You are on page 1of 20

,S

8
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Popular na Babasahin
(Kontemporaryong Panitikan
tungo sa Kultura at Panitikang Popular)

AIRs - LM
Filipino 8 (Kontemporaryong Panitikan tungo sa Kultura at Panitikang
Popular)
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Popular na Babasahin
Unang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Rachelle M. Padin


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph. D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Isang magandang araw sa iyo kaibigan! Batid kong nakapagpamalas ka ng


katalinuhan noong nakaraang aralin. Ngayon ay papadyak ka muli sa mga pagsubok
na lalong ikauunlad ng iyong kaalaman at ikalilinang ng iyong kaisipan. Bagong
aralin at bagong kaalaman.

Kaibigan ngayon ay sasapulin at gagalugarin mo ang mga pagsubok sa


mundo ng popular na babasahing umaangkop sa kontemporaryong panitikan tungo
sa kultura at panitikang popular. Tunay na sa iyong pagbabasa, may bagong
kaalaman na lalong lilinang sa iyong kakayahan.

Matutuklasan mo sa Modyul 1 ang mga Popular na Babasahin gaya ng


pahayagan, komiks, magasin, at dagling katha na tiyak kong kinawiwilihan ng
kabataang kagaya.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga


sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC):


1. Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: paksa, layon,
tono, pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata
at pagbuo ng pangungusap. (F8PB-llla-c-29)
2. Nabibigyang-kahulugan ang mga lingo/termino na ginagamit sa mundo ng
multimedia. (F8PT-111a-c-29)

Kaibigan, handa ka na ba? Kung gayon, maaari mo nang simulan ang mga
pagsubok sa aralin.

1
Aralin

1.1 Pahayagan

Simulan

Handa ka na ba? Alam kong masisiyahan ka sa mga matutuklasan mo habang


pinag-aaralan ang araling ito. Halika na’t simulang pagyamanin ang iyong kaalaman
tungkol sa pahayagan at mga terminong ginagamit sa mundo ng multimedia.

Gawain 1: Tsek o Ekis?


Panuto: Basahin ang bawat pahayag. Isulat ang tsek ( ✓ ) kung ito ay tama at
ekis ( X ) kung hindi sa iyong sagutang papel.
_____ 1. Ang pangunahing wikang ginagamit sa Tabloid ng Pilipinas ay
Filipino.
_____ 2. Ang broadsheet ay pormal na uri ng pahayagan, karaniwang
nakaimprinta sa malaking papel at nakasulat sa Filipinong wika.
_____ 3. Ang anunsyo klasipikado ay bahagi ng pahayagang nakalaan para
sa mga taong naghahanap ng trabaho na pwedeng pag-aplayan.
_____ 4. Ang libangan ay bahagi ng pahayagang naglalaman ng mga
balitang naghahatid ng aliw sa mga mambabasa.
_____ 5. Ang Balitang Pandaigdig ay uri ng pahayagang naglalaman ng mga
balitang may kaugnayan sa labas ng ating planeta.

Gawain 2: Tukuyin Mo!


Panuto: Tukuyin ang mga salita sa crossword puzzle sa tulong ng mga gabay sa
ibaba. Pagkatapos, isulat mo sa sagutang papel ang titik ng iyong sagot sa mga
kahon upang mabuo ang mga “Lingo” na ginagamit sa Mundo ng Multimedia.

1.W 2.

B 6.H
E
R
W N
3. U M R
T M
4. C I 5. T E
W C D
S I
A
1. Isang sistema ng magkakabit na mga dokumentong makukuha sa Internet.
2. Agham ng komunikasyon at ng awtomatikong sistema ng pagkontrol kapwa
sa makina at buhay na nilalang.
3. Paggamit sa higit sa isang pamamaraan ng pagpapahayag o komunikasyon.
4. Taong eksperto sa teknolohiya.
5. Internasyonal na network na pangkompyuter na nag-uugnay sa mga
indibidwal na nasa iba’t ibang panig ng mundo.
6. Ang pagsasama-sama ng iba’t ibang klase ng teknolohiya katulad ng audio,
video, graphics, plain text at hyperlinks.

Binabati kita kaibigan sa mahusay na pagsagot. Naumpisahan mo kaya alam


kong matatapos mo. Halika na’t ituloy at payabungin ang iyong kaalaman.

