You are on page 1of 44

2

Filipino
Unang Kwarter – Modyul 1
Paggamit sa Naunang
Kaalaman sa Pag-unawa ng
Napakinggang Teksto

Cover Art paste here….


Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter – Modyul 1: Paggamit sa Naunang Kaalaman sa Pag-unawa ng
Napakinggang Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa paraan nang walang
pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Manuelita A. Ladesma, Salvacion M. Cagulada,
Rogelio M. Taganas
Editor: Brigette R. Aranas and Michelle C. Nalugon
Tagasuri: Arman O. Nale, Rowena B. Arbues
Tagaguhit: Nick M. Popera, Ryan Rey W. Odchigue
Tagalapat: Gelia S. Generol, Siegfred R. Pulgarinas
Tagapamahala: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III, Regional Director
Mala Epra B. Magnaong, CLMD Chief
Dr. Neil Improgo, Regional EPS-LRMS
Elesio M. Maribao, Regional EPS-ADM Coordinator
Dr. Emelia G. Aclan, CID Chief
Dr. Linda D. Saab, Division EPS-LRMS
Delia D. Acle, EPS-Filipino
Lucita B. King, PSDS-Designate
Roy S. Estrobo, ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng Camiguin


Department of Education – Region X
Office Address : B, Aranas St., Poblacion, Mambajao, Camiguin
Website : www.depedcamiguin.com
E-mail Address : depedcamiguin@gmail.com, camiguin@deped.gov.ph
2

Filipino
Unang Kwarter – Modyul 1
Paggamit sa Naunang
Kaalaman sa Pag-unawa ng
Napakinggang Teksto
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino –
Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa araling Nagagamit ang Naunang
Kaalaman sa Pag-unawa ng Napakinggang Teksto
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang
at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang
mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

ii
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng
paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga
gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino -Ikalawang Baitang
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Nagagamit ang Naunang Kaalaman sa Pag-unawa ng
Napakinggang Teksto.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo
sa aralin ng modyul. Kung nakuha
mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

iii
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para


sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

iv
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon
o realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang
Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat


ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng
modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit
ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

v
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat
sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng
mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga


gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Ang modyul na ito ay kusang binuo para magamit


sa pagpapalalim ng iyong pang-unawa at
pagkatuto.
May mga gawaing pagsasanay ang modyul na
ito. Dapat mong basahing mabuti ang bawat bahagi
upang iyong maintindihan.
Kailangang matapos mo at maunawaan ang
modyul na ito. Kung nahihirapan ka pwede kang
magpatulong sa magulang, sa mga kapatid o kaya’y
tumawag sa iyong guro para magtanong.
Siguraduhing matapos mo ang modyul na ito at
masagot ang mga katanungan.
Ingatan at panatilihing malinis ang modyul na ito.
Pagkatapos sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang
matutong gumamit ng iyong naunang kaalaman sa
pag-unawa ng napakinggang teksto.

1
Subukin

Gamitin ang iyong naunang kaalaman o karanasan


para masagot ang mga tanong. Piliin ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. May parada at mga banderitas na nakasabit sa
daan, batay sa iyong karanasan, ano kaya ang
okasyon?
A. pista
B. kasalan
C. kaarawan
D. pagtatapos

2. Tinawag ka ng iyong nanay upang utusang


bumili ng asin sa tindahan, ngunit hindi mo
pinansin. Ano kaya ang maramdaman ni nanay?
A. nagalit
B. natuwa
C. nalungkot
D. nagmalaki

3. Nakangiting tumango si Risa sa kuya niya. Batay


sa sarili mong karanasan sa iyong kapatid, ano
ang ipinakikita ng pagtango ni Risa?
A. hindi pansinin ang kapatid
B. pumapayag siya sa gusto ng kapatid
C. ayaw niyang pagbigyan ang kapatid
D. isumbong sa kapitbahay ang kapatid

2
4. Kapag matagal kang nanonood ng telebisyon at
may pasok ka pa kinabukasan, ano kaya ang
mararamdaman ng iyong ina?
A. mag-alala
B. matatakot
C. matutuwa
D. masisiyahan

