Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO 8 Modyul 6 PDF
FILIPINO 8 Modyul 6 PDF
Filipino
Unang Markahan-Modyul 6:
Ang Maikling Kuwento
Filipino – Baitang Walo
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan 1 – Modyul 6: Ang Maikling Kuwento
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Filipino
Unang Markahan – Modyul 6:
Ang Maikling Kuwento
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Para sa mag-aaral:
ii
na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutunang kompetensi.
iv
Alamin
Mga Layunin:
a. Natutukoy ang sanhi at bunga sa pangungusap
b. Nasusuri ang sanhi at bunga sa binasang teksto
c. Nakikilala ang mga hudyat na mga salita na ginamit sa sanhi at bunga
d. Nailalahad ang kahulugan ng maikling kuwento na may kaugnayan sa
sanhi at bunga
e. Nakasusulat ng isang pagwawakas sa maikling kuwento gamit ang hudyat
ng sanhi at bunga
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pangyayari (dahil
sa, sapagkat, kaya, bunga nito, at iba pa (F8WG-Ig-h-22)
2. Nakikinig nang may pang-unawa upang mailahad ang layuning
napakinggan, naipaliliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari
at nauuri ang sanhi at bunga. (F8PN-Ig-h-22)
1
Subukin
Noong ikaw ay nasa baitang 7 natalakay niyo ang isang maikling kuwentong
nag-iwan ng aral. Ito ay ang “Sandaang Damit” na tinuruan kang “Huwag husgahan
ang kapwa batay sa kanyang panlabas na katangian”.
Gawain I: Kopyahin sa sagutang papel ang mga pangyayari at pagsunod-sunurin
ang mga ito. Lagyan ng bilang 1-10 ang kahon upang matukoy ang pagkasunod-
sunod.
Gawain II. Ibigay ang bunga ng mga pahayag. Kopyahin at isulat sa sagutang
papel ang iyong kasagutan.
Sanhi Bunga
5. tamang pagdidisiplina
2
Aralin
6 Maikling Kuwento
Balikan
Maikling kuwento sa
Panahon ng Hapones
mga kalagayan/
kilalang sitwasyon
manunulat tema
3
Tuklasin
Maikling Kuwento
Kaisipan: ___________________________________________________________________
Gawain II. Saranggola ko! Lipad ng Pangarap ko!
Sa pamamagitan ng saranggola, hayaan mong liparin ka nito upang maabot
ang iyong pangarap. Ibigay ang mga dapat gawin upang maabot ang mga pangarap
sa buhay. Isulat sa sagutang papel ang iyong kasagutan.
1 2 3
4
Gawain IV. Basahin at unawain ang teksto.
Bata pa lamang ay naulila na si Layo. Kaya’t inampon siya ng kanyang tiyuhin na si Tata
Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng kanyang amain. Kaya't siya'y
nagsumikap na abutin ang kanyang pangarap. Naging manunulat siya sa isang pahayagan sa
kanilang bayan at sa gabi naman ay nag- aaral siya. Hanggang sa makatapos siya ng pag aaral
at naging topnotcher. Naging isang tanyag na abugado sa Maynila at nagkaroon ng isang
malaking bahay sa Quezon City.
Napangasawa niya si Ising na taga San Fernando, nagkaroon sila ng dalawang anak. Sa
kabila nang kanyang katanyagan ay hindi nya pa rin malimutan ang sakit at sama ng loob na
dinanas nya sa San Roque kahit na namatay na ang gumawa nito sa kanya. Sa loob ng
mahabang panahon ay hindi siya pumunta o umuwi doon upang dalawin ang puntod ng
kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kanya ang Tiyo Julio niya upang
magpatulong ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo sa paghingi ng tulong kay Layo. Ikinagulat ng
lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis ang kalungkutang nadarama ng kanyang
pamilya.
Itinatago niya ang takot na nararamdaman. Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa San
Roque dahil sa galit at poot na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio na sa
kalaunan din ay naintindihan niya at napatawad niya ang mga taong nagpahirap sa kanya noon.
Iniuwi rin ang kanyang katawan sa San Roque at doon na rin inilibing.