Lakbayin

Alam mo bang…
Pahayagan ang pinagkukunan ng mga balita noong panahong hindi pa uso
ang telebisyon, radyo at internet? Ngayon, atin itong bibigyan ng kahulugan. Atin
ding aalamin ang dalawang uri nito at ang ilan sa mga bahagi ng dyaryo.

Ang pahayagan ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita,


impormasyon at patalastas, kadalasang naimprenta sa mababang halaga. Ito ay
maaaring pangkalahatan o may espesyal na interes. Ang iba pang terminolohiya
para sa salitang ito ay dyaryo at peryodiko.

Dalawang Uri ng Pahayagan


1. Broadsheet – Ang broadsheet ay pormal na uri ng pahayagan, karaniwang
nakaimprinta sa malaking papel at nakasulat sa Ingles na wika. Malawak ang
nasasaklaw ng sirkulasyon nito. Bukod sa mga balita sa loob ng bansa,
naglalaman din ang broadsheet ng mga internasyonal na mga kaganapan.
Ang target reader nito ay mga class A at B.
2. Tabloid – Ito naman ay maituturing na impormal na uri ng pahayagan. Ito ay
mas maliit at mas kaunti ang nilalaman kumpara sa broadsheet. Ang
pangunahing wika na ginagamit sa Tabloid ng Pilipinas ay Filipino. Sa
dyaryong ito, maari kang makabasa ng mga salitang balbal at sa ibang tabloid
ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya’t
tinagurian itong sensationalized journalism.

Mga Bahagi ng Pahayagan


Ang sumusunod ay ang mga bahagi ng pahayagan o dyaryo:
1. Mukha ng Pahayagan – Ito ang pinakaunang pahina ng pahayagan.
Naglalaman ito ng pangalan ng pahayagan at headline o ulo ng mga balita.
Makikita mo rin sa pahinang ito ang petsa kung kailan nailimbag ang dyaryo.
2. Balitang Pandaigdig – Mababasa naman sa bahaging ito ang mga
kaganapan sa iba’t ibang parte ng daigdig. Naglalaman din ito ng mga
balitang may kaugnayan sa labas ng ating planeta.
3. Balitang Panlalawigan – Nakapaloob naman sa bahaging ito ang mga
kaganapan sa iba’t ibang lalawigan ng bansa.
4. Editoryal o Pangulong Tudling – Ang pahinang ito ay naglalaman ng
matalinong kuro-kuro ng patnugot o mamamahayag tungkol sa isang
napapahong isyu o paksa.
5. Balitang Komersyo – Ang bahaging ito ng pahayagan ay naglalaman ng mga
ulat na may kaugnayan sa industriya, kalakalan at komersyo. Mababasa rin
dito ang kasalukuyang estado ng palitan ng piso kontra sa pera ng ibang
bansa.
6. Anunsyo Klasipikado – Ang pahinang ito ay nakalaan para sa mga taong
naghahanap ng trabaho na pwedeng pag-aplayan. Dito rin mababasa ang mga
patalastas tungkol sa mga bagay na ipinagbebenta o pinapaupahan tulad ng
kotse, bahay at iba pang ari-arian.
7. Obitwaryo – Ito ay parte ng pahayagang naglalaman ng mga anunsyo tungkol
sa mga taong pumanaw na. Mababasa sa bahaging ito ang impormasyon ng
mga namayapang tao, kung saan ito nakaburol, kailan at kung saan ito
ililibing.
8. Libangan – Ang pahinang ito ay naglalaman ng mga balitang naghahatid ng
aliw sa mga mambabasa. Mababasa dito ang mga balita tungkol sa mga
kaganapan sa showbiz, mga tampok na palabas sa pelikula at telebisyon at
iba pang maiuugnay sa sining. Naglalaman din ito ng mga laro na
nakakukuha ng interes ng mga mambabasa, tulad ng sudoku at crossword
puzzle. Dito rin matatagpuan ang komiks at horoscope.
9. Lifestyle – Mababasa sa bahaging ito ang mga artikulong may kaugnayan sa
pamumuhay. Tulad ng tahanan, pagkain, paghahalaman, paglalakbay at iba
pang aspekto ng buhay sa lipunan.
10. Isport o Palakasan – Sa bahaging ito mababasa ang iskedyul ng mga laro.
Mababasa din sa bahaging ito ang mga kaganapan at balita tungkol sa iba’t
ibang isport sa loob at labas ng bansa.

Galugarin

Gawain 3: Ihanay Mo!