5. Kung ikaw ay nagkasala sa iyong kaklase, kailan


ka hihingi ng sori?
A. kaagad
B. kinabukasan
C. hindi mag sori
D. sa susunod na taon

3
Balikan
Basahin at unawaing mabuti ang kwento.

Ang Mabait na Kaibigan


May isang batang mahilig mag-isa. Siya si Piya. Sa
paaralan ayaw niya ng mga kaibigan. Wala siyang
kalaro at mga kasama sa pag-uwi. Sa di inaasahang
pangyayari, bigla siyang nadapa, nasugatan at
dumudugo ang kanyang sugat. Nakita siya ng bata at
tinulungan siya nito. Inalalayan siya ng bata upang
makatayo. Natuwa si Piya sa ginawa ng kanyang
kaibigan.

Piliin ang wastong sagot. Isulat ang tamang titik sa


sagutang papel.
1. Sino ang batang mahilig mag-isa?
A. Nita
B. Lina
C. Piya

4
D. Tina

2. Saan ayaw niya ng kaibigan?


A. sa plasa
B. sa parke
C. sa bahay
D. sa paaralan

3. Bakit siya umuwing nag-iisa?


A. wala siyang kaibigan
B. nauuna silang umuwi
C. marami siyang kaibigan
D. kinuha sila ng mga magulang

4. Paano ba si Piya nasugatan?


A. bigla siyang nadapa
B. inaaway siya ng kaklase
C. sinaktan siya ng isang bata
D. natapilok siya habang naglakad

5. Kung ikaw ang batang nakakita sa pagkadapa


ni Piya. Ano ang gagawin mo?
A. sisigawan mo siya
B. bahala ka na Piya
C. tutulungan mo si Piya
D. pabayaan mo na lang siya

5
Aralin
Kalusugan ng Pamilya ay
1 Dapat Pangalagaan

Ang araling ito ay tungkol sa paggamit ng


naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa
ng napakinggan o nabasang teksto.
Nakakatulong sa pag-unawa ng
pinakinggan o nabasang teksto ang pag-
uugnay ng narinig o nabasang teksto sa sariling
karanasan at kaalaman.

Tala ng Guro sa mga Mag-aaral


Ang modyul na ito ay dapat basahing
mabuti at intindihin upang masagot ang
mga katanungan. Kailangan mong
kumpletuhin at sagutin sa sagutang papel
ang bawat pagsasanay.

6
Tuklasin

Basahin at unawain ang talatang ito.

Ang Batang Masunurin


Si Ana ay nakatira sa kanyang Lola Nita.
Sinusunod niya ang mga utos ng kanyang lola.
Pagkagising sa umaga, kaagad niyang tinitiklop
ang kanyang higaan. Tuwing Sabado maaga
siyang tumutulong sa paghahanda ng almusal.
Hinuhugasan niya ang mga pinagkainan. Sa
paaralan nama’y siya ang palaging inuutusan
sa kanyang guro dahil sa kanyang
pagkamasunurin na bata.

Basahin ang mga tanong tungkol sa teksto. Piliin


ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.
1. Sino ang batang masunurin?
A. Ani
B. Ara
C. Ana
D. Amie

7
2. Anong katangian mayroon si Ana?
A. malikot
B. masungit
C. masunurin
D. masayahin

3. Bakit siya naging batang masunurin?


A. palagi siyang matulog
B. sinusunod niya ang mga utos
C. binabalewala niya ang mga utos
D. palaging naglalaro sa lansangan

4. Alin dito ang nagpapakita ng pagkamasunurin?


A. palaboy-laboy sa lansangan
B. pag-iwas sa mga utos ni nanay
C. susundin ang mga utos ni nanay
D. palaging manood ng telebisyon

5. Anong aral ang iyong nakukuha sa talatang


binasa?
A. pagkamatipid
B. pagkamagalang
C. pagkamasunurin
D. pagkamapakumbaba

8
Suriin

Basahin ang kuwento.

