You are on page 1of 16

SeniorHIGH

SENIOR HighSCHOOL
School
Baitang12
Baitang 12

Filipino

MODYUL SA FILIPINO SA PILING LARANG

(Akademik)
IkalawangIkalawang
Kwarter –Kwarter-Unang Linggo-Aralin
Ikalimang Linggo – Aralin 4 1

Larawang Sanaysay

Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat ng organisado,
malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
Filipino - Baitang 12
Modyul sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Larawang Sanaysay
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring

magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Modyul sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin

ng mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan
ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag

sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of Modyul sa Filipino

Writers: Mary Cris B. Puertas, Jane Bryl H. Montialbucio,
Shannon Khey A. Amoyan, Joeven A. Baludio

Illustrators: Roel S. Palmaira, Mel June C. Flores,

Althea C. Montebon, Mary Clarence G. Madero

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor

Mary Cris B. Puertas

Division Quality Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan,

Assurance Team: Armand Glenn S. Lapor, Rene B. Cordon,
JV O. Magbanua, Shannon Khey A. Amoyan

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.,

Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales,
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay,
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat ng organisado, malikhain, at
kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang
(Akademik), Baitang 12.

Ang Modyul sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at

sinuri ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga
Paaralan ng Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga
gurong tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12.

Layunin ng Modyul sa Filipino na mapatnubayan ang mga mag-aaral sa

malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras.
Naglalayon din itong matulungan sila upang malinang at makamit ang
panghabambuhay na mga kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Modyul sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang

pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro,
tiyaking maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan
o sasagutan ang mga gawain sa kagamitan na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Modyul sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.

Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-
aralan ang nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitan na ito. Basahin
at unawain upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa mga gawain ay isulat sa hiwalay na

papel.

Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)

Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat ng organisado,
malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
Larawang Sanaysay
Magandang Buhay!
Malimit nating maririnig na ang isang larawan ay katumbas ng sanlibong salita.
Sinasabi nitong maaaring maipahayag ang mga komlikadong ideya sa pamamagitan
lamang ng isang larawan. Kaya naman karaniwang kamangha-mangha ang resulta
kapag pinagsama-sama at inayos ang mga larawan. Ang pag-aayos na ito ng mga
larawan upang maglahad ng mga ideya ay tinatawag na larawang sanaysay o pictorial
essay.
Tutugunan natin sa bahaging ito ang kahulugan ng larawang sanaysay o pictorial
essay batay sa mga sumusunod na kompetensi:
 nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93). ; at
 nakasusulat ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin.
(CS_FA11/12PU-0p-r-94).
Bilang pagtugon sa inaasahang makamit matapos ang araling ito, narito ang mga
tiyak na layunin:
 nakabibigay ng kahulugan ng larawang sanaysay o pictorial essay;
 nakatutukoy ng mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng larawang
sanaysay o pictorial essay;
 nakasusuri ng halimbawa ng larawang sanaysay o pictorial essay; at
 nakasusulat ng larawang sanaysay o pictorial essay.

Nasasabik ka na ba sa bagong aralin natin? Halina’t umpisahan natin

sa simpleng pagsubok.

Gawain 1.
Panuto: Ikaw ay mahilig kumuha ng litrato o larawan gamit ang iyong kamera sa
cellphone. Ipagpalagay na ikaw ang kumuha ng mga larawan sa mga
cellphone na nasa ibaba at ito ay ipopost mo sa isang social media site. Ano
ang sasabihin mo sa mga larawan? Isulat ang iyong sagot sa loob ng isang
kahon.

1
Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
Gawain 2.
Panuto: Sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.
1. Naiintindihan mo ba ang nais ipabatid ng mga larawan kahit walang nakalagay
na kapsyon? Ipaliwanag.
______________________________________________________________

2. Naging madali ba ang iyong pagbibigay ng mga ideya batay sa larawan?

Patunayan.
______________________________________________________________
3. Magkaugnay ba ang ipinahihiwatig na ideya ng mga larawan? Ipaliwanag.
______________________________________________________________

4. Gaano kahalaga ang mga larawan sa pagbuo ng ideyang inilahad?

______________________________________________________________

Suriin naman natin ngayon ang nalalaman mo na sa araling tatalakayin sa

pamamagitan ng pagsagot sa paunang pagtataya. Handa ka na ba?