Panuto: Ihanay sa loob ng kahon ang sumusunod na pahayagan kung saan ito
nakauri. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Abante Malaya Manila Philippine The
Bulletin Daily Manila
Inquirer Times
Bulgar Bandera Balita PM The
Philippine
Star
TABLOID BROADSHEET
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
Magaling! Naisakatauparan mo ang gawain. Ngayon ay ipagpatuloy natin ang
paglalayag mo upang mapag-ibayo ang iyong kaalaman.
Palalimin

Gawain 4: Suriin Mo!


Panuto: Kumuha ng isang kopya ng tabloid. Ilista ang bawat bahagi nito. Gumupit
ng tig-isang halimbawa sa bawat bahagi at ilarawan. Idikit ito sa sagutang papel.
Pagkatapos suriin ito. Sa pagsusuri, tukuyin kung bakit inilagay ang bahaging iyon
at kung ano ang inaasahan nitong mambabasa.
Pangalan ng Tabloid: __________________________________________________________
Petsa ng Pagkakalathala: ______________________________________________________
Mga Bahagi at halimbawa: ____________________________________________________
Deskripsiyon: ________________________________________________________________
Pagsusuri: ___________________________________________________________________

Bilib ako sa pagsagot mo! Binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang mga
iba’t ibang gawain. Ngayon ay ihanda ang sarili sa susunod na aralin.

Aralin

1.2 Magasin

Simulan

Mahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga nakalipas na


gawain. Batid kong marami kang natutuhan sa pahayagan. Ngayon ay magpatuloy
tayo sa magasin. Handa ka na ba? Sige, ipagpatuloy mo na.
Gawain 1: Akronim
Panuto: Bigyan ng sariling kahulugan ang bawat letra ng salitang magasin.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

M
A
G
A
S
I
N

Mahusay! Naisakatuparan mo ang unang gawain. Ngayon ay ipagpatuloy natin


ang paglalayag mo upang lalong mapag-ibayo pa lalo ang iyong kaalaman.
Lakbayin

Alam mo bang ang…


Magasin ay peryodikong publikasyong naglalaman ng maraming artikulo,
kuwento, larawan, anunsyo at iba pa? Ito ay kadalasang pinopondohan ng mga
patalastas.
➢ Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa.
➢ Ito ay may sukat na mas malaki kaysa aklat ngunit mas maliit kaysa
pahayagan.
➢ Maaring ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga produkto na ineendorso
ng mga sikat na tao sa bansa.

Ang Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas


1. Lipang Kalabaw (1907) – ang magasin ay pag-aari ng editor din nito na si
Lope K. Santos. Ang Lipang Kalabaw ay tumatalakay sa mga isyu ng politika,
lipunan at kultura. Naging kontrobersyal ang magasing ito dahil sa mga
karikatura ng mga kilalang personalidad ng panahong iyon. Ayon sa mga
mananalaysay ng sining, ang mga karikaturang ito ay iginuhit ni Jorge Pineda.
Tumigil ang operasyon ng magasin noong 1909 dahil sa mga reklamo ng mga
opisyal ng pamahalaan na parati nitong tinutuligsa. Ito’y nailathala sa tatlong
magkakaibang panahon: 1907-1909, 1922-1924, 1947-1948 dahil sa paulit-
ulit na pagpapatigil dito. Ilan sa mga tinuligsa nitong politiko ay sina
Gobernador Leonard Wood. May mga komiks din na nailathala dito bilang
isang “page filler” na tumutuligsa sa pamumuno ng mga Amerikano.
2. Telembang (1922-1924) – ay isang satirikong lingguhang magasing nasa
sirkulasyon ng industriya noong 1922 hanggang 1924. Ang pangunahing
editor sa magasing ito ay si Inigo Ed Regalado. Ang magasing ito ay
naglalaman ng mga nakakatawang mga kuwento mga karikatura at mga
kartun. Ayon sa mga historyador, ang mga kartun sa magasing ito ay likha
nina Fernando Amorsolo at Jorge Pineda. Ang magasing ito ay naglalaman ng
mga satirikong kartun na laban sa mga Amerikano at mga pederalista.
Mayroong 111 isyu ang magsing ito.
3. Liwayway (1922) – naunang nakilala bilang “Photo News” ito’y naglalaman ng
mga larawan, balita, salaysayin, sanaysay, prosa at tula, at nasusulat sa
tatlong wika. Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin
sa Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga
nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga
Pilipino. Inilunsad ni Ramon Roces ang mga magasing nasa katutubong wika.
Mayroon pa ring magasing Liwayway hanggang sa kasalukuyan.

