You are on page 1of 12

12

Filipino sa Piling Larang


(Akademik )
Pagsulat ng
Modyul 8
:
AkademikongSulatin:
LARAWANG SANAYSAY
Filipino – Baitang 11/12 Self-Learning Module (SLM)
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pagsulat ng Akademikong Sulatin: Larawang
Sanaysay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Gina F. Balasoto


Editor: Gilda V. Vilches
Tagasuri: Neirene Rosemae a. Castillon
Tagaguhit: Lhyryn Jaranilla
Tagalapat: Gina F. Balasoto
Cover Art Designer: Ian Caesar E. Frondoza
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Rommel G. Flores, CESO V- Schools Division Superintendent
Mario M. Bermudez, CESO VI- Asst. Schools Div. Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – Regional Filipino Supervisor
Juliet F. Lastimosa - CID Chief
Sally A.Palomo - EPS In Charge of LRMS
Gregorio O. Ruales - Division ADM Coordinator
Lelita A. Laguda – Division Filipino Coordinator

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
12

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
PAGSULAT NG AKADEMIKONG SULATIN:
LARAWANG SANAYSAY

Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 12 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul ukol sa Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at ang Akademikong Pagsulat.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa
pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.
Subikin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.


Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Pagbati!

Isa sa mga kadalasang ginagawa ng tao sa kanyang buhay ay ang


paglalakbay sa iba’t ibang magagandang lugar. Kaakibat rito ang pagkuha
ng mga larawan mula sa mga nakakatawag-pansin na mga tanawin.

Ang modyul na ito ay naglalaman ng gawaing gagabay sa iyo kung


paanong mapahalagahan sa malikhaing pamamaraan ang mga larawang
iyong nakuha mula sa paglalakbay.

Layunin nitong magabayan ka sa pagsulat ng essay/sanaysay sa mga


nakuha mong larawan. Ito ay tinatawag na Larawang Sanaysay.
Makatutulong ang mga gawaing ito sa paglinang ng iyong kakayahan sa
pagsulat ng essay bilang tugon sa pangangailangan sa iyong piniling
larangan.

Ano ba ang ibig sabihin ng Larawang Sanaysay? May ideya ka ba


kung paano ito gawin? Ano ang layunin ng Larawang Sanaysay?

Sa araling ito ay mahahasa ang iyong haraya sa pagbuo ng mga


matatalinghagang salita na iyong i-angkop sa larawang iyong tinutukoy.
Ikaw ay silbing maging isang manlalakbay.

Ang layunin ng modyul na ito na makamit natin ang


pinakamahalagang kasanayang pampagkatuto na:

Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko.


CS_FA11/12PB-Om-o-112
Handa ka na ba sa ating paglalakbay?

Subukin
Bago pa man natin isa-isahin ang nilalaman ng modyul, kailangan mo munang
sagutin ang paunang pagsubok.
I.Panuto: Tukuyin ang katangian ng isang sulating akademiko. Isulat ang salita
TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung di- wasto. 1
_______1. Ang larawang sanaysay ay isang sulatin kung saan higit na nakakarami
ang larawan kaysa sa salita o panulat.

_______2. May pagkakataong nakaugnay ito sa isang agenda lalo na’t karamihan ng
lakbay-sanaysay ay may kasamang larawan.

_______3. Ang paglalagay ng larawan sa pagsulat ng larawang sanaysay ay didapat


isaayos.

_______4. Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta


lamang sa mga larawan.

_______5. Kailangang makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa interes ng


mambabasa ang isusulat sa larawang sanaysay.

_______6. Sa pagbuo ng larawang sanaysay ay dapat gumamit ng iba-ibang larawan


sa pagbuo ng isang kaisipan.

_______7. Hindi kailangang maipakita sa kabuuoan ang layunin ng pagsulat o


paggawa ng larawang sanaysay

_______8. Isipin ang estado ng iyong mambabasa sa iyong gagawing larawang


sanaysay.

_______9. Ibatay sa kaisipan at interes ng mambabasa ang ginawang larawang


sanaysay

______10. Caption ang tawag sa pangungusap na nasa ilalim ng larawan.

______11. Ang sanaysay ay kailangang magpapahiwatig ng kabuuang kwento ng


larawan.