Gawain 3.
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba. Isulat sa
sagutang papel ang salitang KAMERA kung ang pahayag ay TAMA
at LARAWAN naman kung MALI.

______1. Naglalayong makapagbigay ng babasahin at larawang nagpapakita ng isyung

maaaring mapag-usapan ang isang nakalarawang sanaysay.
______2. Ang larawang sanaysay ay kombinasyon ng potograpiya at wika.
______3. Ang tekstong nakapaloob sa nakalarawang sanaysay ay kadalasang may
journalistic feel.
______4. Kailangan na walang caption ang mga larawang gagamitin sa pagbuo ng
isang nakalarawang sanaysay.
______5. Ang mga larawan sa isang nakalarawang sanaysay ay binubuo halos ng
close-up shot.

2
Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
Naging mahirap ba ang pagsubok? Huwag kang mag-alala at tutugunan natin sa
pamamagitan ng aralin ang mga konseptong kinakailangan mo pang matutuhan hinggil
sa larawang sanaysay at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Ano ang larawang sanaysay?

 Ang larawang sanaysay o pictorial essay ay isang uri ng artikulong pang-
edukasyon na naglalayong makapagbibigay ng babasahin at larawang
magpapakita ng isang isyung maaaring mapag-usapan.
 Ito ay ang mga inihahanay at sunod-sunod na larawang naglalayong magbigay
ng kwento o hindi kaya ay magpakita ng emosyon. Maaaring ito ay larawan
lamang, larawang mayroong kapsyon, o larawang may maikling salaysay.
 Kombinasyon ito ng potograpiya at wika.
Dalawang Sangkap ng Larawang Sanaysay

 Madalas na may “journalistic feel”

 Kailangan maikli lamang ang sanaysay para sa larawan ,
Teksto
maaaring 1,000 hanggang 2,000 ang bumubuong salita
Teksto at mayroong nilalamang mapapakinabangang mensahe
mula sa larawan.

 Ito ay kaiba sa picture story sapagkat ito ay may iisang

ideya o isyung nais matalakay
Larawan
 Ang mga larawan ay inaayos ayon sa pagkakasunod-
Larawan sunod ng mga pangyayari at ang layunin nito ay
magsalaysay o magkuwento.

Elemento ng Larawang Sanaysay

 Sa kuwento, dapat makapagsalaysay ang piyesa kahit walang nakasulat
na artikulo. Hayaang magsalaysay o magbigay komentaryo ang mga larawan.
 Ang mga uri ng larawan ay tumutukoy sa barayti ng mga larawan
gaya ng wide angle, close up at portrait na mahalagang mailahok sa isang
piyesa.
 Mahalagang pag-isipan ang pagkakaayos ng mga larawan upang mabisa
itong makapagkuwento sa paraang kaakit-akit.
 Mahalagang maglahok ng mga larawang nagtataglay ng impormasyon
at ng emosyon.
 Ang paglalarawan o caption ay mahalaga upang masigurong maiintindihan
ng mambabasa ang kanilang tinutunghayan.

3
Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
Uri ng Larawan
 Ang pangunahing larawan (lead photo) ay maihahalintulad sa mga unang
pangungusap ng isang balita na tumatalakay sa mahalagang impormasyon na
sino, saan, kailan at bakit.
 Ang eksena (scene) ang pangalawang litratong naglalarawan ng eksena ng
isang larawang sanaysay.
 Ang isang larawang sanaysay ay kailangang may larawan ng tao (portrait).
Ipinapakita nito ang tauhan sa kwento.
 Ang mga detalyeng larawan (detail photo) ay nakatutok sa isang elemento gaya
ng gusali, tahanan, mukha, o mahalagang bagay.
 Gaya ng detalyeng larawan, pagkakataon ng larawang close-up na tumuon sa
ilang bagay.
 Ang signature photo ay ang larawang magbubuod sa sitwasyong masasalamin
sa larawang sanaysay.
 Ang panghuling larawan (clincher photo) ay ang huling larawan sa mga serye
ng mga litrato. Mahalagang piliin ang huling larawan na magbibigay sa mga
mambabasa ng emosyong nais mong iparating tulad ng pakiramdam ng pag-
asa, inspirasyon, pagkilos o paglahok, at kaligayahan.