Ang kasalukuyang Nangungunang mga Magasin


Dahil sa mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang
produksyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang
magpasukan ang iba’t ibang magasin na mula sa ibang bansa. Halika na’t alamin
ang mga ito.
1. Candy – Tinatalakay nito ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito
ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakakaunawa sa sitwasyon ng
kabataan sa kasalukuyan.
2. Cosmopolitan – Ito ay isang magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo rito
ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga
pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
3. Entrepreneur – Ito ay magasing naglalaman ng mga artikulong makatutulong
sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.
4. FHM (For Him Magazine) – Ito naman ay magasing para sa kalalakihan na
naglalaman ng mga artikulong nais pag-usapan ng kalalakihan tulad ng mga
isyung may kinalaman sa buhay, pag-ibig at iba pa nang walang pag-
aalinlangan.
5. Good Housekeeping – Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga
artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang
mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.
6. Men’s Health – Karaniwang tinatalakay rito ang tungkol sa mga isyu ng
kalusugan tulad ng pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang,
mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan na naging dahilan upang
maging paborito ito ng kalalakihan.
7. Metro – Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu
hinggil sa kagandahan ang nilalaman nito.
8. T3 – Isang magasin para sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling
pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga
napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
9. Yes! – Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay
palaging bago, puno ng mga nakaw-atensiyong larawan at malalamang detalye
tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.
Galugarin

Gawain 2: Paghambingin Mo!


Panuto: Paghambingin ang mga magasin noon sa ngayon gamit ang Venn Diagram.
Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

NOON NGAYON

Magaling kaibigan! Nagagalak akong iyong nasagutan ang gawain. Ngayon,


humanda sa gawaing lalong hahasa sa iyong isipan.

Palalimin

Gawain 3: Pananaliksik
Panuto: Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga magasin, magsagawa ng
pananaliksik sa inyong mga kapitbahay kung anong popular na magasin ang
binabasa nila. Gamiting gabay sa pananaliksik ang kasunod na balangkas na nasa
ibaba. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
Pamagat:
Mga Natuklasan sa Naunang Binasang Mga Natuklasan sa Isinagawang
Pananaliksik Pananaliksik

Konklusyon
_____________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Aralin

1.3 Komiks

Simulan

Mahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga nakalipas na


gawain. Batid kong marami kang natutuhan tungkol sa magasin. Ngayon ay
magpatuloy tayo sa magasin. Handa ka na ba? Sige, ipagpatuloy mo na.

Gawain 1: Wala Kayo sa Lolo Ko!


Panuto: Ayusin ang sumusunod na pangungusap para kompletuhin ang pag-uusap
ng tatlong mag-aaral. Lagyan ng bilang mula isa hanggang lima ayon sa
pagkakasunod ng mga pangungusap.

_____ Wala palang binatbat ang mga lolo niyo sa lolo ko! Nakatayo lang sa gitna,
walang harang at hindi tinatamaan ng bala.
_____ Hapon kasi ang lolo ko!
_____ Owss!?
_____ Noong panahon ng hapon, ang lolo ko sa plywood nagtatago pero hindi siya
tinamaan ng bala.
_____ Wala yan sa lolo ko. Sa kurtina nagtago at hindi rin tinatamaan ng bala.

Magaling kaibigan! Natutuwa akong nasagutan mo ang unang gawain. Ihanda


ang sarili sa mga susunod na gawain.
Lakbayin

Alam mo bang ang…


Komiks ay mula sa Ingles na comics, ang komiks ay isang grapikong midyum
na ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o
kuwento?
➢ Ito ay ibinibilang ding isang makulay at popular na babasahing ang layunin
ay magbigay-aliw sa mga mambabasa, magturo ng iba’t ibang kaalaman at
magsulong ng kulturang Pilipino.
➢ Kadalasang naglalaman ang komiks ng kaunting dayalogo sapagkat binubuo
nito ng isa o higit pang mga larawan, na maaring maglarawan o magbigay-
kahulugan sa teksto upang higit na mapukaw ang atensiyon ng mga
mambabasa.
➢ Isa ito sa panitikang biswal na naging popular nitong ika-20 siglo sa bansa.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Komiks