Buod ng Lupa sa Sariling Bayan
Halaw mula sa https://www.slideshare.net/
Suriin
5
Ugnay-Panitikan
Sanhi at Bunga
Ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na
nakapagpapaliwanag at nakapaglalarawan bakit naganap ang isang pangyayari at
ano ang naging epekto nito. Karaniwang ginagamit ang ilang pahayag na tulad ng,
dahil dito, kung kaya, naging bunga nito, ang sanhi ng, kapag ipinatupad ito at iba
pa.
Sa paglalahad ng sanhi at bunga sinasagot ang mga katanungang “Bakit ito
nangyari” at “Ano ang naging epekto ng naturang pangyayari? Ang sagot sa unang
tanong ay tumutukoy sa sanhi at ang ikalawang tanong ay tumutukoy naman sa
bunga.
Halimbawa:
Sanhi Bunga
maikling oras sa mababang sweldo
paghahanapbuhay mas mahabang panahon sa
pamilya
masinop magbasa maraming alam
6
Para lalo mong maunawaan ang banghay ng maikling kuwento, bigyang
pansin ang buod ng akdang “Sa Lupa ng Sariling Bayan” ni Rogelio R. Sicat gamit
ang graphic organizer.
Halimbawa:
Pagyamanin
Saranggola
ni Efren R. Abueg
Rading, Paquito, Nelson… pakinggan ninyo ang kwentong ito. May isang
lalaki, walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon.
“Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang ng
saranggola,” wika ng ama.
“Hindi ako marunong, Tatay,” anang batang lalaki.
“Madali ‘yan. Tuturuan kita,” sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak.
Bumili nga ito ng papel at kawayan at tinuruang gumawa ng saranggola ang
anak.
7
“Tatay… ibili mo ako ng guryon,” sabi uli ng bata sa ama.
“Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas.
Madadaig mo ang taas at tagal ng lipad ng guryon!”
Nainis ang bata sa kanyang ama.
“Kinakantyawan ako sa bukid, Tatay,” anang bata. “Anak daw ako ng may-ari
ng kaisa-isang istasyon ng gasolina sa bayan… bakit daw kay liit ng saranggola ko!”
Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak.
Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng
saranggola, pati na ang pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng
saranggola niya ang ilang guryon. Ang iba namang guryon na lumipad nang
pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang,
wasak-wasak.
Minsan sa pagpapataas ng lipad ng kanyang saranggola, napatid ang tali
niyon. Umalagwa ang saranggola. Hinabol nilang mag-ama iyon at nakita nilang
nakasampid sa isang balag.
“Tingnan mo…hindi nasira,” nagmamalaking wika ng ama. “Kung guryon
‘yan, nawasak na dahil sa laki. Kaya tandaan mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad
ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang malaki ay madali ngang tumaas,
pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung bumagsak, laging
nawawasak.”
Nakalimutan na ng batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging
katorse anyos siya. May iba na siyang hilig; damit, sapatos, malaking baon sa
eskwela, pagsama-sama sa mga kaibigan.
“Anak… dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung
masira, saka na papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang
gasta. Hindi madaling kitain ang salapi,” pagunita ng kanyang ama.
“Kawawa nga ako, Tatay,” katwiran ng bata. “Anak ako ng tanging may-ari ng
istasyon ng gasoline at machine shop sa bayan natin, pero ang itsura ko… parang
anak ng pobre.”
“Disente ka naman, a. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa
eskwela at husto ka rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan ang
isang kabataang tulad mo. Hindi natututuhan ang pagtitipid.”
Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng
hinanakit dito. Tinipid siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa mga
kabarkada at madalas, pinatatao sa istasyon ng gasolina at pinatutulong sa machine
shop kung araw na walang klase.
“Pinahihirapan talaga ako ng Tatay,” puno ng hinanakit ang tinig na
pagsusumbong ng bata sa ina. “Kaisa-isa pa naman akong anak, ang turing niya sa
akin… parang ampon!”
“Hindi totoo ang sinabi mo, anak,” malumanay na sansala ng kanyang ina sa
paghihinanakit niya sa ama. Alam mo mataas ang pangarap niya para sa iyo.”
“Bakit? Ano ang gusto niya para sa akin?”
“Ibig niyang maging mahusay kang inhinyero.”
Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama.
Gayunman, hindi siya makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati ang
kanyang ina.