Mga Karaniwang Uri ng Anggulo at Kuha ng Kamera

 Sa ibang termino ay tinatawag na

“scene- setting”. Mula sa malayo ay
Establishing / Long Shot kinukunan ang buong senaryo o lugar
upang bigyan ng ideya ang manonood
sa magiging takbo ng buong pelikula o
dokumentaryo.
 Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o
mula baywang paitaas. Karaniwang
Medium Shot ginagamit ito sa mga senaryong may
diyalogo o sa pagitan ng dalawang taong
nag-uusap.
 Ang pokus ay nasa isang partikular na
bagay lamang, hindi binibigyang-diin ang
Close-Up Shot nasa paligid. Halimbawa nito ay ang
pagpokus sa ekspresiyon ng much at
sulat-kamay sa isang papel.
 Ang pinakamataas na lebel ng “close-up
shot”. Ang pinakapokus ay isang detalye
Extreme-Close Up lamang mula sa close-up. Halimbawa,
ang pokus ng kamera ay nasa mata
lamang sa halip na sa buong mukha.

4
Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
 Ang kamera ay nasa bahaging itaas,
kaya ang anggulo o pokus ay
High Angle Shot nagmumula sa mataas na bahagi tungo
sa ilalim

 Ang kamera ay nasa bahaging ibaba,

Low Angle Shot kaya ang anggulo o pokus ay
nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa
itaas.
 Maaari ring maging isang “aerial shot”
Birds Eye-View na anggulo na nagmumula sa
napakataas na bahagi at ang tingin
ay nasa ibabang bahagi.

Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng larawang-sanaysay:

 Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
 Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
 Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
 Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon
ay madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.
 Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan,
mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.
 Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan. Tandaang
dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
 Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal
na salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.
 Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon,
kulay, at pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi
ang contrast ng ilang larawan kumpara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin
na isinasaad nito.

1. Ano ang mahalagang konseptong natutunan mo pagbuo ng isang larawang

sanaysay batay sa iyong binasa? Gamitin ang graphic organizer sa ibaba para sa
iyong kasagutan.

Larawang Mga Dapat

Kahulugan Isaaalang-alang sa
Sanaysay
Pagbuo

2. Gaano kahalaga ang larawang gagamitin sa pagsulat ng isang nakalarawang

sanaysay?
_________________________________________________________________
5
Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
3. Ang larawang sanaysay ay kombinasyong ng potograpiya at wika.
Ano ang ipinahihiwatig nito sa isang taong bubuo ng ganitong sulatin?
_________________________________________________________________

Basahin naman natin ngayon ang teksto sa ibaba upang ilapat ang mga
konseptong iyong natutuhan. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.