➢ Mauugat ang pagguhit ng komiks noong 1885, nang iguhit ni Jose Rizal sa
anyong kartun ang tanyag na pabulang “Ang Pagong at ang Matsing” sa album
ni Paz Pardo de Tavera na nililigawan pa noon ni Juan Luna sa Paris.
➢ Inihudyat naman ang pagiging industriya ng komiks nang likhain at ilathala
ni Tony Velasquez ang nakatatawang buhay ni Kenkoy noong 1929. Naging
bahagi ito ng lingguhang magasing Liwayway na naisalin din sa iba pang mga
rehiyonal na magasing gaya ng Bannawag, Hiligaynon, Bisaya, at Bikolnon.
➢ Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsimulang maging
pangunahing babasahing Filipino ang komiks na hinalaw sa comic book ng
mga Amerikano.
➢ Nailathala ang Halakhak Komiks noong 1946, ang kaunaha-unahang
lingguhang serye ng komiks na nailimbag sa Pilipinas. Sinundan ito ng
Pilipino Komiks, Hiwaga Komiks, Espesyal Komiks at Tagalog Klasiks ng Ace
Publications sa pamamahala ni Tony Velasquez at sinundan pa ng ibang
publikasyon.
➢ Noong mga dekada 1970-1980, umabot sa tatlong milyon kada linggo ang
nailalathala at malaki ang ambag sa pagpapalaganap ng pambansang wika at
pagbasa para sa mas nakararaming mamamayang walang kakayahang bumili
ng mga libro.
➢ Subalit, nanghina ito sa pagbubukas ng dekada ‘90 dahil nagsawa diumano
ang mambabasa sa hindi nagbabago bukod sa sumasamang uri ng kuwento’t
guhit, ang palatandaan ng sobrang komersiyalisasyon.

Mga Bahagi ng Komiks


1. Pamagat ng Kuwento – pamagat ng komiks, pangalan ng komiks.
2. Larawang guhit ng mga tauhan sa kuwento – mga guhit ng tauhan na
binibigyan ng kuwento.
3. Kuwadro – Naglalaman ng isang tagpo sa kuwento (frame).
4. Kahon ng Salaysay – Pinagsusulatan ng maikling salaysay.
5. Lobo ng Usapan – Pinagsusulatan ng usapan ng mga tauhan, may iba’t ibang
anyo ito batay sa inilalarawan ng dibuhista.
Galugarin

Gawain 2: Ayusin Mo!


Panuto: Ayusin ang mga ginulong salita sa loob ng panaklong upang mabuo ang
mga pahayag sa talata tungkol sa komiks. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Ang pagiging __________________ (akmlinhai) ng mga gumagawa ng komiks
ang nagpapagalaw maging sa mga bagay na walang ___________ (huaby). Nakikita
nila ang mga ___________ (abagy) na hindi nakikita ng iba. Nakalilikha sila ng mga
bagay na mula sa __________ (aawl). Nakagagawa sila ng mga ________________
(kmihaa) o kababalaghan. At kahit walang teleskopyo, gamit ang kanilang
_____________________ (iimhyonasan) ay nagagalugad nila ultimong tuldok sa
________________(klaakaanw). Nakalilikha sila ng _________________ (keuwngnto)
bukod sa ating ______________ (umdno) ay may iba pang mundo, at may iba pa
palang uri ng mga ____________ (nagnilla).
Pak na pak ang iyong galing sa pagsagot kaibigan. Ihanda ang sarili sa
susunod na gawain.

Palalimin

Gawain 3: Komik Strip


Panuto: Gamit ang komik strip na may apat na tauhan, lagyan ito ng angkop na
salitaan kung paano makaiiwas sa COVID-19. Gayahin o gumawa sa sagutang
papel.
Pamantayan Puntos
Kaisahan ng mga pangyayari 5
Salitang ginamit 5
Kaangkupan sa paksa 5
Kabuoang Puntos 15
5-Napakahusay 4-Mahusay 3-Katamtaman 2-Di-mahusay 1-Sadyang Di-mahusay

Matalinong pagsagot kaibigan! Humanda muli para sa susunod na aralin.