Nang labingwalo na siya napagkaisahan ng kanyang mga barkada na kumuha
sila ng commerce.
“Mabuti ‘yon. Magsama-sama tayo sa isang unibersidad,” mungkahi ng isa sa
limang magkakaibigan.
Pumayag siya. Ngunit nang kausapin niya ang ama, tumutol ito.
“Inoobserbahan kita, anak. Hindi mo hilig ang commerce. Palagay ko
mechanical engineering ang bagay sa iyo. Tanungin mo ang iyong ina.”
Masama man ang loob, sumangguni pa rin siya sa ina.
8
“Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, anak. Pero sa tingin
ko….engineering nga ang bagay sa iyo. May machine shop tayo…sino ba ang
magmamana niyon kundi ikaw?”
Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa kanyang
barkada. Napag-isa siya sa pag-aaral sa lunsod at ngayong binata na siya, hindi na
hinanakit kundi paghihimagsik sa ama ang kanyang nadarama.
“Ayoko nang mag-aral, Inay,” sabi niya sa kanyang ina nang dalawin siya nito
sa dormitoryo. “Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako
ginaganoon ni Itay? Gusto ba niya akong pahirapan?”Pinayapa ng kanyang ina ang
kanyang kalooban.
“Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi
makabubuti sa iyong hinaharap.”
“Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?”
“Makabubuting matuto kang magtiis. Pagkatapos mo naman ng pag-aaral at
magtagumpay ka sa hanapbuhay, magiging magaan sa iyo ang lahat.”
“Bakit kailangan ko pang magtagumpay? Hindi ba’t ipamamana ninyo sa akin
ni Itay ang ating kabuhayan?”
“Totoo iyan, anak…pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung
hindi mo alam ang mga hirap sa pagtatayo niyan?”
Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip
niyang makapagtitiis pa siya. Isinubsob na lamang niya ang ulo sa pag-aaral.
Nakatapos naman ng inhinyerya ang binata. Hindi siya pangunahin sa klase,
ngunit sa pagsusulit sa gobyerno, nakabilang siya sa nangungunang unang
dalawampu.
“Ngayon anak…bibigyan kita ng limampung libong piso. Gamitin mo sa
paghahanapbuhay,” sabi ng kanyang ama nang makuha na niya ang lisensiya bilang
mechanical engineer.
Namangha siya.
“Akala ko…ako na ang hahawak ng ating machine shop pagkatapos ko ng pag-
aaral,” nawika niya sa ama.
“Bata pa ako, anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng hanapbuhay na iyan. Saka
ibig ko, magpundar ka ng sariling negosyo.”
“Bakit pa, Itay? Mayroon na tayong negosyo.”
“Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong mga paa.”
Tinanggap niya ang halagang ipinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin siya ng
tirahan sa mga magulang.
“Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama. Gayunman, ibig kong
isaisip mong, ang kinabukasan mo ang lagi niyang inaalala.”
Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya naniniwala sa sinabi ng
kanyang ina. Naging lubos ang paghihimagsik niya sa kanyang ama.
Nagtayo siya ng isang machine shop sa dulo ng kanilang bayan. Agad-agad
siyang pinagsadya ng kanyang ama.
“Bakit hindi pa sa ikatlong bayan ka nagtayo ng machine shop?
Magkukumpetensiya pa tayo rito.”
“Akala ko ba’y bahala na ako sa buhay ko, Itay?”
Natigilan ang kanyang ama. Saka napapailing, nag-iwan pa ito ng salita bago
lumisan.
“Kung sa bagay…mabuting magturo ang karanasan!”
May isang taon ding nagtiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang maliit
na machine shop sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit na
malaki ang machine shop ng kanyang ama at mahusay ang mga tauhan nito.
Nagkautang tuloy siya ng labindalawang libo sa mga kinukunan niya ng materyales.
Nang hindi siya makabayad, inilit ang mga makinang kanyang ginagamit.
“Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi ka sumunod sa
9
mungkahi ko na umiwas sa kumpetisyon. Subukin mo namang maghanap ng
puhunan sa sarili mong pagsisikap.”
Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang paggalang sa mga
magulang. Dumabog siya sa harap ng ama.
“Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan
ba ninyong makitang nahihirapan ako?”
“Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa buhay na ito. Hindi
madali ang mabuhay sa mundo, anak.”
