You are on page 1of 16

7

Unang Markahan – Modyul 1:1


Kuwentong - Bayan
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1:1 Kuwentong-bayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng ADM Modyul

Manunulat: Helen L. Manaloto (Teacher II)


Editor: Audrey Rose M. Miram (Master Teacher I)
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD, , Elaine D. Chua
Tagaguhit: Carlo D. Yambao, Timothy M. Bagang (Cover Art and Icons) Tagalapat:
Gener R. Santos, Roland M. Suarez, Catherine P. Siojo

Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO-Schools Division Superintendent


Leonardo C. Canlas, EdD-Assist. Schools Division Superintendent
Rowena T. Quiambao, CESE-Asst.Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID
Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino
Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, ADM Division Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon III – Division of Pampanga

Office Address: High School Boulevard, Brgy. Lourdes, City of San Fernando,
Pampanga
Telephone No: (045) 435-2728
E-mail Address: pampanga@deped.gov.ph
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul


ukol sa Kuwentong-bayan !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang

pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-


unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng


pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa

natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka


ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang pagpapala at kabutihan ng Diyos ay sumainyo!

Ang pagsubok ang siyang nagpatitibay sa isang tao na harapin ang bawat
hamon sa kanyang buhay. Huwag isiping ang modyul ay isang kaaway
sapagkat, sa bawat hakbang na iyong matamasa, isiping ang bawat umaga ay
masaya at kaaya-aya. Huwag magalinlangang sagutan ang mga gawain sa
modyul.
Ang kaalaman ay lantad sa kasalukuyang panahon. Malawak ang
impormasyong makukuha sa mga iba’t ibang daluyan. Subalit, maging
mapanuri, mapagmatyag at mausisa, sapagkat, hindi lahat ng nababasang
teksto ay totoo. Ang mga teksto ay iyong magiging gabay sa mahabang
paglalakbay na ito.
Hawakan ang layag at higpitan ang hawak sa sagwan, tayo ay
maglalakbay sa karagatan ng mga teksto at mga karunungang hatid nito sa
tao.
Ang Aralin 1.1 ay naglalaman ng kuwentong-bayan na pinamagatang
“Naging sultan si Pilandok“ ng Mindanao. Ilalahad ng aralin ang isang
kuwentong tatalakay sa kaugaliang maaaring maihalintulad sa mga nasa
Mindanao.

Sa Modyul na ito ay matatalakay at matutunan natin ang tungkol sa:

MGA TEKSTONG BABASAHIN: Kuwentong-bayan ng Mindanao

Narito ang mga kasanayang malilinang sa iyo sa pagtahak sa araling ito:


Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng

kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.

(F7PN-Iab-1)

Subukin
PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

1. Ano ang salitang ugat sa salitang kabayanihan?


A. Ani B. Bayan C. Kaba D. Bayan
2. Ibang katawagan sa Kuwentong-bayan.
A. Paklor B. Poklor C. Forklor D. porklor
3. Ito ay naglalahad kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at
lumaganap?
A. Alamat B. Pabula C. Maikling Kuwento D. Kuwentong-Bayan
4. Ito ay tekstong may may layuning makabuo ng mahalagang ugnayang lohikal
tulad ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.
A. Naglalahad B. Naglalarawan C. Nagsasalaysay D. Nangangatwiran
5. Siya ay matalinong hayop na naging datu.
A. Orang B. Miskoyaw C. Pilandok D. Lalapindigowa
6. Ito ang salitang-ugat ng salitang Panitikan.