Aralin

1.4 Kontemporaryong Dagli

Simulan

Mahusay! Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga nakalipas na


gawain. Batid kong marami kang natutuhan sa komiks. Ngayon ay magpatuloy tayo
sa mga nahanay na gawain Handa ka na ba? Sige, ipagpatuloy mo na.
Gawain 1: Paghahanay
Panuto: Kilalanin mo at piliin sa hanay A ang mga akda na isinulat ng mga
manunulat na nasa hanay B. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
HANAY A HANAY B
_____ 1. May pagsinta'y walang puso… A. Rosauro Almario
_____ 2. Isang punongkahoy B. Francisco Laksamana
_____ 3. Ang mananayaw C. Iñigo Ed. Regalado
_____ 4. Ang Sampaguita D. Lope K. Santos
_____ 5. Renacimiento Filipino E. Jose Corazon de Jesus
_____ 6. Banaag at Sikat F. Patricio Mariano

Lakbayin

Alam mo bang ang…


Dagli ay isang anyong pampanitikang maituturing na maikling kuwentong
nagsasalaysay ng iba’t ibang paksa sa buhay ng isang tao?
➢ Ito rin ay iba sa mga gawang panitikan tulad ng Alamat, Pabula at iba pa dahil
ito ay sadyang maikli. Karaniwan ay nasa isang daang salita o kaya naman ay
aabot hanggang apat na raang salita lamang.
➢ Bagama’t walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing
lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring
nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang
pampanitikan.
➢ Subalit sinabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling
kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli ay sina Iñigo Ed.
Regalado na may bansag na Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus na
tinaguriang “Makata ng Pag-ibig”, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio
Mariano na tinaguriang puno ng mandudulang tagalog at tinawag siya ni G.
Artigas y Cuerva na “anak ng pahayagan ng tagalog”, Francisco Laksamana
na kilalang Pilipino na komandante ng hukbo ng mga Español, at Lope K.
Santos na dating senador ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, kilala naman si Eros
S. Atalia sa kaniyang mga kakaiba at natutuwang dagling kontemporaryo.
Halimbawa ng Dagli

Kasabikan
Mahigit treinta pesos ang pinagbilhan niya sa mga boteng inipon niya nang
mahigit dalawang linggo. Dapat nga beinte-otso lang. Mabuti’t kilala niya ang
magbobote, pinasakto na niya. Hindi niya napigilan ang ngumiti nang iabot sa
kaniya ng magbobote ang pera. Bakit nga hindi? Kumpleto na ang dalawandaan
niya! Tatlong buwan niya kaya ‘yong inipon. Kahit minsan hindi na siya mag-
recess. Kahit hindi na siya makarenta ng computer para makapag-Facebook. Kahit
hindi na muna niya mabayaran ang inutang na Zest-O kina Aling Mila. Ang
mahalaga, mabibili na niya ang gusto niya! Tinext niya agad si Rachel. Sabi niya,
may pera na siya. Sagot naman nito, magkita na raw sila, para mabili na niya ang
gusto niya. Matagal na niyang pinapangarap ‘yon. Simula pa noong mapanood niya
‘yon sa bahay ng Kuya Jessie niya. At pamaya-maya, nagkita nga sila ni Rachel.
Sa loob ng tatlumpung minuto, ubos ang dalawandaan.
Kinabukasan, Lunes. May pasok na siya. Ihing-ihi siya nang magising.
Ngunit nang sinubukan niyang umihi ay matinding kirot ang naramdaman niya.
At kahit masakit, may lumabas naman. Hindi nga lang ihi.
Kundi nanà.
philnews.ph by: Ki

Sa kasalukuyan sinasabing nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap


na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga
tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita
(headline) sa pahayagan at telebisyon. Sa kasalukuyan nagkaroon na ng bagong
kahulugan ang dagli. Hindi na lang ito tinatawag na dagli kundi nagkaroon na ito ng
ibang lehitimong pangalan at katawagan – anekdota, spice-of-life, day-in-the-life, at
iba pa.

Galugarin

Ngayon basahin at unawain mo ang kasunod na teksto.

Brown Out
Eros S. Atalia

Ginising siya ng kaniyang hika. Naliligo pala siya sa pawis dahil sa init.
Madilim. Brown out. Wala siyang ibang magawa kundi umiyak. Sa simula
ay hikbi hanggang maging sigaw… “Mommy!”
Nasanay na siyang laging si Mommy lang ang katabi sa pagtulog hanggang
pagkagising. Sa Pasko pa uuwi si Daddy.
Bumukas ang pinto. Nasilaw siya sa flashlight na dala ng anino. “Anak…
dito na si Mommy.”
Patakbo niyang niyakap ang ina. Kapwa sila basing-basa ng pawis. Biglang
nagsindi ang ilaw.
Napatigil ang kanyang pag-iyak. Nasa pintuan ang taong tuwang-tuwa
siyang makita tuwing Pasko. Napakaraming regalo kasi ang natatanggap niya dito.
“Ninong!”
Gawain 2: Paghambingin Mo!
Panuto: Ihambing ang dagling “Kasabikan” sa dagling “Brown Out” batay sa
katangiang nakatala sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

“Brown Out” “Kasabikan”


Paksa
Layon
Tono
Pananaw
Pagkakasulat
Pagbuo ng Salita
Pagbuo ng Talata
Pagbuo ng Pangungusap

Matalinong pagsagot kaibigan! Kahanga-hanga ang ipinakita mong galing.