“Hindi ba kaya may mga magulang ay para gumaan ang buhay ng mga anak?”
“Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak ay wala sa mga magulang kundi nasa
mga itinuturo nila sa mga ito.”
Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man
lamang nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho
hanggang pagkaraan ng limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at
nakabili ng maliit na machine shop. Kumuntrata siya ng paggawa ng tambutso sa
isang auto assembler at kumita siya nang malaki. Sa loob ng tatlong taon, gumawa
na rin ang machine shop niya ng mga partes ng kotse.
Ang dugo ay dugo, anang kasabihan, kaya dinadalaw ang lalaki ng kanyang
may edad nang ina. Isang araw, dumating ito sa kanilang bahay, gaya ng dati may
pasalubong sa tatlong apong lalaki.
“Ibig ng Itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw
dahil sa hinanakit mo,” sabi ng kanyang ina.
“Kinalimutan ko na, Inay, na nagkaroon ako ng ama!”
Umiyak ang kanyang ina. “Kung gayon… baka hindi na kayo magkita, anak!”
nawika nito bago umalis.
Sa tindi ng hinanakit, hindi pa rin niya binigyang-halaga ang bulalas na iyon
ng kanyang ina. Nagpakagumon siya sa trabaho, naghanap pa ng mga bagong
kontrata hanggang sa loob pa ng dalawang taon, kilala na ang kanyang machine
shop sa Pasay. Isang araw, hindi niya dinatnan ang kanyang asawa at tatlong anak
sa bahay.
“Nasaan sila?” usig niya sa katulong.
“Umuwi ho uli sa probinsya. Patawirin daw ho ang inyong ama!”
“Umuwi uli? Bakit, lagi ba sila roon?”
Tumango ang tinanong na katulong. “May dalawang ulit na hong regular
silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang inyong matanda.”
May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Nanlambot siya sa galit. Ngunit sa
pagkaunawang patawirin ang kanyang ama, nagbalik sa kanyang isip ang
masasayang sandali sa piling nito. Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng
saranggola.
“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas,
nasa husay, tiyaga at ingat iyan!”
Magdamag siyang hindi mapalagay. Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng
kanyang ama. Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik siya sa bayang
sinilangan.
“Patay na siya!” bulalas ng kanyang asawang umiyak sa kanyang dibdib.
May nabugnos na moog sa kanyang puso. Nahalinhan ng pagsisisi ang
hinanakit. Nilapitan niya ang ina at sa pagkakayakap dito, umiyak siya nang
marahan, kasamang nagdadalamhati ang lahat ng himaymay ng kanyang laman.
“Huwag kang umiyak… namatay siyang walang hinanakit sa iyo.” Anas ng
kanyang ina.
“Wa-walang hinanakit?”
“Oo, anak… dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. At sabi
niya sa akin, pati sa asawa mo… nakatitiyak siya na makapananatili ka roon.”
Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito,
10
parang lumundag ang kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon,
nagunita na naman niya ang pagpapalipad nila ng saranggola.
“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas.
Hayaan mo… tuturuan kita!” paliwanag na ama.
Rading, Paquito, Nelson…tandaan ninyo ang kuwentong iyan. Kuwento ‘yan namin
ng inyong namatay na lolo. Kuwento naming dalawa.
Saranggola
Simula
Wakas
Gitna
11
Gawain III. Fishbone Map
Magtala ng pangyayari sa akdang binasa gamit ang sanhi at bunga. Isulat
sa sagutang papel ang iyong kasagutan.
sanhi
Saranggola
ni Efren R. Abueg
bunga
Gawain IV. Tulad ng saranggola, itinuro ng ama sa anak ang uri ng buhay. Kung
bibigyan ka ng pagkakataon, ihalintulad ang iyong buhay sa isang bagay sa
pamamagitan ng pagguhit sa iyong sagutang papel.
Isaisip
Panuto: Ibigay ang angkop na salita sa bawat patlang upang mabuo ang ang
kaisipan. Lagyan ng bilang ang bawat patlang.
Ang ito ay uri ng akdang pampanitikan na
1
sumasalamin ng pangyayari sa buhay ng tao.
Ang maikling kuwento ay may banghay na nagiging tulay upang lalong
12
5
sunod ng mga pangyayari ng kuwentong binasa.