A. Itik B. Titik C. Panitik D. Pang+titik+an


7. Tinaguriang “Lupang pangako”.
A. Luzon B. Baguio C. Visayas D. Mindanao
8. Pangalawa sa malaking pulo sa Pilipinas.
A. Luzon B. Visayas C. Manila D. Mindanao
9. Tawag sa bibliya ng mga muslim.
A. Bibliya B. Koran C. Tafsir D. Islam
10. Ito na nagbibigay buhay sa isang kuwento.
A. Kuwento B. Tauhan C. Tagpuan D. Artista

Kumusta? Naging madali ba ang pagsusulit? Kung mababa ang iskor


mo, okey lang yan. Simula pa lamang yan, may mga nakahandang
pagsasanay pa para sa iyo. Tutulungan ka ng modyul na ito na
maunawaan ang mga kasanayang dapat mong matutuhan. Basta’t
isipin mo kaya mo ang bawat gawain.
Aralin Mga Akdang Pampanitikan:

1 Salamin ng Mindanao
Kuwentong-bayan
Ang Mindanao o Kamindanawan, (Ingles: Southern Pilipinas o Tagalog: Timog
Pilipinas) pangalawang pinakamalaking pulo ng bansa at sinasabing tahanan ng
maraming Muslim ay tinatawag ding Lupang Pangako ng Pilipinas. Ito ay binubuo ng
mismong pulo ng Mindanao at ng kapuluan ng Sulu. Nahahati ito sa anim na rehiyong
kinabibilangan ng Rehiyon IX, X, XI, XII, XIII at ARMM.
Sa panitikang Mindanao masasalamin ang kultura at paniniwala ng mga Muslim at
mga pangkat-etnikong naninirahan dito. Karaniwang paksa ng kanilang panitikan ay
may kinalaman sa kanilang relihiyon at paniniwala gamit ang kanilang lingua franca,
Bisaya at Cebuano.

Ang Kulturang Muslim ay kumakatawan sa lahat ng bisa ng kulturang sa


pangkaraniwang paniniwala at mga pagsasanay. Isinama ng kulturang Islam sa
pangkalahatan ang lahat ng pagsasanay na pinaunlad sa paligid ng relihiyong Islam.

Ayon sa kulturang Muslim, ang kasal ay nasa kawikaan ni Muhammad,


‘kalahating relihiyon’. Ang pag-iisa ng dalawang kaluluwa sa banal na seremonya ay
makikita bilang isang ligal na pag-iisa at panlipunang kasunduan. Ang mga pista tulad
ng Eid ul-Fitr, Eid ul-Adha at Lailat al Miraj ay isang magandang halimbawa ng
impluwensya ng relihiyon sa pamumuhay ng mga Muslim.

Ang mga lalaking Islam ay maaring magpakasal sa apat na babae kung siya ay
magiging pantay-pantay ang pagtingin sa kanyang mga mapapangasawa at tratuhin
ang mga ito nang pantay-pantay. Ang mga mukha at kamay lamang ng mga
kababaihang Muslim ang maaari nilang ipakita sa publiko, ngunit maaari silang
magsuot ng kahit ano sa harap ng kanilang asawa.

Ang Mindanao na tinaguriang “Lupang Pangako” o Land of Promise


mula’tsapul ay maituturing na isang “Lost Paradise” o Nakakaligtaang Paraiso.
Bagama’t ito ay pangalawa sa tatlong malalaking isla na bumubuo sa Pilipinas,
bihirang bisitahin ng bagyo at maliban dito ay busog sa mga likas na yaman at
pangunahing produkto, maging sa agrikultura at industriya ay tigang naman ito sa
pagmamalasakit at pag-aalintana ng taong may makatotohanan at magagandang
adhikain.

Sanggunian: http://muslim-academy.com/the-right-understanding-of-the-islamic-culture/#more-1897
Tuklasin

Magaling, umaasa ako na pinagtuunan mo ng pansin


ang pagbabasa at pang–unawa. Nagagalak akong natatandaan
mo ang mga impormasyong nakapaloob sa iyong binasa. Kaya
halika na! Mayroon ka pang dapat malaman!

Alam mo ba kung ano ang Panitikan?


Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin,
mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na
paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ang salitang
panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang"
ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang
literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na littera na
nangangahulugang titik.

Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan,mga pananampatalaya at mga


karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak
at pangamba.

Kuwentong-bayan

Ang mga kuwentong bayan o poklor ay mga kuwentong nagmula sa bawat pook
na naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar. Kadalasang ito ay
nagpapakita ng katutubong kulay (local color) tulad ng pagbabanggit ng mga bagay,
lugar, hayop,o pangyayari na doon lamang nakikita o nangyayari. Masasalamin sa mga
kuwentong bayan ang kultura ng bayan na pinagmulan nito.
May mga kuwentong-bayang ang pangunahing layunin ay makapanlibang ng
mga mambabasa o tagapakinig subalit ang karamihan sa mga ito ay kapupulutan ng
mahahalagang aral sa buhay.
May mga tampok o kilalang kuwentong bayan ang bawat rehiyon sa Pilipinas.
Nagkaroon na nga lang ng iba’t ibang bersiyon ang mga ito dahil sa lumaganap ito
nang pasalita, kaya’t minsay binabago ng tagapagkuwento ang mga detalye na
nagdudulot ng ibang bersyon dahil sa pagbabago sa banghay o pagdaragdag ng mga
tauhan bagamat nananatili ang mga pangungahing tauhan gayundin ang tagpuan
kung saan naganap ang kuwentong bayan.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. Al.

Alam mo ba na……
Maraming nagagawa ang pagbasa. Sa pagbabasa, nasasalamin at
naiuugnay ang buhay o pangyayari ng ibang tao sa sariling karanasan
ng bumabasa maging sa akdang binabasa nito. Nakatutulong ang
paguugnay ng mga pangyayari na mauunawaan ang naiisip ng may akda
dahil lakip nito ang sariling kahulugan o interpretasyon na susundan ng
pagkilala sa mga kaisipan at kabisaan ng paglalahad. Dako na tayo sa
susunod!
Basahin at unawain ang isa sa mga kuwentong -bayan ng
Maranao. Alamin kung masasalamin ba dito ang mga
paniniwala at katangian ng mga Maranao.

NANG MAGING SULTAN SI PILANDOK


(mula sa bayan ng Maranao)

Ang kingagigiliwang Uan ng katagalugan ay may katumbas sa mga Maranaw Si


Pilandok.
Si Pilandok ay nahatulang ikulong sa isang kulungang bakal at itapon sa dagat
dahil sa isng pagkakasalang kaniyang ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan
ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kaniyang harap na nakasuot ng magarang
kasuotan ng sultan. Nakasukbit sa kanyang baywang ang isang kumikislap na
ginintuang tabak. "Hindi ba't itinapon ka na sa dagat?" nagtatakang tanong ng sultan
kay Pilandok. "Siya pong tunay, mahal na Sultan," ang magalang na tugon ni Pilandok.
"Paanong nangyaring ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay
patay ka na ngayon," ang wika ng sultan."Hindi po ako namatay, mahal na sultan
sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa ilalim ng dagat nang ako'y sumapit
doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng kayamanan. Sino po ang magnanais na mamatay
sa isang kahariang masagana sa lahat ng bagay?" ang paliwanag ni Pilandok. "Marahil
ay nasisiraan ka ng bait," ang sabi ng ayaw maniwalang sultan. Nalalaman ng lahat
na walang kaharian sa ilalim ng dagat.

"Kasinungalingan po iyan! Bakit po naririto ako ngayon? Ako na ipinatapon ninyo sa


gitna ng dagat. Ako na ikinulong pa ninyo sa hawla ay naririto ngayon at kausap
ninyo," ang paliwanag ni Pilandok. "May kaharian po sa ilalim ng dagat at ang tanging
paraan sa pagtungo roon ay ang pagkulong sa hawla at itapon sa gitna ng dagat. Ako
po'y aalis na at marahil ay hinihintay na ako ng aking mga kamag-anak. "Umakmang
aalis na si Pilandok."Hintay," sansala ng sultan kay Pilandok. "Isama mo ako at nais
kong makita ang aking mga ninuno, ang sultan ng mga sultan at ang iba ko pang
kamag-anak. "Tatawagin na sana ng sultan ang mga kawal ngunit pinigil siya ni
Pilandok at pinagsabihang walang dapat makaalam ng bagay na iyon. Dapat daw ay
mag-isang pupunta roon ang Sultan sa loob ng isang hawla.