Gunita
ni Aliber Jhon Ladrillo

Muling sumagi sa aking isipan ang huling alaala ng

aking pag-alis sa aking paaralan. Limang buwan na rin
naman ang nakalipas mula nang aking lisanin ang lugar
kung saan hinuhubog ang aking kaalaman. Sadyang
nakapanghihinayang sapagkat apat na taon lamang ang
inilaan sa amin upang matuto at lumikha ng alaala sa
kolehiyo ngunit ito’y natapyasan ng iilang buwan dulot ng
isang kalaban na hindi naman natin nakikita. Sino ba
naman ang gugustuhing umuwi sa kani-kanilang tahanan
nang sapilitan at madalian sa gitna ng kasisimulang
semestre?
Isang araw, nagising 1
na lamang tayo na mayroon
ng pandemya sa ating bansa. Ito’y mabagsik, mabilis
kumalat, at higit sa lahat nakamamatay dahil sa wala
pang nalilikhang vaccine o lunas. Bilang tugon, ang
gobyerno ay nagdeklara ng community quarantine
para makontrol ang paglaganap ng virus na kumitil ng
buhay ng maraming tao. Mahigpit na ipinatupad ang
pagsuot ng face mask at face shield. Lubusang
binigyang tuon ang physical at social distancing sa
maraming lugar at pagkakataon. Ipinagbawal ang
2 malimit na paglabas ng bahay. Bilang pagsunod sa
gobyerno, ang mga tao ay lumagi sa kani-kanilang
mga bahay dahilan upang ang mental health ng tao
ay sinasabing masusubukan.
Hindi maiiwasan na makaramdam ng pagkalungkot, pagkabalisa, at kung ano
pang emosyon dulot ng pagkatigil ng ating nakasan
At hindi ako nakaligtas dito, lalo na sa mga
unang buwan ng lockdown. Bilang estudyanteng nag-
aaral sa ibang lalawigan, wala akong masyadong
kaibigan sa aming lugar, dahilan upang ako’y palaging
mag-isa sa bahay. Ngunit laking pasasalamat ko sa
aking pamilya dahil hindi ko naramdaman na ako’y
mag-isa sa loob ng limang buwang pamamalagi sa
bahay. Libo-libong alaala ang aming pinagsaluhan na 3
naiukit sa aming mga diwa, mapasimpleng
pagsasama sa kainan o malakas na halakhakan sa harap ng telebisyon.

6
Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
Bukod sa aking pamilya, lubos din akong nagalak sapagkat ako’y muling
kumonekta sa aking mga childhood friends at napagtanto ko na mga tunay pala
silang kaibigan na handang tumulong sa lahat ng
pagkakataon.
Kahit matagal kaming hindi nagkasama, hindi ko
ito naalintana sapagkat napakadali para sa amin
ang mapalapit muli sa isa’t isa. Samu’t saring
kuwento ng kani-kaniyang buhay ang naging
pulutan namin, isang alaalang hinding-hindi
4 mabubura sa aming mga isipan. Dahil sa kanila,
tunay na naging madali ang limang buwan.
Sa gitna ng pandemyang ito ay nahanap ko rin ang ilan sa mga kakayahang
hindi ko alam noon. Nagdulot ng ngiti sa aking puso
ang paglikha ng mga cement pots na isa sa mga
naging pamatay-oras ko upang maging kapaki-
pakinabang ang limang buwan. Naging puhunan ko
ang pawis upang makagawa ng samu’t saring obra na
may iba’t ibang tinta na sumasalamin ng aking
emosyon. Bawat piraso nito ay sumisimbolo ng aking
pagtiyaga sa pagdidisenyo, pagpapatuyo, at
pagkukulay na naging tulay upang mailabas ang mga
stress na aking nararamdaman.
Sa kabila ng mga naging biktima ng
nakamamatay na virus sa buong mundo, hindi ito dapat 5

maging dahilan na tayo ay tumigil na rin sa ating

mga buhay. Ang unos na ito ay nagdulot ng
kadiliman sa ating kasaysayan, ngunit hindi
maikakaila na may pag-asang naghihintay sa kabila
nito. Ang pagkakaisa ng lahat, pakikipagkapwa at
pagtulong sa nangangailangan ay iilan lamang sa
mga dahilan kung bakit hindi dapat tayo mawalan
ng pag-asa. Kung nababalot man ng kadiliman ang
6 araw na ito dahil sa hindi pa rin natatapos ang
pandemya, siguradong may bukas pang liliwanag
na punong-puno ng pag-asa na tayo ay makababangon din nang sama-sama.

1. Ano-anong mga karanasan ang hindi malilimutan ng manunulat sa panahon ng

pandemya?
______________________________________________________________________

2. Sapat ba ang bilang ng ginamit na larawan upang maipahatid sa mambabasa ang

mensahe? Pangatwiranan.