Batang Malusog
Si Milet ay malusog na bata. Nakatira siya
sa probinsiya ng Camiguin. Marami silang mga
tanim na gulay at prutas. Maliban sa ulam,
palaging may handang lutong gulay ang
kanyang ina. Kumakain siya ng preskong prutas
at umiinom ng gatas. Kaya siya ay may malinis
na kutis at malusog na katawan at hindi sakitin.

Basahin at sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Sa kuwento, sino ang batang malusog?
A. Mila
B. Milet
C. Milen
D. Malen

9
2. Saan siya nakatira?
A. bukid
B. lungsod
C. siyudad
D. probinsiya

3. Sino ang palaging naghahanda ng gulay?


A. ate
B. ina
C. itay
D. kuya

4. Bakit palaging naghahanda ng prutas at


gulay ang kanyang ina?
A. upang lumusog
B. upang pumayat
C. upang mabusog
D. upang masarapan

5. Paano ka maging malusog?


A. kumain ng junk foods
B. kumain ng prutas at gulay
C. kumain ng panis ng pagkain
D. kumain ng masarap na pagkain kahit
walang bitamina

10
Pagyamanin
Unang Ginabayang Gawain
Basahin at unawain ang teksto.

Ang Aking Pamilya


Bawat isa sa atin ay may pamilya. Ang
Pamilya Masaya ay nakatira sa bukid. Maliit
lang ang pamilyang ito. Binubuo ni Nanay Sali,
Tatay Idu at dalawang anak, isang lalaki at
isang babae na sina Ben at Bina. Simple lang
ang kanilang pamumuhay. Mabait na anak
sina Ben at Bina. Tumutulong sila sa mga
gawain sa bahay. Masipag sila mag-aral
hangad nilang magkaroon ng edukasyon at
maayos na kinabukasan.

11
Sagutan ang mga tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong hiwalay na sagutang
papel.
1. Ilan lahat ang kasapi o miyembro ng Pamilya
Masaya?
A. pito
B. lima
C. apat
D. anim

2. Anong uring pamumuhay mayroon ang Pamilya


Masaya?
A. sosyal
B. simple
C. magulo
D. mayaman
3. Anong klaseng anak sina Ben at Bina?
A. duwag
B. tamad
C. mabait
D. matapang

4. Bakit masipag mag-aral sina Ben at Bina?


A. magkaroon ng baon
B. magkarron ng regalo
C. magkaroon ng sapatos
D. magkaroon ng edukasyon

12
5. Kung ang mga anak ay mag-aaral ng mabuti,
ano ang siyang maramdaman ng mga
magulang?
A. Mainis
B. Matuwa
C. Matakot
D. Malungkot

Unang Tayahin
Basahin at unawain ang teksto.

Si Lida
Si Lida ay maganda.
Pula ang labi niya.
May lasong pula
ang buhok niya.
Siya ay masaya.

Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang


papel ang tamang sagot.
1. Sino ang maganda?
A. Lisa
B. Lita
C. Lida
D. Lina

13
2. Ano ang kulay ng labi ni Lida?
A. puti
B. asul
C. pula
D. berde

3. Bakit kaya may laso sa buhok ni Lida?


A. para maligo
B. para kumain
C. para gumanda
D. para magpagupit ng buhok

4. Paano naging mapula ang labi ni Lida?


A. uminom ng tubig
B. kumain ng tinapay
C. kumain ng tsokolate
D. kumain ng masustansiyang pagkain
5. Kung ikaw si Lida, ano ang iyong
mararamdaman?
A. mainis
B. mainip
C. masaya
D. malungkot

14
Ikalawang Ginabayang Gawain
Gamit ang iyong kaalaman sa isang
gulayan. Basahin upang maunawaan at
masagot ang mga tanong.