"Kung gayon ay ilagay mo ko sa loob ng hawla at itapon mo ako sa gitna ng dagat,"


ang sabi ng sultan. "Sino po ang mamumuno sa kaharian sa inyong pag-alis?" ang
tanong ni Pilandok. "Kapag nalaman po ng iba ang tungkol sa sinabi ko sa inyong
kaharian sa ilalim ng dagat ay magnanais silang magtungo rin doon."
Sandaling nag-isip ang sultan at nakangiting nagwika, "Gagawin kitang
pansamantalang sultan, Pilandok. Mag-iiwan ako ngayon din ng isang kautusang ikaw
ang pansamantalang hahalili sa akin." "Hintay, mahal na Sultan," ang pigil ni
Pilandok."Hindi po ito dapat malaman ng inyong mga ministro."

"Ano ang nararapat kong gawin?" ang usisa ng sultan. "Ililihim po natin ang bagay
na ito. Basta't ipagkaloob ninyo sa akin ang inyong korona, singsing at espada. Pag
nakita ang mga ito ng inyong kaibiga’y susundin nila ako," ang tugon ni Pilandok.

Pumayag naman ang sultan. Ibinigay na lahat kay Pilandok ang hinihingi at
isinakay sa isang bangka. Pagdating sa gitnang dagat ay inihagis ang hawlang
kinalululanan ng sultan. Kaagad lumubog ang hawla at namatay ang sultan. Mula
noon si Pilandok na ang naging sultan.
Ang galing mo kaibigan. Talagang
handang handa ka na sa
susunod mo pang paglalakbay!
Tara na…

Pagyamanin
Gawain 1 Katangian ng tauhan
Ilarawan ang mga pangunahing tauhan sa kuwentong bayan na nabasa sa
pamamagitan ng paglalagay ng mga salitang naglalarawan sa mga kahong nakapalibot
sa pangalan ng mga tauhan ng kuwentong bayang Naging Sultan si Pilandok. (2 puntos
bawat isa)

PILANDOK

SULTAN
Gawain 3 Piliin mo, pinakawasto!
Maghinuha sa mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na
pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa pangyayari o usapan nng mga
tauhan. Isulat sa patlang ang tamang sagot.
_____ 1. Bakit kailangang pag-aralan ng mga Pilipino ang mga panitikan mula
sa Mindanao kaugnay sa pag-unawa sa mga Mindanaoan?
A. Dahil hindi ito ganap na natatalakay sa pag-aaral ng panitikan ng
Pilipinas.
B. Nang mabatid nilang tama ang kanilang persepsyon sa mga
tagaMindanao,
C. Sapagkat dumarami ang mga panitikang Mindanao na nalalathala sa
D. kasalukuyan.
E. Upang matutuhan nila ang ugat ng mga pag-uugali ng mga tao sa
Mindanao.
_____ 2. Bakit mahalagang malaman ng mga Pilipino ang buhay at kulturang
Mindanao?
A. Mababatid nila ang epekto ng digmaan sa Mindanao.
B. Makikilala nila ang magagandang tanawin sa Mindanao.
C. Masusuri nila ang pamamahala ng gobyerno sa Mindanao.
D. Mauunawaan nila ang mga kababayan sa Mindanao.
_____ 3. Ano ang katangian ni Pilandok sa kanyang pahayag na “Hindi po ako
namatay, mahal na sultan sapagkat nakita ko po ang aking mga ninuno sa
ilalim ng dagat nang ako'y sumapit doon. Sila po ang nagbigay sa akin ng
kayamanan?”
A. Nagmamagaling
B. Nagsisinungaling
C. Nagbabait-baitan
D. Nagmamayabang
_____ 4. Sino ang sinasagisag ni Pilandok sa kasalukuyang lipunan batay sa
katangiang ipinakita niya sa kuwent
A. Maramot na tao
B. Pulitikang gahaman
C. Isang taong tamad
D. Makasariling tao
_____ 5. Ano ang ipinahihiwatig sa pahayag ng sultan “Paanong nangyaring
ikaw ay nasa harap ko at nakadamit nang magara? Dapat ay patay ka na
ngayon”?
A. Nagulat
B. Nalilito
C. Nag-aalala
D. Nagtataka
_____6. Paano naging panitikan ang tawag sa mga akdang sumasalamin sa
ating buhay?
A. Buhat sa titik
B. Buhat sa pilantik
C. Buhat sa panitik
D. Buhat sa panulat
Isaisip