Isagawa
Karakter Propayl
Pangalan:
Edad:
Tirahan:
Hilig:
Katangian:
Kakayahan:
Pangarap:
Mga Natamo:
Karanasan para matamo ang pangarap:
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________.
Tayahin
13
II. Panuto: Kopyahin ang pangungusap sa sagutang papel. Salungguhitan ang sanhi
minsan at dalawang beses naman ang bunga.
1. Lumaking masayahin at magalang ang batang si Hannah dahil sa kanyang
mababait at mapag-alagang mga magulang.
2. Siya ay iniidolo ng mga kabataan sa kanilang lugar dahil sa kanyang mabuti at
mapagkawanggawang gawain.
3. Unti-unting nasisira ang ating inang kalikasan dahil sa inaabuso ng
sangkatauhan ang ating kapaligiran.
4. Pinabayaan ni Maria na matuyo ang mga halaman kaya galit na galit ang kanyang
ina.
5. Nakalimutan ni Arabella na mag-aral ng kanyang leksyon kagabi kaya mababa
ang nakuha niya sa pagsusulit.
6. Marami ang naitalang kaso ng COVID-19 dahil sa mga sumusuway sa patakaran.
7. Hindi niya iningatan ang kanilang pagmamahalan kaya kaagad na itong nasira.
8. Mataas ang nakuha niya sa pagsusulit sapagkat pinag-aralan niya nang mabuti
ang mga aralin.
9. Naabot niya ang kanyang pangarap dahil sa kanyang pagsisikap.
10. Nawalan ng trabaho ang karaniwang mamamayan sapagkat laganap ang
pandemyang COVID-19 sa ating bansa
Karagdagang Gawain
Matapos nating mabasa ang akdang Uhaw sa Tigang na Lupa paano mo ito
bibigyan ng pagwawakas gamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga. Kopyahin ang
pormat sa iyong sagutang papel.
Pagwawakas
________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
___________________________________________________.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
____________________________________________________
14
Rubrik sa Pagsulat ng Wakas
Pamantayan 5 3 1
15
16
Subukin
A.
Inaalo siya ng kanyang ina na hayaan na lamang ang kanyang kaklase at
3 kung makakuha ang kanyang ama ng maraming pera ay ibibili siya ng
kanyang gusto.
May isang batang mahirap na nag-aaral. Laging siyang nakaupo sa sulok,
4
nakayuko at parang nahihiya.
1 Umuuwi siyang umiiyak kaya’t nalalaman ng kanyang ina ang nangyari sa
kanya.
Kapag oras ng kainan halos itago niya ang kanyang baon inilalagay niya ito
2
sa kanyang kandungan. Nakararamdam siya ng hiya sapagkat
pinaparamdam ito ng kanyang kaklase.
5 Unti–unting nauunawaan ng bata ang kanilang kalagayan. Hindi na siya
nagsusumbong sa kanyang ina at di na umiiyak tuwing umuuwi.
6 Natuto siyang lumaban, ang batang mahirap ay biglang nagkatinig.
Siya’y nagmamalaking may sandaang damit sa bahay na ginagamit niya sa
7 iba’t ibang okasyon kaya’t naging magkaibigan sila ng kanyang kaklase.
Napagtuonan nila ng pansin ang nakakabit na papel, nakadikit sa dingding
10
at nakadrowing ang iba’t ibang uri ng damit pang–okasyon na kanyang
ikinukuwento.
Nawala ang kanyang pagkamahiyain ngunit namumutla kahit na binibigyan
8 ng pagkain ng kanyang kaklase.
9 Ilang araw na siyang hindi pumapasok kaya nabahala ang kanyang guro
Susi ng Pagwawasto
17
Gitna :
Nagsikap siyang mag-aral kahit ang kursong kinuha niya ay ang kagustuhan ng
kanyang ama. SIya’y nakapagtapos dahil sa subsob na pag-aaral.
Nang makapagtapos siya ng pag-aaral, ngunit mas lalong sumama ang kanyang
kalooban sapagkat puhun akala niya ipapamana sa kanya ang talyer.
Nagpatayo siya ng talyer malapit sa taler ng kanyang ama ngunit nalugi ito.
Humingi siya uli ng puhunan sa kanyang ama ngunit hindi na siya
pinagbigyan.