Ang Gulayan ni Tatay


Si Tatay Antoy ay may gulayan sa bakuran.
Katulong niya sa pagtatanim, ang kanyang anak
na nasa ikalawang baitang na si Ando at mga
kapatid na sina Anie at Lino. Marami ang mga
pananim ni Mang Antoy. Tumutulong ang
magkakapatid sa pagdidilig, pag-aalaga at
paglilinis sa halamanan tuwing walang pasok.
May bungang-gulay tulad ng kalabasa, upo,
talong, ampalaya, okra, sitaw, saluyot, mga
dahong-gulay gaya ng malunggay, alugbati,
saluyot, kangkong, at mga bungang-ugat na
gabi, ube, at bulanghoy. Malusog at ligtas ang
mga ito sa kemikal dahil organikong pataba na
mula sa bulok na mga dahon at balat ng prutas
ang ginamit ni Mang Antoy.

15
Sagutin ang mga tanong at isulat ang titik ng
tamang sagot sa hiwalay na sagutang papel.
1. Sino ang may-ari ng gulayan?
A. Lino
B. Anie
C. Ando
D. Tatay Antoy

2. Nasa anong baitang na si Ando?


A. ikalimang baitang
B. ikalawang baitang
C. ikatatlong baitang
D. ikaapat na baitang

3. Ano ang ginagawa ng mga magkakapatid


tuwing walang pasok?
A. naglalaro
B. tumutulong
C. naglalakwatsa
D. nagbabakasyon

4. Paano nagkaroon ng gulayan si Tatay Antoy?


A. natulog
B. namasyal
C. bumili ng gulay
D. naghanda ng lupa para taniman

5. Bakit ligtas sa kemikal ang mga gulay ni Tatay Antoy?


A. walang siyang ginamit na pataba
B. gamit niya ang organikong pataba
C. gamit niya ang mga di-organikong pataba
D. gamit niya ang patabang may mga kemikal

16
Ikalawang Tayahin
Basahin at intindihin ang teksto.

Ang Bayabas
Ang bayabas ay isang prutas. Mayaman ito
sa bitamina C. Ang hilaw na bayabas ay mapait
at ang hinog ay matamis. Maraming bunga ang
bayabas sa likod bahay ni lola. Ang pinakuluang
dahon nito ay puwedeng panggamot sa sugat.

Sagutin at isulat ang tamang titik sa sagutang


papel.

1. Anong prutas ang binanggit sa teksto?


A. saging
B. mangga
C. lanzones
D. bayabas

2. Sino ang may-ari ng mga bayabas?


A. lola
B. lolo
C. itay
D. inay

17
3. Ang bayabas ay mayaman sa anong bitamina?
A. protina
B. bitamina A
C. bitamina C
D. bitamina E

4. Anong bahagi ng bayabas na maging gamot?


A. ugat
B. balat
C. dahon
D. bunga

5. Paano maging gamot ang dahon ng bayabas?


A. kainin ang dahon
B. sunugin ang dahon
C. hiwa-hiwain ang dahon
D. pakuluan ng tubig ang dahon

18
Unang Malayang Gawain
Basahin at unawain ang kuwento.

Ang Munting Pangarap


May isang batang si Geo na nakatira sa
bayan. Mahilig siyang manood ng balita sa
telebisyon, kaya alam niya ang tungkol sa mga
frontliners, at handang tumulong malabanan ang
Covid-19. Ang mga doctor ay kabilang sa mga
frontliners. Napukaw ang munting pangarap ni
Geo na maging doktor balang araw. Isang
umaga naitanong ng kanyang ama bakit
pagiging doktor ang nais niya. “Nais ko po
matulungan magamot ang mga taong may
sakit”, simpleng sagot ni Geo. Hindi ka ba natakot
anak, wika ng ama. Bata ka pa, baka isang
umaga mag-iba na ang iyong pangarap tugon
ng ama. Gusto kong maging doctor ama,
mapangarap na sagot ni Geo. Nasa iyo yan
anak, sa ngayon mag-aral ka muna, payo ng
ama. Pagbutihin ko po ang aking pag-aaral
ama” sabi ni Geo sabay ngiti.