Alam mo ba na may……
Mga mahalagang elemento ang kuwentong-bayan:

Banghay
• Dito makikita ang maayos na pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda.

1. SIMULA - nagtatalakay sa mga pangyayaring naging simula ng kuwento.


1.1 Tauhan - dito malalaman kung sinu-sino ang nagsisiganap sakuwento at kung ano
ang papel na ginagampanan ng bawat isa, maaaring bida (Protagonista), kontrabida,
o suporta (Antagonista) - Ang nagbibigay buhay sa kuwento.
1.2 Tagpuan - lugar kung saan nagaganap ang mga pangyayari ng kuwento, gayundin
ang panahon kung kailan nangyayari ang kuwento.
1.3 Suliranin - mga problemang haharapin na dapat na masusulusyunan ng mga
tauhan na magiging simula ng kawilihan ng mga pangyayari.

2. GITNA – bahaging nagtatalakay sa mga masisidhing pangyayaring kahaharapin na


kailangang mapagtatagumpayan ng mga tauhan.
2.1 Saglit na Kasiglahan – naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
2.2 Tunggalian – bahaging kakikitaan ng pakikipagtunggali o pakikipaglaban ng mga
pangunahing tauhan sa mga suliraning kakaharapin.
2.3 Kasukdulan – pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing
tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

3. WAKAS – ito ang pinakahuling bahagi ng maikling kuwento, pananabikang


pagwawakas ng kuwento.

3.1 Kakalasan – bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento


mula sa maigting na mga pangyayari sa kasukdulan. - Kung dati nagkabuhul-buhol ang
mga pangyayari, sa bahaging ito ay dahandahan nang makakalas ito o malulutas. - Dito
malalaman kung sino ang mga may kinalaman sa mga pangyayari o sino ang mga taong
nasa likod nito.
3.2 Katapusan – kakikitaan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring masaya o
malungkot , pagkatalo o pagkapanalo sa mga layunin ng tauhan sa kuwento.

Tema -Ito ang gustong iparating ng kuwento


Aral- dito makikita ang pinaka-aral na maari nating isabuhay
Tayahin
Sa iyong tiyaga nakarating ka rin sa bahagi ng pagsasanay na ito. Lubos
mo akong pinahanga at nalampasan mo na ang mga mahihirap na
pagsubok.Nakasisiguro akong tunay ngang malawak na iyong kaalaman sa
kuwentong-bayan at tiyak kong magiging magaan na para sai yo ang
pagsususri sa iba pang uri ng kuwento sa susunod na
paglalakbay.Subukan mo pang sagutin ang gawain sa bahaging ito.

Panuto: Basahin nang mabuti ang tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang hatol ng sultan kay Pilandok sa pagkakasalang kanyang ginawa? A.