______12. Walang pagkakaiba ang lakbay-sanaysay sa larawang sanaysay.

______13. Kailangang gumamit ng mas maraming matalinghagang pahayag sa


pagbuo ng larawang sanaysay.

______14. Kailangang di- organisado ang pagsulat ng sarawang sanaysay.


______15. Mas marami ang salita kaysa larawan ang pagsulat ng larawang
sanaysay.

Gawain 2 - Basahin ang sanaysay.

Pagbakwit ng Lumad sa Lianga– Noon At Ngayon


Kenneth Roland A. Guda

Maraming beses nang nagbabakwit (evacuate) ang mga Lumad ng


Sityo Han-ayan at iba pang karatig na lugar sa Diatagon,Lianga, Surigao
delSur. Pero kasinghirap pa rin ng unang pagkakataon ang kanilang
dinaranasngayon. Narito ang ilang larawan ng bagong pagbakwit ng mga
Lumad ngLianga, gayundin ang lumang larawan ng pagbabalik nila sa
kanilang lugarnoong 2009

Maraming beses nang nagbabakwit (evacuate) ang mgamamamayang


Lumad ng Sityo Han-ayan (at iba pang karatig na sityo saDiatagon, Lianga,
Surigao del Sur. Pero sa bawat puwersahang paglikas sakanila,
ipinaglalaban ng mga Lumad ang kanilang karapatang makabalik
sayutangkabilin o lupang ninuno.Palagi silang tinatarget ng mga elemento
ng Armed Forces of thePhilippines (AFP) sa mga operasyong militar nito–
kahit pa malinaw sa batasng bansa at pandaigdigang batas na labag ang
pag-atake at pagkampo sasibilyang mga komunidad, lalo sa mga
eskuwelahan. Hindi na kailangangsabihin, pero labag din sa batas,
siyempre, ang pagtarget sa mga sibilyangindibidwal tulad nina Henry
Alameda (na pinaslang noong 2014) at EmeritoSamarca, Dionel Campos at
Jovillo Sinzo (pinaslang noong Setyembre 1).
Labag din sa batas, siyempre ang walang mandamyentong
panghahalughogsa mga bahay at pagkuha ng personal na pag-aari–na
nangyayari tuwinginookupa ng militar ang mga pamayanan tulad ng
Hanayan.“Parang martial law doon ngayon,” sabi ni Eufemia Cullamat,
55,residente ng Han-ayan at lider-kababaihan. Isa siya sa 2,685 (at
dumaramipa) na indibidwal na nagbakwit sa sports complex ng munisipyo
ng Tandag,Surigao del Sur. Madaragdagan pa ito, ayon kay Cristina
Palabay,pangkalahatang kalihim ng Karapatan, dahil unti-unting
nagbabakwit na rinang karatig na mga munisipyo ng Lianga, tulad ng San
Agustin, nanakakaranas din ng matinding presensiya ng militar at grupong
paramilitartulad ng Magahat/Bagani Force.
Ang mga larawan sa ibaba, kuha ng Gabriela-Caraga at
alternatibonggrupong midya na Kilab Multimedia, ang ilan sa mga imahe ng
paghihirap ngmga bakwit na Lumad na nasa Sports Center ng Tandag,
Surigao del Sur.

Noong Agosto 2009, kasama ang Pinoy Weekly sa iilangmamamahayag


na nakasabay sa mahabang paglalakbay ng nagbakwitna mga Lumad ng
Sityo Han-ayan pauwi sa kanilang komunidad mataposang isang buwang
ebakwasyon sa Tandag. Mahirap ang biyahe, peromasaya ang mga Lumad
sa pag-uwi sa kanilang mga tahanan at komunidad.
Gayunman, mahirap pa rin ang naging biyahe mula Tandag pauwi ng
Han-ayan: nakasakay sa malalaking dump truck, na bumiyahe sa
malulubak na mga kalsada, paakyat ng mga bundok, hanggang di na
kayanin ng mga trak ang matatarik na daan. Bago natapos ang araw,
nakabalik na sila sa Han-ayan, nagsagawa ng mga ritwal ng pasasalamat at
naglunsad ng programa ng pasasalamat sa mga tagasuporta. Hiling natin na
muling makabalik sila sa kanilang minamahal na komunidad sa
pagkakataong ito. Ito ang mga larawan (slideshow) ni Kenneth Guda sa
biyahe pauwi ng mga bakwit ng Han-ayan noong 2009.
Suriin

Ang larawang Sanaysay – ay isang sulatin kung saan higit na nakararami


ang larawan kaysa sa salita o panulat. May pagkakataong nakaugnay ito sa isang
lakbay- sanaysay lalo na’t karamihan ng lakbay-sanaysay ay may kasamang
larawan.