3. May kaisahan ba ang mga ginamit na larawan? Pangatwiranan.

7
Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
4. Batay sa larawang sanaysay na ginamit sa itaas, tukuyin ang mga sumusunod:
a. Tukuyin ang larawan na maituturing na lead photo, isulat lamang ang bilang
ng larawan._______________
b. Tukuyin ang larawan na maituturing na detail photo, isulat lamang ang bilang
ng larawan._______________
c. Tukuyin ang larawan na maituturing na clincher photo, isulat lamang ang bilang
ng larawan. _______________
5. Kung tatanggalin ang nakasulat na teksto, mauunawaan mo ba ang mensahe
ng sanaysay sa pamamagitan ng mga larawan lamang? Patunayan.
______________________________________________________________________

6. Sa kabuuan, nagtagumpay ba para sa iyo ang binasang larawang sanaysay?

Pangatwiranan ang sagot.
______________________________________________________________________

Natapos mo ng basahin ang mga mahahalagang konsepto na may kinalaman

tungkol sa akademikong pagsulat ng larawang sanaysay at nasagutan ang mga gawain
hinggil dito. Ngayon mas higit pa nating palawakin ang iyong nalalaman batay sa
pagsagot sa mga katanungan.

Gawain 1.
Panuto: Maghanda ka ng isang simpleng larawang sanaysay tungkol sa buhay
ng iyong pamilya o komunidad sa panahon ng pandemya.

8
Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
Rubrik sa Pagbuo ng Larawang Sanaysay

Pamantayan 7 5 2 Marka
Malinaw na Nakalahad sa
Hindi malinaw
nakalahad sa introduksyon ang
ang introduksyon
introduksyon ang pangunahing at ang
Introduksyon pangunahing paksa subalit
pangunahing
paksa gayundin hindi sapat ang
paksa. Hindi rin
ang panlahat na pagpapaliwanag
nakalahad ang
pagtanaw ukol ukol dito.
panlahat na
dito. pagpapaliwanag
ukol dito.
Makabuluhan May kakulangan Walang sapat na
ang bawat talata sa detalye ang detalye sa
Pagtalakay dahil sa husay ng pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapaliwanag at pagtalakay sa at pagtalakay sa
at pagtalakay bawat talata bawat talata
tungkol sa paksa. tungkol sa tungkol sa
paksa. paksa.
Lohikal at Naipakita ang Lohikal ang
mahusay ang maayos na pagkakaayos ng
pagkakasunod- pagkakabuo ng mga talata subalit
sunod ng mga mga talata ngunit ang mga ideya ay
Organisasyon ideya, gumagamit hindi makinis ang hindi ganap ang
ng Ideya din ng mga pagkakalahad. pagkakabuo.
transisyunal na
pantulong tungo
sa kalinawan ng
ideya.
Walang Halos walang Maraming
pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
Mekaniks mga bantas, mga bantas, sa mga bantas,
kapitalisasyon at kapitalisasyon at kapitalisasyon at
pagbabaybay. pagbabaybay. pagbabaybay.
May kaugnayan May iilang mga Halos lahat ng
ang lahat ng larawang hindi mga larawang
larawan sa mga kaugnay sa mga ginamit ay walang
Larawan detalyeng detalyeng kaugnayan sa
nakalahad sa nakalahad sa mga detalyeng
larawang larawang nakalahad sa
sanaysay. sanaysay. larawang
sanaysay.

9
Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
Gawain 1
Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang kasagutan hinggil sa konseptong tinutukoy ng
mga pahayag sa pagbuo ng larawang sanaysay. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
A. Medium Shot G. Low angle Shot
B. Teksto H. Caption
C. Signature Photo I. Lead Photo
D. Larawan J. Clincher Photo
E. Close-up Shot K. Nakalarawang Sanaysay
F. Birds-eye View

___________1. Uri ng larawan na tumatalakay sa mahalagang impormasyon na sino,

saan, kailan, at bakit.
___________2. Kuha ng kamera mula tuhod paitaas mula baywang paitaas.
___________3. Ito ay ang larawang magbibigay sa mga mambabasa ng emosyong
nais iparating tulad ng pag-asa, inspirasyon, kaligayan at iba pa.
___________4. Sangkap ng nakalarawang sanaysay na inaayos ayon sa
pagakakasunod-sunod ng mga pangyayari at layunin nito ang
magsalaysay o magkwento.
___________5. Mahalagang elemento ng nakalarawang sanaysay na nakatutulong
upang maintindihan ng mambabasa ang kanilang tinutunghayan.
___________6. Itinuturing itong kombinasyon ng potograpiya at wika.
___________7. Ang pokus sa pagkuha ng larawan ay sa isang particular na bagay
lamang, hindi binibigyang diin ang nasa paligid.
___________8. Kailangang maikli lamang ito at karaniwang may journalistic feel.
___________9. Ang kamera ay nasa bahaging ibaba, kaya ang anggulo o pokus
ay nagmumula sa ibabang bahagi tungo sa itaas.
___________10. Larawan itong nagbubuod sa sitwasyong inihayag sa nakalarawang
sanaysay.