Ipatapon siya sa ibang bayan.
B. Ipinadakip at pinapatay siya nito.
C. Ikulong sa isang kulungang bakal at ipinatapon sa dagat
D. Wala sa nabanggit
2. Ano ang naging reaksyon ng sultan ng makita si pilandok sa kanyang harapan?
A. Nagulat ito at bigla niyang niyakap si Pilandok.
B. Ang sultan ay natuwa na si Pilandok ay nakabalik sa kanilang bayan.
C. Ang sultan ay nalungkot dahil si Pilandok ay naging pulubi na.
D. Ang sultan ay nanggilalas nang makita si Pilandok sa kanyang harap na
nakasuot ng magarang kasuotan ng sultan.
3. Base sa kuwento, ano ang nangyari kay Pilandok ng ipinatapon siya sa dagat?
A. Siya ay muling nakalangoy upang makabalik sa dati niyang lugar. B. Siya ay
pinabayaan ng mga kawal na malunod si Pilandok hanggang mamatay.
C. Siya ay nagpalutang –lutang sa dagat nang habambuhay.
D. Nakita ni Pilandok ang kanyang mga ninuno sa ilalim ng dagat at siyang
nagbigay sa kanya ng kayamanan.
4.Ano ang sinabi ng sultan sa paliwanag ni Pilandok tungkol sa kanyang mga ninuno
sa ilalim ng dagat?
A. Ayon sa sultan si Pilandok ay nasisiraan ng bait.
B. Ayon sa sultan si Pilandok ay dapat paniwalaan ng taumbayan.
C. Ayon sa sultan si Pilandok ay magaling sa pakikipagtalastasan.
D. Ayon sa sultan si Pilandok ay maaasahan at mabait kaya nakaharap nito ang
ninuno.
5.Napaniwala ba ni Pilandok ang sultan sa kanyang mga kuwento?
A. Hindi, dahil hindi kapani-paniwala ang kuwento ni Pilandok.
B. Hindi, dahil matalino ang sultan at marunong tumimbang-timbang sa mga
sitwasyon.
C. Oo, dahil kapani-paniwala ang kuwento ni Pilandok at nais din ng sultan na
makita ang kanyang mga ninuno sa ilalim ng kaharian ng dagat.
D. Oo, dahil si Pilandok ay magaling ang mga salitang binitawan niya sa harap ng
sultan.
6.Ano ang nangyari sa sultan nang ikulong sa hawla at itapon sa dagat? A.Kaagad
lumubog ang hawla at namatay ang sultan.
B.Nagpalutang-lutang ang hawlang kinalulunan ng sultan ng habambuhay.
C.Nabuksan ng sultan ang hawla at nakaligtas sa pagkakalunod.
D. Nakaligtas siya mula sa pagkakakulong sa hawla at muling nakabalik.

7.Ano ang naging katapusan ng kuwento?


A.Si Pilandok ay dinakip ng mga kawal si Pilandok at ikinulong.
B.Si Pilandok ay naging sultan.
C.Si Pilandok ay naging matandang pulubi.
D.Si Pilandok ay naging mukhang matanda.
8.Ano ang pinakamahalagang aral na makukuha mula sa kuwento?
A.Walang magandang idudulot sa kahit kanino ang paghahangad ng labis.
B.Maniwala kaagad sa mga sabi-sabi upang buhay ay bumuti.
C.Maging mapagmatyag at mapanuri.
D. Wala sa nabanggit.
9. Kung ikaw ang Datu, sang-ayon ka ba sa mungkahi ni Pilandok na dapat
diumanong gawin upang makuha ang ginto? Bigyang katwiran ang
sagot.(2puntos)
______________________________________________________________________________
____
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________.

