan - ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap na datos o
impormasyon ay dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Mahalagang maging
mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng mga ginamit na sanggunian.

Activity 2.1: Pagkatha ng Kwento 

1. Batay sa kahulugan ng aralin ukol sa malikhaing pagsulat, ang maikling kwento ay


mabibilang dito. Gumawa ng isang maikling kwento tungkol sa iyong karanasan sa
pag-aaral noong ikaw’y nasa hayskul pa lamang.
2. Isulat ito sa isang buong papel.
3. Ito ay binubuo lamang ng 3-5 talata. Pakasuriing mabuti ang mga gramatika o
salitang gagamitin.
4. Kinakailangang isinasaalang-alang ang mga elemento ng maikling kwento.
5. Gawing batayan ang pamantayan sa pagsulat ng maikling kwento.

Pamantayan sa Pagsulat ng Maikling Kwento

Nilalaman (Elemento ng Maikling Kwento; 15


nasa ibaba ang mga elementong dapat
isaalang-alang)

Presentasyon at Panghikayat (Sulat kamay at 5

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 18


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

ang pagiging kaakit-akit ng kwento)

20 pts

​Elemento ng Maikling Kwento


1. Tauhan - mga gumaganap sa kwento
2. Tagpuan - pinangyayarihan ng mga aksiyon o kaganapan
3. Paksang Diwa (Tema) - pinakanangingibabaw sa kwento

Panimula​ - ito ang pagsisimula ng kwento at dito rin ipinakikilala madalas ang tauhan
Saglit na kasiglahan​ - to ay ang bahagi ng isang kwento kung saan nagtatagpo ang
mga tauhan at nagkakaroon ng isang suliranin.

Suliranin ​- tumutukoy ito sa tunggalian o labanang magaganap o naganap sa kuwento.


Kasukdulan​ - Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito nahihiwatigan ng
bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan, kung siya'y mabibigo o
magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
Kakalasan ​- tumutukoy sa paghupa o pagabab ng damdamin sa kwento..
Wakas ​- sa bahaging ito nagtatapos ang kwento.

Pagproseso (​ Isulat sa Kalahating Bahagi ng Papel Pahalang) 

1. Bakit karanasan ang napili mong ilahad sa kwento?


2. Sa aling bahagi ng pagsulat ng kwento ka nahirapan? Bakit?

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 19


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

3. Anong kasanayan ang nalinang sa iyo sa pagsulat mo ng maikling kwento?

Activity 2.2: Pagsulat ng Balita 

1. Batay sa aralin ukol sa dyornalistik. Ito ay patungkol sa mga balita, pahayagan o


magazine na nag-uulat ng mga impormasyon. Pumili ng isang paksang napapanahon at
gawan ito ng balita
a. COVID-19
b. Kahirapan/Krisis
c. OFW
d. Edukasyon
e. Kalamidad
2. Sundin ang inverted pyramid sa pagsulat ng balita.
a. Ang pinaunang nilalamang ng inverted pyramid ay ang “pamatnubay (lead)”
nilalagay rito ang pinakamahalagang detalye.
b. Ang pangalawang nilalaman ay ang “katawan (body)” nilalagay rito ang
importanteng detalye.
c. Ang ikatlong nilalaman ay ang “hindi gaanong mahalagang detalye”.
3. Kailangan ang balita’y sumasagot sa ASSKBP pormat (ano, sino, saan, kailan, bakit at
paano).
4. Isulat ito sa isang buong papel o maaaring sa bond paper.
5. Sundin ang pamantayan sa pagsulat ng balita

Pamantayan sa Pagsulat ng Balita

Pagsasaalang-alang sa mga dapat 10 pts


taglayin ng balita (Ang ASSKBP
pormat)

Nilalaman at Organisasyon 5 pts


(Kailangang nakainverted pyramid
ang pagsasaayos ng balita)

Hikayat at Kariktan (Nakahahalinang 5 pts


basahin ang ginawang balita’t

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 20


University of Nueva Caceres
Senior High School Department
School Year 2020-2021

maganda ang pagkakagawa)

20 pts

Pagproseso (​ Isulat sa Kalahating Bahagi ng Papel Pahalang) 


 
 
1. Saang bahagi ng pagsulat ng balita ang naging mahirap sa iyo? Ipaliwanag.
2. Batay sa iyo, ano ang mga hakbang na maaaring gawin o gamitin kapag magsusulat ng
balita?
3. Sa pagsulat ng balita, anong kasanayan ang nahubog sa iyo?

 
 
LF’s P.O.V. 

Palakpakan mo ang iyong sarili! Natapos mo nang buong pagsusumikap at pagtitiyaga


ang unang aralin. Nawa’y maging batayan mo ito sa mga susunod mo pang paglalayag sa
aralin.

Sanggunian:
Julian, A.B., & Lontoc, N., (2016). Filipino sa Piling Larang. Quezon City, Philippines. Phoenix
Publishing House.

Filipino sa Piling Larangan (Grade 12) 21

You might also like