Palalimin

Gawain 3: Opinyon Mo, Ipahayag Mo!


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong na hindi lalagpas sa tatlong
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Paano mo ilalarawan o bibigyang-kahulugan ang kontemporaryong dagli sa
kasalukuyan? Bakit nagkaroon ng pagpapalit-anyo at pagbabago ng
kahulugan ang popular na babasahing ito?
___________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, alin sa mga nabanggit na popular na babasahin ang higit
na nakaiimpluwensiya sa buhay, pag-uugali at pag-iisip ng mga Pilipino?
Bakit?
___________________________________________________________________________
3. Paano ka makatutulong upang mahikayat ang iyong kapwa kabataan na
tangkilikin ang mga babasahing popular?
___________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagtataya ng Awtput

Napakahusay Mahusay Katamtamang- Nangangailangan


husay ng gabay
(5) (4) (3) (2)
Paghahayag
ng opinyon.
Maingat na
paggamit ng
wika.
Mabisang
nagamit
Sukatin

Binabati kita dahil nalakbay nang buong talino, nagalugad nang buong tapang
at napalalim nang buong husay ang iyong diwa sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito.
Ngayon, ating susukatin ang iyong kaalaman sa kabuoan ng modyul na ito. Galingan
mo pa lalo!

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin, unawain, at piliin mo sa loob ng kahon ang sagot na
inilalarawan o pinatutungkulan ng bawat pahayag. Ilagay ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1858 Pahayagan Telembang Mukha ng Pahayagan

1885 Magasin Lipang Kalabaw Editoryal o Pangulong Tudling

1922 Komiks Obitwaryo Balitang Panlalawigan

1946 Dagli Libangan Anunsyo Klasipikado

1964 Liwayway Lifestyle Balitang Komersyo

_____ 1. Ito ang taon nang iguhit ni Jose Rizal sa anyong kartun ang tanyag na
pabulang Ang Pagong at ang Matsing sa album ni Paz Pardo de Tavera
na nililigawan pa noon ni Juan Luna sa Paris.
_____ 2. Ito ay naunang nakilala bilang “Photo News” ito’y naglalaman ng mga
larawan, balita, salaysayin, sanaysay, prosa at tula at nasusulat sa
tatlong wika.
_____ 3. Tumigil ang operasyon ng magasing ito noong 1909 dahil sa mga
reklamo ng mga opisyal ng pamahalaan na parati nitong tinutuligsa.
_____ 4. Ang pahina ng pahayagang naglalaman ng matalinong kuro-kuro ng
patnugot o mamamahayag tungkol sa isang napapanahong isyu o
paksa.
_____ 5. Ito ang taon na nailathala ang Halakhak Komiks na kauna-unahang
lingguhang serye ng komiks na nailimbag sa Pilipinas.
_____ 6. Isang anyong pampanitikang maituturing na maikling kuwento.
_____ 7. Ito ay ibinibilang ding isang makulay at popular na babasahing ang
layunin ay magbigay-aliw sa mga mambabasa, magturo ng iba’t ibang
kaalaman at magsulong ng kulturang Pilipino.
_____ 8. Kadalasang pinopondohan ng mga patalastas.
_____ 9. Ito ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at
patalastas, kadalasang naimprenta sa mababang halaga.
_____ 10. Ito ang pahina ng pahayagang naglalaman ng pangalan ng pahayagan
at headline o ulo ng mga balita.
B. Panuto: Binagong Tama o Mali. Basahin, unawain at tukuyin ang sumusunod
na pahayag. Kung wasto ang payahag isulat ang salitang “Tama”, kung hindi
wasto ang pahayag hanapin, isulat ang salitang hindi angkop at isulat ang
wastong sagot sa iyong sagutang papel.
_____ 1. Ang paglaganap ng internet, pag-usbong ng iba’t ibang social media
sites gaya ng Facebook at Twitter, gayondin ang pagkahumaling ng
kabataan sa pagtangkilik sa mga website gaya ng YouTube, ay
nagdulot ng kaunting pagbabago sa Kulturang Pilipino.
_____ 2. Ang pagkahilig ng kabataan sa mga kontemporaryong anyo ng
panitikan ang nag-udyok sa pagbabagong bihis ng tradisyonal na anyo.
_____ 3. Ang Candy ay halimbawa ng kasalukuyang magasing na gawa ng mga
matatandang manunulat na mas nakakaunawa sa sitwasyon ng
kabataan sa kasalukuyan.
_____ 4. Ang tabloid ay isang bahagi ng pahayagan na maari kang makabasa ng
mga salitang balbal.
_____ 5. Karaniwang tinatalakay sa FHM (For Him Magazine) ang tungkol sa
mga isyu ng kalusugan tulad ng pamamaraan sa pag-ehersisyo,
pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na
kalusugan na naging dahilan upang maging paborito ito ng
kalalakihan.