10. Ibigay ang mga katangian ni Pilandok at ng datu. Sino sa kanila ang nais mong
tularan? Bakit?(2 puntos)

Ang nais kong tularan ay si _____________________________ dahil _________________


_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

11. Paano naisahan ni Pilandok ang datu? Ikuwento mo.(2puntos)


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

12. (2puntos)

Oo/Hindi
dahil_________________
Kung ikaw ang ______________________
datu, ______________________
maniniwala ka
_____________________
ba sa mga
pahayag ni

Karagdagang Gawain
Gawain 7: Kuwentong-Bayan ng Bayan Ko!
Magsaliksik ng isang kuwentong-bayan mula sa sarili mong bayan o lalawigan.
Ilahad ang pamagat nito, maikling salaysay ng buod, katangian at kulturang
itinampok at mahalagang aral na maaaring matamo. (Isulat sa isang buong papel)
20pts.
Napakahusay Mahusay Katamtaman Nangangailangan
PAMANTAYAN pa ng Kasanayan 1
6–7 4–5 2–3
Mahusay ng
Napakahusay ng May kahusayan
pagkakabuo ng Maligoy ang talata.
pagkakabuo ng talata. ang pagkakabuo
NILALAMAN (7 talata. Malinaw at Nakalilito at hindi
Malawak at marami ng talata.Tiyak ang
PUNTOS) tiyak ang tiyak ang mga
ang impormasyon at mga impormasyon
impormasyon at impormasyon.
elaborasyon. at paliwanag.
paliwanag.
4–5 3 2 1
May
PAGTATALAKA Masusi ang May ilang tiyak na
pagtatangkang Hindi natalakay
Y pagkatalakay ng mga pagtalakay sa
talakayin ang ang paksa.
(5 PUNTOS) paksa. paksa.
paksa.
ORGANISASYO May mahusay na Hindi gaanong Malabo ang
N organisasyon at pokus May organisasyon. malinaw ang organisasyon kung
( 4 PUNTOS) sa paksa. organisasyon. mayroon man.
4 3 2 1

Hindi gaanong Hindi gumagamit


Karamihan sa mga
angkop ang mga ng tiyak na salitang
Angkop ang mga salita salita at angkop sa mga
PAGLALAHAD salita at
at pangungusap sa pangungusap ay pangungusap,
(4 PUNTOS) pangungusap sa
paksa at mambabasa. angkop sa paksa at paksa at
paksa at
mambabasa. mambabasa.
mambabasa.
KABUUANG
PUNTOS=20

Bravo! Nalampasan mo na ang mga pagsubok. Alinpamang


gawain ay gumagaan sa tuloy-tuloy na pagharap sa mga hamon.
Kaya tara na at malapit – lapit ka ng makarating sa tuktok ng
tagumpay.Magpatuloy ka na. Marami-rami na ang iyong baong
kaalaman ngayon para sa susunod mong pagtahak lalo na sa
mga susunod na mga hamon sa buhay. Nagbunga rin ang iyong
pagtitiyaga’t pagsisikap. Paalam na hanggang sa muling
paglalakbay .
Susi sa Pagwawasto

-
-

Pagyamanin

Gawain 3

1. D 4. B
2. D 5. D
3. B 6. C
Gawain 7 Depende na sa rubrics
Sanggunian
PINAGYAMANG PLUMA 7(K-12) Alma M. Dayag et. Al.

Internet: https: //teksbok.blogspot.com/ 2010/09/naging-sultan-si-pilandok.html


https://www.rexinteractive.com https://www.google.com/
https://pinoycollection.com/kwentong-bayan
https://www.google.com/search?q=teacher+clipart&source=lnms&tbm=isch&sa=X
d=2ahUKEwiji6KXyrXpAhVRfX0KHSV1AoAQ_AUoAXoECA8QAw&biw=1536&b2#im
grc=FnwkeyrAwHXZsM https://brainly.ph/question/478235
https://brainly.ph/question/560501 https://brainly.ph/question/2191073
http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/kwentong-bayan.html
https//:www.seasite.niu.edu/Tagalog/Mindanao_Culture/Mindanao_Folktales

You might also like