Napilitan siyang maghanap ng trabaho at nakapagsimula ng sariling talyer at
napaunlad niya ito. Sa kanyang pananagumpay lalong namang nagpasidhi ng kanyang
poot sa ama na ninais niyang hindi umuwi at makita sa kanyang magulang.
Wakas :
Nagkasakit ang kanyang ama pero nagmamatigas parin ang anak na hindi
umuwi at ayaw nitong makita.
Isang araw umuwi ang anak, nagtaka siya kung bakit wala ang kanyang mag-
ina. Nalaman niya sa kanilang katulong na umuwi na probinsiya sapagkat malubha
ang kanyang ama.Habang nag-iisa hindi siya mapalagay muli niyang naalala ang
masayang araw ng kanyang ama kaya’t nagpasiya siya kinaumagahan na umuwi ng
screenshot. probinsiya.
Commented [JRDC1]: Please iencode po ulit. Huwag po Ngunit pagdating niya nasa loob na ng kabaong ang kanyang ama at ibinilin sa
ina na masaya siya sa naabot ng kanyang anak at hindi ito naghinanakit kahit
kailanman.
Tuklasin:
Gawain I:
Ang banghay ay mahalagang sangkap ng maikling kuwento tungkol sa maayos na
pagkasunod-sunod ng pangyayari na nag-iiwan ng kakintalan sa isipan ng
mambabasa.
Gawain II.
Mag-aaral nang mabuti upang makatapos. Sumunod sa payo ng mga magulang
bilang gabay sa matagumpay na kinabukasan.
Gawain III.
Paraan ng Pagdidisiplina ng Anak:
Pagsaway sa masamang gawi ng isang anak.
Pagturo ng mabuting asal .
Pagbibigay pangaral sa tuwina
subukin: gawain II
sanhi bunga
1. pagsunod sa payo ng mga magulang
mapapabuti ang buhay
2. pagsama ng loob sa mga magulang
makapagtapos ng pag-aaral
3. pag-aaral nang mabuti
magiging matagumpay
4. pagsisikap sa buhay
maayos ang pamumuhay
5. pagiging pabaya ng magulang
mapapaayos ang kinabukasan ng anak
18
Pagyamanin
Gawain III. Fishbone Map
Sanhi: Bunga
1. Hindi binilhan ng guryon ang anak kaya nagtampo sa kanyang ama
2. Nag-aral siyang mabuti kung kaya nakapagtapos siya ng
pag-aaral
Gawain IV.
Kawayan- sumasabay sa hampas ng hangin (pagsubok) ngunit muling
tumatayo at nanatiling matatag.
Pagyamanin:
Gawain I.
1. Tungkol sa mag-ama na nagkaroon ng lamat ang kanilang relasyon sapagkat
hindi naunawan ng anak ang nais ng ama na mapabuti ang kangayng buhay.
2. Na ang ang buhay ay dumadaan sa proseso na kailangan mong magsikap at
magsimula sa ibaba upang maabot ang pinapangarap sa buhay.
3. Naging sarado ang kanyang isipan sapagkat akala niya hindi siya mahal ng
kanyang ama.
4. Matuto tayong sumunod sa payo ng ating magulang.
5. Maging positibo ang pananaw sa buhay.Hanggang may buhay may pag -asa.
GawainII.
Simula-
Nagpabili ng guryon sa kanyang ama ngunit sinabi nito na saranggola ang kanilang
gagawin upang hindi kaagad maputol at di kaagad masira
Naramdaman ng batang lalaki na kinakaawa siya ng kanyang ama dahil sa mga
bagay na hindi binigay sa kanya, kaya mas lalong nagalit siya sa kanyang ama.
Sa paglipas ng panahon hindi parin nawala ang galit ng batang lalaki sa kanyang
ama, kahit sa pagpili ng kursong pag-aaralan, ang desisyon ng kanyang ama parin
ang natupad at para siya na ang mamalakad sa kanilang negosyo kung wala na
ang magulang niya. Dumating ang araw na nakapagtapos ang batang lalaki sa
koliheyo.
Isaisip:
1. maikling kuwento
2. maunawaan
3. pagkasunod-sunod ng pangyayari
4. nakapagpapaliwanag
5. nakapaglalarawan
Sanggunian
19
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.
20