19
Basahin ang mga tanong at piliin ang titik sa
tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ano ang munting pangarap ni Geo?
A. maging nars
B. maging guro
C. maging doktor
D. maging sundalo

2. Saan nakatira si Geo?


A. bukid
B. bayan
C. siyudad
D. probinsiya

3. Paano napukaw ang munting pangarap ni


Geo?
A. hinikayat siya ng ama
B. gusto ng kanyang guro
C. napanood niya sa telebisyon
D. gusto ng kanyang mga kaklase

4. Bakit gusto ni Geo na maging doktor?


A. para maging sikat
B. dahil maganda ang uniporme
C. upang magamot ang may sakit
D. masaya kapag tinawag kang doctor

5. Ano ang gagawin mo para marating ang iyong mga


pangarap?
A. pagbutihin ang pag-aaral
B. palitan ng ibang pangarap
C. kumain upang madaling lumaki
D. kalimutan ang munting pangarap

20
Unang Tayahin
Basahin at unawain ang teksto.

Ang Kuneho ni Kardo


Isang puting kuneho ang alaga ni Kardo.
Madalas niya itong pakainin ng keso. Kamay ni
Kardo pag naamoy ng kuneho. Lalapit kaagad
at sa amo ay tatakbo. Mahal siya ng kuneho
dahil mabait siyang amo.

Sagutin ang mga katanungan. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.

1. Sino ang batang mabait sa mga hayop?


A. Karlo
B. Lindo
C. Pedro
D. Kardo

2. Ano ang kanyang alaga?


A. aso
B. sisiw
C. pusa
D. kuneho

21
3. Ano ang ipinapakain niya sa alaga?
A. keso
B. kanin
C. gatas
D. dahon

4. Bakit mahal ng kuneho si Kardo?


A. mabait siya
B. pabaya siya
C. masama siya
D. mabangis siya

5. Paano mo maipapakita na mahal mo ang


iyong alaga?
A. sipain
B. itapon
C. alagaan
D. hindi pakainin

Ikalawang Malayang Gawain


Pagmasdan ang larawan at isipin mo ang
mga pangyayari na kaugnay sa larawan.

22
Sagutin ang mga tanong batay sa iyong mga
naunang kaalaman tungkol sa larawan.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa hiwalay na
sagutang papel.
1. Marami kang natanggap na mga regalo sa
iyong kaarawan, anong dapat mong gawin?
A. ipamigay
B. balewalain
C. itago kaagad
D. magpasalamat

2. Sa iyong kaarawan maraming kaibigan ang


gustong pumunta sa inyo. Alin dito ang may
mabuting hangaring ipadama?
A. manggulo
B. mangutya
C. makinood lang
D. mahal ka ng iyong mga kaibigan

3. Bakit ang mga magulang ay maghahanda


tuwing kaarawan?
A. mapasaya ka
B. mapagmataas
C. maraming pera
D. makipagkompetinsya

4. Sa iyong kaarawan, alin sa sumusunod ang


pinakamahalaga para sa iyo?
A. walang bisita
B. walang regalo
C. kaunting handa
D. malusog na katawan

23
5. Paano mo maipapakita ang iyong nararamdaman
kapag marami kang regalong natanggap sa
kaarawan mo?
A. maiinis
B. masaya
C. magugulat
D. malulungkot

Ikalawang Tayahin
Basahin at unawain ang teksto.

Ang Aming Bahay


Maliit ngunit malinis itong aming bahay.
Maraming bulaklak na makukulay sa bakuran.
May bakod na puti na gawa ni Itay. May alaga
ring bibe sa likod bahay. Masaya kaming lahat
sa aming maliit na bahay.
Sagutin at isulat sa sagutang papel ang tamang titik.
1. Sino ang gumawa ng bakod?
A. ate
B. itay
C. inay
D. kuya

24
2. Ano ang malinis sa tekstong binasa?
A. bahay
B. sapatos
C. sasakyan
D. aparador