Kamangha-mangha, tunay na napakagaling mo!


Binabati kita sa iyong paglalayag sa mundo ng
karunungan. Nakatutulirong paglalakbay ngunit
nakatataba ng utak na siyang magiging sandata
mo upang lalong makapag-imbak ng dunong at
kagandahang-asal. Nawa’y ang natutuhan mo sa
popular na babasahin ay maipunla sa iyong
puso’t isipan. Ihanda mo ngayon ang iyong sarili
sa susunod na modyul – Modyul 2:
Kontemporaryong Programang Panradyo
ARALIN 1.1: Pahayagan Gawain 2
Gawain 1 1. Malikhain
1. ✓ 2. Buhay
2. X 3. Bagay
3. ✓ 4. Wala
4. ✓ 5. Mahika
5. X 6. Imahinasyon
7. Kalawakan
Gawain 2 8. Kuwentong
1. World Wide Web 9. Mundo
2. Cybernetics 10. Nilalang
3. Multimedia
4. Techie Gawain 3
5. Internet Iba-iba ang sagot
6. Hypermedia
ARALIN 1.4: Kontemporaryong Dagli
Gawain 3 Gawain 1
(1-5) 1. C
Abante 2. E
Bulgar 3. A
Bandera 4. F
Balita 5. B
PM 6. D
(6-10)
Manila Bulletin Gawain 2 & 3
The Manila Times Iba-iba ang sagot
The Philippine Star
Malaya Pangwakas na Pagtataya
Philippine Daily Inquirer A.]
1. 1885
Gawain 4 2. Liwayway
Iba-iba ang sagot 3. Lipang Kalabaw
4. Editoryal
ARALIN 1.2: Magasin 5. 1946
Gawain 1, 2 & 3 6. Dagli
Iba-iba ang sagot 7. Komiks
8. Magasin
ARALIN 1.3: Komiks 9. Pahayagan
Gawain 1 10. Mukha ng pahayagan
1. 3 B.]
2. 5 1. kungting - marami
3. 4 2. Tama
4. 1 3. matatandang - batang
5. 2 4. bahagi - Uri
5. FHM (For Him Magasin)
-Men’s Health
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most
Essential Learning Competencies. p. 231-232

Peralta, R. N. et.al. Filipino 8 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group, Inc.
(2013).

Bailsa-Julian, Aileen G. Dayag, Alma M. Pluma I Wika at Panitikan para sa Mataas


na Paaralan. Quezon City, Philippines, Phoenix Publishing House, Inc., 2009

Bailsa-Julian, Aileen G. et.al. Pinagyamang Pluma 8 (K-12). Quezon City, Philippines,


Phoenix Publishing House, Inc., 2015

Enrijo, Willita. et.al. Panitikang Pilipino 8 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Book
Media Press, Inc. (2013).

Media/websites/Internet Sites
Featured image – Freepik.com
http://lessonproper.blogspot.com/2011/07/bahagi-ng-pahayagan.html
https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-pahayagan/ Brian Carlo May 3, 2019
http://www.aralingpilipino.com/2019/06/ano-ang-magasin.html
https://philnews.ph/2020/02/26/ano-ang-dagli-ang-kahulugan-ng-salitang-
dagli/ by Ki
https://ar-ar.facebook.com/oplanwifi2035/posts/ang-wikang-filipino-sa-
edukasyong-panteknolohiyaisang-teknolingguwal-na-pagtalak/370071129673095/

You might also like