Ano ano ba ang mga dapat


tandaan sa pagsulat ng
larawang sanaysay?

• Ang paglalagay ng larawan ay dapat na isinaayos o pinag-isipang mabuti


sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan ng kwento o kaisipang nais
ipahayag.

• Ang mga nakatalang sulat sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga


larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napaka ikli.

• May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi


maaaring maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan sa paksang
nais bigyang-diin. Kailangang maipakita sa kabuuan ang layunin ng
pagsulat o paggawa ng pictorial essay.

• Isipin ang mga manonood o titingin ng iyong photo essay kung ito ba ay
mga bata, kabataan, propesyunal o masa upang maibatay sa kanilang
kaisipan at interes ang mga larawang ilalagay gayundin ang mga salitang
gagamitin sa pagsulat ng mga caption.
Balikan mo ang halimbawa ng Larawang Sanaysay na nasa ibaba na makikita rin sa
mga unang pahina:

Larawan 1

Larawan 2

Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot batay sa ideyang binigay mo.

1. Naisaayos ba nang mabuti ang mga larawan?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Naipakita ba ng larawan ang kabuuan ng kwento na nais ipahayag?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.
Tandaan: Ang buhay ay isang paglalakabay at isang . Sa bawat hakabang ng ating
mga paa ay katumbas ng iba’t ibang karanasan na minsa’y kasayahan at
minsan nama’y kalungkutan. Ganunpaman dapat paglabanan dahil
bandang huli ay makakamit pa rin natin ang ating mga inaasam asam
basta’t Mananalig lamang.

Ang bawat kaalaman na iyong


natutunan ay isang
kayamanan
na pakaingatan.

Isaisip

Tayahin

Panapos na pagsubok o post test

Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko.

I. Panuto: Tukuyin ang katangian ng isang sulating akademiko. Isulat ang salita
TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI kung di- wasto.

_______1. Ang pictorial essay ay isang sulatin kung saan higit na nakakarami ang
larawan kaysa sa salita o panulat.

_______2. May pagkakataong nakaugnay ito sa isang agenda lalo na’t karamihan ng
lakbay-sanaysay ay may kasamang larawan.

_______3. Ang paglalagay ng larawan sa pagsulat ng Larawang Sanaysay ay


didapat isaayos.

_______4. Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta


lamang sa mga larawan.

_______5. Kailangang makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa interes ng


mambabasa ang isusulat sa Larawang Sanaysay.
_______6. Sa pagbuo ng Larawang Sanaysay ay dapat gumamit ng iba-ibang
larawan sa pagbuo ng isang kaisipan.

_______7. Hindi kailangang maipakita sa kabuuoan ang layunin ng pagsulat o


paggawa ng Larawang Sanaysay

_______8. Isipin ang estado ng iyong mambabasa sa iyong gagawing Larawang


Sanaysay.

_______9. Ibatay sa kaisipan at interes ng mambabasa ang ginawang Larawang


Sanaysay

______10. Caption ang tawag sa pangungusap na nasa ilalim ng larawan.

______11. Ang sanaysay ay kailangang magpapahiwatig ng kabuuang kwento ng


larawan.

______12. Walang pagkakaiba ang lakbay-sanaysay sa larawang sanaysay.


______13. Kailangang gumamit ng mas maraming matalinghagang pahayag sa
pagbuo ng Larawang Sanaysay.

______14. Kailangang di- organisado ang pagsulat ng Larawang Sanaysay.

______15. Mas marami ang salita kaysa larawan ang pagsulat ng Larawang
Sanaysay.

Hanggang dito na lang.

Maraming salamat sa taus puso mong paglaan ng oras para sa iyong pagkatuto.

Pagpalain ka ng Poong Maykapal.


Sanggunian

Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang


Pilipino (Batayang Aklat;Kagawaran ng Edukasyon). Quezon City: Vibal Group
Company. 2016

You might also like