Ngayong lubusan mo nang nauunawaan ang aralin tungkol sa mga konsepto

ng pagsulat ng larawang sanaysay natitiyak kong magiging mahusay ka sa
presentasyong iyong gagawin bilang produkto ng iyong natutunan.

10
Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
Gawain 2
Sitwasyon: Ikaw ay isang professional na photographer at inimbitahan ka
ng inyong Local Tourism Officer para sa isang exibit na nagpapakita
ng iba’t ibang mukha at kwento ng pandemya. Mula rito, bumuo ka
ng isang larawang sanaysay at ipasa ito sa pormat na A4 o letter
size portrait.
Ikaw ay bibigyan ng iskor batay sa rubrik na nasa ibaba.

Rubrik para sa Mahusay na Larawang Sanaysay

Pamantayan 7 5 2 Marka
Malinaw na Nakalahad sa
Hindi malinaw
nakalahad sa introduksyon ang
ang introduksyon
introduksyon ang pangunahing at ang
Introduksyon pangunahing paksa subalit
pangunahing
paksa gayundin hindi sapat ang
paksa. Hindi rin
ang panlahat na pagpapaliwanag
nakalahad ang
pagtanaw ukol ukol dito.
panlahat na
dito. pagpapaliwanag
ukol dito.
Makabuluhan May kakulangan Walang sapat na
ang bawat talata sa detalye ang detalye sa
Pagtalakay dahil sa husay ng pagpapaliwanag pagpapaliwanag
pagpapaliwanag at pagtalakay sa at pagtalakay sa
at pagtalakay bawat talata bawat talata
tungkol sa paksa. tungkol sa tungkol sa
paksa. paksa.
Lohikal at Naipakita ang Lohikal ang
mahusay ang maayos na pagkakaayos ng
pagkakasunod- pagkakabuo ng mga talata subalit
sunod ng mga mga talata ngunit ang mga ideya ay
Organisasyon ideya, gumagamit hindi makinis ang hindi ganap ang
ng Ideya din ng mga pagkakalahad. pagkakabuo.
transisyunal na
pantulong tungo
sa kalinawan ng
ideya.
Walang Halos walang Maraming
pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa
Mekaniks mga bantas, mga bantas, sa mga bantas,
kapitalisasyon at kapitalisasyon at kapitalisasyon at
pagbabaybay. pagbabaybay. pagbabaybay.
May kaugnayan May iilang mga Halos lahat ng
ang lahat ng larawang hindi mga larawang
larawan sa mga kaugnay sa mga ginamit ay walang
Larawan detalyeng detalyeng kaugnayan sa
nakalahad sa nakalahad sa mga detalyeng
larawang larawang nakalahad sa
sanaysay. sanaysay. larawang
sanaysay.

11
Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
Susi sa Pagwawasto
Larawang Sanaysay

TUKLASIN NATIN

Gawain 1 (Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral)

Gawain 2 (Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral)
Gawain 3
1. KAMERA 3. KAMERA 5. LARAWAN
2. KAMERA 4. LARAWAN

LINANGIN NATIN

Alamin Natin
1-3. (Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral)
Basahin at Suriin Natin
1-3. (Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral)
4. a. 1 b. 2,5 c. 6
5. (Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral)
6. (Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral)
Pagyamanin
Gawain 1 (Maaaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral)

TAYAHIN
Gawain 1
1. I 6. K
2. A 7. E
3. J 8. B
4. D 9. G
5. H 10. C

12
Baitang 12 -Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Kompetensi: Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng
akademikong sulatin/larawang sanaysay (CS_FA11/12PU-0d-f-93); at Nakasusulat
ng organisado, malikhain, at kapani-paniwalang sulatin. (CS_FA11/12PU-0p-r-94)
13

You might also like