3. Ano ang nasa bakuran ng bahay?


A. ibon
B. tren
C. barko
D. bulaklak

4. Bakit masaya sila sa kanilang bahay?


A. walang tao
B. maraming basura
C. magulo ang paligid
D. dahil maraming bulaklak

5. Paano maging malinis ang iyong bahay?


A. matulog
B. magwalis
C. magkalat
D. manood ng telebisyon

25
Isaisip

 Magagamit ang naunang kaalaman sa pag-


unawa sa napakinggang o nabasang teksto
kung ang mga nauna at bago mong
kaalaman ay pagdugtungin at intindihin.
 Sa ganitong paraan mas maunawaan mo
ang teksto gamit ang dati mong kaalaman.
 Ang mga nauna mong kaalaman ay
nakatutulong sa iyo upang lalo mong
maintindihan ang napakinggan o nabasang
teksto.
 Tandaan mo, idugtong ang mga natutunan
mong karanasan noon sa ngayon upang mas
maunawaan mo ang napakinggan o
binasang teksto.

26
Isagawa

Basahin, unawaing mabuti ang talata.

Bayan Kong Mahal


Mahal mo ba ang iyong bayan? Maraming
paraan upang maipapakita mo ang iyong
pagmamahal sa bayan. Isa na dito ang
pagtangkilik ng mga sariling produkto. Paghinto
at paglagay ng ating kanang kamay sa dibdib
tuwing inaawit at narinig ang tugtog ng
pambansang awit at awitin itong may
damdamin. Pagsunod sa batas. Pagtangkilik sa
katutubong sayaw. Pagsuot ng pambansang
damit. Ilan lang ito sa mga paraan na
nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

A. Sagutin ang mga tanong batay sa iyong


nabasang talata. Piliin ang titik na wastong
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Kapag inaawit ang pambansang awit, ano ang


dapat mong gawin?
A. tumatakbo
B. lumilingon-lingon
C. magdadaldal sa katabi
D. humihinto habang ang kanang kamay ay
nakalagay sa dibdib

27
2. Kung ikaw ay papipiliin ng produkto, sa anong
bansa ang iyong tatangkilikin?
A. Korea
B. Pilipinas
C. Amerika
D. Saudi Arabia

3. Alin dito ang hindi katutubong sayaw?


A. Itik-itik
B. Tinikling
C. Cariňosa
D. Hawaiian

B. Tingnan at suriin ang mga larawan, lagyan ng


tsek ()ang kahon na nagpapakita ng
pagmamahal sa bayan at hahayaang blanko
ang hindi naaayon.

1. 2. 3.

28
Tayahin

Gamitin ang nauna mong kaalaman para


maunawaan ang tekstong babasahin.

Matipid si Beth
Kadalasan ang mga
magulang ang
nagbibigay ng baon sa
mga anak tuwing papasok
sa paaralan. Kakaiba si
Beth ayaw niya ng baong
pera at mga “junk foods”.
Mahilig siya sa baon tulad
ng hinog na prutas gaya
ng saging, mangga at
nilagang kamote. Presko
na masustansiya pa.

Sagutin ang mga tanong at piliin ang titik ng


tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Prutas at hindi pera ang palaging baon ni
Beth, ano ang maitutulong nito sa kanyang
nanay?
A. nakakatipid ang nanay niya
B. walang pera ang nanay niya
C. lalaki ang gastos ng nanay niya
D. mababawasan ang kita ng nanay niya

29
2. Mahilig sa masustansyang pagkain si Beth,
ano ang dulot nito sa kanya?
A. payat siya
B. sakitin siya
C. mahina siya
D. malusog siya

3. Anong palagay mo ang dulot sa pagkain ng


“junk foods”?
A. nakakaganda ito
B. nagbibigay talino
C. nakakikinis ng kutis
D. nakasasama sa katawan

4. Kapag ibenta ang mga prutas, ano ang


pakinabang nito?
A. walang bibili
B. hindi maubos
C. malugi si nanay
D. magkapera si nanay

5. Kapag binibigyan ka ng pera pangbaon ni


nanay mo, ano ang gagawin mo?
A. isugal
B. ubusin
C. ipamigay
D. magtipid

30
Karagdagang Gawain

Basahin at unawain ang tekstong ito.

Ang Pangako ni Sam


Nag-iisang anak ni Aling Celia si Sam. Isang
araw, inutusan si Sam ni Aling Celia na sa
pagdating ni tatay sasabihan na babayaran
ang bill ng kuryente. Huwag mong kalimutan,
sabi ng ina. Opo inay, sagot ni Sam. Hindi
nagtagal tumawag si Aling Celia at tinanong
kung napagsabihan na ba ang kanyang tatay.
Sori po ina nakalimutan ko po, sagot ni Sam.
Naku! Hindi pala nabayaran ang bill ng
kuryente, nag-alalang wika ni nanay. Alam mo
anak kapag hindi makabayad ng bill ng
kuryente ngayon maputulan tayo. Nanay hindi
ko na po uulitin, sagot ni Sam. Sa susunod
huwag mong kalimutan at laging tatandaan
kung ano man ang bilin ko sa iyo, sabay yakap
ng kanyang anak.

31
Basahin ang mga tanong at piliin ang titik sa
tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Kung ikaw ay napag-utusan ng iyong nanay
ano ang gagawin mo?
A. sundin
B. iwasan
C. kalimutan
D. hindi pansinin

2. Kung may humingi ng sori sa iyo, ano ang


gagawin mo?
A. umiwas
B. hindi kumibo
C. hindi pakinggan
D. tanggapin ng lubos

Bilang 3-5
Gamitin mo ang iyong naunang kaalaman
upang maunawaan at masagot mo ang mga
sumusunod. Piliin ang titik ng wastong sagot at
isulat sa sagutang papel.
3. Kung may paparating na bagyo, ano ang
dapat mong gawin?
A. maglaro
B. matulog
C. manood ng palabas
D. maghanda at maging alerto

32
4. Kung lalabas sa bahay o may pupuntahan ka,
ano ang dapat mong gagawin?
A. magtatago
B. aalis kaagad
C. magdadahilan
D. magpapaalam muna

5. Kung may hindi ka naintindihan sa binasa mo


ano ang gagawin mo?
A. umiiyak
B. kalimutan
C. pabayaan
D. magpaturo

33
34
Karagdaga Tayahin Isagawa Ikalawang Ikalawang
ng Gawain 1. A A Malayang Malayang
1. A 2. D 1. D Gawain Gawain
3. D Ikalawang 1. D
2. D 2. B Tayahin 2. D
4. D 1. B
Bilang 3-5 3. D 3. A
5. D 2. A
3. D B. 3. D 4. D
4. D 1.  4. D 5. B
2. 
5. D 5. B
3. 
Unang Unang Ikalawang Ikalawang Unang
Malayang Malayang Ginabayang Ginabayang Ginabayang
Gawain gawain Gawain Gawain Gawain
Unang 1. C Ikalawang 1. D Unang
Tayahin Tayahin Tayahin
1. D 2. B 1. D 2. B
1. C
2. D 3. C 2. A 3. B
3. A 3. C 2. C
4. C 4. D
4. A 4. C 3. C
5. A 5. B
5. C 5. D 4. D
5. C
Pagyamanin Suriin Tuklasin Subukin
Unang
Balikan
1. B 1. C 1. C 1. A
Ginabayang
Gawain 2. D 2. C 2. A
2. C
1. C 3. B
4. A
3. B 3. A 3. B
2. B
3. C 5. B 4. C 4. A 4. A
4. D 5. C 5. C 5. A
5. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Garcia, N.S.D., et. Al., Ang Bagong Batang Pinoy
p. 5, Rex Book Store, Inc. Unang Edisyon 2013.
J&R Instructional Materials (http: Facebook.com)
Vector Images (google.com)

35
Alang sa inyong mga pangutana o komento, sulat o tawag sa:

Department of Education – Division of Camiguin

B. Aranas St., Poblacion, Mambajao, Camiguin Province

Email Address: depedcamiguin@gmail.com, camiguin@deped.gov.ph

Cellphone no: 09057284681

You might also like